49.991K
VISITORS
5.158K

ABOUT ME

Fb account: Kinn Rivas Official page: Toripresseo Wattpad Acc: Toripresseo Genre: Random Language:Filipino

ABOUT ME

Fb account: Kinn Rivas Official page: Toripresseo Wattpad Acc: Toripresseo Genre: Random Language:Filipino
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Toripresseo

Being Black Leopard's Possession

Being Black Leopard's Possession

964 Reads

Blurb  "Ngayon ang araw kung saan gaganapin ang pagpili ng nararapat na guardian para sa walong prinsipe," malakas ang boses na anunsyo ng isa sa ministro ng hari.  Ito ang araw na kinakatakutan ko dahil ang guardian na tinutukoy nila ay mga Devine beast. Mga nilalang na sinugo ng langit para mag-participate sa gaganaping pagpili ng susunod na hari.  Makakapangyarihan na nilalang na siyang pipili sa prinsipe na magiging katuwang nila sa ilang libong taon na pananatili nila sa lupa.  Kung sakaling walang devine beast na lumapit sa akin siguradong itatapon ako ng buong imperial family sa labas ng palasyo. Wala akong interes sa trono pero ayoko mawala sa palasyo.  Palihim na nagtawanan ang mga kapatid kong prinsipe matapos mapadapo ang tingin sa akin.  Lahat ng mga kapatid ko may mga kapangyarihan na naayon sa kalikasan katulad ng hangin, lupa, tubig, kidlat, apoy, at yelo. Kahit walang ang devine beast magagawa nilang manatili sa itaas ngunit ako— bukod sa gawing mainit ang paligid at magpaulan ng mga bulaklak. Hindi ko na alam ang kaya ko pang gawin.  Wala akong kapangyarihan ayon sa kumakalat na balita sa palasyo. Hinawakan ko ng mahigpit ang suot kong kasuotan matapos magsimula ang ritwal para tawagin ang mga devine beast.  Nauna lumapit ang kaisa-isang anak ng reyna at pinatak ang dugo sa bilog na tinapakan niya an kasalukuyang naglalabas ng puting liwanag.  Sa isang iglap naging pula iyon at mula sa langit may bumabang pulang liwanag. Nanlaki ang mata ko matapos makitang isa iyon dragon.  Maraming nagsasabi na kapag nagawa mong tawagin ang devine beast at bumaba iyon. Pinili ka nito at panghabang buhay mo na itong makakasama.  "Gusto ko ng kaibigan," bulong ko matapos makita iyon. Gusto ko ng kasama kahit ano pa siyang nilalang. 

Updated at

Read
Invaded By The Madman

Invaded By The Madman

109 Reads

Blurb "What do you mean you love me? Are you insane?" tanong ng lalaki na natatawa habang may hawak na baril at nakatutok sa babae. "Mas baliw ka! Initial reaction no tumawa matapos may babaeng mag-confess sa iyo! Ikaw iyong baliw!" Napaatras ang babae mula sa pagkakatayo niya sa gilid ng bangin. Napalingon ang babae. Tubig iyong nasa ibaba— maaring mababaw lang iyong bangin at tubig ang babagsakan niya ngunit hindi siya marunong lumangoy. "I said I love you! Bakit ayaw mo ba kasi maniwala. Ano— na-love at first sight ako sa iyo ganoon. Huwag mo ako patayin please!" sigaw ng babae. Pinag-cross niya ang dalawang braso at umiling-iling. "Ah— you love me. Pero kanina kinuhanan mo kami ng litrato tapos tinakot akong ipo-post iyon sa social media. Tinapon mo sa mukha ko iyong phone?" Napangiwi ang babae. Tiningnan niya ang mukha ng gwapong lalaki na ngayon ay nasa harapan niya. Muli natulala siya. Umiling-iling ang babae. "It's love! Ganoon ako magpakita ng love! Binato ko phone ko kasi— kasi kinukuha mo iyon!" palusot ng babae. Sinabi pa nito gustong-gusto niya ang lalaki kaya kinuhanan niya ito ng litrato. "While killing someone?" dagdag ng lalaki. Nag-finger heart ang babae at trying hard magpa-cute kahit kabado na siya sobra. "Ang cool mo kaya habang hinihila iyong esophagus noong humahabol sa akin kanina," ani ng babae. Lumunok ang babae. Napaubo ang isa sa dalawang tao na nasa likuran ng lalaki. "Ah mahal mo ako," ani ng lalaki. Binaba ang baril niya. Ngunisi ito. "Kung mahal mo ako— jump." Napa-ha? Ang babae. Sinabi ng lalaki na tumalon ang babae sa cliff. "But I don't even know how to swim," sagot ng babae. Ngumisi ang lalaki. "Tatalon ka o babarilin kita?" tanong ng lalaki at tinaas ang baril. Naiinis na tiningnan ng babae ang kaharap niyang lalaki. "Tumalon ako sa cliff o barilin mo ako mamatay din naman ako! Gwapo ka lang wala kang utak! Paano mo magagawang patayin iyong nag-offer ng love sa iyo! Ang sama mo!" sigaw ng babae. Nagpa-putok ng baril ang lalaki. Sa takot napaatras si Coquelicot Blood. Na-out balance siya at nakita na lang niya ang sarili na nahuhulog sa bangin. Nakikita niya ang asul na langit. Nakita ni Coquelicot si Citroen Zoldic. Tumalon ito sa bangin at napatigil ang babae matapos siya hapitin ng lalaki sa bewang. "I-consider mo na itong pangalawa mong buhay dahil mula ngayon— akin ka na." "Love me with all your heart's content— dahil papatayin kita kapag hindi mo ginawa iyon. Ikaw at ang buong pamilya mo," bulong ni Citroen. Bumulusok sila sa pinakailalim ng dagat. Sa mga oras na iyon nanatiling mulat ang mga mata ng babae— nakatingin siya kay Citroen at— sa likod ng lalaki ay ang liwanag. Isang salita lang ang nag-sink in sa isip ng babae sa oras na iyon. The word is 'pretty. Coquelicot Blood 18 years old. Pang-apat sa walong tagapagmana ng mga Blood. She is naive and stupid in her own way like— wala itong kaalam-alam na ang lalaking nasa harap niya ngayon ay isa sa mga taong dapat iwasan niya sa buhay na iyon, sa next life at sa susunod niya pa na buhay. The guy who can killed thousand of people, insane, murderous and guy with a rotten personality. Citroen Zoldic, isa sa anim na tagapagmana ng mga Zoldic. Kilala ang pamilya nito dahil lahat ng illegal transaction sa loob at labas ng bansa ay hawak ng pamilya na ito. Mga illegal gambling, human trafficking, drugs at pag-deliver ng mga sandata, illegally. Ang pamilya na din nito ang founder ng black market. Bumubuo ng underground at nagpapanatili ng balanse ng maraming organisasyon.

Updated at

Read
The Hitman's Bride

The Hitman's Bride

2.236K Reads

Blurb "Asawa kita? Paano tayo nagkakilala? Kailan tayo kinasal? Wait— artista ka ba?" "Mayaman? Anong pangalan mo? Ilang taon na tayo kasal? Marami bang balloons 'nong kasal natin— ilang months mo ako niligawan?" Sunod-sunod ang tanong ni Adara habang nakatingin sa gwapong lalaki na nasa harap niya matapos magpakilala itong asawa niya. Matapos ang isang aksidente nawala lahat ng ala-ala ni Adara. Totally clueless ito ng magising ito sa hospital at napapalibutan siya ng mga hindi kilalang tao. "Ang dami mong tanong. Basta kasal tayo," ani ni Silver Shawn Blood habang nakatungkod ang siko sa arm rest ng upuan at nakatakip ng bibig gamit ang isang kamay. Wala siyang amnesia ngunit hindi niya maalala kung kailan sila kinasal, anong tiyura ng kasal, ilang taon silang kasal at kung nanligaw ba siya. Bakit niya lahat nakalimutan iyon. Tiningnan niya si Adara na ngayon ay gusot ang mukha. "Liar!" sigaw ni Adara. Sumiksik ito sa headboard ng kama at sinabing hindi siya naniniwala na kasal sila ni Silver. "Ano kang klaseng asawa kung hindi mo maalala kung kailan kasal natin na dalawa! Isa pa imposible na asawa kita! Mukha kang mayaman tapos gwapo! Isa ka bang sindikato? Nandito ka para ibenta lamang loob ko!" Napatanga si Silver sa sinabi ni Adara. Biglang napatanong si Adara kung lahat ba ng sindikato ay gwapo katulad niya. Hindi alam ni Silver ngunit naramdaman ni Silver ang panganib lalo na ang malaking problema. "Hindi ako maniniwala hangga't walang pruweba at hindi din ako sasama sa iyo," ani ni Adara. Napahilot si Silver sa bridge ng ilong. Wala siyang wedding picture na maipakita, doon napansin ni Silver na wala silang picture ni Adara na magkasama at ayaw din ni Adara maniwala sa isang wedding certificate since maari daw na fake iyon. "Sino ka ba talaga?" tanong ni Adara. Napatingin si Silver. Nagtama ang mata nilang dalawa. "Kung asawa kita— bakit wala kang alam tungkol sa akin either favorite kong pagkain? Wala din tayong picture. Nababasa ko naman sa mukha mo na hindi ka nagsisinungaling about sa sinabi mong asawa kita." "Pero bakit wala kang alam tungkol sa akin?" tanong ni Adara. Gusto ni Silver sabihin na asawa niya lang ito sa papel at may contract sila. Wala silang pakialaman sa business ng isa't isa— para lang silang housemate. Hindi niya nga maalala ng malinaw ang mukha ni Adara at kung tiningnan ba siya minsan ng ganoon ni Adara sa mata. "Is that— masyado kang masekreto," sagot ni Silver. Hindi alam ni Silver kung bakit niya sinabi iyon. Basta na lang iyon lumabas sa bibig niya kahit ang gusto niya sabihin ay about sa kasunduan nilang dalawa na titira lang sila sa iisang bahay pagkatapos 'non wala na. "Talaga? Masekreto ako?" ani ni Adara at napakamot sa ulo. Bumulong pa ito at natanong kung totoo iyon. Gusto din ni Silver na pati siya masekreto kaya lahat ginagawa niya para dumistansaya sa babae at itago ang maitim niyang sekreto. "Basta hindi ako naniniwala na kasal na ako sa iyo! Kailangan ko ng pruweba— hindi ako sasama sa iyo hangga't wala akang pruweba o wala akong naaalala." Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Hinawakan ni Adara ng mahigpit ang comforter na nakapatong sa mga hita niya. Sa isip ni Adara kailangan niya mabuhay— kailangan niya maka-survive at iyon lang ang naiisip niyang paraan. Mag-act na nagka-amnesia at lumayo kay Silver. Bumaba ang tingin ni Adara. Iyon naman kasi ang gusto ni Silver— mawala siya sa landas nito since wala na siyang silbi dito. Nakuha na ni Silver ang mana niya sa mga Blood at posisyon — ito na ang tagapagmana ng mga Blood. Wala ng dahilan para manatili siya doon. "Then— mag-start ulit tayo magdate," ani ni Silver. Napatigil si Adara at napatingin. "What?" tanong ni Adara. Nag-date ba sila before ang kasal. Seryoso siyang tiningnan ni Silver. "Magda-date tayo. Hanggang sa maalala mo ako at maniwala ka na asawa kita."

Updated at

Read
Sebastian Apostol

Sebastian Apostol

3.648K Reads

Blurb  Basta ang alam ko lang nagbabasa ako ng isa sa mga novel na binili ko sa bookstore. Galit na galit ako sa isa sa mga male lead na lalaki matapos nila patayin ang isa sa mga favorite character ko.  "Anong klaseng kwento ito!  Nakakagigil! Hindi naman sinaktan ni Sebastian ang female lead ah! Bakit kailangan nila patayin!" nanggagalaiti na sambit ko matapos ibato ang nahawakan kong unan at libro sa kabilang bahagi ng kama.  "Bakit naman kinawawa ng writer na iyon 'yong antagonist! matapos niya gawan ng ganoon na background pinatay niya pa!" nanggigil na sambit ko bago binagsak ang sarili ko sa kama. Tinitigan ang kisame at tumagilid.  "Kung nasa loob lang akong kwento hindi ko hahayaan na mangyari lahat iyon kay Sebastian— hindi niya 'yon deserve," bulong ko matapos maalala ang bawat line na binitawan ni Sebastian matapos aksidenteng mapatay ng main lead ang kaisa-isang kapatid ni Sebastian.  Iyon ang huling alaala ko bago ako matulog at pagkagising ko— nandito na ako sa loob ng isang novel.  "At paano ako naging si Sebastian Apostol!" sigaw ko at napasabunot sa sarili matapos ma-realize na nasa loob ako ng isang action-romance story.  "Pinuno! Anong nangyari?" Kasunod ng pagbagsak ng pintuan ang pagpasok ng mga lalaking kasalukuyang nakataas ang mga baril at nakatutok sa kabilang bahagi ng kwarto.  Halos mawalan ng kulay ang mukha ko matapos ma-realize na hindi iyon panaginip at— Tiningnan ko ang marka sa wrist ko na hugis korona at sa ibaba 'non ang pangalan na Apostol.  "Ako na talaga si Sebastian Apostol— hindi ito panaginip."

Updated at

Read
My 3 Wive's Obsession

My 3 Wive's Obsession

5.632K Reads

SPG! SPG! R-18 Wala ako sa sariling umalis ng hospital matapos nga sabihin ng doctor na kailangan ng ma-operahan ang mama ko. Matagal na pala iyon iniinda ni mama at hindi 'man lang niya iyon sinabi sa akin.  "Saan ako kukuha ng pera pang-opera kung kahit 1 thousand wala ako," ani ko na naiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Sinubukan kong puntahan ang lola ko sa side ni papa. Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa para pautangin ako ng pera ngunit walang nangyari.  Pinagtabuyan lang nila ako. Bakit sila ganoon sa mama ko. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada at may pulang sasakyan na palapit sa direksyon ko.  Sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na nasa sahig. Masakit ang katawan at nanlalabo ang paningin.  "Shit! Ayos ka lang ba!" sigaw ng babaeng hindi ko kilala. Sobrang ganda nito at muntikan ko na itong mapagkamalang anghel.  Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabing huwag na akong dalhin sa hospital. Bigyan na lang niya ako ng pera.  "Gusto ko maipagamot ang mama ko," naiiyak na sambit ko. Pilit akong bumabangon. Hinawakan ko ang ulo ko at doon nakakita ako ng maraming dugo.  "Bakit ba ang malas ko ngayon," nanghihina na sambit ko hanggang sa tuluyan na ngang umikot ang paningin ko. Wala na akong alam sa mga sumunod na nangyari.  Hanggang sa nagising ako sa isang hospital. Noong una nanlalabo ang paningin ko ngunit nang luminaw iyon. Bumungad sa akin ang puting kisame.  Napabalikwas ako at napahawak ako sa ulo ko. Nakita kong may mga naka-kabit sa akin na apparatus.  Hihilahin ko iyon nang may pumigil sa kamay ko. Napatingin ako iyon 'yong babae na nakabangga sa akin.  "Wala akong pambayad sa hospital bills. Ilabas mo na ako dit—" "Sinong may sabing ikaw magbabayad ng hospital bills? Ako ang magbabayad," ani ng babae. Sopistikada ito at mukhang mayaman.  Masyado na akong desperado at kinapalan ko na ang mukha ko. Sinabi kong kakalimutan ko na ang nangyari— ilabas na ako agad sa hospital para hindi na lumaki ang bills. Bigyan ako ng pera kahit magkano. Tiningnan niya ako na parang nababaliw na. Yumuko ako matapos makita kung anong klaseng tingin ang pinukol niya sa akin.  "Para saan ang pera at masyado ka yatang desperado. Alam mo bang muntikan ka ng mamatay kanina? Then nagawa mo pang sabihin sa akin na huwag ka ng dalhin sa hospital at bigyan na lang kita ng pera." Niyukom ko ang kamao ko. Hindi ko alam kung sino siya pero nasabi ko sa kaniya ang kondisyon ng mama ko.  "Kung bibigyan kita ng doble sa kailangan mong pera— gagawin mo ba lahat ng gusto kong mangyari?" tanong ng babae. Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang tingin niya.  "Kahit ano— kahit habang buhay ako magtrabaho sa iyo. Kahit buhay ko ibibigay ko— iligtas mo lang ang buhay ng mama ko." Nagulat ako ng kapalit ng 124 million at sa hospital fees ng mama ko. Kailangan ko pakasalan pinakamagandang babae na nakilala ko sa timeline na iyon ngunit mas nagulat ako noong sinabi niya na kailangan ko din pakasalan ang mga kapatid niya.  Himala ba ito o sumpa. Biyaya ba sila o bagong problema. Hindi ko alam basta isa lang ang alam ko.  Imposibleng maging mabuti akong asawa kung tatlo sila. Imposibleng makapagmahal ako ng isa kung may tatlo akong asawa. 

Updated at

Read
Shades On

Shades On

117 Reads

Blurb Gusto ni Lucinda Lucero maprotektahan ang pamilya niya. Gusto niya alisin sa landas nila si Serkan Marcel Rufos na hinire ng daddy niya bilang butler niya na pinaniniwalaan ni Lucinda na secret lover ng daddy niya.  Naniniwala si Lucinda na kaya nandoon si Serkan ay para maipagpatuloy ng matandang Lucero at ni Serkan ang relasyon nito na matagal ng tinatago sa kanila. Galit na galit si Lucinda dahil doon kaya may naisip na plano si Lucinda.  Maglalagay siya ng maliit na camera sa room ni Serkan. Gagamitin niya ang video na iyon para mawindang daddy niya at ni Serkan. Kailangan niya makita ang sekreto ni Serkan.  Kung magkakaroon siya ng ebidensya magagamit niya iyon para sapilitan na mapaalis doon si Serkan.  Iyon ang tunay na plano ni Lucinda. Huhulihin niya si Serkan at ang ama niya na may ginagawang milagro then tatakutin niya ang mga ito na kapag hindi naghiwalay ay ilalabas niya ang video na iyon.  Ngunit anong gagawin ni Lucinda at magiging reaksyon nito kung iyong taong pinaniniwalaan niyang may secret affair sa ama niya ay nahuli niya sa sarili nitong kwarto.  Naked— moaning her name while masturbating.

Updated at

Read
Suddenly, I Know Nothing

Suddenly, I Know Nothing

71 Reads

Blurb Victor Difabio, he was perfect in any aspects. Famous, smart, talented, ambitious and he can carry himself with pride and grace. Victor was in the middle of his dreams of becoming an awarding actor after a few years of working in the entertainment industry when his father told him about his father's wish to marry him to a woman Victor had never seen and met in his life — this is Phineas Lawson. Hindi sang-ayon doon si Victor lalo na ng ipakilala ng ama nito ang ipapakasal sa kaniya. Si Phineas Lawson.  Wala man lang ito sa kalingkingan ng mga tipo niyang babae. Hindi makapaniwala si Victor na iyon ang sinasabi ng ama niya na babaeng perfect para maging asawa ni Victor.  Hindi pumayag si Victor ngunit wala din nagawa ang binata dahil ayaw niya mawalan ng mana at ng karapatan sa pamilya. Pumayag siya sa gusto ng pamilya niya.  Sa kasal doon niya nakilala si Peregrine Lawson ang twin sister ni Phineas. Total hotty at talagang type ni Victor.  Ganoong babae ang gusto pakasalan ni Victor ngunit wala na siyang nagawa dahil kasal na siya.  Akala ni Victor iyon na ang huling pagkakataon na makikita niya si Peregrine ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana. Naging katambalan niya ito sa isang movie series na project niya.  Iyon ang naging rason sa paulit-ulit na away nila ni Phineas hanggang sa mismong awarding ceremony. Pag-uwi ni Victor nakita niya si Phineas na umiiyak.  Sinabi nito lahat ng hinaing niya kay Victor at sa relasyon nito kay Peregrine na hindi alam ni Victor kung saan mga nanggaling.  Bago pa makapagpaliwanag si Victor. Biglang bumagsak si Phineas. Doon nakita ni Victor ang napakaraming pills.  Puno ng dugo ang sahig na kinauupuan ni Phineas. Sa huling pagkakataon— ang huling mga sinambit ni Phineas ay sana hindi na lang niya nakilala si Victor at minahal ito.  Walang kaalam-alam si Victor sa nangyayari— misunderstanding ang lahat at hindi siya hinayaan ni Phineas magpaliwanag bago ito nagpasyang tapusin ang sariling buhay. Hanggang sa bigyan nga siya ng panginoon ng isa pang pagkakataon. Bumalik siya sa nakaraan 2 months bago maisipan ni Phineas mag-suicide.

Updated at

Read
Territorial Kings: His Perfect Innocence

Territorial Kings: His Perfect Innocence

1.565K Reads

Blurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no recollection of events during the act or when they wake up." Naisara ni Keehan Alvarez ang laptop matapos mabasa ang nakasulat tungkol sa condition niya sa internet. Then nalaman niya din na walang treatment.  Sumandal ang lalaki sa gilid ng kama at niyakap ang katawan niya. Hanggang sa maalala niya ang sinabi ni Jaxon Gueverra. Ang tinuring niya ng kapatid at bestfriend.  "Stop making a scene Keehan. I just making you a favor for god's sake as if may mawawala sa iyo doon at sa tingin mo kaninong kasalanan iyon." "Pero hindi mo sinabi sa akin ang kondisyon ko! Hindi ba pagte-take advantage ang ginawa mo sa akin! Jaxon kaibigan ba talaga kita?" In some reason nakaramdam na ng pandidiri si Keehan sa katawan niya. Nalaman niya na highschool pa lang ay ginagamit na ng bestfriend niya ang katawan niya. Ni wala itong sinabi tungkol sa condition niyo.  Humingi siya ng explanation ngunit puro reason lang ang sinasabi nito. Hinilig ni Keehan ang ulo sa mga tuhod.  "Seems like—I don't want to sleep again."

Updated at

Read
One Million Mask

One Million Mask

3.514K Reads

Original: He is a mafia lord and I'm his secret empress Revised version: Blurb "Hindi ko alam kung bakit lagi kana lang umiiyak tuwing binubully ka at sinasabihan na panget. Hindi ka pa ba sanay?" Mula sa ilalim ng lamesa napaangat ng tingin ang batang si Sierra. Nakita niya si Laurde Khlehenton na nakasilip muka sa likuran ng lamesa.  "Manahimik ka! Hindi mo ako naiintindihan kasi wala kang ganitong mukha!" Mas umiyak pa ang babae na kina-pokerface ng batang lalaki na nasa 11years old. Umayos ng tayo ang bata at tinulak ang lamesa palayo.  "Dapat ba may ganyan muna akong mukha para maintindihan kita?" "I don't know what are you talking about pero mas lalo kang pumapanget kapag umiiyak ka." "Wala na bang isasama 'yang ugali mo Laurde? Promise na-appreciate ko 'yan. Umiiyak ako kaya dapat kino-comfort mo ako." "I'm your future wife remember?" ani ng batang si Sierra na pinupunasan ang pisngi gamit ang mga palad.  "Magkaroon ka naman konting konsiderasyon." "I'm not one of your brother. Huwag kang mag-expect na magiging mabait ako 'sayo." "Ang sama ng ugali mo! Panget!" "Masakit talaga masabihan ng panget lalo na kung nanggaling 'yon sa mas panget 'sayo!" "Magsumbong ka. Panget," ulit pa ng batang lalaki.  6 years old si Sierra Salvacion nang malaman niya na ikakasal siya sa edad na 18 sa lalaking nag-ngangalan na Laurde Khlehenton.  Hindi magkasundo ang dalawa kahit simula pagkabata. Lagi itong nag-aaway na kahit ang dalawang pamilya walang magawa.  Ngunit sa kabila ng sitwasyon na iyon. Alam ng dalawa ang responsibilidad nila sa pamilya. Sa ayaw 'man nila o gusto kailangan nila magpakasal para sa proteksyon, pamilya at impluwensya.  "Sierra, kasal na kayo ni kuya diba? Bakit hindi niyo bigyan ng chance ang isa't isa malay niyo mag-click din kayong dalawa. Alam mo 'yon magkaroon ng himala maging katulad din mommy Sam at daddy Marc ang love story niyo diba?" "Lax, alam kong alam mo na imposible 'yan. May girlfriend si Laurde at isa pa alam mo naman na hindi kami magkasundo. Himala na lang talaga kung magkasundo kaming dalawa." "Girlfriend? Duhh parang hindi mo kilala si kuya parang nagpapalit lang iyon ng damit kung makapagpalit ng babae." "Kaloka, ang love hindi 'yan binabase sa communication 'niyong dalawa. Eh ano kung hindi kayo magkasundo?" "Kahit naman mga normal na mag-asawa nagkakaroon ng misunderstanding." "Lax, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" "Ang kuya mo ugaling demonyo lang 'yon pero ang mukha 'pang langit. Sa tingin mo papatol 'yon sa tulad ko?" "Kahit ako pa ang iisang babae sa mundo siguradong hindi ako papatulan 'non. Sino bang magkakamali na magkagusto sa babaeng walang kayang gawin na kahit ano." "Hindi na nga maganda, hindi pa malino. Sinong magkakamaling mahalin ako."

Updated at

Read
Fatal Collision: Losing Colour

Fatal Collision: Losing Colour

85 Reads

Blurb I have a condition called Achromatopsia kung saan wala akong ibang nakikita bukod sa gray. Malungkot na kulay ito para sa akin. Ikaw ba naman walang ibang makitang kulay bukod sa gray diba?  Ngunit anong magagawa ko? Ganito na ako 'nong pinanganak ako. Kahit ang mga doctor ay walang magawa sa kondisyon ko.  Bumuga ako ng hangin at umupo sa lumang swing. Mukhang this time sobrang dissapointed na ang parents ko kaya iniwan na lang ako dito sa probinsya.  Ilang doctor na ang nilapitan namin tungkol dito at halos na naikot na namin ang buong mundo para makahanap ng gamot ngunit wala. Kahit ilan pang opera— walang nangyayari.  Tinulak-tulak ko ang sarili ko sa swing. Kung may paraan lang para makakita ako ng normal— kahit kapalit 'non ang buhay ko gagawin ko talaga.  Malungkot mabuhay ng ganito— 20 years old na ako nabubuhay ng halos walang nakikita. Mas gusto ko pa mabuhay ng bulag kaysa iyong ganito.  Sabi ng lola ko espesyal ang mga matang ito ngunit sa paanong paraan? Wala akong nakikitang kulay bukod sa gray.  Napatigil ako sa pagpapagalaw ng swing matapos ako makarinig ng mga kaluskos. Napalingon ako— gubat ang bahaging nasa likuran ko ngunit wala akong nakikita.  Pagharap ko nagulat ako matapos may makita akong dalawang lalaki sa lumang slide. As in nakikita ko sila— nakikita ko ng malinaw ang mukha at suot nilang damit.  May nakikita din akong ibang kulay na bumabalot sa kanila. Magkaiba ang kulay na iyon— sugatan ang lalaking may suot na itim na roba.  Nagulat ako matapos mag-anyong napakalaking lobo ang isa sa mga ito at patungan ang kalaban nitong sugatan din.  Hindi ako siguradong kung pareho ba silang mga tao o nanaginip lang ako pero kinuha ko ang bakal. Malakas kong hinampas ang lobo sa ulo dahilan para matumba ito at mawalan ng malay.  Nabitawan ko ang bakal at napaatras. Hindi ito maganda. Hindi maganda ang nakikita kong kulay sa mata ng nilalang na nakahiga ngayon sa sahig at nakatingin sa akin.  Umatras ako at tumalikod. Tatakbo ako para umuwi nang sa isang iglap may mga braso ng nakapulupot sa katawan ko— mula sa likod hawak niya ang panga ko.  Hindi ako makagalaw anong nangyayari. Inamoy-amoy niya ang gilid ng leeg ko. Ramdam na ramdam ako ang mainit nitong hininga sa leeg ko at nakikiliti ako dahil doon.  "Balak sana kitang gawing hapunan pero dahil niligtas mo ako kanina. Nagbago ma isip ko— kahit papaano may konsensya naman ako," malamig na sambit ng lalaki. Binitawan niya ang panga ko.  "Hanggang sa muli— Dahlia." Paglingon ko— nawala na ang lalaki pati na din iyong lobo. As in sa mga oras na iyon— hindi ko alam kung totoo ba iyon o imahinasyon ko lang.  Parang walang nangyari doon isama pa na ang reyalidad na imposibleng makakita ako ng ibang kulay bukod sa grey.  "Dahlia! Wake up. Hindi iyon totoo," ani ko at sinapak-sapak ng mahina ang pisngi ko. Napatigil ako at napahawak sa gilid ng leeg ko.  Hindi ba talaga iyon totoo? Bakit ramdam ko pa din ang hininga at labi niya sa leeg ko. Pati iyong paghawak niya sa panga ko kanina. "Ngunit hindi ako pwede magkamali. Nakita ko ang napakagwapo niyang mukha kanina— masyado iyong malinaw para maging panaginip."

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.