MTQ 1

1550 Words
**** "'Ma, pasok na po ako!" Sigaw ko. Nasa taas pa kasi si mama. "Mag-ingat ka!" Sigaw niya pabalik. Sumakay ako ng tricycle patungong school. Hashford University. Pangarap lang ang makapasok rito. Pero 'eto 'ko ngayon, papasok bilang grade 10 student. Pagpasok ko... wow! Ang lawak, ang ganda, at ang daming students! Dream come trueee! Hinanap ko ang room ko, pero 'di ko makita. Pagod na is me. May nabangga akong babae, ng hindi ko sinasadya. Hagardo na kasi ako, ang lawak kasi ng eskwelahang 'to! Tsk. "Sorry, miss. Kasalanan ko. 'Di kasi ako natingin." Paumanhin ko sa magandang babae na ito. Ganda, dyosa! Nakatulala lang siya sa 'kin. Pumitik ako sa harap niya. Napakurap naman siya. "Ah, okay lang. Bago ka lang ba?" Tanong niya sabay ngiti ng matamis. Ekew ne megende. "Oo, eh. 'Di ko nga makita room ko." "Ano bang section mo?" "Hafnium." "Nice. Magkaklase pala tayo. Tara sabay na tayo." Kung sineswerte ka nga naman oh. Hehe. Habang naglalakad, nagpakilala na ako, "Ako si Peach Soriano. Ikaw?" "Hyper Co." Sagot niya. Ano daw? Hyper daw siya? "Anong hyper ka? Hindi naman eh." Sabi ko. Eh sabi niya hyper daw siya, hindi naman. Relaxed nga siya, eh. Napabuntong hininga siya. "Sabi na nga ba, 'yan ang sasabihin mo, eh." "Huh?" "Ang pangalan ko ay Hyper Co. C-O ang spelling ng surname ko. Gets?" Paliwanag niya. "Ahh..." Sabi ko na lang. Pangalan pala niya yung Hyper. Astig! "Hindi ka tatawa?" "Bakit naman?" Napangiti siya. "Wala." Tipid niyang sagot. Weird ah. "So... friends?" Sabay lahad ko ng kamay ko. "Friends." Tinaggap niya ang kamay ko. Ibinaba niya ang kamay niya, pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Oh well, baka nagiging friendly lang siya. Diba? Diba? Pagdating sa room, madami ng nasa loob. Pero wala pa namang prof. Thank goodness. Humanap ako ng magandang pwesto. Hm... Ayun! Meron sa tabi ng bintana. Kaso medyo likod 'yun. Eh maliit ako eh, baka 'di ko makita nasa harap... No choice. 'Yun na pinakamagandang pwesto. "Tara, Hyper. Doon tayo umupo." Sabay hila ko sa kanya at umupo sa tabi ng bintana. Umupo naman siya sa tabi ko. Bumitaw na rin siya sa kamay ko. Buti naman, nakakahiya eh. Baka pasma pala kamay ko. Sumunod na dumating yung prof. "Blah, blah. Yada-yada. Ajujuju. Witchi-witchikeli." Tapos ng magpakilala ang lahat ng biglang padabog na nagbukas ng pinto. Napatingin naman sa kanya ang lahat. Ano ba 'yan late na late na siya. Pero impernez, ang ganda niya. Ay, mali. Napakaganda niya. Ta's ako, UBOD NG ganda. Diba? Diba? Napatingin ang prof sa kanya at parang nanigas sa kinatatayuan niya. Anyare? "I-ikaw pala, Miss Hashford. Take your seat." "'Wag mo akong utusan. Alam ko ang gagawin ko. 'Di ako tanga, ha? Alangan namang tumayo ko dito maghapon?" Sagot naman ng Hashford na 'to. Walang galang, pwe! Mabilis na nag-sorry at napatango ang prof namin.  Nagsimula naman ang bulungan sa room. Hindi porket siya ang anak ng may ari ng school na 'to, mawawalan na siya ng galang. Lahat ng tao karapatang rumespeto at respetuhin. Alam kong anak siya ng may-ari. Apelyido pa lang, eh. Nilibot niya ang tingin niya at napadako sa pwesto namin ni Hyper. Lumapit siya at tumingin kay... Hyper. "You, find another seat." Turo niya kay Hyper. "M-me?" Turo niya sa sarili niya. "Idiot. May iba pa ba?" Mataray niyang sabi. Hmp! Binabastos niya si friend! Ano siya, chicks? Papaalisin niya si Hyper sa tabi ko eh siya pa nga lang kaibigan ko dito! Napayuko lang sa hiya si Hyper at kinuha ang mga gamit niya. Tatayo na sana siya ng pigilan ko ito. "'Wag." At saka ko siya pinaupo muli. All eyes are on us. Nagbulungan na naman ang nasa paligid. Nakita kong tinaasan lang ako ng kilay ni Hashford. "Move." "'Wag, Hyper." "I. Said. Move." Puno ng awtoridad ang boses niya. "Peach." Tiningnan naman ako ni Hyper na nanghihingi ng sorry. Napabuntong-hininga na lang ako at binitawan ang braso niya. Lumipat siya sa mas likod na pwesto, doon na lang kasi sa huling row ang wala pang nakaupo. No choice again. Lilipat ako sa tabi ni Hyper. Mas mabuti pang sa likod na lang ako kesa makatabi ko 'tong halimaw na 'to. Inayos ko ang mga gamit ko. Akmang tatayo na sana ako para lumipat ng pwesto ng hawakan ako ni Hashford sa braso para pigilan. "Don't you dare." Mababa ang tono na sabi niya sakin. Ano na naman bang ginawa ko?! "Lilipat lang ako ng pwesto, Miss--" "Sit." Medyo padabog kong ibinaba ulit ang bag ko. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at nangalumbaba. Nakakainis siya! Gigil ako, ha. Wala naman kaming ginawa kundi maghintay sa mga sunud-sunod na dumadating na teachers sa bawat subject na paulit-ulit lang na mag-iintroduce yourself. And... tadaaa! Uwian na sa wakas! Ang boring eh, walang maka-usap. Lumipat kasi si Hyper. Ito namang si Hashford hindi ko pinapansin, inis ako sa kanya, eh. Wala rin siyang ginawa kundi titigan ako. Kahit hindi ako natingin, nakikita ko sa salamin ng bintana na nakatitig lang siya sakin. Ewan ko diyan. Baka gandang-ganda sa 'kin. Charot! Half day lang kami ngayon dahil first day pa lang naman. Nilapitan ko si Hyper at inaya siyang mag-lunch sa cafeteria. Ta's sabay kaming uuwi kung parehas kami ng way. Gutooom na 'ko! "Tara, Hyper. Sabay na tayong kumain sa cafeteria. Gutom na 'ko, eh." Ngunit hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa likod ko. Ano bang meron? Napatingin rin ako sa likod ko at nakita si Hashford na binibigyan ako ng death glare. Ano na naman ba?! "You will join me for lunch. Idiot." Nice. Ang ganda ng approach niya ah. Kailangan tawagin akong idiot?! "Sige. Pero dapat kasama si Hyper." Sabay pulupot ko ng kamay sa braso ni friend. Bakas sa mukha niya ang inis. "Fine, fine! Just... don't touch her!" Hindi naman siya galit niyan? Saka ano naman kung hawakan ko si Hyper eh kaibigan ko naman siya? "Hindi mo siya bibitawan?" Puno ng pagbabanta ang boses niya. Bakit ba ayaw niyang dumidikit ako kay Hyper? Baka naman... OMG. May gusto siya kay Hyper?! Pero imposible! Eh ang ganda-ganda nito ni Hashford, eh. Grabe, hindi ko talaga akalaing may gusto siya kay friend! O, bakit? Halata naman, eh. Una pinalipat niya ng upuan, siguro ayaw niyang may lumapit kay Hyper. Tas siguro binabantayan niya ko. Ayaw niya kasing dumidikit ako sa crush niya eh. Hehe. Eme! Aym so genius! "Why are you smiling like an idiot? Tch." Nagising naman ako sa sinabi ni Hashford. Napangiti ulit ako. "Uyy! Alam ko na sikreto mo. Hihi." Sabay sundot ko sa balikat niya. Feeling close na ako kay halimaw--este, Hashford. Namula naman siya agad. "What secret?" Ang kyut. Parang kinakabahan na ewan. "Nothing." Sagot ko at itinago ang maliit na ngiti. Hindi na ako nagtaka. Uso na rin naman ang mga ganung relasyon ngayon. Hindi ako against, kinikilig nga ako eh. Hehe. Habang naglalakad, nasa right side ko si Hashford. Nasa kaliwa ko naman si Hyper. Ayaw pa tumabi ni Hashford kay friend, baka nahihiya. Pabebe. May malambot na humawak sa kamay ko. Sa right side, so it means, kay Hashford galing. Hinahawakan niya kamay ko? Ahh... Para pagselosin si Hyper! Magaling, magaling. Hindi ko inalis. Siyempre tinutulungan ko, eh. Malay mo magka HashPer love team. Haha. May naramdaman naman akong humawak sa left hand ko. Si Hyper. Okay... anong meron at panay hawak sila sa kamay ko?! Eh kung hawakan na lang nila kamay ng isa't-isa para tapos na. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Hashford sa kamay ko. Napalingon ako sa kanya. Matalim ang tingin niya sa harap. Binilisan niya ang lakad niya kaya naman nadala ako at nabitawan ang kamay ni Hyper. "Teka nga lang! Bakit iniwan mo si Hyper?!" Sigaw ko. Bigla na lang kasi manghihila, eh! Hinihila niya pa rin ako at mahigpit ang hawak sa kamay ko. "Teka nga, Hashford! Dahan-dahan. 'Di ka naman excited kumain 'no?" "Titanium." "Anong titanium?" "Call me by my name, Titanium." Naks, Titanium pala name niya. At tumigil kami sa... isang garden. Bakit ba kami nandito?! Gutom na 'ko, eeeh! Saka si Hyper baka hinahanap na ako n'on! Kawawa naman naiwan mag-isa! Aish. Pero in fairness, ang ganda dito, ah! "Uhm, Hashford? Nasaan tayo?" "We are obviously in a garden." She said in a duh-tone. "And I told you already that call me Titanium." Inis niya pa ring sabi. Eh sa mas gusto ko siyang tawaging Hashford, eh! Hindi ko pinansin ang pamimilosopo niya. "Pero Hashford, bakit tayo nandito? Baka hinananap na ako ni Hyper. Saka nagugutom na ako." "Ano bang hindi mo naiintindihan sa sinabi kong tawagin mo ako sa pangalan ko?" "'Wag high blood! Sagutin mo muna yung tanong ko." Nakakahawa inis niya ah! Asar... gutom na talaga ko. "Bakit tayo nandito, at bakit natin iniwan yung crush mo?" Tanong ko. "Crush?" "Oo, diba crush mo si Hyper? Ikaw ah... bayaan mo itutulay kita kay friend." Sabi ko sabay saludo sa kanya. Napangiti siya ng kaunti na parang tinatago pa. Bago napalitan agad ito ng madilim na mukha. Nababaliw lang? "That b*tch is not my f*cking crush!" Sigaw niya. Kailangan magmura? "Hashford, 'wag na in denial. 'Wag ka na mahiya, tayo lang makakaalam, promise." Sabi ko sabay wink. Namula siya. Ang kyuuut! "Uyy... kinikilig! 'Lika balikan na natin si Hyper. Matu-turn off 'yun sige ka." Napasimangot naman siya agad. "'Wag na kasi. Puro ka asdfghjkl eh ajhajasdja naman bujujuju." Hindi ko narinig yung last part. Pero okay na yun. Baka minumura lang ako. "At bakit naman ha, Hashford? Ayaw mong makita crush mo?" Nag-roll eyes naman siya. "Titanium." "Isa, Hashford!" "Call me by my name first." Nag-pout ako. Mas gusto ko siyang tawaging Hashford. "Don't... pout." Bulong niya sabay tingin sa malayo. Nagtaka ako. Bakit naman niya ko pinipigilan? Sorry siya mannerism ko yun, eh. "Maureen." Nanlaki mata ko. "Paano--" "Never mind. Now, get out of my sight. Doon ka na sa asdfghjkl mo..." Ang hilig bumulong. Tapos ngayon paaalisin niya 'ko pagkatapos niya kong hilahin hanggang dito. Wow ha. Yung feeling na gutom na 'ko ta's... argh! Sarap jombagin sa lungs neto ni Hashford! Hindi na ako nagdalawang-isip at umalis na. Nagugutom na kasi ako. At saka hahanapin ko pa si crush. Crush ko rin si Hyper eh. Ba't ba? Eh sa nagagandahan ako, eh. Habang naglalakad napaisip ako... Paano nalaman ni Hashford ang second name ko? Never ko pa sinabi yun sa kahit kanino. Kahit sa test hindi ko yun sinusulat. Nakakapagtaka lang. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD