bc

Sins of the Dreams

book_age16+
90
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
powerful
drama
tragedy
twisted
gxg
mxb
mystery
highschool
like
intro-logo
Blurb

Ang pagkakaroon ng kakaibang kakayahan ang pinakahuling gustong mangyari ni Veanna sa buhay niya. Pero paano nalang kung magkaroon siya ng abilidad na makita ang mga bagay sa nakaraan at hinaharap na hindi naman dapat niya makita sa pamamagitan ng panaginip? At ang bagay na iyon ang magdadala kay Veanna sa isang lugar kung saan mararanasan niya ang iba't-ibang pagsubok.

chap-preview
Free preview
Volume 1 - Chapter 1
"Blockbuster na naman ang pila. Wala na bang bago? nakakasura na ah." I murmured to myself. I shook my head and sighed before joining bunch of people waiting for their turn to enter the train. LRT 'to, Veanna. LRT. Ano pa bang inaasahan mo? Kung kasing ganda lang sana ng sistema ng Japan ang sistema ng Pilipinas, walang ganitong eksena araw-araw. Sumakay ako galing Legarda papuntang Anonas kaya alam kong medyo matatagalan ako rito sa loob. Sa totoo lang, tambak ang mahahalagang bagay na dapat kong gawin, kaya hindi ko alam kung bakit ko pa nakuhang pumunta sa isang seminar na pwede ko namang puntahan next week. O hindi kaya, tumatakas lang talaga ako sa responsibilidad ko? I'm self depriving and I don't know how to stop. Pagod ako, ang pa-ulit ulit na sinasabi ng utak ko. I was lucky to spot a vacant seat and immediately marked it. I did not look or care if someone was needing the space more than I. I'm not like this, I'm not selfish when it comes to things I can easily give. But today, something is off. Something is wrong and I don't know what it is. I was ready to rest my eyes and back when suddenly, I stopped hearing noises. Ang pagkakaalam ko, may katabi akong dalawang babae na nag-uusap. Pero ang mas ipinagtataka ko, bakit nawala lahat ng mga naririnig ko? It feels like I'm deaf. Wearing skinny leg jeans pairing with a denim jacket, a white v-neck t-shirt, and rubber shoes--they aren't helping to make me warm, but they usually help me feel warm. It's like I'm in a huge freezer room. I slowly opened my eyes. It was full dark. I can't see anything. I started to feel ominous. Am I hallucinating? Is this a dream? Nalaglag ang panga ko nang may unti-unting lumabas na imahe ng isang babaeng tumatakbo. Para siyang hinahabol. Her face was terrified. Napatingin ako sa damit niyang punong-puno ng mga dugo at doon pumasok sa isip ko na hindi ako gising. Theres is no way I can see things like these if I'm awake. I am definitely asleep. Pero pinapahinga ko lang ang mata at likod ko kanina diba? Hindi ako natulog. Ano 'yun, pumikit lang ako nang saglit tapos tulog na agad? Bakit hindi 'to nangyayari sa akin kapag inaatake ako ng insomia at ngayon pa talagang nasa public transport ako? Unti-unti ring lumalabas ang imahe ng nagtataasang mga d**o. Nilinga ko ang buong paligid para maintindihan ang nangyayari. Tanging ang dalawang bagay na 'to ang nakikita ko. Ang mga d**o at ang babae. Kahit ilang beses ko nang sinampal ang sarili ko ay wala paring epekto. Patuloy na tumatakbo ang babae, pinapalibutan niya ako! But the more creepy thing is, I hear her voice now. Scared and helpless voice. "Tulungan niyo ako, kuya." Her words were echoing. For unknown reasons, she just stopped running and laid down. And I just found myself, walking towards her. Nanginginig ang parehas kong mga kamay. I want to speak but, something is stopping me. Kakapuyat ko ba 'to o sadyang nangyayari talaga 'to? Palapit na ako nang palapit sa kaniya. Hindi ko makita ang itsura niya pero alam kong punong-puno ng mga pasa at galos ang mukha ng babae. She covered her face with her palms while her knees were folded. Parang pinipigilan niya ang paghikbi nang malakas at sapilitang isinisiksik ang sarili sa mga d**o. It's like she's hiding and trying not to be loud. Dahan-dahan kong itinapat ang kamay ko sa braso niya pero bigla lang siyang nawawala at agad din namang bumabalik. Para bang isa lang siyang hologram. Ibig sabihin hindi niya ako nakikita. "Kuya." she cried and it echoed again. Ngunit ang mas ikinagimbal ng loob ko ay ang biglang pagtalsik ng dugo niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napaatras nang akala ko ay tatalsik ang dugo niya sa akin. Bakit ganoon? Agad akong napatingin sa mga damit ko kung balot ba iyon ng dugo pero wala akong nakita. Ipinikit ko ang mga mata ko at para bang himala, bumalik sa dati ang lahat, maliban sa akin. I'm not okay. Hingal na hingal akong tumingin sa gilid ko. Parehang napatingin sa akin ang dalawang babae at tila naguguluhan sila sa inaasta ko. "Nasan na tayo?" tanong ko. "Papunta na pong Santolan." sambit ng babae. Napapikit ako nang mariin at pagod na isinandal ang likod. Nagpapahinga lang naman ako kanina, diba? Bakit ang bilis ng oras? Nakatulog nga ba ako? Kung panaginip nga lang iyon, bakit? Sino iyong babae? Bakit nakita ko ang nangyari sa kaniya? Inikot ko ang paningin ko, papunta na nga talaga akong Santolan. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng panaginip na 'yon at ang dahilan kung bakit ko napaginipan 'yon pero should I think about it? I think I should not. Siguro kakapanood ko lang 'to ng mga mystery movies. Pati utak ko kinakain na. I was sipping on my coffee when a news came on the television. Imbes na sa seminar ang punta ko, nadiretso tuloy ako sa isang coffee shop. "Isang babae sa Antipolo, natagpuang patay sa talahib nang bandang alas onse ng gabi, noong ika-bente syete ng Nobyembre. Ito ang aksyon ni Charles Cruz." The news caught my attention. I placed down the cup and gave my full attention to the television. There's something about it. Napatayo ako sa gulat ako nang makita ko ang senaryo sa balita. Nagsitingan ang mga tao sa akin pero binalewa ko lang iyon at patuloy na itinuon ang atensyon sa balita. Nanginig ang buo kong katawan. This is so impossible. I bit my lower lip and shook my head. Sa damit at sa pigura noong babae, iisa lang ang nakita ko sa panaginip ko. Pati na ang mga d**o kung saan niya isiniksik ang sarili niya bago--- bago tumalsik ang dugo niya. Paano nangyayari ang lahat ng 'to? "Ayon sa pamilya ng biktima, papunta sana sa isang handaan ang dalaga. Nagpaalam ito sa kaniyang mga magulang na pagsapit ng alas nuwebe ng gabi ay makakauwi na raw siya. Ngunit walang anak ang dumating sa kanilang pamamahay sa loob ng kuwarenta otso oras kaya't agad silang naalerto at humingi ng tulong sa Pulisya." Reporter. Ipinakita pa ang buong paligid, kung saan isang tingin mo palang, alam mo nang delikado ang lugar na iyon tuwing gabi. Pero anong kinalaman ko roon sa babae? Nakarinig ako ng isang boses at doon ko naalala ang lahat ng sinabi ng babae bago ako nakabalik sa sarili kanina. "Kuya." "Kung may alam kayo na makakatulong sa imbestigasyon, tumawag lang sa nabanggit na numero o 'di kaya'y pumaroon sa Antipolo Police station." Wala na akong inaksayang oras at pumunta sa Police station na iyon kahit alam kong imposible at baka hindi nila ako paniwalaan. Wala namang masama kung susubukan ko, hindi ba? Malay natin, may maniwala sa akin kahit isa. Hindi ko naman siguro makikita iyong nakita ko kung walang dahilan. Pero kalahati sa sarili ko ay hindi sangayon sa plano ko. Who will believe me? anong ipapaliwanag ko sa mga pulis? Na napaginipan ko kanina iyong babae at nakita ko kung anong nangyari sa kaniya bago siya namatay? "Nagbabato ka ba?" Paniguradong iyan ang itatanong nila sa akin. Huminga ako nang malalim bago ako magdesisyon na pumasok sa istasyon ng mga pulis. Nakita ko sa loob ang senaryo na minsan ko lang makita. May nag-aaway sa gilid, may naka-upo at nagbabasa sa loob ng mga selda, nagkakapeng mga pulis at mga bumibisita. I cleared my throat before asking for Police's help. "Sir, dito po ba inaasikaso ang nangyari roon sa babaeng natagpuan sa talahib nakaraang gabi, hindi po ba?" I asked to the policeman who then lazily glanced at me. His face puckered with confusion. He consumed his cup and breathe heavily. "Oo, hija. Bakit, may alam ka sa nangyari?" tanong niya sa akin. Lalong humigpit ang hawak ko sa backpack ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula, anong salita ang unang sasabihin ko. Pakiramdam ko kinakain na ako ng takot at kaba. "S-sabihin po natin na ganoon na nga." Ang kaninang bagot niyang mukha ay tila nawala at napalitan iyon ng kasabikan. He smiled at me widely like I did a favorable job. "Kung ganoon, tumuloy ka sa opisina ni Inspector Dela Paz." and he lead the way. Tumigil kami sa paglalakad nang madating na namin ang tapat ng isang kwarto. Two floors ang station, karamihan nasa baba ang mga selda habang nasa taas naman ang mga opisina ng mga opisyales. "Salamat po." "Walang anuman. Basta, hija. Sabihin mo lang ang lahat-lahat ng mga nalalaman mo para makatulong ka sa pagkuha ng hustiya ni Samantha." So, her name was Samantha. Pagpasok ko sa loob, naabutan ko ang isang lalaki na mukhang busy sa pagbabasa ng mga papel. Sa tingin ko ay narinig naman niya ang pagbukas ng pinto pero hindi siya nag-abalang tignan kung sino ang pumasok. Sobrang busy ata. "Good afternoon, sir. G-gusto ko lang po sanang.." Tumigil siya sa paggalaw at ibinaba sa mesa ang hawak niyang mga papel at dahan-dahan na tumingin sa akin. "How can I help you, Miss?" "Veanna Lavalle. I just want to share what I know about Samantha's c-case, Sir." He fixed his sit and laid his both hands on his desk. "Come, sit. Miss Lavalle" Ginawa ko ang sinabi niya. Kahit kinakabahan ako at walang kasiguraduhan na paniniwalaan niya ako, ay itutuloy ko parin ito. Ayokong mabaliw kakaisip tungkol dito. "Are you one of the relatives of Samantha?" panimula niya. "I'm not, Sir nor have any connection with Samantha." Tumango siya sa mga sinabi ko at huminga ng malalim. "So who are you? What brings you here? if you are not one of her relatives, are you a witness or a suspect?" Agad akong napatayo para ipakitang mali ang iniisip niya. I'm not the killer! pero kung witness, sabihin na nating parang ganoon na nga. "Hindi ganoon iyon, Sir! I'm not the killer!" depensa ko. Umiling siya at ngumisi. "Huwag kang masyadong natataranta, Miss. I'm just kidding. Just tell me what you know about Samantha's Case." Bumalik ako sa pagkakaupo at hinanda ang sarili para sa mga sasabihin ko. "I saw Samantha in my dream this morning. Hindi ko alam kung bakit at paano. Pero kitang kita ko siya bago tumalsik ang dugo niya." Hindi siya nagsalita kaya itinuloy ko ang kwento ko. "I remember what she said. Sabi niya, "tulungan mo ko" at "kuya". Maybe these words will help you get her justice. Maniwala kayo sa akin, I saw her in my dream." Nalaglag ang panga ko nang bigla siyang tumawa nang malakas. So, kanina pa pala siya nagpipigil ng tawa? Hindi niya ako pinapaniwalaan? "You are a good joker! You're making me laugh like hell!" at humagalpak ulit siya sa tawa. Napailing ako dahil sa inasta niya. This is serious and he's just laughing?! Bakit ba ako nagtataka at naiinis? I already expected that this will be their reaction. No one will believe me because this is so unbelievable. Pero kahit na hindi kapani-kapaniwala ito, totoo lahat ng iyon! "Miss Lavalle, kung gusto mo magprank, huwag dito. Istasyon ito ng mga pulis at hindi joker center. Mabuting umuwi ka na sa inyo." nagpipigil parin siya ng tawa habang sinasabi iyon. Umiling ako at tuluyan nang lumabas sa kwartong iyon. Dapat hindi na ako naiinis dahil nasabi ko na rin ang dapat kong sabihin. Siguro nga may mga bagay lang talaga sa mundo na mahirap paniwalaan at intindihin at kahit anong paliwanag mo, hindi parin nila maiintindihan. Kaya dapat hindi ko na inaabala pa ang sarili ko at dahil ako lang rin ang mahihirapan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.6K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook