Chapter 1: Before Magic Came

1405 Words
MAURICE'S POINT OF VIEW "I love you." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang marinig ang mga katagang iyon mula mismo kay Ross. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, tila sasabog...sasabog sa sobrang sakit. Masaya sana kung para sa akin ang mga salitang iyon, kaso hindi. Para iyon sa babaeng mahal niya, para sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya, at iyon ay hindi ako. Muli ko silang pinagmasdan at kahit ilang metro ang layo ay tanaw na tanaw mo ang ngiti sa kanilang mga mukha. Pareho silang nakaupo sa isang malaking bato katabi ang mga nakalinyang puno sa harap ng malawak na field. Naging silungan nila ang mga punong iyon laban sa mainit na sinag ng araw. Kung pagmamasdang mabuti, para silang nasa isang pelikula, perpekto, may chemistry, bagay. Sa pelikulang iyon, ako ang extra, extrang nagtatago sa likod ng isang poste habang pinagmamasdan ang dalawang bidang masayang ipinagtatapat ang kanilang nararamdaman. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Hindi ka susuko, Maurice. Nililigawan pa lang naman niya si Macey eh, bulong ko sa aking sarili. Paano. Paano nga ba ako nahulog nang ganito sa kanya? Simple lang ang istorya. Kababata ko siya, best friend, at nahulog ang loob ko sa kaniya. Oo, typical na one-sided bestfriend love story. Napaka-cliché. Payapa ang lahat kahit patago akong nahuhulog sa kaniya noon, maayos kami. Ngunit bigla na lang nagbago ang lahat ng dahil sa isang maliit kong pagkakamali. "Pagod na 'ko sa 'yo, Reese. Hindi ka ba marunong makiramdam? Kung talagang kaibigan mo 'ko hindi ka dapat nakikialam!" Isinigaw niya ang mga katagang iyon sa harap ng mga bisita, mga kaklase, kapitbahay, at iba pang panauhin ng kaniyang graduation thanksgiving noong high school. Nakakunot ang kaniyang noo dahil sa galit at ang mga malalim niyang mata ay hindi ko na makilala. Para akong batang napagalitan ng aking ina noong araw na iyon. Ang tanging kasalanan ko lang naman ay sinubukan kong hanapin at i-contact ang kaniyang ama. Hiwalay ang mga magulang ni Ross at ni minsan ay hindi niya nakita ang kanyang ama kaya't naisip ko na gawin iyong graduation gift sa kaniya. Ang kaso, masyado pa akong malayo sa paghahanap ay nabisto na niya ang planong iyon. Naiintindihan kong galit siya ngunit ang wakasan ang pagkakaibigan namin nang dahil lang doon ang hindi ko lubos maunawaan. Nakakafrustrate minsan dahil kahit anong effort kong magkaayos ulit kami, parang ayaw na niya talaga. "Kanina ka pa riyan." Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses niya. It wasn't a question, but more like a statement he was very sure of. Hindi ako nakapagsalita kaagad at tila nabato sa aking kinatatayuan. Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin at nasilayan ang namumula niyang mukha dahil sa init pati na ang medyo nagulo niyang undercut na buhok. Kahit hindi ito kaputian ay bakas pa rin sa balat nito ang pagkasensitibo pagdating sa init ng araw. Wala na rin ang kaninang kasama niya. Nagkataong nasa parehong Unibersidad, kurso at bloc kami ni Ross. Second year college na kami, ibig sabihin dalawang taon na rin sigurong nagtitiis si Ross sa presensya ko. Pero iyon, madalang niya akong kausapin kaya tila naiestatwa pa ako sa posisyon ko. "Matalino ka, Reese. Alam kong kaya mong i-perfect ang tests kahit hindi ka mag-review, pero huwag mo naman sanang gawing libangan ang pag-iispiya sa amin ni Macey sa tuwing free time mo," aniya gamit ang malamig at tila naiiritang tono. Napayuko ako at inilipat ang aking mga tingin sa mabatong lupang kinatatayuan. "Sorry," tangi kong naisagot. Ramdam ko ang pag-iling niya bago muling nagsalita. "Ten minutes na lang, may klase pa tayo," paalala niya. Palihim akong napangiti at kaagad na nag-angat ng ulo. Para kasing pinapahiwatig niya na sabay na kaming pumunta sa susunod na klase. Binigyang pag-asa ng maliit na bagay na iyon ang puso ko. Kahit naman ayaw kong mag-assume, hindi ko mapigilan. "Ah, t-tama." Inayos ko ang shoulder bag na nakasabit sa aking balikat. Kasunod kong iniikot-ikot ang duluhan ng naka-pony tail kong buhok upang maayos ang pagkaka-alon nito. Nauna nang maglakad si Ross sa akin kaya naman agad ko siyang sinundan. Namimiss ko rin minsan 'yong ganoon, iyong ganoon siya kalapit. Saglit akong napahinto nang maalala ang isang bagay. "Bakit?" tanong niya nang mapansin ang paghinto ko sa paglalakad. "Nga pala, Ross. Dinalhan kita nito," masigla at nakangiti kong sabi at iniabot sa kaniya ang isang box ng brownies. "Naparami kasi ang gawa ni Mama kagabi kaya naisipan kong dalhan ka," tugon ko. I was expecting him to at least smile and accept the box, lalo't paborito niya iyon. Kaso, iba ang reaksyong nakuha ko. Nagbigay siya ng isang 'di makapaniwalang tingin. Kasabay noon ang pagsalubong ng kaniyang mga kilay. "How many times do I have to tell you, Reese? Stop sending me gifts," asik niya. Hindi niya rin siguro namataan ang bahagyang pagtaas ng kaniyang boses. Iniikot ko ang aking paningin upang masigurong hindi kami nakahatak ng atensyon. Ilang beses din akong napalunok bago muling nakapagsalita. "Ross..." "Nag-usap na tayo tungkol dito 'di ba?" Napatango ako bilang sagot sa kaniyang tanong. "Klaro naman sa 'yo ang feelings ko para kay Macey, 'di ba? Ayaw kong magselos siya lalo pa't alam kong hindi ninyo gusto ang isa't isa," dagdag niya. Bakit kasi si Macey pa? Mainit na naman ang kaniyang ulo sa 'kin. "Pero, Ross, si Mama naman ang nag-bake-" "That's no excuse, Maurice," matalim niyang tugon. Nasaktan ako sa mga sinabi niya, lalo na kung paano niya binitiwan ang mga 'yon. Para bang ang laki kong problema sa kanya. Parang gustong-gusto na niya akong itulak palayo at tuluyang burahin sa buhay niya. Isa pa, pwede niya namang sabihin kay Macey na galing kay mama iyong mga brownies, hindi ba? Napansin yata ni Ross ang panunubig ng mga mata ko kaya't medyo kumalma na ang kaniyang boses. "Iyakin ka pa rin, Maurice. Why don't you just give that box to someone who cares for you? Give that to someone who gives a damn care, cause I," he said emphasizing the 'I', "... definitely don't deserve that," bungad niya at nauna nang maglakad papasok ng building kung saan ang susunod naming klase. Pagkatalikod niya, tila nasa isang karera ang mga luha ko na nagsiunahan sa pagbagsak. Mabuti na lang at hindi napapansin ng mga tao sa paligid ang pag-iyak ko. Karamihan kasi sa kanila ay nagmamadali na dahil malapit na ang susunod na klase samantalang ang iba naman ay wala lang talagang pakialam. Ni konting pag-aalala, ni konting pakialam, wala na ba talaga, Ross? Hindi ko kayang humarap sa mga kaklase ko na ganoon ang itsura kaya't napagdesisyunan ko na 'wag na lang munang pumasok sa subject na iyon. Tinungo ko ang likod ng Main Library kung saan madalas akong tumambay dahil tahimik doon at mahangin. I'm sorry, Mama. Ngayon lang 'to, promise. Bulong ko sa isipan. Hindi ko naman kasi talaga ugali ang umabsent. Dali-dali kong dinial ang isang numero habang humihikbi. "Hello?" sagot ng nasa kabilang linya. "Sa tambayan, please," aniko at kaagad pinatay ang tawag. Isinandal ko ang sarili sa puting pader at kasunod na ipinatong ang ulo sa aking mga tuhod. Hindi ko na talaga maintindihan si Ross, napaka-immature niya naman siguro kung iyong nangyari pa rin noong graduation ang pinanghuhugutan ng galit niya sa 'kin. I wanted to hate him, but I would always end up hating myself. I hate myself dahil kahit hindi ko siya maintindihan, kahit masakit na, mahal ko pa rin sya. Kahit nakakapagod na, hindi ko pa rin magawang sumuko. Ilang sandali pa ay may narinig akong mga yapak papalapit sa direksyon ko, alam ko na kaagad kung sino iyon. "You made me ditch my class, you know," bungad niya at naupo sa tabi ko. "Yui," I called her name and gave her an apologetic smile. Pawisan pa ang mukha niya at habol-habol ang kaniyang hininga. "Pasalamat ka minor subject iyon, kung hindi, hindi talaga kita sisiputin dito ngayon," pagrereklamo niya. I smiled at the thought. Mas lalo ko tuloy gustong maiyak. I know I can always count on her. "Anong meron?" tanong niya habang pinapahid ang noo gamit ang likod ng kanyang palad. Hinawi niya ang kanyang buhok at inayos ang mga iyon sa kanyang likuran. Tumulong na rin ang ihip ng hangin sa pagpapatuyo ng kaniyang mga pawis. "Yui," I called her again. Sa puntong iyon, tuluyan na talaga akong naiyak. "Oh." Was her reaction at iyong naiirita niyang mukha ay napalitan ng pag-aalala. "Come here," she said and pulled me into a hug. Without anything to say, lumapit ako sa kaniya at umiyak sa kaniyang balikat. "Maurice and her broken heart," bulong niya habang pinapatahan ako. My broken heart, it was what lead me to the next unexpected days of my life. Dahil bago nangyari ang lahat, wasak ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD