bc

TBS#2: The Billionaire's Salvation

book_age18+
6.8K
FOLLOW
43.1K
READ
billionaire
dark
CEO
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
heavy
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

How did a slave become a master, and how did the master turn into a slave?

In this world full of surprises, how will love bring back a lost memory? 

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Liah "A-Ano pong nangyayari? Bakit parang... aligaga po yung mga tao rito?" Walang kamuwang-muwang kong tanong kay Aling Ising na nakasalubong ko lang sa hallway habang tinatahak ko ang daan patungo sa kuwarto ni Psalm para ihatid ang kaniyang agahan. "Si Sir Psalm kasi, inaapoy ng lagnat! Eh, ayaw niya namang magpadala sa hospital para mas matutukan siya. Kaya ngayon, kung sino-sino na ang tinatawag ko para asikasuhin siya, ayaw niya namang magpapasok ng kung sino sa kuwarto niya kung hindi raw ikaw! Kaya mabuti pa, halika na at ikaw na ang umasikaso sa kaniya!" Si Aling Ising na marahas pa akong hinatak. Kamuntik ko pang nabitawan ang hawak kong tray na may lamang almusal niya. Kung hindi lang ako magaling ay baka nalaglag na nga. Pagdating ko sa labas ng silid ni Psalm ay totoo ngang maraming mga kasambahay ang naroon. Marami pa sa kanila ang mukhang nalugi ang kompanya ang mukha. "Mabuti naman at nandito ka na, Liah! Jusmiyo marimar ka naman kasi. Saan ka ba nagsususuot at ang hirap mong hagilapin kanina?" Sabad pa ni Ester. Basta naman 'to! Parang palaging galit na galit sa akin. Porque siguro ako ang pinapansin ng crush niyang si Psalm kaya siya galit sa akin. Ang hindi niya alam, wala naman akong pake sa amo naming barumbado at tarantado. Kung gusto niya, e di lamunin niya nang buhay para mabusog siya! Pasimple ko siyang inirapan sabay pasok na sa loob. Isinarado ko rin ang pinto dahil ayoko rin naman ng masyadong maraming audience at pakialamera. Ngayon lang naman siguro ako makakabawi dahil may sakit ang hayupay naming amo kaya lulubusin ko na. Grabeng pahirap din naman kasi ang inaabot ko sa lalaking 'to, 'no? Halos di na nga ako patulugin sa sobrang dami ng utos. "Oh? Ano na namang kalokohan ang gusto mong gawin ko para gumaling ka?" Tamad kong tanong habang inilalapag ang tray sa bed side table ng kaniyang kuwarto. Sa tanong kong iyon ay hindi siya sumagot kaya humalukipkip ako at hinintay siyang magsalita pero wala akong narinig na kahit ano. Bago 'yon, ha? Madalas kasi kapag nakikita ako nito, sigaw kaagad ang bungad, e. "Bakit ba naman kasi ayaw mong magpa-ospital na lang para mas mabilis kang gumaling? Paano mo na ako aalilain niyan kung may sakit ka?" I suggested. Balak ko talaga siyang asarin pero sa tingin ko, parang susuko din ako. Habang tinitignan ko kasi siyang nanghihina, parang nalulungkot ako. Hindi ako sanay na makita siyang ganito kahina. Luh? Ano ba naman 'yang iniisip mo, Liah? Naaawa ka sa mokong na 'to? Tinapik ko ang aking pisngi para matauhan. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pagaalaga sa kaniya. "Sige na nga. Hindi na kita aasarin. Nakakaawa ka naman. Iisipin ko na lang na mabait ka nga talagang tao kahit hindi naman," sabi ko. Inayos ko rin ang pagkakatakip ng comforter sa kaniyang katawan. "Could you... stop talking a lot?" He weakly said as he groaned in pain. May kasama pang ngiwi iyon kaya napairap ako. "I want to have a peaceful sleep." Dagdag niya pa. "O. E, gusto mo pala ng peaceful sleep. Bakit pinapunta mo pa ako rito?" "Could you just stop talking? Just sit there. Pinatawag kita rito para kapag may... kailangan ako... may mauutusan kaagad ako." Then, he groaned again in pain. Umirap na lang ako at umupo roon sa itinuro niyang sofa. Makapanood na nga lang! Tss. Gusto naman pala ng peaceful sleep, pinatawag pa ako. Alam niya namang hindi kami magkasundo. Ang arte! "Matulog ka lang diyan, ha? Manonood lang ako rito. Kung may kakailanganin ka, bulyawan mo lang ako kagaya ng palagi mong ginagawa," I said as I turned my back on him. Tanging ang bugso lamang ng hangin ng aircon ang naririnig sa buong silid. Tahimik kaya naman na-achieve niya ang sinasabi niyang "peaceful sleep". Sa kalagitnaan ng palabas ay narinig kong muli ang pag-ungol niya dahil sa sakit. Napalingon ako sa kaniya at nakita kong pabaling-baling siya sa kama. "Huy, Psalm!" Sigaw ko't kaagad siyang dinaluhan. "Anong... kailangan mo? Malamig ba? N-Nakapatay naman na yung aircon," nag-aalala kong sinabi. Hindi siya nakasagot at nanatiling nakayakap sa makapal na comforter. Madalas kasi ay nakahubo siya kapag natutulog, ngayon naman, balot na balot siya ng comforter. "Kukuha lang ako ng iba pang kumot sa closet mo, ha? Dito ka lan—" "No need. I can get through this," aniya. Nagdalawang isip pa ako noong una, pero dahil naaawa na ako sa kaniya at ayaw ko nang makipagtalo pa sa kaniya, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. "May... kailangan ka pang iba?" Umiling siya. "Just sit near me," aniyang ikinabigla ko. "Okay," pagpayag ko na lang. Wala namang mawawala kung gagawin ko yung gusto niya. Huwag lang siyang gagawa ng kalokohan kung hindi makakaltukan ko talaga siya. Umupo ako sa upuang nasa paanan ng kaniyang kama. Natahimik ako roon habang nanonood ng pelikula sa TV na halos hindi ko naman marinig dahil sa sobrang hina nito. "Kumain ka na kaya? Iinom ka pa ng gamot mo." Kalaunan ay nilingon ko siya. "Ang lamig... could you please go nearer?" He requested. "Ha? Ano namang kinalaman ng paglapit ko sa kalagayan mo?" Pasarkatiko kong tanong habang nakakunot ang aking noo. "Just do it. Will you?" Medyo iritado niyang sinabi. "Usog! Tss. Ang arte talaga nito," sa huli ay pagrereklamo ko na lang. Iniangat ko ang comforter at ibinalot ang sarili doon. Ang init na nga, e. Kung sabagay, may sakit nga naman ang isang ito kaya nalalamigan siya habang ako ay init na init. "Okay na ba 'to? Sabihin mo, ha? Feeling ka pa. Gusto mo lang yatang chansing-an ako, e," sambit ko habang inaayos ko ang sarili ko sa tabi niya. "Ang baho mo. Naligo ka ba?" Kung hindi ko lang naalala na may sakit siya, baka nasipa ko na siya. Ang bastos ng mokong na 'to! Siya na nga ang nanghihingi ng pabor, siya pa itong may ganang magsabi na mabaho ako?! "Oo naman 'no!" Pasigaw kong sagot sa kaniya. "Ang ingay mo talaga." Nahimigan ko ang ngiti roon sa kaniyang sinabi. "Edi palabasin mo na—" Natigil lang ako sa pagsasalita nang bigla niya akong hatakin palapit sa kaniya para mayakap. Magrereklamo pa sana ako nang maramdaman ko ang pag-ginhawa ng kaniyang paghinga. Sige na nga! Pero humanda ka talaga kapag gumaling ka, Psalm. Malalagot ka talaga sa akin!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.9K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

My Son's Father

read
583.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
454.0K
bc

His Precious Property

read
615.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook