Kabanata 4

3133 Words
KABANATA 4 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA NAHINTO ako sa aking mga trip nang paluin niya ako sa pwet. Ngunit hindi ko mapalalagpas ang bagay na ito. Bakit kailangan niya akong paliguan? Hindi ba babae ang tingin niya sa akin at basta basta na lang niya akong papasukin sa banyo? "Gusto mo bang malaman ni dad ang mga ginagawa mo sa akin ngayon? Hindi ba't babae pa rin ako? Hindi tamang pinapasok mo na lang ako dito sa loob ng banyo." "You're not virgin right? So, wala ka nang dapat itago sa akin. Marami na akong nakitang ganyan, you're not my type." Tinanggal niya ang suot ko at wala akong nagawa. Damn. Para lang akong manika sa ginagawa niya. Hinuhubaran na parang wala akong buto na pwedeng masaktan. "Dahan-dahan naman!" Naiirita kong wika. "Bakit, hindi ka pa ba sanay sa mabilis? Sa hitsura mo, parang sanay ka sa rough at hardcore." Napangisi siya. Bwisit. Bakit ba napaka-confident kong magsabi na hindi na ako virgin, eh ang totoo, virgin pa ako. Sabagay, sa tono niya, mukhang hindi niya rin naman paniniwalaan kung sasabihin kong virgin ako. "Sasabay ka ba o ikaw pa mismo ang magpapaligo sa akin? I can do it myself." Umirap ako. Hindi ko tinanggal ang bra at panty ko, for Pete's sake. "Ako ang magpapaligo sa'yo." He said and then picked the soap. "Excuse me, you're not allowed to touch me. Pagsasamantala na iyan." "As I've said, hindi ako titigasan sa'yo." Strikto niyang wika. "How about me? Akala mo affected ako sa'yo? No way! Babae pa rin ako, and you, touching me through assisting me in taking a bath ay ibang bagay na para sa akin. Walang matinong babae na magpapahawak ng katawan sa stranger." "Ang dami mong sinasabi!" Binuksan niya ulit ang shower kaya't nabasa ako. "Damn you! Isusumbong kita kay dad." "Go, and tingnan natin kung ikaw ang kakampihan niya." "Get out of here. Maliligo akong mag-isa!" "At sinong niloko mo?" Aniya saka ako hinawakan sa dalawang kamay. Napakalakas ng kamay niyang humawak sa pareho kong braso at saka ako itinapat ng mabuti sa shower. Para lang akong bata sa height ko kumpara sa kaniya. Wala akong nagawa kundi yumuko at tanggapin na wala akong magagawa sa lakas niya. "Where's your shampoo?" He asked. "Ako na ang bahala sa sarili ko." Mahina kong wika at saka kinuha ang shampoo ko sa gilid. "If you want to watch me, then, watch. I'll take care of myself. So, don't touch me." Seryoso kong wika sa mababang tono. Binitawan niya nga ako. Hindi ako tumitingin sa kaniya dahil ayaw kong mag-meet ang mga mata naming dalawa. Oo, gwapo siya, maganda ang katawan, yummy, pero huwag na lang sana siyang magsasalita dahil sinisira nito ang lahat ng magandang katangian niya. He is so possessive, dominant and strict, ewan ko ba kung final na itong judgement ko pero sa tingin ko, hindi talaga kami magkakasundo. Habang naliligo ako ay sumasabay na rin siya sa akin. "Hindi ka nagtatanggal ng bra at panty kapag naliligo?" He asked. "Nagtatanggal kung wala ka dito. Kaso nandito ka, nambabastos." Inirapan ko siya. Natawa siya saka nagsabon ng katawan. "Wala ka namang dapat itago sa akin. Sabi ko nga, wala kang epekto sa akin, ineng." Umirap lang ako sa kaniya at nang tumapat siya sa dutsa ng tubig ay tumabi ako. He has a built na pang modelo kung titingnan. "Done?" Lumingon siya sa akin habang nababasa ng tubig ang katawan niya. "Hindi pa. Hindi ako matatapos hangga't mayroong asungot na nandito sa banyo ko." "Patapos na ako, hindi ka pa tapos?" "Eh hindi ako makakaligo kapag nandito ka. Isa kang malaking balakid sa buhay ko!" "Okay, mauuna na ako!" Kinuha niya ang towel at ibinalot sa ibabang parte ng katawan niya. At ang siste, sa harapan ko pa nagtanggal ng brief. Pagkatanggal niyon ay piniga at saka isinabit sa balikat ko. "What the…" "Souvenir mo, amoyin mo na lang kung gusto mo." Saka siya tumalikod at lumabas ng banyo. "I hate you!" "Well, I don't love you!" Aniya. Inis na inis ako sa sandaling ito dahil wala man lang akong magawa. Naiinis na sobrang napipikon. Tiningnan ko ang brief sa balikat ko at unti-unting hinawakan. Itinaas ko iyon at tiningnan. "Handford ha?" Pero bakit may buhok? Gosh, hindi siya nagtitrim? My fantasy. Gosh. Lalaking mabuhok. No wonder, balbas sarado siya. Pero galit ako sa kaniya. Kailangan kong manindigan. Nagpatuloy na ako sa pagligo habang iniisip ko pa rin kung paano ako makakatakas sa impyerno na ito na hindi niya nalalaman. "Mayroon ka ring araw sa akin!" Nanggigigil akong kumuyom sa brief niya at nakatitig lang sa kawalan. Matapos kong maligo ay narealize ko na wala na pala akong towel. Yeah, nasa kaniya ay napaka insensitive lang niyang hindi ibalik iyon sa akin. Nagbukas ako ng pintuan at sumilip sa kwarto. Nakita ko siyang nakapantalon na ng maong ngunit naka-topless, mayroong tinitingnan sa kaniyang cellphone. "Hoy,ppsssttt!" Hindi siya lumilingon sa akin. "Apollo!" "I am busy!" Aniya saka sinampay sa balikat ang kaniyang t-shirt. Abah, mayroon siyang dalang damit? Parang wala naman iyon kagabi ah. "I need my towel." Sigaw ko. "Lumabas ka na riyan." "Paano ako lalabas? Wala akong damit." "Hindi kita titingnan." Tumalikod siya. He has a perfect, muscled and lean back. Ang kinis ha, in fairness. Mukha talagang wala na siyang balak na i-abot sa akin ang towel kaya't lumabas na rin ako. Pero nasaan ang towel? "Nasaan ang towel? Huwag kang lilingon." Pero lumingon pa rin siya. Hindi ko alam kung saan ang tatakpan ko. "Ohhh! Nice boobies. I like it, but I don't do boob-f*ck." Aniya saka nagbulsa ng cellphone. Hinablot ko ang kumot at itinakip iyon sa katawan ko. Naglakad naman siya kaagad at nagtungo sa banyo. Pagtingin ko ay nakasabit pala ang towel sa pintuan. Napairap na lang ako. "Oh heto, kaysa mabasa iyang kumot." Saka niya hinagis sa akin iyon at sapul ako sa mukha. Palagay ko ay kahit kaliligo ko pa lang ay umuusok na ang ilong ko. Nauna na siyang lumabas ng kwarto ko at I am so thankful dahil wala na akong makikitang kampon ng kasamaan sa kwarto ko. Matatahimik na ako, for a while. Pero wait, saan ba kami pupunta? Anong isusuot ko? Well, gusto ko siyang asarin. Naka-maong siya na kupas and plain white shirt kaya't magsusuot ako ng dress. Para talagang magmukha siyang bodyguard ko. Kaya naman nagsuot ako ng floral dress at flowy iyon. Nag apply ako ng make up ng very very light. Nakalugay lang ang buhok ko at bagay naman iyon kaya't ganoon na lang. Maya-maya ay bumukas ang pintuan at saka ko nakita ang ulo niyang sumilip. Naka-sunglasses na ang ungas. "Bakit ang tagal mo? At ano sa tingin mo ang pupuntahan natin? Change your clothes!" Pumasok na siya ng tuluyan. "Excuse me, hindi ka nagsabi kung saan tayo pupunta so ganito ang isinuot ko. Mayroon bang problema? Plus, ganito ako kapag lumalabas." "Pwes, from now on, don't use dresses when we go out." "Why? Sino ka para pangunahan ako? Pati ba naman kalayaan sa pananamit ko tatanggalin ninyo? Nasaan ang hustisya?" "Nandito ang hustisya." Pinatalikod niya ako at biglang pinunit ang dress ko sa likod. Braaatttt! "Oh my God. What did you do? Ang mahal ng dress na ito. Anong ginawa mo Apollo?" Galit na galit ako. "Huwag mo nang hintayin na lahat ng dress mo ay sunugin ko. Now change your clothes and lumabas ka na sa kwartong ito in 5 minutes." Iyon lang at lumabas na siya sa kwarto ko. Hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay. Sobra na talaga ang lalaking ito. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Naiiyak na lang ako habang tinatanggal ko ang dress ko sa katawan ko. "Ooohhh, my floral dress!" Para akong namatayan ng mahal sa buhay habang niyayakap ko ang damit kong iyon. Maya-maya ay sumilip siyang muli. "Baka naman gusto mo pang dagdagan ko ang rason ng pag-iyak mo? You're taking so much time, woman." Hindi na ako kumibo pa. Hindi ko na alintana kung naka bra at panty lang akong naglakad patungo sa akong cabinet para kumuha ng pamalit. "In five minutes, dapat nakalabas ka na. Kung hindi, kakaladkarin kita palabas kahit na anong suot mo." Padabog niyang sinara ang pintuan. Umirap na lang ako. Paglabas niya ay nagmadali talaga akong magbihis. Nagsuot ako ng skinny jeans at wala akong ibang nahagip kundi ang isang fitted white shirt. Kinuha ko ang denim jacket ko para protected ako from the heat of the sun. Nagsuot ako ng sneakers and now I am ready. Kinuha ko ang bag ko at lalabas na sana nang magbukas ulit siya ng pintuan. "Ang tag…" He stopped when he saw me. Well, maalindog talaga ako. Sorry naman kung tulo laway siya. "Okay, let's go." Niluwagan niya ang kanyang pagkakabukas ng pintuan saka ako naunang lumabas at sumunod siya. Nauna na rin akong lumabas ng pintuan ng condo unit ko. Alright, nakalabas din after two days. Na-miss ko ang outside world. And then, nagulat ako nang akbayan niya ako. Ang bigat ng braso niyang pumatong sa akin at hindi ko alam kung anong trip niya. "What are you doing?" "Act like I am your boyfriend." Mahina niyang wika. "But why? Ayaw kitang maging boyfriend." "Ako rin naman, pero umayos ka na lang." Saka niya ako mas lalong inilapit sa kaniya at tumama ang braso ko sa tagiliran niya. "Aray ko ha!" Nanggigigil akong nagsalita. Hanggang sa napatingala ako upang tingnan siya. Naglalakad kami sa pasilyo papunta sa elevator kaya't medyo mahaba pa ang lalakarin. Matangos ang ilong, perfect ang shape ng pagkakashave ng kaniyang bigote ngunit hindi ko makita ang mga mata niya ng gaano. But when I looked into his shades, mayroong kakaibang bagay doon. Mayroong umiilaw sa kanang bahagi nito. "W-what's this?" I asked and nang hahawakan ko na sana iyon ay bigla niyang hinablot ang kamay ko at sa hindi ko malamang dahilan ay napa-aray na lang ako. "Aaaawww!" Gusto kong manghina nang dahil doon. "Don't touch my gadget." Mahina niyang wika saka siya muling naglakad nang naka-akbay sa akin. PAGBABA NAMIN ng Crown ay nakatingin sa amin ang mga crew. Of course lagi naman akong tinitignan ng mga ito ngunit iba ngayon dahil mayroon akong kasama. "Wala kang sasakyan?" Tanong ko. "Nasa labas." "Hindi ka napark sa basement?" "I'd rather not to." Deretso lang ang tingin niya at tila ba ayaw niyang ma-expose kami gaano sa labas. Nandoon sa tapat ang kaniyang sasakyan. Kulay itim iyon na Bentley 2021 and it's one of the most expensive cars in the world. Wow lang. Mas mayaman ba siya sa dad ko? "You own this car?" I asked bago niya ako pasakayin. Hindi siya sumagot at saka siya umikot para sumakay na rin. Tiningnan ko ang loob ng sasakyan at talagang mukhang bago iyon. Tumingin ako sa likuran at mayroong nakatiklop na damit doon at kung tama ako ay iyon ang ilan sa mga dala niyang damit. No wonder nakapagbihis siya. But a box caught my attention. One box of condom beside his clothes. Gosh. Napatingin ako kaagad sa harapan nang sumakay na siya. "Do you own this car?" "Why will I use it kung hindi sa akin?" Strikto niyang wika habang nag-i-start ng sasakyan. "Seatbelts please." Aniya. Hinanap ko ang seatbelt at para akong naiignurante sa kaniyang sasakyan. "Tsk." Napa-palatak siya at saka niya dinukot ang seatbelt sa kanan ko. Napapikit na lang ako nang magkadikit kaming dalawa. Gosh, ang sexy ng amoy niya. Hindi naman siya nagpabango kanina pero bakit kakaiba ang amoy niya? He smells sexy and damn, ang hot niyon sa aking pang-amoy. Hindi ko iyon masyadong naamoy kanina pero ngayon at nasa kulob na part na kami ay nangingibabaw iyon sa akin. And then, mas lalo akong nakapikit nang unti-unti siyang bumulong sa akin. "Let's pretend that we are kissing." Aniya. "What?" I asked. "Just do it, this is for you." He said. Nagulat na lang ako nang idikit niya ang mukha niya sa akin. Oh My God. Hahalikan na ba niya ako? "Hold my neck, Aurora!" Utos niya. Mas mabilis pa sa kidlat ang kanan kong kamay na kumapit sa kaniyang leeg. And then he smiled at me habang nakadikit ang noo niya sa akin. "That's good. Hindi iinit ang ulo ko kapag lagi kang masunurin." Naamoy ko ang mabango niyang hininga. It smells like a mint and I love it. Matapos iyon ay naupo na siya ng maayos. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kabilis ang pagkabog ng dibdib ko sa mga oras na iyon. Hindi niya ako hinalikan pero sa ginawa niyang iyon ay gusto nang magwala ng egg cells ko. Kapagkuwa'y naglagay siya ng isang bluetooth earphone sa kanyang kanang tenga. And then mayroon siyang sinet-up sa kaniyang kotse. Hindi ko iyon masyadong kabisado pero nagmamasid lang ako. "Okay, we will be there darling." Bigla niyang wika. Napalingon ako. Darling? Sinong kausap niya? "Alright, I got it. I know the place." Patuloy niya lang. "Yeah, I've been there to look for a woman to get laid on my bed before." He smiled. "Masanay ka na darling." "I love you, too!" Natatawa niyang wika. Saka kami biglang umandar. "Sino iyong kausap mo? Your wife?" "I don't have a wife." He answered. "But you call her darling." I said with curiosity. "It's too early to be jealous, Aurora." He smiled. Yung killer smile niya talaga ang tunay na pamatay. Pantay pantay ang mapuputi niyang ngipin at wala akong maisip kundi ang mga bagay na kanina pa pumapasok sa aking isipan. He looks rich. He really is. And I know, mayroon siyang tinatago. Hindi ba't dapat kapag mayroon kang personal bodyguard, alam mo ang lahat sa kaniya, that's basic, but with him, mukhang wala akong kaalam-alam. I remained silent until nagsalita siyang muli. "We're heading there right now. Okay, sure. No problem." Sino ba ang kausap niya? Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon pero mas curious ako sa mga nakakausap niya. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Ayaw ko nang tanungin kung sino ang kausap niya dahil mukha namang hindi niya iyon sasabihin sa akin. "To where it all started." He answered. Napakamatalinghaga naman nang sinabi niyang iyon but napaisip ako. To where it all started? Wait, we are on our way to…yeah. Papasok na kami sa isang kanto. Pamilyar ito. Rabiya's Bar. Ito nga ang daan. And as far as I can remember ay dito kami huling nagkasama ni Erma. Bigla ko na namang naalala ang kaibigan ko. Wala pa ring balita hanggang ngayon ang mga kapulisan tungkol dito. "Do you remember this place?" He asked. "Yeah. Naaalala ko. How did you know this place?" I asked. "That's a secret." Saka siya nag-park sa tapat ng bar. "Papasok tayo sa loob?" I asked again. "Ano pa nga ba?" Tinanggal niya ang seatbelt niya at maging ang akin ay tinanggal niya na rin. "Let's go." Nagbukas siya ng pintuan ng kotse at saka ako sumunod na bumaba. Huminga ako ng malalim. Dito ako huling nag-disco at nakijamming sa mga barkada ko that night. And I haven't heard anything from them simula noon. Hindi ko alam kung alam nila ang nangyari sa amin ni Erma. It's understandable dahil wala na nga pala akong cellphone. Again, inakbayan ako ni Apollo. Hindi na ako nagulat. "Let's get inside baby!" He smiled. Baby? Sinadya pa niyang lakasan iyon at alam kong pakana na naman niya ang mga bagay na ito. I keep on wondering kung ano nga ba talaga ang mga ginagawa niya but I trust my father. Hindi niya ako pababayaan kahit spoiled brat ako. Pagpasok namin ay walang masyadong tao. Sa umaga ay simpleng bar lang ito. Mayroong mga kumakanta to entertain at mayroon ding nagiging stand-up comedian. "Saan kayo umupo that night?" He asked. "Doon." Itinuro ko ang lugar kung saan kami nag-stay. Sa lugar kung saan ay pang-maramihan ang pwedeng maupo. Ngunit mayroong mga nakaupo doon ngayon. Parang puro mga lalaki. "Okay, let's just stay here." Naupo kami sa tabi ng bintana saka kami nilapitan ng isang waiter. "Welcome po. Anything you want us to serve you." "Water," agad na sagot ni Apollo. Natawa ang waiter. Nahiya naman ako sa sagot ni Apollo kaya't mag-oorder sana ako ng inumin ngunit nagsalita pa siya. "Bumalik ka na lang mamaya, mag-iisip pa ako ng order para sa aming dalawa." He said with his most strict voice. "Okay sir." Umalis na rin ang waiter. And then bumaling siya sa akin. "Lady, we are not here to drink. We are here to investigate everything. Tapos oorder ka pa." Mahina niyang wika. "I am sorry. Hindi ka nagsasabi ng mga dapat gawin." "You're very slow para hindi ka maka-pick up kaagad. Isn't it obvious?" Nagawa niya pa akong pagalitan. Kaya naman tumahimik na lang ako sa mga sandaling iyon. "What can you remember sa mga nangyari that night?" He begun to ask. "My friends invited me here dahil alam nilang stress na stress ako lately sa dad ko who's so annoying. And then, nag-inuman kami hanggang sa alas dos na nang madaling araw kami nakauwi. Kinuha ni dad ang kotse ko kaya't kapwa kami walang masakyan ni Erma." "And your other friends, anong sinakyan nila?" "Sumakay sila sa iisang kotse. Hindi kasi kami kasya lahat." "Okay. So, sinong kasama mo?" "It's Erma. And unfortunately, siya ang nakuha ng mga kidnappers." "Okay." Tumango tango lang siya saka tumingin sa paligid. I wonder why nakasuot pa rin sa kaniya ang shades niya at wala nang umiilaw doon. Nacu-curious talaga ako. Nilibot niya ang tingin niya. "Can you see something?" He asked. "What?" Tanong ko. Ngunit mukhang hindi ako ang kausap niya. Mayroon siyang kausap sa kabilang linya and sa tingin ko ay mayroon silang hinahanap. "Okay. Inform me. Thanks." Saka siya bumaling sa akin. Nang mga sandaling iyon ay mayroon akong pamilyar na mukhang nakita. "Wait, parang nakita ko na ang lalaking iyon." Itinuro ko ang isang lalaking naglalakad papunta sa CR. Hindi niya ako napansin kaya't tiyak kong hindi niya ako nakita. Tumingin si Apollo at saka niya ako tinanong. "Saan mo siya nakita?" "He's the driver of the taxi na sinakyan naming dalawa ni Erma." I answered. "Are you sure?" He asked. "Yes." "Okay come here!" Hinawakan niya ang aking kamay saka sumunod sa CR ng mga lalaki. "Bakit tayo pupunta doon?" Tanong ko na naman na puno ng pagtataka. "I think I need a blowjob from you. Please do it for me inside the men's comfort room." Sabi pa niya. "What?" I asked.. "Tsk. Trust me, spoiled brat." Saka niya padakot na pinalo ang pwet ko. Kainis. Pagtatapos ng Ika-apat na Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD