bc

My Territorial Queen

book_age16+
730
FOLLOW
3.1K
READ
possessive
drama
comedy
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
gxg
bisexual
bully
highschool
enimies to lovers
self discover
like
intro-logo
Blurb

Pangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang isipan ang mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa loob ng eskwelahan.

Malawak at puro mayayaman ang mga estudyante sa Hashford University. Pero bakit... bakit nga ba sa dinami-rami ng puwedeng mapansin ng reyna-s***h-halimaw ay siya pa, na ang nais lamang ay makapag-aral at makapagtapos ng matiwasay?

My Territorial Queen.

_____

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved © 2016

Published: July 2, 2016

Done: May 25, 2017

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
**** Patingin-tingin ako sa paligid ko. Maingat akong naglakad-takbo at nagtago sandali sa isang malaking puno. Inalis ko ang hood ko sa ulo at tiningnan ang oras sa relo ko. 7:50 am, ten minutes before first subject. 4th floor pa ang room ko. Isinuot ko ulit ang hood at sumilip sa likod ng puno. Buti hindi dumadaan yung halimaw. Kahit mukhang tanga ko sa outfit ko na naka-itim na jacket at itim na shades, keri lang. Kesa naman makita o makilala ko ng halimaw na babaeng yun. Naiiyak talaga ako tuwing naaalala ko pinaggagagawa nu'n sa 'kin. Ang malas ko talaga sa school na 'to. Palibhasa siya may ari nito, eh. Umalis muli ako sa puno at naglakad-takbo. Tumigil ako sandali ng makarating ako sa tapat ng hagdan. Medyo napagod ako, eh. Teka, kailangan ko na magmadali sa first subject ko. Mukha namang wala siya dito. Hindi pa man ako nakakatapak sa unang baitang ng hagdan ay may humawak na sa braso ko para pigilan ako. Napalingon ako. Kahit hindi niya nakikita ang mata ko ay nanlaki ito sa gulat at kaba. Si Hashford! Akala ko hindi ko siya makikita! Kinakabahan na ako, huhubels! Yumuko ako at pilit itinatago ang mukha. Medyo iniba ko rin ang boses ko nung magsalita ako. "U-uhm, Miss Hashford, kayo po pala. A-ano pong kailangan niyo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko at hinila na lang ako bigla. Shete, nakilala niya kaya ako? Kinakabahan ako sa gagawin niya, putek. Nagpaanod na lang ako sa kaniya dahil hindi naman ako makakapalag. Ang laking tao kaya nito! Dakilang 5'4 lang ako eh. 5'7 yata 'tong higanteng babae na 'to. Nagtungo kami sa likod ng building, kung saan walang katao-tao dahil tago ito at class hours na rin kasi. Speaking of, late na 'ko... Marahas niya akong itinulak sa pader at tumama ang likod ko roon. Ang sakit. Huhu. Marahas niya ring tinanggal ang shades ko at ibinato sa kung saan, ibinaba niya rin ang hood ng jacket ko. Pagkatapos ang ikinulong niya ako sa mga naghahabaang bisig niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. As in, sobrang lapit. Paktay. Tinitigan niya ko sa mata ng direkta. Ang mga pares ng chocolate brown eyes niya ay may emosyon na hindi ko mabasa. Una akong nag-iwas ng tingin dahil nalulunod na ako sa titigan namin. "A-ano na naman bang kailangan mo sakin, Hashford? Please, pwede bang mamaya na lang? May klase pa ako, oh." Mahina kong sabi. Pero nanatili siyang tahimik. "Kung sasampalin mo ako, o sasaktan mo ako, o bubuhusan ng pintura sa ulo. Mamaya na lang please? Ang dami ko na kasing absences." Still, nakatingin lang siya sakin. "Kung nagagalit ka dahil nahalikan ko yung crush mo, hindi ko yun sinasadya. Nadulas lang naman talaga ko dun sa natapon na spaghetti dun sa sahig ng cafeteria, eh." Nakayuko pa rin ako habang sinasabi iyon. Hinawakan niya ang baba ko para magtama ang mga mata namin. "Isa lang naman ang gusto kong gawin sayo... matagal na." Wow, buti naman nagsalita na siya. Mukha na kong tanga kakasalita, eh. Pero wala naman talaga akong kasalanan. Hindi ko yun ginusto 'no! Inihanda ko na ang sarili ko sa maaari niyang gawin. Tiyak sa clinic na naman ang bagsak ko. Ano kayang gagawin niya? Sasabunutan? Sasampalin? O baka naman dito na niya ako mumurderin?! Matagal na niya daw gustong gawin e! Alam ko namang naiinis siya dahil nahalikan ko yung crush niyang si Hyper, na kaibigan ko. Limang araw niya na rin pala akong binu-bully. Wala naman akong gusto sa taong yun eh. Saka kaibigan ko lang naman 'yun! Aksidente lang naman talag-- Natigil ang pag-iisip ko ng may malambot na bagay na madiin na nakadikit sa labi ko. Nakita ko ang nakapikit na si Haahford. Magkadikit ang gilid ng mga ilong namin. Nakahawak siya sa magkabila kong pisngi. At higit sa lahat... magkadikit ang mga labi namin. Teka... HINAHALIKAN NIYA AKO?! Saka lang nagsink-in sa 'kin ang mga nangyayari at automatic na itinulak ko siya sa balikat. Ngunit sadyang napakalakas ng babaeng 'to at lalong idiniin ang labi niya sa labi ko. Sobrang inilapit niya rin ang katawan niya kaya napahawak na ako sa magkabilang balikat niya. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa 'kin. Sinimulan niyang igalaw ang labi niya kaya naman nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako marunong humalik! She licked my lower lip pero nanatiling nakasara ang mga labi ko. No way! Gusto niyang gawin yung mga nasa TV?! Ew, ayoko nga! Naglulunukan ng mga sariling laway 'yon eh. Err. She gently sucked my lower lip pero hindi pa rin ako nagpatalo at madiin ko pa rin itong isinasara. Mukhang nawalan siya ng patience dahil hinawakan niya ang baba ko at pwersahang ibinuka ang bibig ko. Kaya naman malaya na niyang ginagalugad ang loob non. She licked and sucked every part of my mouth. New to this sensation, nanlalaban pa rin ako. Gamit ang free hand ko ay itinutulak ko pa rin siya. Yung isang kamay ko kasi ay naka-pin na sa taas ng ulo ko ng hindi ko namamalayan. Pero dahil sa ginawa kong iyon ay parehas ng naka-pin ang mga kamay ko sa taas ng ulo ko. Great. Mas lalo akong hindi makagalaw. Isinagad niya pa ang dila niya sa loob ng bibig ko at ginalugad pa rin iyon na parang wala ng bukas. Hindi na ako makahinga kaya bumigay na ako at sumabay na ako sa rhythm ng paghalik niya. Kesa naman mamatay ako sa hindi paghinga, 'no?! Napa-ungol ako ng kagatin niya ang dila ko. Shete! Nagawa ko 'yon? Naramdaman ko namang nag-smirk si Titanium sa pagitan ng halik namin. B*tch. Makalipas ang ilang segundo ay tumigil na rin siya sa wakas! Hiningal ako d'on ah. Halos mapugto na ang hininga ko. Naka-pin pa rin ang mga kamay ko. Magkadikit ang mga noo namin at tinititigan na naman niya ako sa mata. Shems. Ganda talaga ng higanteng 'to. Siguradong namumula na ako ng SOBRA ngayon. Mga ilang segundo rin kami sa ganoong posisyon ng magsalita na rin siya. "'Wag na 'wag mo na ulit ipapahalik 'yang lips mo sa kahit na kanino." Huh?! At bakit?! Sino siya para utusan ako?! Eh kinuha na niya nga ang first kiss ko eh! Oo! First french kiss ko yun! Yung first kiss ko nakuha ni Hyper diba? Pero smack lang 'yun eh. Hindi na ako kumontra dahil alam ko namang maiinis lang siya kung gawin ko pa yun. Pero nagtataka talaga ko kung bakit ganun ang sinabi niya? Hindi ba siya nagagalit dahil nahalikan ko ang Hyper niya? "Because first of all, you are mine. Your body, your eyes, your nose, your ears, are all mine. You belong to me and no one, no one owns you except me. I own you, remember that. Especially that lips of yours." Sabay smack sakin ng three seconds. Napaka-territorial! "Are we clear?" Sabi niya at mariing nakatingin sakin. Mangingisay na lang ako kapag tumanggi pa ako. Sabi ng mga mata niya hindi daw siya pwedeng tanggihan, eh! Wala sa wisyong napatango na lang ako sa kanya. Na agad niyang ikinangiti. Tch. Palibhasa, reyna ako ng no choice eh. Hindi pa man malinaw sakin kung bakit bigla na lang niya akong hinalikan at inangkin, isa lang ang nasa isip ko. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Nag-enjoy talaga ko sa halik niya. My Territorial Queen

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
614.0K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook