Prologue

289 Words
"Sigurado ka ba rito? Baka mamaya niyan ay may inilagay ka pa lang lason," tanong ni Maurice habang isinusuri ang maliit na bote sa kaniyang mga kamay. Inilibot niya ang paningin upang mahanap ang mga kemikal na maaring pinaglaruan ng babaeng kasama, ngunit wala ni isang ebidensya ang kaniyang nakita. "Of course! Wala namang mawawala kung susubukan mo 'di ba? You might want to thank me sa mga susunod na araw," pangungumbinsi sa kaniya ng kaharap na dalaga. "I don't know. It's weird, you can't even explain to me scientifically kung paano nito," aniya at itinuro ang boteng hawak, "...mapapahulog ang loob ni Ross sa 'kin. Let me guess, another failed love potion? Ang dami nang nagta-try gumawa ng mga ganito. In fact, this is a one hell crazy idea!" pagrarason ni Maurice. "Well, ikaw bahala. Like what I've said wala namang masama kung susubukan mo. Just one drop, Maurice..." Wala namang masama kung susubukan. That somehow convinced her a little, na subukan ang alok ng babae. "Just one drop of that and things will be different. The way you always want it to be. Make Ross fall for you..." Huminto ito sandali at matalim na tinitigan ang dalaga. "Also, don't you think it's about time to make it even? Make Macey kneel in front of you," suhestyon ng babaeng nagbigay sa kaniya ng maliit na bote. Make Ross fall for you. Make Macey kneel in front of you. And those were the words her ears have been waiting to hear. Ang mga salitang iyon ang nakakuha ng atensyon ni Maurice. Iyon naman talaga ang gusto niya sa una pa lang. Iyon din yata ang mga dahilan kung bakit siya pumayag na makipagkita sa babaeng kaharap kahit na nawiwirduhan siya sa ugali nito. "Pag-iisipan ko," sagot niya at saka tinungo ang labasan ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD