bc

Madness and Reverie

book_age18+
3.6K
FOLLOW
30.6K
READ
billionaire
revenge
contract marriage
manipulative
drama
betrayal
humiliated
punishment
hostages
like
intro-logo
Blurb

Sa malagim na pangyayari, pagtatagpuin ang dalawang taong nakatadhana sa isa't isa. Isang bawal na pag-ibig na siyang uusbong at lalayag.

Si Carmela, isang babaeng ang tanging hangad lang ay magkaroon ng permanenteng trabaho. Ngunit biglang nagbago ang takbo ng buhay niya nang makilala niya si Daevon, ang lalaking dudurog sa buong pagkatao niya.

Dahil sa kasalanan ng ama, siya ang nagdusa at sumalo sa galit ng pamilyang Segovia. Pinaglaruan at binilog siya ng husto ni Daevon. Pinagkaitan ng kalayaan at ikinulong siya sa mansyon ng lalaking akala niya ay kakampi.

Hindi niya akalain na patibong lang pala ni Daevon ang kabutihang pinakita sa kan'ya ng binata. Kaya napagdesisyunan niyang tumakas at magpakalayo-layo sa poder ng lalaking minsan na niyang minahal.

Paano kung sa araw ng pagtakas niya ay malaman niyang nag-aagaw buhay si Daevon sa ospital.

Itutuloy niya ba ang pag-alis nito o pupuntahan niya ang lalaking walang ginawa kun'di saktan siya?

Matitiis niya ba ang binata o uunahin niya ang sarili nitong kapakanan at ang kalayaan na matagal na niyang inaasam?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CARMELA "Mga suki, bili na kayo!" malakas kong sigaw. Nandito ako ngayon sa palengke upang tulungan ang aking tiyahin na ibenta ang mga isdang nahuli ni Uncle Mario. Babalik din ako sa bahay mamaya para ipagluto si papa ng makakain niya. "Carmela, ako na dito. Umuwi ka na," nahihiya na sabi ni Auntie Ofelia sa akin. "Hindi ka bagay dito lalo na't graduate ka ng kolehiyo. Ang dapat sa 'yo ay sa opisina ka nagtatrabaho at hindi dito." Hindi ko maintindihan ang aking tiyahin kung bakit ayaw niyang nandito ako sa palengke. Wala namang mali sa pagtitinda ng isda dahil marangal naman ang ginagawa namin at wala kaming inaapakang ibang tao. Saka hindi naman lahat ng nakapagtapos ng pag-aaral ay nagtatrabaho sa di-aircon na opisina gaya ng inaakala niya. Ang iba nga diyan ay tambay kagaya ko. "Tiya naman, wala akong gagawin sa bahay kapag uuwi ako. Tiyak kong mababagot lang ako doon lalo na't mamaya pa darating si papa." Napabuntong-hininga na lang si auntie sa naging sagot ko. "Kung ako sa 'yo, imbis na pumunta ka dito ay mag-job hunting ka na lang sa lungsod para naman hindi ka maburyo sa bahay n'yo." "Iyon na nga ang problema. Kahit anong gawin ko ay hindi rin nila ako tatanggapin dahil fresh graduate lamang ako at ang mas masaklap pa diyan ay wala akong backer." Akala ko kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral ay giginhawa na ang buhay ko dahil may naghihintay na magandang oportunidad sa akin pero ang ending, wala pala. Nakakapanghina dahil lahat ng kumpanyang nag-interview sa akin ay hinahanapan ako ng experience samantalang kaka-graduate ko lang ng kolehiyo. When reality bites you so hard. Kung may backer lang talaga sana ako, madali lang ako makapasok sa Segovia Holdings. Nakakainis, lahat ng mga kaklase ko ay may trabaho na samantalang ako ay wala pa. Ilang buwan na akong tambay at pabigat kay papa. "Huwag kang magdahilan diyan. Kung hindi lang kita kilala ay iisipin kong ayaw mo lang talagang magtrabaho. Pero 'nak, kahit naman wala kang backer tiyak kong makukuha ka basta galingan mo lang sa interview mo. Magpakitang gilas ka, Carmela." "Oo naman po. Huwag kayong mag-alala dahil bukas na bukas ay pupunta ulit ako sa lungsod para maghanap ng trabaho kahit bilang cashier o sales lady na lang muna habang naghihintay ako ng tawag sa Segovia Holdings." Pagkatapos naming mag-usap ni Auntie Ofelia, inutusan niya akong bumili ng gamot sa botika para sa arthritis niya. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaklase kong naka-corporate attire. Ano na, Carmela? Hanggang ganito na lang ba ang buhay mo? Kailan ka rin ba aangat? "Carmela, saan ka pupunta?" nakangiting tanong ni Janika sa akin. Sinuri niya ang suot ko at nanliit ang mga mata niya ng napagtanto niyang galing ako sa palengke. "Diyan lang sa kabilang kanto. Day off mo ngayon?" May halong pait ang boses ko ng tanungin ko siya. "Oo, samahan na kita. Busy ka ba ngayon?" "Hindi naman." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. Mukhang alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito. Kukulitin na naman niya akong samahan ko siyang silipin ang crush nitong manager sa isang mamahaling restaurant dito sa aming bayan. Kaibigan ko si Janika simula highschool kaya kabisado ko na ang laman ng utak niya at alam ko ang bawat galaw niya. "Yes! Kain tayo sa Simiri, libre ko. Sige na, Carmela," pangungulit niya. Wala akong choice kun'di tumango dahil alam kong ayaw din naman ni Auntie Ofelia na magtagal ako sa palengke kaya pinaunlakan ko na lang ang imbitasyon ng aking kaibigan. Pagkatapos kong bumili ay nag-text ako kay auntie para ipaalam na mamayang hapon ko na lang idadaan ang gamot nito sa bahay nila. Sinabi ko rin sa kan'ya na baka hindi na ako makabalik sa pwesto niya dahil may lakad kami ngayon ni Janika. Ngiting-ngiti naman ang malandi kong kaibigan at kinaladkad na niya ako papunta sa kanila. "Mauna ka ng maligo, Carmela. Titingin lang ako ng pwede mong maisuot na damit ngayon sa cabinet ko." Inirapan ko siya dahil palagi na lang niya akong dinadamay sa paglalandi niya. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at wala pang fifteen minutes ay tapos na ako. "Tapos ka na? Ang bilis mo namang maligo." "Pangalawang ligo ko na ngayon ito," sagot ko sa maliit na boses. "Pasok ka na sa loob ng banyo at bilisan mong kumilos dahil kailangan ko pang umuwi mamaya para asikasuhin si papa sa pagdating niya." "Masyado mo namang bini-baby ang papa mo. Mag-enjoy ka rin minsan, Carmela. Panahon na para magkaroon ka na rin ng boyfriend." "Sakit lang sa ulo ang mga lalaki. Pagkatapos nilang makuha ang gusto nila ay iiwan ka na lang nila bigla. Ayokong masaktan kaya pass muna ako sa mga gan'yan. Hindi pa ako ready." I'm still twenty-two and my priority right now is my career. Kanina ko pa hinihila pababa ang suot kong maikling dress na hapit na hapit sa aking katawan. Pagpasok namin sa restaurant ay naagaw namin ang atensyon ng mga ilang tao dito sa loob ng Simiri. Malaki siguro ang sahod ni Janika dahil afford niyang bumili ng pagkain dito. "Girl, nag-text pala kanina ang papa mo. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo dahil pinapasok mo agad ako kanina sa banyo." Sinilip ko ang luma kong cellphone at napakunot ang noo ko nang nabasa ko ang text ni papa. Ano kaya ang nangyari sa kan'ya at bakit hindi siya uuwi ngayon sa bahay? Isa siya sa mga empleyado ni Don Arturo at matagal na siyang driver ng matandang negosyante. Anak ni Don Arturo ang may-ari ng Segovia Holdings. Gusto ko sanang humingi ng pabor sa amo ni papa subalit nahihiya naman akong lapitan siya. Kung sipsip lang ang ama ko ay baka nagtatrabaho na ako sa kumpanyang iyon. "Ano'ng sabi ng papa mo?" tanong ni Janika habang nakatingin siya sa crush nito. "Hindi daw siya uuwi ngayon kaya pwede akong magtagal dito sa bayan." Mag-o-order na sana kami ng aming pagkain subalit bigla na lang nagkagulo dito sa loob ng restaurant. Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril at pumasok ang sampung armadong lalaki dito sa loob ng Simiri. Nagsitakbuhan ang ibang customer habang ako ay naestatwa sa aking kinauupuan. "Daevon, nandito ang anak niya." sigaw ng lalaking nakasuot ng formal attire. Madilim ang mukha ng lalaking tinawag niyang Daevon at mas lalo akong natakot ng lumapit siya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napayakap ako bigla sa aking sarili. "Where is your father?" tanong ni Daevon. "H-hindi ko po alam," mabilis kong sagot. Napatalon ako sa gulat dahil binaril niya ang painting na nasa gilid ko. Nagsimulang mangilid ang luha ko dahil sa puntong ito, parang hindi ko kayang isalba ang sarili ko ngayon. Natatakot ako sa kan'ya. Isa siyang halimaw! Halos kapusin ako ng hininga nang paluhurin niya ako sa harapan niya. Pilit kong inaalala ang lalaking ito kung saan ko ba siya nakita noon. Pamilyar kasi ang mukha nito at nanlaki ang dalawang mata ko ng napagtanto kong siya ang bunsong anak ni Don Arturo, ang may-ari ng Segovia Holdings. "Tell me or I will kill you right now!" "Hindi ko po talaga alam kung nasaan siya ngayon. Ano ba ang ginawa ni papa sa inyo at bakit hinahanap n'yo siya?" His eyes are now bloodshot. Kahit hindi siya ngumiti, nagsusumigaw ng kagwapuhan ang mukha niya. Matangkad siya at tama lang ang tangos ng ilong niya. His tanned skin is says that he is hot. Hindi siya maitim pero hindi rin siya maputi. Tama lang ang complexion ng balat niya. Kanina pa pala ako nakatulala sa harapan niya kaya bigla akong natauhan. Nag-iwas na lang ako ng tingin para hindi ko makita ang nakakunot niyang noo. Carmela naman, nasa panganib na nga ang buhay mo tapos nagdi-daydream ka pa diyan! "Don't ask me about your traitor father! I will kill him," he said. "Kunin n'yo ang babaeng iyan at dalhin n'yo siya sa mansyon ko." "T-teka, bakit mo ako isasama sa mansyon mo?" Nagpumiglas ako at nang nakahanap ako ng pagkakataon na makatakas ay mabilis akong tumakbo palabas ng Simiri Restaurant. "Damn it! Ano pa ang hinihintay n'yo? Chased her!" malakas niyang sigaw sa mga tauhan niya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon kaya takbo lang ako nang takbo at hindi ko ininda ang kumikirot kong mga paa. Pakiramdam ko ay parang katapusan ko na ngayon. Kung mahuhuli nila ako ay tiyak kong sa morgue ang bagsak ko. Wala naman akong kasalanan sa kanila kaya nakapagtataka kung bakit nila ako hinahabol. Pero teka, nasabi niya kanina na traydor ang aking ama. Pero imposibleng lokohin ni papa si Don Arturo dahil malalim din ang kanilang pinagsamahan. Napaupo na lang ako sa sahig nang makita ko si Daevon sa harapan ko. Walang masyadong dumadaan sa eskinita na ito kaya wala akong mahingian ng tulong. Si Janika, nasaan na kaya ang kaibigan ko? Hindi ko na kasi siya nakita kanina ng pumasok ang mga armadong lalaki sa loob ng Simiri. "Parang-awa n'yo na, tigilan n'yo na ako. Ano ang gagawin mo sa akin?" galit kong tanong sa kan'ya. "Shut up! I will blackmail your father and tell him that his precious daughter is in my house. Ikaw ang magiging tulay para mahuli namin ang kriminal mong ama." "Hindi siya kriminal!" sigaw ko. "Pinatay niya ang ama ko at ninakaw niya ang tatlong milyon na ido-donate sana namin sa charity." Pinatayo niya ako at kinaladkad niya ako papasok sa itim na van. Hindi. Hindi mamatay tao si papa. Nagsisinungaling lang ang lalaking ito sa akin. "Liar! Kilala ko si papa. Hindi niya magagawa ang mga ibinibintang mo sa kan'ya." Nilagyan nila ng piring ang dalawang mata ko at tinali rin nila ang mga kamay ko. Hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon. Ilang oras na akong nakaupo sa silya na ito at kanina pa ako nilalamig. Ang sosyal naman nilang mang-kidnapped. Sa air-conditioned room pa talaga nila ako dinala. "Ang kinis naman ng hita nang babaeng ito. Ang sarap hawak-hawakan," narinig kong bulong ng lalaki. "Umayos ka, Eric. Baka ikaw pa ang unang ilibing namin kaysa sa bihag natin. Nakita mo naman kanina kung paano tumingin si boss sa babaeng ito, mukhang na-love at first sight ata. Kaya kung ako sa 'yo, itikom muna na lang ang bibig mo at 'wag mo na siyang pangarapin pa." Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig kong malakas na bumukas ang pintuan sa silid na ito. Sa amoy pa lang ng pabango niya ay alam ko na kung sino ang pumasok. "Labas," matigas niyang utos sa mga tauhan nito. Tinanggal niya ang piring ko at kinalas niya rin ang tali sa kamay at paa ko. Narinig ko ang munting mura niya habang kinakalagan niya ako. Walang emosyon ko siyang tinignan at nang dahil sa galit ay dinuraan ko ang mukha nito. Napangisi ako nang makita kong nagbago ang ekspresyon ng kan'yang mukha. "Ire-report kita sa mga pulis kapag nakatakas ako dito," walang takot kong sabi sa kan'ya. "Go on. Samahan pa kita." Confident niya akong binalingan ng tingin at mahigpit niyang sinabunutan ang buhok ko. Nakatingala na ako sa kan'ya at nagtitigan kami sa isa't isa. Mabilis akong tumayo at sinipa ko ang gitnang parte ng katawan niya kaya namilipit siya sa sakit. Wala akong sinayang na oras at lalabas na sana ako sa silid na ito subalit nahawakan niya ang isang paa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook