Story By Rieann Peach
author-avatar

Rieann Peach

ABOUTquote
Peach Sevilla on Precious Heart Romances. Author of Offspring 21 Barkada. Business Owner. Night Owl.
bc
Still You
Updated at Sep 16, 2022, 02:17
Hindi inasahan ni Laura na may epekto pa rin sa kanya si Lance makalipas ng mahigit isang taon na hindi nila pagkikita. Napagtanto niya iyon nang muli silang magkita sa wedding rehearsal ng mga kaibigan nila at nang masundan pa ang mga pagkikita nila. Hindi man naging opisyal ang relasyon nila, si Lance ang unang lalaking totoong minahal niya. Sinubukan ni Laura na iwasan si Lance dahil siguradong magugulo lang nito ang maayos niyang buhay kapag muli silang nagkalapit. Pero hindi siya nagtagumpay dahil tila sinasadya ng pagkakataon na magkasama sila. Eventually, Lance asked her for a second chance. Pumayag naman si Laura. Ang akala niya ay wala na silang magiging problema, pero natuklasan niya ang malaking kasalanan na nagawa sa kanya ni Lance. ------ Another Offsprings 21 story
like
bc
LOVE STORY OF THE STARS
Updated at Jul 4, 2022, 02:50
"You should see a shrink." Sa halip na sundin ni Tamara ang advice na iyon ng kaibigang si Laura, tinanggap na lang niya ang hamon nito na harapin si Ethan Escobar, her first love that broke her heart into pieces when she was in high school, but still in her heart. She need to ask him why like her, it seem it was hard for him to move on. Nagdesisyon siyang bumalik at magtanghal sa Pilipinas sa unang pagkakataon. Tamara was an international classical composer and musician. But then she realized going back to the Philippines was a big mistake. Natuklasan niyang nagkamali siya ng inaakala niyang hindi pa rin siya nakakalimutan ni Ethan. He actually moved on, dahil may girlfriend na ito. Mukhang kailangan na nga niya ng tulong ng isang espesiyalista sa pag-iisip upang tuluyang makalimutan ang lalaki.
like
bc
I LOVE YOU STILL
Updated at May 30, 2021, 01:16
Lexie was happy and content being single when her friend Marcus introduced her to his friend Sean. Natulala siya nang makita si Sean, at halos hindi makapaniwala na makikilala niya ito nang gabing iyon. Sean Christian Umali was a famous athlete, a product endorser, a cover boy, and her ultimate crush. Kaya nang manligaw ito sa kanya ay kaagad niya itong sinagot. They had an almost perfect relationship at wala silang gaanong pinag-awayan. Nagpaplano na silang magpakasal nang biglang subukin ng tadhana ang kanilang relasyon na naging dahilan ng paghihiwalay nila. Three years later, nang inakala niyang nakapag-move on na siya at magpapakasal na sila ng boyfriend niyang si Calvin, biglang bumalik si Sean. Pero wala pala itong intensyong bumalik sa buhay niya, di gaya ng inisip ni Lexie.... -------- I am also Jean Andres of Bookware Publishing. Isa ang novel na ito sa first approved novels ko. Sorry po pero prologue lang ang maari kong i-post dito. If gusto n'yo pong mabasa ang buong kuwento, you can have the ebook here... http://www.ebookware.ph/product/i-love-you-still/ Salamat sa pang-unawa.
like
bc
Dati Ka Na Sa Puso Ko
Updated at May 29, 2021, 23:18
Ganoon na lamang ang takot ni Rommel nang mabalitaan na nagbalik na si Jonathan, ang kauna – unahang lalaking minahal ni Anne, ang babaeng kanyang pinakamamahal. Alam ni Rommel na hindi siya mapapansin ni at mamahalin ni Anne kung hindi pa umalis ng kanilang bayan si Jonahan. Sa pagbabalik ni Jonathan ay may posibilidad na bawiin nito ang dating puwesto sa puso ni Anne. Pero wala naman pala siyang dapat ikatakot dahil tinaggap ni Anne ang kanyang marriage proposal bago siya umalis patungo sa Amerika. Ngunit nagkamali ng akala si Rommel dahil nalaman niyang ipinagpalit siya ni Anne habang nasa malayo siya. Sa sobrang sakit na naramdaman ay hindi siya nakinig sa paliwanag ni anna at nakipagkalas. But then he realized he really could not live without her. Nang mangailangan ng tulong si Anne ay naroon siya para tulungan ito. Nilunok niya ang kanyang pride at piniling bumalik sa buhay ng dating girlfriend bilang isang kaibigan- huwag lang tuluyang mawala ito sa buhay niya …
like
bc
If You And Me Are Meant To Be
Updated at Jan 21, 2021, 22:18
PHR #6227 Fil-Am Marie Hautesserres was instantly attracted to Noah. Nakilala niya ang lalaki sa isang family gathering nang umuwi siya sa Pilipinas para sa concert kasama ang kanyang internationally renowned worship band. Being a celebrity, sanay siyang makakita ng gorgeous men-handsome Hollywood actors, hot sports personalities and sexy models. Pero iba ang dating ng kaguwapuhan ni Noah. Nakadagdag pa sa appeal ng lalaki na isa rin itong musician at composer tulad niya. Mukhang attracted din si Noah sa kanya. Kung hindi, bakit siya sinabihan nito ng, "You're just so beautiful" habang nakatitig sa kanya? But her heart sank when she learned that Noah was already her cousin's boyfriend. Marie went back to Portland, Oregon and resumed with her life. Pero nagulat siya isang araw nang biglang sumulpot sa doorstep niya si Noah. Nasa States ang lalaki para sa isang training na magtatagal nang anim na buwan. They shared common friends kaya lagi silang nagkikita at nagkakasama. Naging sobrang close sila sa isa't-isa. Hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan: they shared a kiss. Alam ni Marie na mali ang nangyayari, na panandalian lang ang lahat. Soon Noah would go back home, into the arms of his girlfriend. Pero mapipigil ba niya ang puso na si Noah ang piniling mahalin?
like
bc
Each With You
Updated at Aug 1, 2020, 08:31
Mayabang man ang unang naging impresyon ni Simone sa sikat na basketball player na si Chad Esquivel, nagbago iyon nang maging landlord niya ang binata at makilala ito nang lubusan. Bukod sa guwapo ay napakabait pala nito, dahilan para magkalapit sila. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mag-iba ang pagtingin ni Chad kay Simone.Pursigido ang binata na ligawan siya. Pero once bitten twice shy ang drama ni Simone. Hindi niya alam kung magagawa niyang bigyang-katugunan ang pag-ibig ni Chad gayong ayaw na niyang umibig uli sa isang atletang tulad nito na marami siyang kaagaw. But how could she say no to an almost perfect man?
like
bc
Reunited Hearts
Updated at Jul 22, 2020, 08:38
Ipinangako ni Daena sa sarili na sa oras na makatagpo siya ng lalaking katulad ng ex-boyfriend niyang si Fran na almost perfect at mahal siya ay hindi na niya ito pakakawalan.Gagawin niya ang lahat upang hindi ito mawala sa kanya. Nakipaghiwalay siya noon kay Fran dahil naging unfair siya rito nang maging sobrang abala siya sa trabaho. Hanggang sa makatagpo ito ng ibang mamahalin at nagpakasal. Until Jericho Denzel Fortez or JD Fortez in the basketball and modeling world came along. JD was her almost boyfriend during high school. Malaki ang atraso ni JD sa kanya dahil bigla na lamang itong bumalik sa Amerika nang walang paalam. Pinabayaan din siya nito na harapin mag-isa ang nagawa nilang pagkakamali. Nang muli niya itong makita, hindi naiwasang manumbalik ang ay galit niya rito. Ngunit kaagad din iyong naglaho nang marinig niya ang paliwanag nito. Like in the past, madali silang naging magkaibigan muli. Dahil sa dalas ng pagkikita nila ay muling nahulog ang loob ni Daena kay JD. Niligawan naman siya ng binata. Sa pagkakataong iyon ay pormal silang nagkaroon ng relasyon. Ramdam ni Daena ang pagmamahal ni JD sa kanya na mas higit pa noon kay Fran dahil nagawa nitong tanggihan ang magagandang job offers sa ibang bansa para makasama siya. She tried her best para mapantayan iyon pero nabigo siya. Nagawa niyang ipagpalit si JD sa trabaho niya sa isa pa namang importanteng pangyayari sa career nito dahilan para magalit ito sa kanya. Dahil sa nangyari, tulad kay Fran, hindi malayong muling mawala si JD sa kanya na siyang labis niya ng ikinakatakot...
like
bc
Tonight Can Last Forever
Updated at Jul 22, 2020, 08:20
Falling in love was Faith least priorities. Masyado kasing istrikto ang mga magulang niya. Kaya nang Manalo siya ng trip to Palawan, sinamantala niya na wala sa bansa ang mga magulang at nagpunta siya sa malaparaisong isla. Malay ba niyang mai-inlove siya sa nakilalang guwapo at sikat na college basketball heartthrob- si Troy Escobar. Pero kahit tapos na si Faith ng Medical Technology, hindi pa rin siya puwedeng magka-boyfriend. Gusto kasi ng kanyang mga magulang na tapusin muna niya ang pagdodoktor. Pero hindi man dapat, hinayaan ni Faith ang sariling matangay ng magic ng Palawan. Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ni Troy kahit ilang araw pa lang silang magkakilala. Alam niyang maghihiwalay rin sila sa pagtatapos ng kanyang bakasyon. Hindi nga lang niya inakala na iniwan man niya si Troy, magpapabaon ito ng alaalang babago nang lubos sa buhay niya….
like
bc
STUCK WITH ME
Updated at Jun 29, 2020, 23:21
Mahal na mahal ni Jane si Paolo. Kaya nang mag-propose ito ng kasal ay buong puso niyang tinanggap. Kaya lang, tuwing sasabihan siya nito na mag-set na ng date ng kanilang kasal, lagi siyang tumatanggi. Marami pa kasi siyang gustong gawin sa buhay. Kampanteng-kampante siya sa pagmamahal ni Paolo sa kabila ng ilang beses niyang pagtanggi sa alok na kasal. Masyado ksi itong mabait at maunawain na nobyo at ramdam na ramdam niyang mahal na mahal siya nito. Pero mali pala si Jane sa pag-aakalang lagging makauunwa ang nobyo. May hangganan pala ang lahat. Napagod ang taong labis-labis na nagmamahal sa kanya. Isang araw ay nakipag-break si Paolo, sinabing hindi na nito kayang maghintay. Nagsisi si Jane na nagpatumpik-tumpik pa siya sa pagkakataong pinalampas niya na makasama habang-buhay ang minamahal. Lalo nang may umeksenang maganda at seksing babae kay Paolo. Nag-panic ang puso niya! Hindi siya makapapayag. Handa siyang lumaban mabawi lang ang lalaking dati naman nang nakalaan para sa kanya.
like
bc
More Than Anyone
Updated at Jun 23, 2020, 23:16
Para makasiguro ang Kuya Ken ni Kate na hindi na muling sasamang makipag-date ang kapatid sa manliligaw nitong si Gilbert Chua, inutusan nito ang balikbayang best friend nitong si Jay-Jay upang sunduin sa trabaho ang dalaga. Lingid sa kaalaman ng lahat ay dating nakarelasyon ni Kate si Jay-Jay na tumagal lamang ng dalawang buwan. Kinailangan kasing magtungo sa States ng binata upang muling mag-aral at mag-training bilang paghahanda sa posisyong ipapasa rito ng Daddy Randall nito sa kompanyang pag-aari ng pamilya nito at lubhang naapektuhan ang relasyon nila at nauwi sa hiwalayan. Sa pagkikita nilang iyon ay mas matinding galit ang nararamdaman ni Kate para kay Jay-Jay dahil nalaman nitong may girlfriend na ito at hindi naman pala ito sincere sa binitiwang pangako sa kanya noong huli silang magkita. Hanggang isang araw ay bigla na lang siyang padalhan nito ng bulaklak. “What are these for?” tukoy niya sa hawak na mga bulaklak. “Uhm…my way of saying I’m courting you,” tila nahihiya pang tugon nito. “What?” gulat na bulalas niya. “Pinaglalaruan mo ba ako, Jay-Jay?” “Of course not,” mabilis na deny nito. “Hindi ko magagawa sa ‘yo ‘yon, Kate.” “How could you say you’re courting me while you’re having a girlfriend who left in Seattle?” sumbat niya rito. Tila nahahapong sumagot ito. “Caroline is not my girlfriend. Magkaibigan lang kami.” “What?” naguguluhang sambit niya. Mali ba ang narinig niya sa kuya niya o break na ito at si Caroline? Pinayagan niyang manligaw ang binata sa kanya at hindi nagtagal ay muli niyang ipinagkatiwala ang kanyang puso rito. Hanggang isang araw ay umamin si Jay-Jay sa kanya na naglihim ito tungkol sa tunay na naging relasyon nito kay Caroline at muli siyang nasaktan sa natuklasan.
like
bc
One Man To Love
Updated at Apr 18, 2020, 08:49
Sixteen years old pa lang si Frances ay secret crush na niya ang kababatang si Justin.Pinigil niya ang damdamin sa pag-aakalang may gusto rin kay Justin ang Ate Francine niya. Pero nang ligawan ni Justin ang ate niya, nabasted ito. Natuwa si Frances at nanalangin na sana siya naman ang mapansin ng kanyang best friend. Nang kinailangan ni Justin na pumunta sa Amerika para mag-aral ng Medicine, hindi naputol ang komunikasyon nila. At nang umuwi si Justin para magbakasyon, laking gulat ni Justin nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya. Sinagot naman niya si Justin kahit alam niyang magiging isang long-distance relationship iyon. Sa buong panahon ng relasyon nila, laging si Frances ang gumagawa ng paraan para magkita sila, nagsasakripisyo, at umuunawa para maging successful ang kanilang relasyon. Idagdag pa ang pagsuporta sa mga pangarap ng boyfriend. Pero sinubok ang kanilang relasyon. Nang si Frances naman ang humiling ng presensiya at suporta ni Justin sa pamahong kailangang-kailangan niya ito, noon niya napatunayan na hindi siya ang priority ng kanyang boyfriend. At hindi inakala ni Frances na darating ang araw na mapapagod din ang kanyang puso sa pagmamahal kay Justin...
like
bc
The Substitute Date
Updated at Apr 16, 2020, 11:51
Matagal nang walang boyfriend si Trisha. Kaya naisipan ng mga kaibigang i-set siya sa blind dates. Kaso, palagi siyang hindi sinisipot ng ka-blind date niya. Mabuti na lang at to the rescue ang best friend niyang si Ken. Palagi itong dumarating at nagiging substitute date niya. Bukod sa guwapo, matalino, matangkad, sexy at sporty, isa ring magaling na engineer si Ken. Kahit sinong babae ay magkakagusto rito. At hindi exempted doon si Trisha. Kaya nang sabihin ni Ken na subukan nilang maging sila, napapayag si Trisha. Paanong hindi? Palagi siyang nalulunod sa mga halik nito. Naisip niyang wala naman sigurong masama kung susubukan nila. Tutal, kilala naman niya si Ken. Pero nakalimutan ni Trisha ang isang bagay tungkol kay Ken. Babaero ito. Hayun nga’t may isang babaeng nangugulo ngayon sa buhay nila. May kailangan daw panagutan si Ken sa babae.
like