Chapter 2

1825 Words
CARMELA Bigo akong makatakas dahil paglabas ko sa mansyon ay hinarangan agad ako ng mga tauhan niya. Akala ko ay sasampalin ako ni Daevon, ngunit laking gulat ko ng dalhin niya ako sa kuwarto nito. "Bakit mo ako dinala dito?" Hindi man lang ako nakaramdam ng pangamba na baka may gawin siyang masama sa akin. "Shut up! You're so talkative. Change your clothes," he firmly said. "Ano bang klase ng damit ang suot mo? Gustong-gusto mo atang nabobosohan ka ng ibang tao." "Ano bang mali sa damit ko? Alam mo, ikaw lang ang kidnapper na kilala kong pakialamero. Sa lahat ng pwede mong mapansin 'yong suot ko pa talaga." Inirapan ko siya at padabog kong kinuha ang damit na nakalatag sa ibabaw ng kama niya. Pumasok na ako sa comfort room at nagbihis ako ng mas komportableng damit. Kailangan kong makausap si papa at sabihin sa kan'ya na nasa puder ako ni Daevon ngayon. Mabuti na lang at hindi niya napansin kanina na may hawak akong cellphone. Sinubukan kong tawagan si papa at nadismaya ako dahil cannot be reach siya. Kung gano'n, mukhang totoo ang mga paratang na ibinibintang sa kan'ya ni Daevon. "Hey, what are you doing inside?" "Tumatae ako kaya 'wag mo akong istorbohin," sigaw ko mula dito sa loob ng comfort room. Nakakairita ang boses niya tapos ingles pa siya nang ingles. Siguro naman ay umalis na siya dahil labinlimang minuto na ang nakalipas simula ng pumasok ako dito sa comfort room. Nalaglag ang panga ko ng makita ko siyang nag-aabang sa gilid ng pintuan. Lintik na lalaki, ano ba ang trip niya? "There you are. Akala ko ay wala ka ng balak lumabas. Now tell me, tinawagan ka ba ngayon ng papa mo?" "Hindi, nag-text lang siya kanina sa akin upang ipaalam na hindi siya makakauwi sa bahay ngayon. Matanong nga kita, ilang araw ba ang balak mong gawin akong hostage?" "Papakawalan lang kita kapag nahanap na namin ang ama mo. Huwag mo ng balaking tumakas dahil nagsasayang ka lang ng energy mo. And please, 'wag kang gumawa ng mga bagay na ikagagalit ko dahil ginagawa ko ang best ko na hindi kita pagbuhatan ng kamay." "Paano kapag hindi n'yo mahanap si papa? Don't tell me forever akong mananatili dito sa mansyon mo." Pagod siyang naupo sa sahig at nanikip ang dibdib ko ng makita ko siyang umiiyak. Galit, poot, sakit at pagsisisi ang mababasahan mo sa kan'yang mga mata. Gusto ko siyang lapitan subalit hindi ko magawa dahil sobrang na-guilty ako sa nangyari kay Don Arturo. "Mas magiging ligtas ka dito sa poder ko. Ayokong madamay ka sa gulong ito at kapag si Kuya Havier ang nakahanap sa 'yo ay tiyak kong papatayin ka niya ng walang kalaban-laban." "Nakikiramay ako sa pagkawala ni Don Arturo. Hindi ko man maibsan ang nagdadalamhati mong puso subalit nais kong humingi ng tawad sa ginawa ng aking ama sa papa mo." "If you don't want to die, stay here. I want to punish you so badly, but you're innocent. You have nothing to do with your father's sin." Dapat ba akong magpasalamat sa kan'ya dahil hindi niya ako magawang saktan at niligtas niya ako sa kalupitan ng kapatid niya? "Paano kung malaman ng mga kapatid mo na tinatago mo ako?" Baka nga sa mga oras na ito ay alam na nila na nandito ako sa mansyon ni Daevon. "Hindi nila malalaman dahil sinabihan ko ang mga tauhan kong 'wag nilang ipaalam na nahanap na kita. Mamaya ay aalis ako at baka sa susunod na araw pa ang balik ko dito." Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung mabait ba talaga siya o ngayon lang dahil wala siyang lakas na ipakita ang tunay niyang ugali. Basta ang alam ko ay masungit, snob, cold-hearted at matapobre siya, iyon kasi ang naririnig ko sa bibig ng mga empleyado niya nang pumanta ako sa kumpanya nito. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya o tatakas ulit ako. Inaalala ko rin kasi sina Auntie Ofelia at baka kanina pa nila ako hinahanap. "Hija, kumain ka na. Ako nga pala si Nanay Flora, isa akong kasambahay sa mansyon na ito." Nilapag niya ang pagkain sa maliit na lamesa na nasa gilid ko. Pilit siyang ngumiti sa akin kaya nginitian ko siya pabalik. "Salamat po, Nanay Flora. Nag-abala pa kayo. Umalis na po ba si Daevon?" Bigla siyang namutla. May nasabi ba akong masama? Gulat na gulat siya at hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya. Ang weird naman ni Nanay Flora. "Hija, sa susunod 'wag mo na siyang tawagin na Daevon. Mabuti na lang at walang ibang kasambahay na nakarinig sa 'yo." "Bawal po ba? Pero narinig kong tinawag siyang Daevon nang lalaking kasamahan niya." Curious akong napatingin sa kan'ya at hinintay ko ang magiging sagot niya. "Ayaw niyang tinatawag siyang Daevon ng mga taong hindi malapit sa kan'ya. Sir o Maximo na lang ang itawag mo sa alaga ko. Saka hindi pa siya umalis dahil may tinatapos pa siyang trabaho sa opisina niya." Hindi na ulit ako nagtanong pa kay Nanay Flora dahil mukhang may malalim na dahilan kung bakit hindi pwedeng Daevon ang itawag ko sa bunsong anak ni Don Arturo. Kumain na lang ako at inabala ang sarili sa silid na ito. Wala akong magawa kaya lumabas ako sa kan'yang silid. Hindi naman ako hinarangan ng mga tauhan niya kaya sinamantala ko ang pagkakataon na maglibot dito sa malawak niyang mansyon. "Daevon! Ilabas mo ang anak ni Solomon." sigaw ng lalaking kararating lang. Nagsimula akong pagpawisan dahil mukhang kanina pa umalis si Daevon. Nagtago ako sa gilid ng cabinet nang makita kong pumasok ang lalaking naghahanap sa akin. Halos mapugto ang hininga ko ng maramdaman kong papalapit siya sa kinaroroonan ko. "What are you doing here, Kuya Havier?" tanong ni Daevon sa kan'yang nakatatandang kapatid. Nagtitigan sila sa isa't isa at napasigaw ako ng binaril ni Havier ang braso ni Daevon. Mariin siyang napamura nang lumabas ako sa pinagtataguan ko at dinaluhan ko siya. Hahawakan ko na sana siya ngunit hinila ako ng kapatid niya at tinutukan niya ako ng baril sa bandang ulo ko. "What the hell! Pakawalan mo siya, kuya. Dadaan ka muna sa akin bago mo siya masaktan," matigas nitong sabi at hinila niya ako pabalik sa kan'yang tabi. "Kinakampihan mo ba ang anak ng lalaking pumatay sa ating ama?" hindi makapaniwala na tanong ni Havier. "Oo, dahil wala siyang kasalanan. Don't ever lay your finger on her or else ako ang makakalaban mo." Ramdam ko ang mabigat na tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Daevon para maagaw ko ang atensyon niya. Ayokong mag-away sila ng kuya niya nang dahil sa akin. Nagluluksa sila ngayon kaya hindi ko maatim na makita silang nagkakasakitan. "You're crazy, Daevon. Mas kakampihan mo pa siya kaysa sa kapatid mong naghahabol ng hustisya para sa pagkamatay ng ating ama?" "Wala akong kinakampihan, kuya. Just don't punish her. She's innocent and she doesn't deserve our wrath." "Tabi kung ayaw mong pati ikaw ay mabaril ko. Wala akong pakialam kung inosente siya. Siya ang sasalo sa kataksilang ginawa ng ama niya sa pamilya natin. Papatayin ko siya," puno ng hinanakit na sabi ni Havier. "Sa ginagawa mong 'yan, mas lalong magiging komplikado ang sitwasyon natin kapag pinatay mo siya. Please kuya, hindi solusyon ang pagpatay sa anak niya. Trust me," pagod na pahayag ni Daevon. Nang dahil sa frustration, nagwala ang kuya niya sa harapan namin at pinagbabaril niya lahat ng mamahaling vase na nakikita niya. He's so livid that no one can tame him. Mabilis akong niyakap ni Daevon at hinarang niya ang kan'yang sarili para hindi ako masaktan nang ihagis ni Havier ang basong hawak niya sa akin. "Diyos ko, anong nangyari dito. Havier, anong ginawa mo sa kapatid mo?" Saka lang natauhan si Havier nang biglang lumitaw si Nanay Flora sa aming harapan. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang kapatid nito at dire-diretso siyang lumabas ng mansyon. "Bakit mo ba hinarang ang sarili mo," nag-aalala na sabi ko kay Daevon. "Hinayaan mo na sana akong saluhin ang galit niya!" "I told you, hindi mo kilala si kuya. Nakita mo siya, hindi ba? Hindi lang iyon ang kaya niyang gawin sa 'yo. He's a beast." "Halika, gamutin natin ang sugat mo. Akala ko ay umalis ka na kanina." Habang ginagamot ko siya ay pinagmasdan niyang maigi ang mukha ko. Bigla akong nailang dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito kalapit sa isang lalaki. Nakikiliti ako sa tuwing tumatama sa leeg ko ang mainit niyang hininga. "Alis na ako," walang emosyon niyang sabi. "Pero hindi ko pa tapos gamutin ang sugat mo." Nabitin sa ere ang kamay ko dahil mabilis siyang tumayo at umalis sa kan'yang kinauupuan. Bahala siya sa buhay niya. Concerned lang naman ako sa sugat niya. Napasilip ako sa bintana nang marinig kong maingay sa baba. Yes, aalis na siya. Kapag nakatulog na lahat ng tao sa mansyon ay isasagawa ko ang plano kong tumakas. Kapag nagtagal ako sa puder niya ay baka mas lalo lang silang mag-away ng kuya niya. Wala na akong pakialam kung malagay pa sa peligro ang buhay ko. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang pag-iisip kay papa kanina. Napatingin ako sa orasan at alas-tres na pala ng madaling araw. Dahan-dahan akong bumangon at bago ako umalis ay nag-iwan muna ako ng sulat para kay Daevon na 'wag niya na akong hanapin pa. Tumalon ako sa tuwa nang makalabas ako sa mansyon niya. Sa wakas, makakauwi na ako sa amin. "Where are you going?" Namutla ako sa aking kinatatayuan at dahan-dahan kong hinarap si Daevon. Namilog ang dalawang mata ko dahil akala ko ay hindi siya uuwi ngayon. Umurong bigla ang dila ko nang masilayan ko ang umiigting nitong panga. Galit siya. "I said where are you going, woman? Tatakas ka?" "H-hindi, magpapahangin lang sana ako. Nagising kasi ako bigla at hindi na ako makatulog kaya naisipan kong bumaba." "Don't you dare lie on my face. Alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa lahat, Carmela? Ang mga sinungaling na babae kagaya mo." Kilala niya pala ako. Ito ang unang beses na tinawag niya ako sa aking pangalan. "Oo na, aamin na ako. Pakawalan mo na ako, Daevon. Gusto ko ng umuwi sa amin. Ayoko dito," pagmamakaawa ko sa kan'ya. Walang pasabing binuhat niya ako na parang isang sakong bigas at dinala niya ako sa kan'yang silid. Galit niya akong binagsak sa ibabaw ng kama at matalim niya akong tinignan. Kumuha siya ng lubid at tinali niya ang dalawang paa ko at pati na rin ang kamay ko. "Hindi ka aalis sa pamamahay ko, Carmela. Dito ka lang," matigas nitong sabi. "Hindi mo ako pag-aari na pwede mong angkinin, Daevon. Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ako dito. No one can control me!" Natabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkasampal niya sa akin. Naghahamon ko siyang tinignan at napapikit ako ng sinampal niya ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD