bc

I LOVE YOU STILL

book_age18+
31
FOLLOW
1K
READ
others
others
second chance
friends to lovers
drama
sweet
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Lexie was happy and content being single when her friend Marcus introduced her to his friend Sean. Natulala siya nang makita si Sean, at halos hindi makapaniwala na makikilala niya ito nang gabing iyon. Sean Christian Umali was a famous athlete, a product endorser, a cover boy, and her ultimate crush. Kaya nang manligaw ito sa kanya ay kaagad niya itong sinagot.

They had an almost perfect relationship at wala silang gaanong pinag-awayan. Nagpaplano na silang magpakasal nang biglang subukin ng tadhana ang kanilang relasyon na naging dahilan ng paghihiwalay nila.

Three years later, nang inakala niyang nakapag-move on na siya at magpapakasal na sila ng boyfriend niyang si Calvin, biglang bumalik si Sean.

Pero wala pala itong intensyong bumalik sa buhay niya, di gaya ng inisip ni Lexie....

--------

I am also Jean Andres of Bookware Publishing. Isa ang novel na ito sa first approved novels ko. Sorry po pero prologue lang ang maari kong i-post dito. If gusto n'yo pong mabasa ang buong kuwento, you can have the ebook here... http://www.ebookware.ph/product/i-love-you-still/

Salamat sa pang-unawa.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Nasa airport ka na?" halos pasigaw na tanong kay Lexie ngkaibigan niyang si Marcus sa telepono. Naririnig pa niya sabackground ang ingay ng kinaroroonan nitong bar.  "Oo, pauwi na ako," tugon niya habang palabas ng arrivalsarea ng NAIA. Hawak niya sa kaliwang kamay ang kanyang cellphone at sa kanan ay hila-hila niya ang kanyang carryall bag.Isa siyang international flight attendant at kadarating lang niyamula sa Hong Kong.  "Ano? Uuwi ka? Huwag mong sabihing wala kang balakpumunta sa despedida party ko?" naaalarmang tanong nito. SaItaly na maninirahan si Marcus. Naaprubahan na ang petisyondito ng mga magulang nito.  "Sinabi ko na ngang pupunta ako, di ba? Kailangan komunang umuwi para makapagbihis," paliwanag ni Lexie.  Marcus was her long-time friend and the brother that shenever had. Mami-miss niya ito nang sobra. Kung hindi nga langito magtatampo sa kanya ay hindi talaga siya pupunta sa partynito dahil pagod at inaantok na siya.  "Okay, bilisan mo lang. Dumating na ang karamihan sa mgabachelor friends ko."  "Hello, as if atat akong makilala sila." Malamang kasabwatito ng mama niya sa paghahanap ng lalaking posible niyangmaging boyfriend. Pakiramdam yata ng mama niya ay hindi nahealthy para sa edad niyang twenty-one na NBSB pa rin siya.May pagka-boyish kasi siya at karamihan pa sa mga kaibiganniya ay lalaki. OA lang ang ina. May mga nanligaw rin naman sakanya. Kasalanan ba niya kung wala siyang nagustuhan sa mgaiyon?  "Kaya hindi ka pa nagkaka–boyfriend dahil sa attitude mong'yan, eh," sabi pa ni Marcus.  "Uuwi na ba ako o manenermon ka pa?" tanong niya.Natawa ito at kaagad nang nagpaalam. May humintong taxisa harapan niya at sumakay na si Lexie para magpahatid sa bahay.Pagdating niya sa condominium unit na tinitirahan nila ngkanyang mama ay kaagad siyang naligo at nagbihis. Hindi na niyapinansin ang komento ng ina kung bakit fitted jeans at sleevelesstop lang ang suot niya nang magpaalam siya rito dahil kausapna uli niya si Marcus sa telepono.  Kaagad siyang sumakay sa kanyang kotse pagdating sabasement parking at nag-drive patungo sa isang bar sa Makati.Pag-aari ng uncle ni Marcus ang nasabing bar.Nakaabang na sa entrance ang kaibigan niya pagdatingniya sa venue. "You made it," nakangiting sabi nito at hinalikan siya sapisngi.  "Kaibigan mo ba ang lahat ng mga 'yan?" manghang tanongniya habang nakatingin sa mga taong nagsasayaw sa dance floor.  Natawa ang lalaki. "Nah. Sa second floor tayo." Hinawakansiya nito sa kamay at iginiya siya sa second floor. Naroon anghindi niya mabilang na mga kaibigan at mga kamag-anak nito.Nandoon na rin si Mikaela na best friend niya at kapwa niyaflight attendant."Hey, I'd like you to meet someone," sabi ni Marcus nangkaagad silang mag-chikahan ni Mikaela tungkol sa huling flightniya.  Hinila siya nito at dinala sa isang table kung saan naroonang mga pinsan nito. Kilala na ni Lexie ang lahat ng mga nakauporoon maliban sa lalaking nakatalikod sa kanya. Tinapik ito niMarcus sa balikat, dahilan upang mapalingon ito.  Sandaling natigil ang paghinga niya nang makita ang mukhang lalaki. Napatulala yata siya habang nakatitig dito."Pare, I'd like you to meet Lexie Elizabeth Asuncion, a dearfriend of mine," ani Marcus dito.  Tumingin ang lalaki sa kanya at nagtama ang kanilang mgamata. Tulad niya ay tila natulala rin ito.  "Lexie," baling ni Marcus sa kanya.  "Sean Christian Umali," di makapaniwalang usal niya bagopa maipakilala ni Marcus ang kaharap.  "Yeah, kilala mo na si Sean," nakangiting sabi ni Marcus.  Of course, she knew Sean. He was a famous Tae Kwon Doexpert. Sumikat ito dahil sa sunod-sunod na karangalang ibinigaynito sa bansa nitong mga nakalipas na taon matapos manalo saOlympics. He was also a product endorser and a cover boy.  Noong una, isang matangkad, guwapo at athletic na lalakinghindi niya type ang tingin niya rito. Ang gusto kasi niya sa lalakiay iyong mga men-in-uniform katulad ng yumao niyang ama naistrikto at may sinusunod na rules pero may malambot na puso.  Pero matapos niyang mapanood ang isang TV interview niSean ay bigla siyang na-curious tungkol dito. Classic kasi angpagsasalubong ng mga kilay nito at pagkunot ng noo habangnagsasalita. Mukha rin itong suplado, pero nang ngumiti ayparang biglang nagniningning ang mga mata nito.  Tuluyan nitong nakuha ang interes ni Lexie nang malamanniyang graduate ito ng Business Management at nag-MBA saHong Kong. Siguro nga ay matalino rin ito. Before she knew it,he was already her ultimate crush.  Sean was more handsome in person. Bigla siyang naconscious habang nakatitig sa kanya ang mapupungay na mgamata nito. Nagsisisi na siya dahil hindi siya nag-ayos nang hustobago nagtungo sa party. Pero parang gusto naman nito ang  nakikita base sa mainit na titig nito sa kanya.  "A handshake is necessary, pare," pabirong sabi ni Marcusna itinulak sa balikat si Sean."Oh," sabi ng lalaki na tila natauhan at saglit na napatinginkay Marcus bago muling ibinalik ang titig sa kanya.  "Nice to meet you, Lexie. Nice name," nakangiting sabi nito.Lumantad ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin.  "Thanks. Nice to meet you, too," pakaswal na tugon niya attinanggap ang pakikipagkamay nito.  "Hindi pa kumakain si Lexie, pare. Do you mind entertainingher for me?" Marcus was obviously playing Cupid and she loved it.  "Sure. What do you want to eat, Lexie?"  You, tugon ng isip niya but she only answered him with asmile. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook