Volume 1 - Chapter 2

1219 Words
Malamya kong binuksan ang pinto ng apartment ko. I groped for the light's switch and took off my shoes. Gabi na nang makauwi ako galing Antipolo. Agad akong humilata sa sofa na katabi lang ng pinto. Pakiramdam ko malapit nang tumumba ang katawan ko sa sobrang pagod at problemang hindi naman dapat pinoproblema. Kahit anong pilit ko na huwag isipin iyong nangyari sa police station kanina ay hindi ko magawa. His words really did offend me. Siguro nga. Tama siya, baliw na nga ako. Dahil na rin sa pagod na nararamdaman ng katawan ko, agad akong nakatulog. At sa pagtulog na iyon. Parang bumalik ako sa isang senaryo na ayaw ko nang balikan pa. Ramdam ko ang lamig sa buong katawan ko. Wala akong makita maliban sa sarili ko. Gaya ng nangyari sa akin kanina sa LRT. Makikita ko ba ulit iyong babae? Pero bakit? Anong meron? Anong meron sa kanya at nagpapakita siya sa akin? Sa panaginip ko? Natigil ako sa pag-iisip nang unti-unting lumalabas ang imahe ng isang mansion. Nilinga ko ang buong paligid at nakita kong mala hacienda ang tinutungtungan ko ngayon. Gabi na't malamig ang hangin. I am dreaming and I am aware of it. Ibig sabihin naglulucid dreaming ako? Kung lucid dream ang nagyayari sa akin, I should be able to control my dream. I should be able to do whatever I want pero hindi. Hindi ko siya makontrol. Para bang nasa loob ako ng isang kwento at nag-aantay lang ako kung anong susunod na mangyayari sa kabanata. Alam kong natutulog ako pero hindi ko makontrol ang panaginip ko. I found myself entering the mansion. Bukas ang mga ilaw sa loob ng mansion pero wala akong makita kahit sinong tao o kahit gwardya man lang. Pagpihit ko ng doorknob ng double door, akala ko ay sisilay sa akin ang marangyang tanggapan ng mansion pero hindi. Pagkabukas na pagkabukas ko ay agad na nagpalit ang lugar na kinakatayuan ko. Nasa loob ako ng isang kwarto. Correction, basement room. Dahil nga sa basement ito, wala akong makita at tangging ilaw lang na galing sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa akin. Maraming kahon na nakalagay dito. May mga kahong kasya ang tatlong tao, may mga kahon ding maliit at sakto lang din ang laki. Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong nagtago sa likod ng isang malaking box. "Ligtas na ako rito." sabi ng boses. Ligtas saan? Binuksan niya ang ilaw kaya't nakita ko na ng kabuuan ng kwarto. The dust are covering the whole place, the spider's web, and some old furniture too. Bakit ako nagtatago kung hindi naman niya ako nakikita? Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko. At tama nga ang sinabi ko, hindi niya ako nakikita. Kita ko sa mukha niya ang takot at pangamba. She's shivering. Wala siyang sapin sa paa at tanging fitted jeans at bubbly jacket lamang ang suot niya. She's holding a book and a pen. Inilapag niya iyon sa isang lamesa na punong-puno ng alikabok. Patingin tingin din siya sa pinto. Para bang kahit anong oras ay may papasok dito at binabantayan niya ito. Ilang saglit lang ay nagsimula na siyang magsulat. Kahit pwede ko namang basahin ang isinulat niya sa libro ay hindi ko ginawa. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa pinto at nag-aabang nalang ako kung may papasok ba rito. Agad nagulantang ang loob ko nang biglang kumabalabog ang pinto. Napasigaw ang babae dahil sa gulat. "Please! Maawa ka sa akin!" ramdam na ramdam ko ang takot sa boses niya. Isang putok ang umalingawngaw sa paligid. Nasira ang doorknob ng pinto at tuluyan nang nakapasok ang isang lalaki na nakahood. Takip ang buo niyang mukha maliban sa mata. Napaatras ako nang wala sa sarili. May hawak siyang baril! Nanginginig siyang itinago ang sarili sa sulok habang niyayakap niya ang sariling mga tuhod. The tears on her faces are rapidly falling down to her cheeks. "N-no...please." sabay iling nito. At ilang saglit pa, nakita ng dalawang mata ko ang pagputok ng baril sa ulo ng babae. Napatakip ako ng bibig at dali-daling lumabas sa kwartong iyon. I closed my eyes and felt my heart beat. So brutal. As I opened my eyes, I saw the front of the mansion far away from me. "Villa Saldivar Hacienda." At pagkasabi na pagkasabi ko non, bumalik ang lahat sa dati. Nagising ako sa masamang panaginip. Masamang panaginip na kahit kailan hindi ko inisip na mararanasan ko. Hindi na normal ang nangyayari sa akin. Why do I keep dreaming something like this?! Hindi na tama kung iisipin kong dahil sa panonood ko ng mystery movies ang dahilan. Am I crazy? Sinapo ko ang ulo ko at isinandal nalang ang sarili sa sofa. Should I consult a doctor now? baka may sakit ako at hindi ko lang pansin. Ang pag-iisip ko ng pagpapacheck-up ay nauwi sa pagtitimpla ko ng kape. Ang dami kong alam. Saan ako kukuha ng pera pang pa pacheck-up? Nasayang pa 'yong pera ko dahil hindi ako nakadating sa seminar. Napatigil ako nang maalala ko ang pangalan ng haciendang napanaginipan ko. Hindi. Isang malaking hindi. Ayoko. Hindi ko na ulit gagawin ang katangahan na iyon. Tama na ang isang katangahan. Ayoko nang dagdagan pa. Kung sino man iyong babae, ipagdadasal ko nalang ang kaluluwa niya. Basta ayoko. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong kumalabog. Bigta tuloy bumalik sa isip ko iyong pagkalabog ng pinto roon sa mansion. Stop it. Hindi ko na dapat inaalala ang nangyari. "Hoy, sino ba 'yan?!" sigaw ko pero walang sumagot. Bumukas ang pinto at niluwa no'n si Suede, ang dakilang dumi sa buhay ko. "Hoy ikaw lalake ka, ilang beses ko ba sasabihin sayo na kumatok ka! Anong oras na oh?! at anong purpose ng pinto kung sisipian mo? Kinakatok 'yan hindi---" "Bla bla bla." pagpuputol niya sa sasabihin ko at agad na dumiretso sa lamesa. "Anong menu natin ngayon?" sabay tingin sa mga plato. "Wala." Di na siya nagsalita at umupo nalang sa sofa dahil wala siyang makita na pagkain. Napa-irap nalang ako at kumuha nalang ulit ng isa pang tasa. "Heto at magkape tayo. Wala akong menu ngayon." "Okay." Pagkatapos ko magtimpla ng kape ay umupo ako sa tabi niya. Iisa lang naman ang upuan dito. "Diba birthday ko na sa Saturday?" paguumpisa niya. "Kung manghihingi ka ng regalo, ibibigay ko na sayo 'yong mga ballpen na gustong-gusto mo." "Hindi kasi 'yon. Gusto kita isama sa bakasyon namin para nga i-celebrate ang birthday ko. Dalawang araw lang naman." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ay ayoko. Nakakahiya!" Pinitik niya ang noo ko sabay tawa. Seriously? "Huwag ka nang maging kill joy, Veanna. Tayo tayo lang naman. Walo lang tayo. Tatlong babae tapos limang lalaki. Game?" Tumayo ako habang dala-dala ang tasa ko. Kapag sumama ako, paniguradong ma-out of place lang ako roon at ayoko namang mangyari sa akin 'yon. "Ayoko nga." "Sige na, please. Ngayon lang naman 'to. Sige ka, aapakan ko lahat ng damit mo tapos hindi ko lalabhan." I sighed and rolled my eyes. Nagbanta na siya kaya siya na ang panalo. Atsaka hindi naman siguro masamang subukan. Tutal wala akong regalo sa kaniya kundi presensya ko lang. "Okay, fine. Sasama na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD