Kabanata 2

1137 Words
Liah Darating ka talaga sa point ng buhay na gusto mong manakit ng tao dahil sa inis pero hindi mo magawa kasi mabait kang tao. Pigil na pigil ko talagang hindi siya kurutin at sapakin kanina dahil sa inis ko sa kaniya. Mabuti na lang at talaga namang pinagpala ako ng kabaitan at pasensiya dahil kung hindi, baka kung ano nang nagawa ko sa amo ko na 'yon. Nakakagigil naman kasi yung Psalm na 'yon! Akalain mo ba namang biblical pa ang pangalan pero hindi naman ang ugali! Matapos mong pagsilbihan, lalaitin ka pa? Aba naman? Saan kumukuha ng kapag ng mukha 'yon? "Oh? Ba't mukha kang problemado diyan, Liah?" Salubong sa akin ni Kuya Kanor. Mas lalo lang akong nairita. "Ikaw, Kuya ha? Kung gusto mo pang pansinin kita bukas, tumigil ka na sa pang-aasar sa akin,” masama ang loob kong banta sa kaniya. Literal na mukha talaga akong tae dahil sa pagbuhos sa akin ni Psalm ng papaya shake doon sa pool. Mabuti sana kung kaming dalawa lang, e. Pero mamsh! Kasama niya yung kaibigan niyang crush ko! Minsan ko na nga lang makita yung crush ko, mapapahiya pa ako. "Chill ka lang naman. Hindi ka naman ma-joke, e." Muli siyang tumawa kaya sinamaan ko na ng tingin. "Mukha ba akong joke ngayon, Kuya? Kita mong mukha akong batang yagit." Itinuro ko ang aking sarili. "Nakakainis! Ano na lang ang iisipin ni Vraxx sa akin? Na dugyot yung future wife niya?" Napatadyak tadyak na ako sa iritasyon. "Kuya naman..." Iyak ko habang pinagmamasdan ang damit kong kulay orange na dahil sa natapong inumin doon. "Feelingera ng taon ka talaga, girl! Mas mahal pa ni Vraxx yung mga aso niya kesa sa'yo, no!" Si Esther na bida bida na naman ang entrada. "Oh, e ba't nakiki-epal ka na naman? Ano ngayon kung mas mahal niya aso niya?" Pinagtaasan ko si Esther ng kilay habang nakapamaywang "Bakit? Mapapakasalan niya ba yung mga aso? Mabubuntis niya ba yung mga aso? Mabibigyan ba siya ng aso ng anak? Hindi 'di ba?! Kaya bakit ko ikukumpara ang sarili ko sa aso?" Dipensa ko sa kaninang sinabi niya habang taas noong umiiling. “Ang dami mong alam na kalokohan diyan. Magbihis ka na lang doon kasi pinapabalik ka na ni baby ko Psalm doon sa pool," iritado niyang sinabi. Kulang na lang ay masuka ako sa narinig kong tinawag niya kay Psalm. Ano bang nagustuhan nito roon sa lalaking tarantado na 'yon? Yak, kadiri! "Alam mo ikaw? Kung feelingera ako, ikaw naman ambisyosa ka, 'no? Pa-baby baby ka pa diyan. Ikaw ipakasal ko sa aso ni Vraxx, e. Taas ng pangarap nito." Umikot ang mga mata ko sa kay Esther bago ko sila iniwan ni Kuya Kanor doon sa kusina para makapagpalit na ng damit. Padabog akong naglakad patungo sa maid's quarter kung saan ako natutulog kasama si Aling Ising. Padabog ko ring isinarado iyon nang nakapasok na ako sa loob. Naligo muna ako at nag-ayos. Siyempre naman! Napahiya na ako kanina kay Vraxx, alangan namang ulitin ko pa? Kagaya ng sinabi ni Esther kanina, bumalik nga ako sa pool pagkatapos ng ritwal ko. Kung hindi lang dahil kay Vraxx, hindi naman ako babalik doon, e. "Oh? Ba't ang tagal mo namang nagbihis?" Salubong kaagad ni Psalm sa akin. Pasalamat siya at nakatingin din si Vraxx kaya hindi ko siya mairapan. "Baka naman nagpaganda para sa'yo, bro?" Sabad naman ni Dylan na isa ring papampam sa buhay ko. "Mahirap tanggalin yung papayang ipinaligo mo sa akin." simple kong sagot. "Buti nga yun lang pinaligo ko sa'yo. Pasalamat ka pa nga." Then he laughed. Kung bibigyan ko man talaga ng pangalan ang isang ito, pangangalanan ko siyang Demo N Yito. Bagay na bagay! Puwede bang umuwi muna itong si Vraxx para maipag-untog ko 'tong sina Dylan at Psalm? Pambawi lang ba kasi talagang kumukulo na ang dugo ko sa kanila, e. "Huwag ka namang ganiyan. Baka mamaya umiyak 'yan." Gatong na naman ni Dylan. Palihim kong ikinuyom ang mga kamao ko sa aking likod. Nangangati talaga, e. Parang gustong manapak. Sa totoo lang, kung meron lang mas maganda at mas madaling paraan para makaipon ako ng pampagamot ni Tatang, iiwan ko talaga 'tong Demo na 'to. Nakakapagtaka pa ngang umabot ako ng tatlong taon na ngayon sa kaniya. Nakakapagtaka ring buhay pa ako dahil sa mga katarantaduhan niya. Wala namang ibang gawin kung hindi ang magpa-chill at magdala ng mga babae at kaibigan niya rito sa bahay niya-- well, sabagay bahay niya naman pero nakakapeste kasi, e. Lalo na kung nananahimik ka lang naman sa isang tabi tapos mapagtitripan ka na. Mabuti pa si Vraxx. Hay... nako. Kung sana siya na lang ang amo ko, e di hayahay sana ako! Ba't pa kasi sa mokong ako napunta at sa balahura. Imbes na magreklamo, umupo na lang ako sa bakal na upuan doon sa may gazebo. Wala rin naman palang iuutos, pinabalik pa ako rito. Pero, mabuti na rin naman para makita ko si Vraxx. Hayaan mo na yung dalawang asungot na nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata. Wala akong pakialam sa kanila. Lunurin ko pa sila nang sabay, e. Wala rin naman akong magawa kaya pinanood ko na lang silang tatlo na nagkakarerahan ng langoy sa tubig. Sa tuwing nauuna si Vraxx sa dalawa ay napapapalakpak pa ako. Kapag naman si Psalm ay napapairap na lang ako. Napakayabang amp! "Galingan mo, Vraxx! Kapag nanalo ka, sasagutin na kita!" Mahina kong sigaw para siyempre di niya marinig. Alam mo yung nagchecheer ka, pero dapat ikaw lang makarinig kasi ayaw mong mabuking? Gan'on 'yon! Kaunti na lang ang layo niya kina Psalm at Dylan kaya mas lalo ko siyang chineer, ngunit sa kalagitnaan ng pagtili ko ay ang malakas na tahol ng aso. Tumigil ako sa pagtili at saktong pagikot ko ay nakita ko ang aso ni Vraxx na bulldog na papalapit na sa akin habang ang mukha'y galit na galit. Tang inakay na manok na pula naman, o! Mabilis akong tumakbo palayo roon sa kinatatayuan ko. Mas mabilis pa sa alas kuwatro akong humagilap ng mapagtataguan o maaakyatang puno dahil kapag nahabol ako ni Hades, paniguradong di na ako sisikatan ng araw. Fishtea naman kasi! Sino bang nagpakawala sa asong 'yon. Mahal ko yung may alaga, pero yung alaga... pasensiyahan na lang tayo. "Hades!" Sigaw ng isang katiwala sa bahay habang sinusubukang paamuhin ang aso. "Sige, habulin mo 'yan!" Dinig ko pang sigaw ni Psalm na halos mamatay na sa katatawa. Dahil sa kaba ko't wala akong makitang mapagtataguan, isa na lang ang naiisip kong paraan. Kanina pa ako paikot ikot dito at napapagod na ako kaya walang sabi sabi akong tumalon sa pool. Hindi ko na inisip ang mga susunod pang mangyayari sa akin. Nang nasa tubig na ako, doon ko lang naalala na hindi pala ako marunong lumangoy! Shete!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD