bc

DEVILS HELL ACADEMY

book_age18+
4.2K
FOLLOW
12.0K
READ
murder
forced
brave
queen
twisted
bxg
mystery
campus
punishment
like
intro-logo
Blurb

Galing sa isang mahirap na pamilya si Lorainne Aisha Echavez. At dahil sa pagiging mapagmahal na anak ay pinangako niya sa mga magulang niya na siya magaahon dito sa kahirapan. Hanggang sa matuklasan niya ang isang paaralan na nagngangalang DEVILS HELL ACADEMY kapag nakagraduate ka ay hindi diploma ang matatanggap mo kundi 20 million pesos. Naisip niya na yun nalang ang tanging paraan para makaahon sila kahirapan. Ngunit hindi niya alam na may sikretong nakakubli sa loob ng paaralan na hindi niya nalalaman. Handa pa rin kaya niyang pasukin ang paaralan kahit hindi niya alam ang naghihintay sakanyang kapalaran?

PS. THIS STORY IS SSPG AND FOR ADULTS ONLY!

DAHIL ANG STORYANG ITO AY MAY MASELANG NILALAMAN. KAYA KUNG HINDI KA OPEN MINDED WAG MO NG TANGKAING MAGBASA.

PPS. ANG STORYA PONG ITO AY NAGALING MISMO SA AKING IMAHINASYON AT KUNG MAY PAGKAKAPAREHA MAN SA IBANG STORYA AY HINDI KO PO IYON SINADYA.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue: The beginning Lorainne Aisha's P.O.V Tahimik at walang gulo. Ayan ang nangyayari sa paligid ko habang naglalakad ako sa hallway. Ang weird diba? Pati ako hindi ko alam kung bakit ba ganito kabait ang mga istudyante sa school na 'to. Ang DEVILS HELL ACADEMY. At paano ko napasok sa school na 'to? Simple lang…  —FLASHBACK— Ako si Lorainne Aisha Echavez, isang nerd at nanggaling ako sa mahirap na pamilya at nag-iisang anak. Laking probinsiya ako at nagsimula lang akong lumuwas ng maynila nang makatungtong na ako sa kolehiyo pero ng dahil sa sobrang kahirapan ay walang maipampaaral sakin ang mga magulang ko. Hanggang sa binalita sakin ng bestfriend ko na si Brigette na nagtransfer siya sa isang kilalang school na nagngangalang DEVILS HELL ACADEMY noong una ay nagtataka pa ako kung bakit ganun ang pangalan ng school pero may malalim daw na dahilan ang sabi ni Brigette sakin kaya hindi nako nag-usisa pa. Sinabi niya sakin na kaya niya nagustuhang lumipat sa school na 'yun dahil marami na daw ang nakagraduate dun at ngayon ay mga milyonaryo na. Kakaiba ang school na 'yun sa ibang school dahil kapag nakagraduate ka sa school na 'yun ay hindi diploma ang matatanggap mo kundi 20 million pesos. Hindi ko alam pero sobrang yaman siguro ng may ari ng school na 'yun kaya ganun nalang sila makapaglabas ng milyong halaga ng pera para lang sa mga studyanteng nag-aaral sa school nila. Naisip ko na dun mag-aral dahil malaking tulong sa pamilya ko kung makakagraduate ako sa school na 'yun kaya agad akong sumama kay Brigette para mag enroll sa school nila. Nagtaka ako ng unang pasok ko sa school na 'yun dahil sobrang tahimik at ang kulay ng mga buildings ng school nila ay Black and White kaya parang nakakatakot. "What's your whole name miss?" "Lorainne Aisha Echavez." "Okay, how old are you?" "Eighteen." Sabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon na kasalukuyan akong iniinterview. "Ang DHA ay kakaiba sa lahat ng school na napasukan niyo na. Dahil malaking tulong ang school na 'to sa financial problems ninyo pagkagraduate ninyo. May mga rules kaming pinapatupad sa school na 'to. Bawal ang away, bawal ang chismisan, lahat ng rules sa ordinary school ay pinapatupad namin sa DHA. Pero once na nilabag ninyo ang rules may punishment kayong matatanggap. 2 choices ang meron sa babae at ganun din sa lalaki pero kung hindi kayo swertehin baka... Hindi maganda ang matanggap ninyong punishment. Walang principal sa school na 'to. Dahil may nagpapatakbo nito at ang anak ng may ari ng school na 'to ang namamalakad dito. We called him Lord A at lahat ng students dito ay yumuyuko sa tuwing nakikita siya, isang paraan ito ng pagpapakita ng respeto sa kanya. Walang sinuman ang estudyanteng nakakita na nang totoong katauhan niya. Walang sinumang nagtatangka dahil mapaparusahan ang mangangahas. At ang mga kahalili niya ay ang mga MASTERS ang kanyang mga co-founders. Si Master Grady, Master Hayden, Master Zayden, at si Master Bryson. Iba ang mga uniforms nila sa uniforms ng mga ordinary students na kagaya niyo. Dahil sila ay may katayuan at may karapatang magparusa sa mga lalabag ng rules. At mahigpit ding pinagbabawal na pumunta kayo sa DEVILS AREA dahil mabigat na parusa ang aabutin niyo. May mga naging official girlfriends si Lord A at maswerte silang lahat. Dahil walang sinuman ang pwedeng manakit sa kanila at magsalita ng hindi maganda dahil gaya ng mga MASTERS ay may karapatan silang magparusa. Ang tawag sa kanila ay ang mga QUEEN AND LADIES. Si Queen Evriz, Lady Chanel, Lady Althea, Lady Aquisha, at Lady Coleen. May karapatang magkagirlfriend si Lord A hanggang Lima at maswerte kung may isang matanggal sa kanila at mapasali ka. At lahat ng may katayuan sa school na 'to ay takot sa mga nabanggit ko at gaya ni Lord A yumuyuko din ang mga students sa tuwing makikita sila." "A-ahh.. Ano po bang pinagkaiba ng QUEEN sa LADIES?" "Ang Queen ay mas makapangyarihan sa Ladies dahil kung gaano kalakas ang kapangyarihan ni Lord A ay ganun din sa Queen. Magkaiba ang uniform ni Queen Evriz sa mga Ladies." "A-ahh..." "If you don't have any questions pwede mo nang tanggapin ang I.D, uniform at Redcard na ito." Tinanggap ko ang ibinigay niya pero nagtaka ako sa Redcard. "Para saan po ang Redcard na ito?" "Ang redcard na yan ang magsisilbing susi sa dorm mo, at magiging pera mo sa loob ng school na 'to." Ang galing! "Salamat po ulit." "By the way, hindi kayo papayagang makalabas ng school hangga't di kayo nakakagraduate so that means makukulong kayo ng pansamantala dito." "P-po? P-pero paano ang mga magulang ko!" "Ang school na ang bahala sa mga pamilya niyo." Nawala ang kaba ko sa dibdib. "Di pa nga pala ako nakapagpapakilala ako nga pala si Master Grady." Bigla nalang nanlaki ang mata ko.  "M-master?" Bigla akong napayuko ng wala sa oras. "Hahaha! Nakakatuwa dahil tinandaan mo ang mga sinabi ko sayo, you can now stand up straight." Sinunod ko ang sinabi niya. "Pwede kanang pumunta sa dorm mo para makapagpahinga sa first day of class mo dito bukas." Pagkasabi nun ay lumabas na kaagad ako ng guidance room at sinalubong naman ako ni Brigette. "Ano nakapasa kana?" "O-oo..." "Sabi ko sayo eh! Hihi!" Pagkasabi nun ay kumapit siya sa braso ko. Sa dorm niya din kasi ako tutuloy kaya sabay na kaming pumunta. "Alam mo friend... Parang may kakaiba sa school na 'to." "Oo kakaiba talaga... Sa tingin ko nga ang school na 'to ang magsisilbi nating pag-asa." "H-hindi... P-parang may something..." "Huh? Anong sinasabi mo?" "May kakaiba sa school na 'to at nararamdaman ko 'yun. At 'yun ang aalamin ko." —END OF FLASHBACK— Hanggang ngayon ay ina alam ko pa din kung ano ba talagang meron sa DHA. At habang naglalakad ako ay nagulat ako ng may mga nagkumpulang estudyante sa may canteen. "Tatanga tanga ka kasi!" Dinig kong sabi ng isang babaeng may suot na ibang uniform at sa tingin ko ay isa siya sa Queen and Ladies. "P-pasensya na po p-please p-patawarin nyo na po ako Q-queen Evriz.." Siya pala si Queen Evriz? Mukha siyang maldita at walang kinatatakutan. Nanayo ang balahibo ko ng bigla niyang sinampal ng malakas ang babaeng nagmamakaawang patawarin niya na. "No! You will pay for this b***h!" May mga kasama si Queen Evriz na mga babaeng nakakulay itim na uniform at sa tingin ko ay mga tauhan niya. "Dalhin siya sa Devils Area!" Pagkasabi niya nun ay hinila ng mga babaeng nakaitim ang babaeng sinampal ni Queen Evriz. Parang nakaramdam ako ng takot ano kayang gagawin ng Queen sa kanya? Pagkaalis ng Queen ay nakita kong ang kaninang mga nakayukong istudyante ay mahinang nagbubulungan. "Naku! Kawawa naman si Jasmin! Nakakatakot naman! Baka bukas di na natin siya makita." "Oo nga! Mukhang galit na galit ang Queen sa kanya eh! Baka mamaya malaking parusa ang ipataw sa kanya." Parang nanuyo ang lalamunan ko. "Tama na ang pagtsitsismisan! Bumalik na kayo sa mga klase ninyo ngayon kung ayaw niyong maparusahan!" Sabi ng babaeng iba din ang uniform. "OPO LADY COLEEN!" Sabi ng lahat ng estudyanteng nasa canteen. Siya pala si Lady Coleen. Nagsimula na akong umalis sa canteen. Saan kaya ang Devils Area? Nacucurious ako at gusto kong malaman kung ano ba ang gagawin ng Queen dun sa babae. Inayos ko ang salamin ko at nagsimula ng maglakad. Nang maisip ko na sa may abandoned building nga pala sa loob ng DHA. Ang Building D! Tama! Baka nandun ang Devils Area. Agad kong tinakbo papuntang Building D! Kailangan kong malaman kung ano ba talagang meron sa school na 'to. Nang malapit na akong makapunta dun ay inikot ko ang paningin ko ng mapansing ang isang kwartong may pulang pintuan. Ito na kaya? Bigla nalang akong pinagpawisan ng malagkit ng makaramdam ako ng kaba! Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at tama nga ako, ito ang Devils Area! Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan at nakarinig ako ng ingay sa loob. Pinihit ko ng dahan-dahan ang sedura at napatakip ako ng bibig ng makita ko ang nangyayari sa loob. Umiiyak si Jasmin habang nakatutok sa noo niya ang baril na hawak ni Queen Evriz! Nanlaki ang mata ko at lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa sunod na nangyari. *Bang!* Muli akong napatakip ng aking bibig at bigla nalang akong napaluha ng makita ko ang sumunod na nangyari! Binaril sa ulo ng Queen si Jasmin na ngayon ay isa ng malamig na bangkay!! Mas nagulat ako ng bigla nalang may humila sakin dahilan para mapabitiw ako sa sedura ng pintuan at muntik ng mapasigaw! "Hmp!" Bigla nalang tinakpan ni Brigette ang bibig ko.  "Shhhh!" Sumenyas siyang umalis na kami doon bago pa may makahuli sa amin. At nang makalayo na kami ng konti sa Building D ay saka siya nag salita. "Ano bang naisip mo at pumunta ka sa Devils Area?! Di mo ba alam na baka mapahamak ka kapag may nakahuli sayo?!" Bigla nalang akong nanlumo at napaupo ako sa damuhan ng maalala ko ang nasaksihan ko. "B-brigette! P-pinatay nila 'yung babae!" Napaiyak ako. Dahil bukod sa naawa ako sa babae ay natakot ako.  "Hush... I-I'm sorry... S-sorry dahil hindi ko ipinaalam sayo..." Umiiyak na din ngayon si Brigette. Ano nang gagawin namin ngayong ang inakala naming magiging swerte sa buhay namin ay isa din pala sa dahilan para mapahamak kami. ----

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook