bc

The Teenage Mom (TAGALOG) (COMPLETED)

book_age16+
10.3K
FOLLOW
94.5K
READ
family
pregnant
brave
no-couple
first love
friendship
rejected
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Si Norie Carias, ang nag hahanap nang atensyon mula sa kanyang mga magulang ay makakahanap ng taong magmamahal sa kanya. Sa murang edad s’ya ay umibig at binigay ang kanyang sarili sa lalaking mina-mahal na hindi nag aalinlangan.

Ngunit, ang buhay ng tao ay malayo sa storya sa W*****d. Sarili ang nag pasya nang kanyang kapalaran, kapalaran na hindi basta matatakasan ng isang menorde-edad na babae, Isang bunga ang kanyang dadalhin sa gitna ng bagyo sa kanyang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Norie’s Point of View Maaga akong gumising para makipagkita sa tagpuan namin, sa parke kung saan nabuo ang pagmamahalan namin, lugar kung saan naging saksi sa away, tampuhan at lambingan naming dalawa. Malakas ang simoy ng hangin para liparin ang buhok ko, alas-sais pa lang ng umaga. Kailangan n’yang malaman 'to sa lalong madaling panahon. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko kapag hindi n’ya pa ‘to nalaman. “Ang tagal naman n’ya,” sabi ko at tinignan ang cellphone ko. Humawak ako sa tyan ko. Ilang araw na akong hindi makatulog sa nalaman ko. Hindi na rin ako makapag-isip nang maayos sa tuwing sumasagi sa isip ko ang isang bagay na hindi ko akalaing mangyayari. Napakagat ako muli sa labi ko at tinignan ang mga kapwa ko estudyante na naglalakad. Mukha silang walang problema, masayang nagtatawanan kasama ang mga kaibigan nila at ang iba naman ay nag-uusap sa kani-kanilang pupuntahan pagtapos ng klase. “Norie!”  Agad akong tumayo nang makita ko siya. Patakbo siyang lumapit sa ’kin at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. “Anong problema? Malapit ka nang ma-late. Bakit ‘di ka pa rin pumapasok?” sunod-sunod n’yang tanong bago humiwalay sa ‘kin. “Ano ba ang problema?”  Napakagat ako ng labi ko. Ito ang isa sa nagustuhan ko sa kanya. Alam n’ya ang ugali at nararamdaman ko sa isang tingin pa lang. Ngumiti ako sa kanya nang mapakla. “D-Don.” Nag-umpisa nang magtuluan ang mga luha ko. Paano ko ba ‘to uumpisahan sa kanya? “Ano?” Tumingin ako sa mga mata n’ya. Papanindigan naman n’ya ako, ang sabi n’ya sa ’kin dati. Pangako n’ya rin ay hindi n’ya ako iiwan kahit anong mangyari. Malalim akong bumuntong-hininga bago diretso na tumingin sa mga mata n’ya. “Buntis ako, Don,” kinakabahan kong sabi sa kanya. Bumitaw siya ng pagkakahawak sa kamay ko at natulala matapos ko iyong sabihin. Kahit ako naman nang malaman ko ‘yon, wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak sa harap ni Marriane. “Paano nangyari ‘yon?” seryoso n’yang tanong bago hinawakan ang balikat ko. Napayuko ako. Hindi ko rin alam, pero isa lang ang sigurado ako, na siya ang ama ng dinadala ko—siya ang ama ng batang nasa tyan ko, siya lang ang nakakuha ng lahat-lahat sa ’kin.  “Hindi ko alam.” Umiling ako sa kanya bago hinawakan ang kamay n’ya. “Paano ko ‘to sasabihin kanila Mama at Papa?”  Si Papa, siguradong papalayasin n’ya ako kapag nalaman n’ya na buntis ako. Lagi n’yang sinasabi sa ’ming magkakapatid na kapag nagkamali kami ay wala na kaming karapatan sa bahay at sa pamilya namin. Si Mama, siguradong iiyak siya nang dahil sa ’kin. Ayaw kong umiyak si Mama, pero paano ako? Paano ang anak ko? Kailangan nilang malaman pero natatakot ako sa magiging reaksyon nila, mas lalo na kay Papa. “A-Ako ba talaga ang ama n’yan?” kinakabahang sabi n’ya. Nanginginig na rin ang mga kamay n’ya. Alam ko na iniisip na n’ya ang pwedeng mangyari sa’min dalawa. “Ano ba namang tanong ‘yan? Ikaw ang nakauna sa ‘kin, Don! Ikaw lang ang binigyan ko ng buong pagkatao ko!” pabulong kong sigaw. Tumingin ako sa paligid. Pinagtitinginan na rin kami ng ilang napapadaan dito sa parke. Napatingin ako sa hindi kalayuan, nando’n si Marianne na naghihintay sa ’kin. “Hindi ko alam, Norie. Paano na ‘yan ngayon?” Naupo siya sa swing at hinawakan ang noo n’ya. Hindi ko rin alam. Kung ipalaglag ko na lang ‘tong bata na ‘to para wala ng problema? Hindi. Ayaw ko. Anak ko ‘to, sa ’kin ‘to kaya kailangan kong alagaan at kahit anong mangyari, hindi ko gagawin ‘yon. “Harapin natin sila mama, Don. Please.”  Hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Ate, lagi n’yang sinasabi sa ’kin na kapag naka-graduate siya ay aalisin na n’ya kami sa bahay at ako ang inaasahan n’yang tutulong sa kanya pero hindi ko na alam ngayon. “Hindi ko kaya, Norie,” sabi n’ya bago ako tinalikuran. “Mag-iisip muna ako. Huwag na muna tayong mag-usap.” Pagtapos no’n ay tuluyan na siyang tumakbo papalayo sa ’kin. Napaupo na lang ako sa mga d**o. Sabi n’ya, kahit anong mangyari ay sasamahan n’ya ako. Sabi n’ya, ako lang ang gusto n’yang makasama pero bakit ngayon, tumalikod siya at tinakbuhan ako. Napahawak ako sa tyan ko. Paano na ako ngayon? Paano ko sasabihin sa kanila na buntis ako? “Tumayo ka na riyan, Ching.” Tumingin ako sa taong nagsalita. Agad kong niyakap si Marriane. Siya lang ngayon ang nagiging sandalan ko. Siya lang ang nakakaalam ng problema ko. Sila Mama? Huhusgahan lang nila ako, papalayasin at kung anu-ano ang sasabihin. “Paano na ‘to?” umiiyak kong sabi sa kanya. Niyakap n’ya lang ako bago pinaupo sa maayos na bench sa gilid ng park kung saan ‘di masyadong kita.  “Hindi ko alam, pero kung iiwan ka n’ya, magulang mo na lang ang makakatulong sa ’yo, Ching.” Umiling ako. Hindi. Papatayin ako ni Papa kapag nalaman n’ya na buntis ako. Ang masakit ay baka piliin n’ya pa na ipalaglag ang anak ko at palayasin ako sa bahay. Wala akong ibang mapupuntahan, wala akong malalapitan kung mangyari man ‘yon. “Alam mo ang ugali ni Papa. Hindi ako makakalabas ng bahay nang hindi n’ya nabubugbog kapag nalaman n’ya ‘to.”  Natahimik naman s’ya. Napahilamos na lang ako ng mukha ko. Hindi pa rin matigil ang pag-iyak ko sa tuwing naaalala ko ‘yon. Laging pinapamukha sa ’min ni Papa na wala kaming mararating na magkakapatid. Gusto kong patunayan na mali siya pero sa nangyari ngayon, sa tingin ko tama si Papa, wala na talaga akong mararating. “Eh, kung sa mga tita at tito mo?”  Si Tito Amay? Kapag nalaman ni Tito Amay ang tungkol dito, siguradong maaapektuhan ang allowance na binibigay n’ya kay Ate. Ayaw kong maapektuhan si Ate. Alam ko ang hirap na ginagawa n’ya para makapasok lang sa school. Kung paano n’ya iyakan si Papa, mabigyan lang ng pang-tuition at pamasahe sa araw-araw. Ayaw ko. “Hindi ko alam, tabs,” sagot ko kay Marianne. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko na maaapektuhan silang lahat, mas lalo na si Ate. Sigurado ako na siya ang susunod na i-do-down ni Papa kapag nalaman n’ya na buntis ako. Ayoko. Ayoko ring maapektuhan sila pero kahit anong gawin ko, sigurado ako na apektado silang lahat.  Si Ate, si Mama at ang mga kapatid ko.  Sorry.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
479.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook