Chapter 2

2144 Words
SERENITY "Gising na, nandito na tayo." Isang mahinang tapik at malamig na boses ang gumising sa akin. Inaantok kong kinusot ang aking dalawang mata bago nilibot ang paningin ko sa labas ng bintana. "Hindi ito ang bahay ko. Ba't mo ako dinala dito sa condo mo?" naiinis kong tanong sa kaniya. "Masyadong malayo ang bahay mo kaya dito na lang kita dinala. Kailangan ko pang bumalik sa hotel dahil kanina pa ako hinihintay ni Shanelle." Shanelle pala ang pangalan ng girlfriend niya. Kusa akong yumuko para hindi niya makita ang nagbabadyang luha mula sa aking traydor na mga mata. Lumabas na ako sa kaniyang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng lift. Hindi ko siya nilingon ng tawagin niya ang pangalan ko. Pagdating ko sa loob ng condo niya ay doon ko binuhos ang sakit na aking nadarama. It hurts like hell to hear him talking to another woman, especially his new girlfriend. Sana hinayaan na lang niya ako sa bar kanina! Pagkatapos kong umiyak ng halos tatlumpung minuto ay tinawagan ko si Asena. Nagbabakasakali na sana ay hindi pa siya lasing dahil magpapasundo ako ngayon dito sa condo ni Maximillian. Mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko kapag nanatili ako dito. Ano ang balak niya? Iuuwi niya rin dito ang girlfriend niya? Ano 'yan, reunion ng past at present niya. "A-Asena, nasaan ka? Nandiyan ka pa ba sa bar?" Gusto kong itago ang nanginginig kong boses subalit masyado akong emosyonal ngayon kaya mariin akong napapikit. Napamura sa kabilang linya si Asena ng marinig niya ang basag kong boses. "Damn it! Nasa bar pa rin ako. Nasaan ka ba? Are you okay?" "Sunduin mo naman ako dito sa condo ni Maximillian," malungkot kong sabi. Pagkatapos kong sabihin iyon ay bumaba na ako papuntang parking lot. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang kamay ko at napaayos nang tayo ng makita ko ang paparating na sasakyan ni Asena. "Serenity," tawag niya sa akin sa nag-aalala na boses. "Gusto mo bang bumalik tayo sa bar?" "Huwag na, umuwi na lang tayo. Sa condo mo na lang ako matutulog ngayon." "Ba't ka ba nandito ngayon? Don't tell me sinundan mo ang gago mong ex-boyfriend? My god, Serenity! Stalker ka na pala ngayon." "Anong akala mo sa akin, aso? Kailanman ay hindi ako naghahabol ng lalaki dahil sila ang naghahabol sa akin. Hindi naman siya gold para pag-aksayahan ko ng oras." Isang mapaglarong ngisi ang ginawad ni Asena sa akin. Bigla akong nairita sa pinakita niyang reaksyon kaya inirapan ko siya. Totoo naman ang sinabi ko at ayokong sirain ang paninindigan ko dahil lang sa isang lalaki. Ayokong mag-aksaya ng oras sa taong may girlfriend na. Siguro pagod na akong manlimos ng pagmamahal sa ibang tao. Bago pa malunod ang isipan ko sa nakaraan namin ni Maximillian ay nakipag-usap na lang ako sa katabi ko. "Invited ka ba sa birthday ng anak ni Tita Rose?" Bigla kasing sumagi sa aking isipan ang isang invitation card na nabasa ko kanina sa office ko. "Of course, ako pa! Narinig ko rin na invited ang ex mo. Ano 'yan, Serenity and her two ex-lovers in one frame." "Hindi naman ako a-attend dahil nasa Iloilo na ako sa araw na iyan." Kailangan kong pumunta sa Iloilo next week para asikasuhin ang bago kong branch doon. May pasabi-sabi pa ako noon na hindi ko papasukin ang business industry pero ang ending ito ako ngayon, nagmamay-ari ng beauty salon at restaurant. "Oo nga pala. Sayang naman kung gano'n. Gusto ko sanang sumama sa'yo pero ayoko namang biguin si Rose lalo na't nangako ako sa kaniya na dadalo ako sa kaarawan ni Ros." "Sa iyo ko na lang ipapadala ang ibibigay kong regalo kay Ros." Lalaki ang anak ni Tita Rose at Dominic kaya puro sasakyan na laruan ang binili ko at isang polo na damit. Minsan kapag wala akong ginagawa, bumibisita ako sa bahay nila para laruin si Ros. Hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanila at masasabi kong okay na kaming tatlo. Nang makarating kami sa condo unit ni Asena ay biglang tumunog ang cellphone ko. Unregistered number ang tumatawag kaya hindi ko ito sinagot. Dahil pagod ako ngayong gabi, dumiretso na ako sa guestroom at parang lantang gulay na bumagsak ang aking katawan sa ibabaw ng kama. Kinabukasan, nagising ako sa malakas na sigaw ni Asena. Nakasimangot ko siyang pinagbuksan ng pintuan at naalarma ako ng makita ko kung sino ang lalaking kasama niya. Ano ang ginagawa niya sa condo unit ng kaibigan ko ng ganito kaaga? At kanino niya nalaman na nandito ako? "Akala ko ba may girlfriend na ang isang 'to," bulong ni Asena sa akin. "May girlfriend na nga kaya bakit mo siya pinapasok dito sa loob ng unit mo? Sana sinabi mo na lang na wala ako dito." "Iyon nga ang sinabi ko sa kaniya pero hindi siya naniniwala. Sige na, iwan ko muna kayong dalawa dito." Aangal pa sana ako sa kaniyang pag-alis subalit wala na si Asena sa tabi. Ang aga-aga sira na ang araw ko ng dahil kay Maximillian. Ano ba ang trip niya at bakit siya pumunta dito? Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa? Nakakainis na siya. "Umalis ka kagabi ng hindi man lang nagpapaalam." Umupo siya sa gilid ng kama at matalim niyang pinasadahan ang cleavage ko. "Ano naman ngayon kung hindi ako nagpaalam? Alam mo, sinasayang mo lang ang oras mo sa akin. Bakit hindi na lang si Shanelle ang pagtuunan mo ng pansin?" "Buong gabi kitang hinanap dahil akala ko may nangyaring masama sa'yo tapos malalaman kong nandito ka lang pala." "Alam mo, mas gago ka pala kaysa Dominic. May girlfriend ka na nga tapos nag-aalala ka pa sa akin. Ano 'yan, mahal mo si Shanelle pero concerned ka sa ex-girlfriend mo?" Huwag mo naman akong paasahin, Maximillian. Konting-konti na lang talaga mag-a-assume na akong mahal mo pa rin ako. Ano ba talaga ang nangyari sa'yo sa loob ng isang taon? Kung buhay siya, bakit hindi siya umuwi kaagad? Bakit hindi siya tumawag sa akin o sa mga magulang niya para ipaalam na naka-survive siya? Pakiramdam ko may malalim siyang rason kung bakit mas pinili niyang isipin namin na patay na siya. Gumuho ang mundo ko ng malaman kong wala na kami. I felt betrayed again. Parang sa anumang oras ay masisiraan ako ng bait. Parang hindi pa sapat ang panloloko na naranasan ko noon kay Dominic dahil pati kay Maximillian, naranasan ko ulit. Wala sigurong puwang sa buhay ko ang maging masaya dahil puro pait at sakit na lang ang binibigay sa akin ng mga taong mahal ko sa buhay. "Umalis ka na, Maximillian. Kung ayaw mong ipakaladkad pa kita sa dalawang guard sa baba. Please, leave me alone and never approach me again. Hindi ba galing sa bibig mo na tapos na tayong dalawa? Kaya wala ng rason para kausapin mo ako o lapitan pa." Iniwan ko siya sa guestroom at diretsong lumabas sa unit ni Asena. Ni hindi na nga ako nakapag-ayos ng aking sarili at nakapagpaalam sa kaibigan ko dahil sa pagmamadali. Ayokong makasama ng matagal si Maximillian at baka maging emosyonal lang ako sa harapan niya. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya at halikan ng dahil sa pangungulila. "Saan ka galing? Sabi ni Nanay Yoli hindi ka raw umuwi kagabi?" tanong ni Kuya Ferdinand nang makababa ako sa aking sasakyan. Si nanay talaga. Hindi man lang niya ako pinagtakpan kay kuya. "Galing ako sa condo ni Asena. Ba't ka nga pala nandito? May kailangan ka ba sa akin?" "Wala akong kailangan sa'yo, Serenity. Napadaan lang ako dito sa bahay mo dahil galing ako sa kabilang barangay." "Pasok lang ako sa loob, kuya." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tinalikuran ko na siya at baka ma-late pa ako mamaya sa pupuntahan ko. Umiling agad si Nanay Yoli ng makita niya ang itsura ko. Binati ko ang matandang ginang bago ako pumanhik sa aking silid. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bathroom at mabilis kong sinabunan ang aking buong katawan. Magwawala talaga ako kapag may nakaunang bumili sa bakanteng lote na iyon. Muntik ko ng makalimutan kanina na ngayon pala kami magkikita ni Mrs. Toralba. May usapan pa naman kami na kapag na-late ako ay sa iba na niya ibibigay ang lupang iyon dahil hindi lang ako ang buyer na gustong bumili sa property niya. "Nagmamadali ka ata, Serenity? Kumain ka muna bago ka umalis," usal ni Nanay Yoli ng makita niyang pababa ako sa hagdan. "Sa restaurant na lang po ako kakain, 'nay. Kuya alis na ako! Sa susunod na lang tayo mag-usap dahil may importante pa pala akong gagawin ngayon." Hindi naman umangal si kuya kaya tumakbo na ako papuntang garahe. Ano ba 'yan, traffic! Kung minamalas nga naman. Tinawagan ko si Mrs. Toralba para sabihin na mali-late ako ng ten minutes pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka busy siya ngayon kaya hindi niya napansin ang tawag ko. Pagdating ko sa meeting place namin ay abot tenga na ang ngiti ng matandang ginang. Teka, hindi naman niya siguro binenta sa iba ang lupang iyon. Mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya at halos umusok ang ilong ko nang makita kung sino ang kausap niya kanina. Anak ng tinapa! Ba't naman nandito ang ulupong na ito? Talaga bang sa bawat pupuntahan ko ay makikita ko ang pagmumukha niya? "Magandang umaga, Ms. Chavez. Ba't ang tagal mo? 'Yan tuloy nabenta ko na kay Mr. Bracken ang lupang gusto mong bilhin. Double price pa ang binayad niya sa akin." "Ano? Mrs. Toralba naman! Hindi ba sinabi ko sa'yo na sure buyer ako!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Magkano ba ang ibinigay ng lalaking ito at ti-triplehin ko?" "Pasensya na, Ms. Chavez. Pero na-process na ang titulo ng lupa at nakapirma na si Mr. Bracken. Akala ko kasi hindi mo na bibilhin at kailangan ko rin kasi ng pera para pambayad sa operasyon ng asawa ko." May magagawa pa ba ako? Ang malas ko naman ngayon. Isang ngiti at tango na lang ang ginawad ko sa matanda dahil kahit pa magwala ako dito ay hindi na mapupunta sa akin ang lupang iyon. Aalis na sana ako subalit biglang nagsalita si Maximillian. "Ano ba ang meron sa lupang iyon at bakit tila desperada kang mabili ito?" "Excuse me, kilala ba kita? Mind your own business!" Ano ba 'yan, Serenity. Ang bitter mo masyado. Dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko ay nag-order na lang ako ng breakfast meal ko. Hindi ako umupo sa table ni Maximillian dahil ayokong isipin ng ibang tao na may namamagitan pa sa aming dalawa. Tignan mo, natutuwa talaga siya kapag nakikita niya akong naiinis. Manghang-mangha pa siyang tumingin sa akin ng umakto akong ibabato ko sa kaniya ang hawak kong baso. Mabuti na lang at may nag-approach sa akin kaya nabaling ang atensyon ko sa foreigner na ito. Natatawa ako minsan dahil nabubulol siya tuwing sinusubukan niyang magtagalog. "Matagal ka na dito sa Pilipinas?" Pansin ko kasing magaling siyang magtagalog at parang sanay na siyang kumain ng Filipino dishes. "Yeah, almost one year. Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo at hindi pa ako nagpapakilala sa'yo. I'm Elthon." "I'm Serenity, but you can call me baby if you want. Just kidding," I playfully said. "Noted, baby." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito sabay kindat sa akin. Pagtingin ko sa pwesto ni Maximillian, busangot na ang mukha nito kaya mas lalo akong napangiti. Masyado naman siyang halata na may pagtingin pa siya sa akin. Ano ka ngayon? May pasabi-sabi pa siyang may mahal na siyang iba tapos mukha pala siyang unggoy na nagpipigil ng selos sa kabilang lamesa. My god! "Serenity, I need to take this call. Ayoko sanang iwan ka pero emergency kasi." Nagmamadali na kinuha ni Elthon ang cellphone niya at pumunta sa terrace ng restaurant. Five minutes na ang nakalipas subalit hindi pa rin bumabalik si Elthon. Ayoko namang ipahalata kay Maximillian na gusto ko ng umuwi kaya binagalan ko na lang ang pagnguya ko. "Mukhang hindi ka na babalikan ng lalaki mo. Totoo nga ang sabi nila na masyado ka ng malandi. You flirt with every man who hits on you, just like you did when you were in New York. " Tiim-bagang siyang umupo sa harapan ko at malamig niya akong tinignan. Nainsulto ako sa walang katotohanan na paratang niya sa akin pero mas nainsulto ako sa kung paano siya tumingin sa akin na para bang isa akong bayarang babae. Nanginginig kong kinuha ang isang baso ng tubig at isinaboy ko ito sa mukha niya. Hindi ko inalintana ang mga matang nakatingin sa akin at taas noo akong naglakad palabas ng restaurant. Iniwan kong tulala si Maximillian sa kinauupuan niya. How dare him to insult me and judge me. Sino ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD