Chapter 2: Weird

1725 Words
Medyo napahaba ang kwentuhan namin ni Yui kaya't hindi namin namalayang late na pala siya para sa practice nila sa varsity. "Hala!" gulat niyang tugon habang nakatingin sa relo. Agaran siyang napatayo at pinagpag ang pantalong suot. "Reese, pwedeng mamaya na lang ulit? Late na kasi ako sa practice, patay ako nito kay Coach," paalam niya. Patuloy pa rin siya sa pagpagpag ng kanyang pantalon na kanina'y nakadikit sa madamong lupa sa likod ng Main Library. Itinaas ko ang aking ulo upang makaharap ang mukha niyang puno ng pagkataranta. Natuyo na ang mga luhang kanina ay tumatakip sa aking mukha. Binigyan ko siyang ngiti at tumango bilang sagot. "Sorry talaga, ha? Basta, i-text mo ako mamaya. Sige, bye!" mabilis pa sa alas cuatro niyang sabi. Patakbo niyang tinungo ang gym dala ang kanyang itim na backpack at damit na pamalit. "Bye!" pahabol kong sabi. Tanging likod na lang niya ang nakikita ko at ang paglipad ng ilang hibla ng kanyang tuwid at maninipis na buhok mula sa hangin na sumasalubong sa kanya dahil sa pagtakbo. Malalagot na naman ang isang iyon sa coach nila, at 'pag nagkataon ako ang sisisihin no'n. Pero in the first place kasalanan ko naman talaga, tinext ko siya na pumunta rito sa tambayan. Napaisip tuloy ako kung gaano ako ka swerte kay Yui. Akala ko rin kasi noon hindi na ako ulit makakahanap ng best friend na kagaya ni Ross. We definitely have nothing in common. She's into sports, I'm not. I love Math, she curses it. She loves partying and shopping, I don't even want to get out of my room during weekends. Mga ganoong bagay. We’re not even in the same course and college. She’s in the field of Arts while nasa Science and Math naman ako. We just happened to be classmates sa P.E noon. Naging groupmate ko siya sa isang activity, we talked and then eventually became friends. I guess there’s that invisible string na nagtatali sa aming dalawa, destined lang talaga sigurong maging kaibigan ko siya. Napagpasyahan ko nang tumayo at nagsimulang maglakad patungo sa susunod kong klase. Noon ko lamang napatunayan na nakakasenti pala talaga kapag ikaw lang mag-isa, kagaya noon na mag-isa akong naglalakad. When you’re alone you think, when you think you remember. Sa palagay ko iyon kadalasan ang nagpapasenti sa isang tao sa tuwing mag-isa siya. Ang daming thoughts na bigla na lang pumapasok. Kapag din mag-isa ka ang dami mong mapapansin. Habang naglalakad ay may magsyota akong nahuling naghahalikan sa likod ng puno. Napakalaswang pangitain. Pero seryosong usapan, noon ko lang ata napansin kung gaano kaaliwalas sa loob ng university aa ko. Kahit kasi medyo marami ang estudyante, malalaki naman ang mga pathwalk, aligned na aligned din ang pagkakatanim ng mga puno at nagva-vary ang mga landscape. Presko sa pakiramdam kung baga. Idagdag mo pa riyan na dalawang daan at apat ang kabuuang ektarya ng campus. Hindi pa lang gaanong napapalaganap ang ibang parte nito. Natigil ang paglalakad at pagmumuni kong iyon nang may marinig akong nag-play na kanta sa bandang likuran ko. Narinig ko pang may nagtawanan kaya’t hindi ko napigilang lingunin ito. Galing ang music sa isang binatang prenteng nakaupo sa may entrance ng School of Management. Napapagitnaan ang building na ito ng Main Library at college aa ko kaya’t madadaanan ko ito. Buchikik ang nakaplay sa telepono ni kuya at naka-full volume pa kaya’t dinig na dinig ng mga tao sa paligid. May mga pabirong sumasayaw na tila binabalikan ang sayaw noong kabataan nila. Si kuyang may-ari ng telepono naman ay mukhang enjoy na enjoy sa music niya. Natigil ang music at akala ko noo’y ini-stop na talaga nito ang kanta. Magsisimula aa ko akong maglakad muli ngunit nag-next lang pala ito sa kanyang player. Sunod kong narinig ang Ili-Ili Tulog Anay, nagnext pa ulit ito ng tatlong beses at hindi ako makapaniwalang Twinkle Twinkle Little Star at Bahay Kubo ang mga sunod kong narinig. Bumalik naman ulit ito sa Buchikik sa pangatlong next. Iba rin ang trip ng isang ito pagdating sa playlist. At dahil na rin sa playlist na iyon, na-late ako sa kasunod kong klase. “Ngayon ka lang na late,” bulong ng katabi ko. Inusog ko nang kaunti ang silya mula sa kanya upang magkaroon ng magandang distansya sa pagitan naming dalawa. Mas pinili ko na lang na hindi ito pansinin. Kung minamalas nga naman, kung hindi sana ako na-late hindi ko sana siya katabi ngayon. Pagkapasok ko kasi ay wala nang ibang bakanteng upuan kaya wala akong choice kung hindi ang tumabi sa kanya. Kasalanan talaga ‘to ng lalakeng iyon pati na rin ng playlist niya. Ewan ko ba, bakit aa ko ako nabibwisit at nabo-bother sa playlist ng isang iyon? Bakit ko ba pinoproblema ang hindi ko problema? Hay, baliw lang talaga siguro ako kung minsan. “Seriously, ngayon ka lang na late, Maurice,” bulong ulit ng bwisit kong katabi. Kahit malamya ang boses nito ay halata naman ang pang-aasar niya. Kita ko pa sa peripheral vision ko kung paano siya sumandal sa kanyang upuan na nakahalukipkip. “Sorry, hindi ako nakikipag-usap sa mga tunog bubuyog. Ang sakit mo sa tenga,” pabara kong sagot dito. Nababadtrip tuloy ako. Kung may choice lang talaga ako na lumipat ng ibang upuan, ginawa ko na. Ang kaso, wala akong ka-kurso sa subject na ito at lalong wala naman akong mga ka-close sa mga kaklase ko ngayon kaya wala akong mahingan ng pabor na makipagpalit ng upuan. Pinagsisisihan ko talaga na kinuha ko ang General Education subject na ito. Ilang sandaling natahimik si Macey, pero knowing her, hinding-hindi ito magpapatalo. “If I know nagsisimula ka na ring magrebelde kagaya ng kuya mo,” pabulong pa rin nitong tugon. I clenched my fist. Huwag na huwag niya talagang idadamay si kuya rito. Hindi ko na napigilan ang sarili at hinarap ang naliligo sa make-up niyang mukha. Panay noon ang pagsuklay niya sa kanyang blow-dryed hair gamit ang kanang kamay. “Leave my brother out of this, Mace,” banta ko sa kanya. Sasagot pa sana ito ngunit naunahan siya ng prof na may i-aanounce raw kaya’t pinili na lang niyang manahimik. “I’ll leave you this activity, but you have to do it by pair. Submit this to my office next week,” instruct ng professor aa ko sa BIO9. Inayos niya ang kanyang salamin at hinarap ang attendance sheet na nakadikit sa isang folder. “Ako ang magpapares sa inyo, ang magrereact bibigyan ko ng singko,” pananakot nito kaya naman nanahimik na lang iyon sanang may mga planong mag-suggest na mag-choose your own partner na lang. “...Chan, Audrey and Guno, Gelo.” Pagtawag niya sa mga magkapares. “Fordan, Maurice Xyril and Rodrigo, Macey.” Parehas na lumawa ang mga mata aa ko. Kung minamalas nga naman. Wala na talagang mas nakakabanas pa sa araw na ito. Nagpatuloy ang klase na panay ang irapan aa ko ng katabi ko. Nang narinig kong nagdismiss na ang prof ay kaagad na nagsitayuan ang mga kaklase ko na halatang excited lumabas ng classroom. Itong subject na ito rin kasi ang huling subject ng karamihan sa amin. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Macey. Hindi ko alam kung para saan iyon o kung ano ang pinanghuhugutan nito. “I shouldn’t have mentioned Axel Gerald,” panimula niya. Bakas sa boses niya ang pagka-guilty. Hinarap ko siya at binigyan ng isang masamang tingin. “I told you to Leave. My. Brother. Alone.” Nanggigigil tuloy ako sa babaeng ito. “Mace.” Tila natunaw lahat ng inis ko nang marinig ang boses na iyon. Oo, kaya kong maging matigas, kaya kong maging maldita, pero sa tuwing nariyan siya nawawala lahat ng iyon. He has always been my weakness. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nandiyan siya I’m at my weakest, nagiging soft and fragile ako bigla. “Ihahatid na kita, Mace.” Kahit ilang yapak ang layo niya mula sa akin ay amoy na amoy ko pa rin ang pabangog lagi niyang suot. Axe Chocolate. Walang nagbago. Ngumiti si Macey at nilapitan si Ross na nakasandal sa may pintuan. Agad niyang ipinulupot ang mga kamay sa nakapamulsang braso ni Ross. “Let’s go?” pag-aaya ni Macey habang nakangiti pa rin. Sandaling sumulyap sa akin ang walang emosyong mukha ni Ross bago niya sinagot ang ngiti ng katabi. Saka niya isinabit ang brasong kanina lang ay yakap-yakap ni Macey sa mga balikat nito at tumalikod na sa akin. Gusto ko na tuloy maiyak. Bakit kasi, bakit kasi si Macey pa? Gusto ko namang sumaya si Ross, ngunit hindi ko rin talaga kayang ipaubaya na lang siya. Lalo na’t kung kay Macey pa. Mahal ko siya, sobra. “Hi!” bahagya akong nagulat nang bigla na lamang sumulpot sa aking harapan ang kaklase kong si Audrey. Dala-dala nito ang kanyang sikat na “parang walang problema sa buhay” na aura. “Come here,” hinila niya ako palabas ng classroom at hindi ako nakapagreact agad. Umakbay siya sa akin at pinagmasdan ang dalawang taong hindi pa gaanong nakakalayo sa aming posisyon. “Look,” mabilis niyang utos. Sinunod ko ang direksyong itinuturo niya at pinagmasdan ang likod nina Macey at Ross. “In five seconds madadapa si Macey,” masaya niyang bulong habang nakaakbay pa rin. Inilipat ko ang aking mga tingin sa kanya at pinandilatan ito. Ano bang pinagsasabi ng isang ‘to? Baliw ba ‘to? Tanong ko sa sarili. Pero ikinagulat ko nang ilang segundo matapos niyang sabihin iyon ay natapilok at nadapa nga si Macey. Hindi ko lang nabilang kung eksaktong limang segundo ba, ngunit nadapa ito. Nanlaki ang mga mata ko at ibinalik ang tingin kay Audrey. Ngunit kaagad din naman akong umiling at hindi na lang inisip iyon. Nagpakawala siya ng isang matagumpay na tawa. “See?” tugon niya at itinaas-baba ang straight-shaped niyang kilay. Napailing lang akong muli at inalis ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. Plano ko na sanang pumasok muli sa classroom para kuhanin ang mga naiwan kong gamit ngunit napahinto ako sa mga sinabi niya. “You want Ross, right?” tanong niya. Sa tono ng kanyang boses ay para itong naninigurado sa isang bagay na matagal naman na niyang alam. I faked a laugh at sinagot siya habang nakatalikod pa rin. “Anong pinagsasabi mo? S-saan naman nanggaling iyan,” nauutal kong sagot. Napaisip ako kung ganoon ba talaga ako ka daling basahin na kahit ang mga hindi ko naman gaanong kilalang tao ay nakakahalata. “Oh, come one. You want Ross, Maurice.” Sa puntong iyon hindi na iyon isang tanong. Siguradong-sigurado siya habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hinarap ko ito ngunit nanatili pa ring tahimik. “If you really want him, meet me tomorrow at the second Lab room. 4 pm, after your last class,” sabi niya at iniharap na sa akin ang maaalon din nitong buhok na halos ay kagaya ng sa akin. Now, what was that? Paano kaya niya nalaman na may gusto ako kay Ross? Ganoon aa ko ka obvious? Pero isa pang pinagtataka ko, how did she knew my class schedule? She is one weird girl. Definitely.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD