MTQ 2

1285 Words
**** "Now open your books and... blah, blah, blah." Second day pa lang pero parang tamad na tamad akong makinig. Inaantok pa 'ko! Gusto ng bumagsak ng talukap ko. Palibhasa first subject pa lang kaya maaga pa. Kagagaling ko pa lang sa tulog pero inaantok na naman ako. Haaaysh... Paanong hindi ako aantukin eh wala akong makausap ng matino. Gusto kong katabi si crush Hyper! Pabagsak na sana ang mga mata ko ng mapansin ko si Hashford sa reflection niya sa glass window. Nakatitig na naman sa 'kin. Ewan ko kung si Hyper ba crush niyan o... ako, eh. Ayt, landi! Sige lang landi pa, Peach! Second day pa lang ha, second day pa lang for Pete's sake! Mahaba pa ang lalakbayin mo sa pag-aaral. Ipagpaliban ang paglalandi. Wow naman. Landi agad? Parang nag-assume lang ako, malandi na agad. Baka lang naman. Pero alam ko namang imposible 'yon kasi nga maganda siya, at MAS maganda ako kaya 'di kami match. Wow ha. Sige pagbigyan, pagbigyan! Saka hindi ako pumapatol sa kapwa ko. Straight 'ata 'to, hah! Okay. Sabi mo, e. Nagbalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Mr. Luman Dee. "Nasa labas ba ako ng bintana, ha? Nandyan ba yung nagdi-discuss?" Mataray niyang tanong. Ang bakla, e. Sayang pogi pa naman. "Sorry po, sir. Hindi na mauulit." I muttered. Inirapan lang niya ako at nagdiscuss na ulit sa harap. "Ayan kasi. Puro ka kasi titig sa labas. Tch." Sabi ng katabi ko. Sino pa ba edi si Hashford. "Kesa naman ikaw, puro titig sa 'kin." Sagot ko naman sa nang-aasar na tono. Namula naman siya ng bahagya. Pero agad akong tinaasan ng kilay. "N-never. I won't look at you." Ngayon ko lang napansin, ang deep pala ng chocolate brown eyes ng mokong na 'to. Gandang dyosa, ugaling halimaw. Hehe. Ang napaka-defensive at maang-maangang halimaw. "'Wag mo 'kong niloloko. Nakikita kita sa reflection mo sa bintana." Sabay taas ko rin ng kilay sa kanya at nag-belat. 'Wag niya akong subukan! Mukhang nagulat siya at napahiya. Buti nga! "W-whatever." Sabi niya na lang sabay irap. Arte. Nauutal rin pala ang gaya niya, 'no? Cute. **** Lunch naaa! "Hyper mylaaabs!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya. Nasa loob pa rin kami ng room at ilan-ilan na lang ang nandito kaya okay lang maglumandi ako kahit kaunti. Hihihi. "Oh, 'nyare sayo, Peach? Ang sweet mo 'ata?" Sagot niya sabay tugon sa yakap ko. Kumalas muna ako bago sumagot sa kanya, "Gutom na kasi ako. At dahil gutom ako at crush kita... ililibre mo 'ko!" Masaya kong sabi sabay pulupot ng braso ko sa kanya. "Saka na-miss kasi kita." "T-teka, crush mo 'ko?" Tanong niya. Hala, baka homophobic siya? Baka nandidiri siya sa akin? Humahanga lang ako sa kagandahan niya. SAKA STRAIGHT AKO! "O-oo. Ganda mo kasi, friend! Humahanga ako sa kagandahan mo, eh. Ayaw mo ba?" Kinakabahan kong tanong. Baka kasi nabigla siya e, mawalan pa 'ko ng kaibigan. "Hindi ah! O-okay lang. Kung alam mo lang..." Ba't ba ang hihilig niyong bumulong. Naramdaman kong may nakatitig sa amin ng masama kaya napalingon ako sa paligid. Titanium... Bakit ang sama ng tingin niya? Katakot! Nanlaki ang mata ko. Owmaygawsh! Crush niya nga pala si Hyper! Agad akong bumitaw kay Hyper. "A-ah, tara na. Tara na!" At nauna akong lumabas. "Oy, teka nga lang Peach! Ba't bigla ka naman 'atang nagmadali diyan? Para kang nakakita ng demonyo kanina." Natatawang sabi ni Hyper habang sumasabay sa mabilis kong lakad. Binagalan ko ang lakad ko at sumulyap sa likod. Woooh! Buti hindi sumunod si Hashford. Err. "Oo, tama ka. May nakita akong demonyo kanina. Ay, mali! Demonya pala." Sagot ko. She chuckled at hindi na sumagot. Pagdating sa cafeteria, nilibre niya nga ako ng pagkain at saka umupo sa vacant table. Nagpasalamat ako sa kanya. Habang kumakain, biglang nagtanong si Hyper. "Crush mo talaga 'ko? Bakit naman? Hindi ko nahalatang you're into girls pala." Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot. "I'm not into girls. Saka, paghanga lang naman ang meaning ng crush, diba? Panahon kasi ngayon, porket crush, like mo na agad. Maganda ka kaya crush kita. Hindi lang maganda, mabait pa. Kaya ayun..." Sincere kong sabi. Eh totoo naman, e. Ang iniisip ngayon, pag crush mo gusto mo na agad. Paghanga lang 'yon, okay? Sus! Pero nung nalaman mong may crush si Titanium kay Hyper, may patulay-tulay ka pang nalalaman. Paghanga lang pala ha... Che! "Sabagay, tama ka. Edi ibig sabihin pala... crush din kita?" Sabay bigay ng killer smile. Wow, ganda talaga neto ni friend! Ayie! Crush niya daw akooo! "Hindi maiiwasan 'yan. Lalo na't gandang dyosa ako." Sabay ganda pose, may pa-sway-sway pa ng buhok. "May nakatapat bang electric fan? Bigla kasing humangin, e." Ayp. Yun na eh. Sinira pa, GGSS na ang peg 'ko eh. I glared at her. Mukhang natakot naman siya at nagsalita. "Joke lang! 'To naman, siyempre maganda ka talaga. Crush kita, at crush mo ako, kaya bagay tayo." At saka siya ngumiti ng makahulugan. Parang double meaning yung sinabi niya. Ewan ko lang. Biro ba 'yon o seryoso siya? Saka may nakita akong something na ipinahihiwatig yung light brown eyes niya. Oh well... baka guni-guni ko lang. **** Nagsusulat ako ng notes ko sa notebook ko, nang mapansin kong parang busy si Hashford sa kung anuman ang sinusulat niya sa notebook niya. Wow, first time 'yon. Wala na kasing ibang ginawa kundi titigan ako. Medyo creepy nga, e. Napansin kong nagdo-drawing pala siya. Pasimple akong sumilip sa dino-drawing niya. Infairness, ang ganda niya magdrawing ah... kahit ballpen lang ang gamit. Isang babae... Pero teka... Parang pamilyar, at may kamukha... Parang... Ako? AKO BA YUN?! WAAAAH! AKO NGA! NAKAPANGALUMBABA AT NAKATINGIN SA LABAS NG BINTANA! Bigla siyang lumingon sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin at nagpatay-malisya. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ko. Sana hindi niya 'ko nahuli. Sana hindi niya 'ko nahuli. Sana hindi niya 'ko nahuli. Naramdaman ko siyang umiling at ipinagpatuloy ang ginagawa. Woooh! Nakahinga naman ako du'n. Bakit niya naman ako dino-drawing? In fairness talaga, magaling siya! Ang ganda ko du'n e. Kahit hindi ko masyadong nakita. Baka naman ididikit niya yun sa dart board ta's pauulanan ng darts yung portrait ko. O baka naman, ipapakulam niya, bubutasan ng mata, bababuyin... hahalikan at pagpapantasyahan. 'Wag ka ngang feeling! Ikaw, pagpapantasyahan? Pwe! 'Wag kang kumontra! Utak lang kita! Layas! Kung wala ako, edi nasayang beauty mo? Edi inamin mo ring maganda ako. Hehe. 'Lul! Utak mo lang ako, utak! Stop! Okay, back to reality. Habang nagsusulat ako ng notes, parang... ano ba 'yon? Parang hindi ako kumportable. Parang ang init 'ata ng kamay ko? Igagalaw ko sana ang kamay ko para tingnan, pero hindi ko iyon maangat. Parang may nakahawak, e. Ang higpit. Hindi ko na natiis, baka naiipit na pala kamay ko sa kung ano. Paglingon ko, may kamay na nakahawak sa kamay ko. Kaninong kamay 'to?! Kung sinong may ari ng kamay na 'to siya ang may pinakamakapal na mukha sa balat ng Earth! Iisa lang ang katabi ko, so that means... Si Hashford! Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa kamay niya, pero she just tightened her grip. Eeeh! Namamawis na kamay ko! Saka hindi ako kumportable, though, ang lambot ng palad niya. Nawalan na ako ng pasensya, "Pwedeng pakibitaw? Nahihirapan na kasi akong magsulat, e." Sabi ko kay Hashford na nakatingin lang sa harap na parang walang pakialam sa buhay. "No. You're not even left-handed." Ang sagot niya. Ang husay! "Kahit na! Hindi ako kumportable." "No." "Eh bakit ba?! May sarili ka namang kamay, yung akin pa hinahawakan mo." Inis kong bulong. Baka marinig pa kami ng prof sa harap, e. "Gusto mong mapatalsik dito? Baka nakakalimutan mong ako may-ari nitong pinapasukan mong school." Nagbabanta niyang sabi. "Ehem. Anak ka ng may-ari. Kaya parents mo pa rin ang magpapasya." "Your right. I'm the ONLY daughter of Hashford family. I can easily tell them to kick you out of this school." May halong pang-aasar. Namutla naman ako. Siguradong sermon ang abot ko kapag nalaman ni mama na second day pa lang, na-kick out na 'ko. Scholarship lang ang pinanghahawakan ko rito. "Sa-sabi ko nga, e. Pwede mong hawakan 'yang kamay ko kahit anong oras." Awkward kong sagot. Bwisit. Palibhasa may alas siya, e. Kung wala lang talaga, nakuuu! Matagal ko na siyang binatukan ng martilyo. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakangiting-tagumpay siya ngayon. B*tch. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD