bc

STAINED LOVE

book_age18+
950
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
HE
age gap
second chance
confident
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Perpekto, ito ang paglalarawan ni Rosario sa kaniyang nobyo na si Raiden, na sa kabila ng kaniyang estado at sa kabila ng mga hadlang at problema na kinaharap ng kanilang relasyon ay nagawa siya nitong ipaglaban. Kaya naman nang alukin siya nito ng kasal ay mabilis siyang pumayag. Paano kung ang perpektong buhay may asawa ay malayong-malayo sa pinangarap niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Kumusta si Stacey? Hon..." Hindi pa man natatapos ni Rosario ang sinasabi at nakakalapit sa asawa ay sinalubong siya ng byenan at malakas na sinampal siya. Napahawak siya sa pisngi at gulat na napatingin sa byenan. "Mom?" Galit na dinuro ni Estacia si Rosario. "Don't you dare call me, mom, you murderer!" Napakurap-kurap si Rosario at napakunot ng noo. Hindi niya maintindihan kung bakit tinatawag siyang mamamatay tao ng byenan. "Mom, please, stop. Hindi pa nga natin napapatunayan at bakit ba ang asawa ko kaagad ang pinagbibintangan niyo?" pagtatanggol ni Raiden sa asawa. "Hon, ano bang sinasabi ng mommy mo?" tanong ni Rosario habang nalilitong nakatingin sa asawa. "Hindi mo alam?" Napabaling si Rosario kay Estacia. "Stacey is dead because of you!" sigaw ng byenan niya at tinuro siya. Hindi makapaniwala na nakatingin si Rosario sa kanya. Hindi siya makapaniwala na patay na si Stacey. "Sinabi ng Doctor na nalason siya. Na may lason ang kinain niya! Doon pa lang ay alam kong ikaw na ang may kagagawan kaya namatay ang anak ko." Napaiyak na lang si Rosario. "Wala akong kasalanan, mom. Hindi ko magagawa na lasonin si Stacey." Tumingin si Rosario sa asawa at hinawakan ang braso nito. "Hon, maniwala ka. Hindi ko magagawang lasonin si Stacey." "Sinungaling!" sigaw ni Estacia. "Ikaw lang naman ang nagluto ng pagkain natin at ikaw lang ang may dahilan para patayin ang anak ko. Hindi ba noong isang araw ay nag-away kayo? Ikaw lang naman ang sampid sa pamamahay na ito kaya ikaw lang ang suspect!" Umiiling habang umiiyak si Rosario. "Oo, hindi po kami magkasundo ni Stacey, pero hindi ko magagawa ang pinagbibintang niyo. Hindi ko kayang gumawa ng masama sa kapwa tao ko." Hindi alam ni Rosario kung bakit nagkakaganito ang lahat. "Kung totoong may lason po ang niluto ko ay bakit si Stacey lang ang nalason? Bakit ayos lang kayong lahat?" Natahimik ang lahat sa sinabi ni Rosario. Siguro naman sapat na ang sinabi niya para hindi na siya pagdudahan ng byenan. "Mawalang galang na po." Napatingin silang lahat kay Anna, ang isa sa katulong sa bahay. "Si Ma'am Rosario po talaga ang naglason kay Ma'am Stacey." Napanganga si Rosario sa sinabi ni Anna. "Nakita ko po kanina na nilagyan niya ng kung ano ang pagkain ni Ma'am Stacey. Hindi ko lang sinabi kanina." Biglang umiyak ang katulong. "Hindi ko naman po inaakala na lason pala ang nilagay ni Ma'am Rosario. Hindi ko naman po inaasahan na aabot sa ganito ang galit niya kay Ma'am Stacey." Hindi makagalaw si Rosario sa kasinungalingan na pinagsasabi ng katulong. "Ano bang pinagsasabi mo diyan, Anna? Wala akong nilagay sa pagkain ni Stacey." Umiiyak na tumingin si Anna sa kanya. "Sabihin niyo na lang po ang totoo, ma'am. Hindi po ba kayo nakokonsensya sa ginawa niyo kay Ma'am Stacey?" "Sinasabi ko na nga ba, eh. Ikaw ang pumatay sa anak ko!" Muling sinugod ni Estacia si Rosario at sinabunutan at pinagsasampal. Umiiyak naman siya habang humihingi ng tulong sa asawa. Pero parang bingi ang asawa niya at hindi siya tinulungan. Nakatingin lang sa malayo si Raiden habang patuloy siyang sinasaktan ng byenan. "Anong nangyayari dito?" tanong ng lolo ni Raiden. "Anong kaguluhan ito?" Agad na inawat ni Gaudencio ang asawa at nilayo kay Rosario. "Bakit mo sinasaktan si Rosario, Estacia?" Natawa ng mapakla si Estacia. "Baka hindi niyo na ipagtanggol ang sampid na 'yan, papa, kapag nalaman mo ang ginawa niya." Napakunot noo ang matanda at tiningnan siya ng nagtataka. "Siya lang naman ang dahilan kung bakit wala na ang apo niyong si Stacey ngayon. Nilagyan niya ng lason ang pagkain ng apo niyo!" Nagulat ang matanda sa narinig at napatingin kay Rosario. "Totoo ba 'yon, Rosario?" Umiiling si Rosario. "Hindi po totoo 'yon, lolo. Hindi ko magagawa 'yon kay Stacey." Hinaplos ng matanda ang ulo niya. "Tahan na, apo. Tahan na." Natawa ng mapakla si Estacia nang makita ang ginawa ng ama. "Seriously, papa? Naniniwala kayo sa babaeng 'yan?" Napatiim bagang na lang si Estacia nang titigan lang siya ng ama. "No, papa! Hindi ako makakapayag na mas kakampihan mo ang mamamatay'ng tao na 'yan kaysa sa totoo mong apo!" Tumingin si Estacia sa asawa. "Tumawag ka ng pulis, Gaudecio, dahil ipapakulong natin ang babaeng 'yan at sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas." Mas lalong naiyak si Rosario. Lumuhod siya sa harap ng byenan. "Mom, please, no. Maniwala kayo sa akin. Hindi ko magagawang saktan si Stacey." Hindi nakinig sa kanya ang byenan kaya sa asawa na naman siya lumapit. "Hon, hindi ka naman naniniwala sa kanila, 'di ba? Asawa mo ako at kilala mo ako. Hindi ko magagawa ang ibinibintang nila sa akin." Parang may kung anong tumusok sa puso ni Rosario nang hindi magsalita si Raiden at ni tapunan siya ng tingin ay hindi nito ginawa. Mukhang naniniwala ang asawa niya na siya nga ang lumason sa kapatid nito. "No." Umiling-iling si Rosario. "Hindi niyo ako pwedeng ipakulong dahil wala akong kasalanan at..." hindi naituloy ni Rosario ang sasabihin. "At ano?" tanong ni Estacia. Hinawakan ni Rosario ang tiyan niya habang umiiyak. "Dahil buntis ako."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook