CHAPTER 3

1434 Words
Grade one noong una kaming nag kakilala ni Harvey. Lagi akong binubully ng mga classmates ko dahil kulot at sabog ang buhok ko. At dahil doon naging mahiyain ako at walang naging kaibigan. Hanggang isang araw nagtransfer si Harvey sa school namin. Magkaibigan ang parents naming dalawa kaya’t halos araw araw kaming magkasama lalo na no'ng naging kapitbahay namin sila. Tuwing binubully ako nandiyan siya para ipagtanggol ako. I was young back then kaya’t para sa 'kin siya ang superhero ko. Hindi nagtagal hindi ko na malayang nagiging crush ko na pala siya. Bumibilis ang t***k ng puso ko tuwing kasama ko siya. Bawat pagngiti niya ay hindi na maalis sa isipan ko. Lagi ko siyang gustong makita at makasama. Sobrang bata pa namin noon kaya’t itinago ko ang nararamdaman ko para sa kan’ya dahil ayaw kong masira ang friendship namin. Lalo na't siya lang kaibigang mayroon ako. Grade six sa wakas hindi na rin ako binubully ng mga classmates ko nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan. Pero sadly nalaman kong sa ibang bansa na mag aaral si Harvey. Sobrang lungkot ko noong malaman kong aalis siya at hindi ko na siya ulit makikita. Umiyak ako kay Mommy at sinabing pigilan na umalis si Harvey. Niyakap ako ni Mommy nong araw na iyon at ipinaliwanag niya sakin kung bakit kailangang mag aral ni Harvey sa ibang bansa. Wala akong nagawa kun'di umiyak at umasang isang araw ay babalik siya. Thanks God dahil kahit nong umalis na si Harvey ay nag patuloy pa rin ang friendship namin kahit through video call and text na lang kami nag uusap. Madalas namin iyon gawin. First day of high school sobrang kinakabahan ako dahil hindi ko na kasama si Harvey. Natatakot akong mabully ulit. Pero hindi nangyari ang kinakatakotan ko. Dahil nakilala ko si Hannah. Mabait siya at malambing. At sobrang ganda niya kaya’t maraming nagkakagusto sa kan’ya. Thanks to her natuto akong mag ayos sa sarili ko. Tinulungan niya akong magkaroon ng taste of fashion at isa pa bukod sa akin ay marami rin pa siyang mga kaibigan kayao nadagdagan din ang mga kaibigan ko dahil sa kan'ya. Grade nine noong una silang nagkakilala ni Hannah at Harvey through video call. Lunch time namin no'ng tumawag sakin si Harvey kaya pinakakilala ko siya. “Hindi mo sinabing may kaibigan ka palang pogi!” she giggled. Sa sobrang kilig niya natatawa pa niyang hinampas ang braso ko. Napatingin ako sa kan’ya. “H-huh?” wala sa sariling tanong ko. I even blinked twice. Tumawa siya “Ang sabi ko ang pogi ng kaibigan mo!” impit nitong tili. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Hannah. Wala naman siyang gusto kay Harvey diba? Hindi naman tama ang nasa isip ko hindi ba? Grade ten ako ng mamatay si Mommy dahil sa cancer. Wala akong ginawa kun'di umiyak. Sobrang miss ko na si mommy. Paano na kami ni Daddy? Paano na ako? Noong namatay si Mommy umuwi ang pamilya ni Harvey sa Pilipinas para makiramay sa'min. Nang makita ko si Harvey ay niyakap ko siya at umiyak. Sinuklian niya ang yakap ko at pinatahan. Sa mga oras na iyon hindi ko alam ang gagawin ko pero nandoon si Harvey para tulungan ako. At sobrang na miss ko rin si Harvey. Pagkatapos ilibing si Mommy. Doon unang nagkakilala ng personal sila Harvey at Hannah. “Harvey, si Hannah bestfriend ko. Hannah, si Harvey kababata at bestfriend ko rin.” Pagpapakilala ko sa kanila sa isa’t isa. Pagkatapos ng ilang araw ay bumalik ulit ng ibang bansa ang pamilya ni Harvey. Sobrang lungkot ko dahil mamimiss ko nanaman siya. Si Papa na lang at si Hannah ang palagi kong kasama. Dumaan pa ang ilang taon finally 18 years old na ’ko. Sobrang saya ko noong araw na iyon dahil si Harvey ang last dance ko. At nalaman ko rin dito na siya sa Pilipinas mag aaral ng college. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak at yakapin siya sa sobrang saya. Paniguradong masaya si Mommy sa langit dahil nakikita niyang masaya ako. Sobrang miss ko na siya. Noong mag college kami magka iba kami ng course na kinuha ni Hannah kaya naisipan naming kumuha ng condo at doon magkasamang tumira para kahit hindi kami pareho.ng schedule sa pag aaral ay magkakasama pa rin kami pag uwi namin. Thanks God at pinayagan ako ni Daddy. Masaya na ako sa lahat ng pangyayari lalo na’t nagkaroon pa ako ng panibagong bestfriend na si Ella. Hindi nga lang sila mag kasundo ni Ella at Hannah. Pero kahit papaano kapag nag kakasama kaming tatlo hindi naman sila nag-aaway. Ilang taon man ang lumipas hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para kay Harvey. Hindi na lang basta crush. Alam kong mahal ko na siya. Siya lang ang lalaking nagparamdam ng ganito sa 'kin. Gusto kong sabihin sa kan’ya ang nararamdaman ko. Pero natatakot ako. At isa pa umamin sakin si Hannah na may gusto siya kay Harvey. Pinipilit niya akong i set up sila ni Harvey kaya't wala akong magawa kundi tumango. Habang dumadaan ang mga araw napapansin kong laging mag kasama silang dalawa ni Harvey at Hannah. Mas lalo silang naging close. Pero hindi ko iyon pinansin. Hanggang sa isang araw. "Bestfriend! OMG besh kami na ni Harvey!" nabitawan ko ang libro kong hawak at napatingin sa kanya. Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya. "Besh grabe! Hindi ko talaga inakala na alam mo na! Na may gusto rin siya sa akin. Dahil sa ating tatlo kayong dalawa ang pinaka close pero ito umamin siya sa akin na mahal niya ako. Kaya ayon sinabi ko rin na mahal ko siya tapos boom! Kami na, wala ng ligawan na nangyari!" Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Namamanhid ang katawan ko at hindi makagalaw. Hindi ko rin magawang maging masaya para sa kanila dahil sobra akong nasasaktan. Nong araw na iyon para akong sinaksak sa dibdib. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam paano ko sila titingnan o kakausapin nang hindi nasasaktan at umiiyak. Gusto kong umiyak sa sakit. Pero anong karapatan kong masaktan? Kaibigan lang ako. Kaibigan nila akong dalawa. At bilang kaibigan kailangan kong maging masaya para sakanila kahit mahirap at masakit. Sa bawat araw na lumipas saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa. Hindi ko magawang ngumiti o matuwa para sakanila. Habang tumatagal pasakit ng pasakit. Habang tumatagal parang hindi ko na kayang makita silang masaya ni hindi ko na kayang tumingin sakanila nang hindi naiiyak. Habang tumatagal hindi ko na kayang makitang magkasama sila. Sinubukan kong iwasan sila pero tuwing ginagawa ko iyon pilit akong itunutulak ng tadhana palapit sakanila. Na para bang sinasadya ng tadhana na saktan ako. Nalaman ni Ella na mahal ko si Harvey. Niyakap niya ako at sinabing umiyak sa kan’ya at ilabas ang sakit. At ganoon nga ang ginawa ko nilabas ko sa kan’ya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Binuhos ko lahat ng luha ko sa harapan niya. "E-ella sobrang s-sakit. H-hindi ko sila kayang makitang masaya kasi para akong pinapatay sa sakit pero wala akong magawa kasi b-bestfriend ko silang dalawa!" humagulgol ako sa iyak. Walang ginawa si Ella kun'di makinig sa'kin at yakapin ako ng mahigpit. Wala akong nagawa kun'di tanggapin ang katotohanan at lunokin yung sakit. Tanggapin na hanggang kaibigan lang ako kay Harvey. Lagi akong sinasama ni Harvey tuwing may surprise siya para kay Hannah. Tuwing magkasama kami laging si Hannah ang binabanggit niya. Hindi niya alam sobrang na akong nasasaktan. Si Hannah naman laging nagkukwento tungkol sa relationship nila ni Harvey at mga nakakakilig na bagay na ginagawa ni Harvey para sakanya. Ako? Samantalang ako walang ginawa kundi umiyak sa harap ni Ella. Isang araw nagulat ako ng mag tanong sa 'kin si Daddy. "Do you liked Harvey?" he asked me looking serious. Sa sobrang gulat ko sa tanong ni Daddy ay agad akong umiling. "B-boyfriend po siya ni Hannah, Dad." Tumaas ang isa niyang kilay "Hindi 'yon ang tanong ko, Cara. Do you liked him?" he asked again. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng malungkot. "I like him. Pero mahal ko si Hannah bilang kapatid, Dad. At ayaw kong masira iyon." pag tatapat ko. Pagkatapos ko iyong sabihin ay hindi na muling nag tanong si Daddy. Exactly February 14 Harvey proposed to Hannah. Nandoon ako sa tabi ni Hannah nong lumuhod si Harvey sa harapan ni Hannah para hingiin ang kamay nito. Hindi ako makagalaw o makaalis sa kinakatayoan ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko hindi dahil sa saya para sa kanila kun'di dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD