bc

Strange Fears

book_age16+
96
FOLLOW
1K
READ
others
goodgirl
bitch
doctor
drama
tragedy
bxg
female lead
male lead
first love
like
intro-logo
Blurb

Pambihirang sakit na hindi alam kung saan nagmula maski ang doctor ay walang makitang kakaiba, ayon sa test nito. Makakaya pa kaya ni Lesha Brim ang gantong sakit na hindi malaman kung saan nanggaling? Ngunit sa kabila ng pakikipaglaban sa kanyang sakit ay nakilala niya ang doctor na si Hence Jamesly Jr. na siyang aalaga, at mamahalin nito ng buong puso.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lesha Brim Pov “MISS Lesha Brim!” halos sigaw na tawag ng nurse sa aking pangalan sa section nang desk lang naman niya. Pumikit ako at bumuntong hininga bago tumayo saka siya nilapitan na medyo kabado at nanlalamig na mga kamay. “I’m Lesha Brim,” sabi ko nang makalapit sa harap ng desk niya. Tumingin siya sa akin ng nakangiti at tumango, “Follow me miss Lesha” pagkatapos niya sabihin iyon, nagsimula na siyang maglakad na sinundan ko naman. Nang matapat sa pinto ng room tumingala pa ako sa nakasulat na pangalan sa itaas ng door. Doc. Mr. Hence Jamesly Jr. Basa ko sa name ng doctor na pinapatingin ko. Binuksan ng nurse ang pinto at saka siya pumasok sa loob pero hawak pa din niya ang doorknob at hinihintay na lamang niya ako na makapasok sa loob. Muli na naman akong bumuntong hininga at kinakabahan na pumasok sa loob. Tumambad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng polong kulay maroon saka ito pinatungan ng lab gown na kulay puti, yung pang doctor talaga. At nakasuot din siya ng sthetoscope sa kanyang leeg. “Mr. Hence, here is miss Lesha Brim” pagpapakilala sa akin ng nurse. Ngumiti sa akin ang doctor na ginantihan ko naman din ng isang pilit na ngiti. Dahil kinakabahan talaga ako. “Okay you may go nurse. And thank you,” nakangiting saad ng doctor. Nagbow muna ang nurse sa kanya at, “Welcome doc. Mr.Hence” tapos saka siya umalis. Di bale dalawa na lamang kami na iwan sa room, ang doctor at ako. “Misis Brim. Take a seat” gulat na napatingin ako sa sinabi niyang Misis sakin. “E-excuse me d-doc. I’m miss not misis,” paglilinaw ko nang makaupo ako sa upuan na katapat ng desk niya. Bahagya siyang ngumisi at yumuko upang tignan ang papers na nasa ibabaw ng desk niya. Nagtaka man ay pinanuod ko na lamang siyang magpalipat-lipat ng mga papel sa may folder. Isang buntong hininga na naman ang aking pinakawalan bago ko suriin ang kabuan ng kwarto na ito. Hays, kanina pa ko nagbubuntong hininga. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto, isang drawer na malaki, may bookshelf, at puro paintings sa dingding na kulay puting pader. Iniisa-isa ko pang tignan ang mga paintings na nakadikit sa pader. Lahat sila ay tungkol sa mga pasyenteng may sakit at talagang may kwento o buhay ang mga painting na iyon. “Miss Brim!” Halos mapatalon ako sa gulat ng sigawan ni Doc. ang pangalan ko. Kaya agad na lumingon ako sa kanya at naramdaman kong bumibilis ang t***k ng puso ko tila hingal na hingal na para bang tumakbo ako sa isang fun run. “Ahm… S-sorry di ko sinasadyang sigawan ka” Nahihiyang wika niya. “O-okay lang! It was my fault” naiilang na sambit ko at di makatingin ng diretso sa kanya. “O-okay, Its okay! So.. Here is you’re result,” Sabi niya habang nakatingin sa mga papers na nasa folder. “But wait, meron lang akong mga iilan na katanungan na dapat mo iyong sagutin. Ayos lang ba sa iyo?” Mahinahon niyang tanong. Tumango-tango naman ako para alam niyang naiintindihan ko siya. “Kailan mo ito naramdaman?” “Since 5days ago” Napatango naman siya. “So.. Bago lang pala?” komento niya. “Yes” tango na sabi ko. “Bago ka nahimatay ano yung una mong naramdaman?” Kumurap ako’t napaisip ng ilang saglit na segundo at pilit inaalala ang nangyari sa akin 5days ago. Muling akong napapikit ng maalala ko iyon. Flashback… Nagliligpit ako ng mga kalat sa desk ko nun dahil tapos ko na gawin ang mga gawain ko sa office. Nang matapos ay ipapatay ko na sana ang pc ng computer nang may maramdaman akong kumikirot sa aking sentido. Pumikit ako saglit nun at hinawakan ang aking kanang sentido saka ito hinilot ng paikot-ikot habang nakapikit. Makalipas ang ilang minuto na sa ganoong pwesto ako at wala na akong naramdamang p*******t sa aking sentido ay napagpasyahan kong ipagpatuloy na lamang kung ano man ginagawa ko kanina. Pagkapatay ng pc ay inayos ko ang aking sarili, nang makuntento na sa sarili ay tumayo na ko at sinukbit ang bag sa shoulder ko saka muling kinuha yung ibang folder sa desk. Dahil yung iba ika-copy paste ko pa sa bahay yung mga papel. Nang makalabas sa opisina at naglalakad na ako ng muli ko na naman naramdaman ang pagkirot ng aking sentido kung kaya’t napahinto ako sa paglalakad at yumuko saka hinawakan ang kanang sentido ko. Napapikit na lamang ako sa sakit at mariin na kinagat ang ibaba ng labi ko upang tiisin na lamang ang sakit na iyon. Sa sobrang sakit di ko pala namalayan nakasandal na pala ako sa pader habang nakapikit at nabitawan ang mga folder na hawak ko. Habang tumatagal mas lalo siyang sumasakit at nanghihinang umiiyak na ako kaya napasalampak na umupo na lamang ako’t tinaas ang magkabilang paa sabay itinungkod ko ang dalawang braso sa tuhod. Saka hawak-hawak ng dalawang kamay ko ang aking ulo. Maya-maya ay may naramdaman akong kamay sa aking likod, “L-lesha.. Lesha… A-anong nangyayari sa’yo?” Dinig ko sa isang taong pamilyar sa akin. Muling umangat ang ulo ko at nanlalabong mata na tinignan ko siya. Naniningkit ang aking mga mata ng maaninag ko siya bago ko banggitin ang pangalan ng taong nasa harapan ko. “U-uniel,” Naiiyak na sambit ko sa pangalan niya. Nanlaki ang mata niya at nag-aalalang tumingin siya akin. “L-lesha.. anong nangyari sayo? A-anong masakit sa iyo?” Ulit pa niya, natataranta. Saka ko na lamang napansin marami pa lang tao ang nakatingin sa akin, at nagbubulungan pa. Inikot ko ang aking paningin sa mga taong nakatingin sa akin tila naging slow motion ang lahat ng aking nakikita at halos wala kong madinig sa sinasabi nila, maski narin ang bawat pagbuka ng kanilang bibig ay wala rin akong maintindihan. Anong nangyayari sa akin? Kumurap pa ako ng ilang segundo at nag-iba na bigla ang aking paningin. Malabo ngunit pinanliitan ko sila ng mata upang sapat na iyon para makita ko sila kahit unti lang. Itinulak ko ang isang nilalang na nasa harapan ko bago ako tumayong nanginginig na umiiyak sa takot. Tinitigan ko ang isang nilalang na tinulak ko. Halos mukha nito ay lapnos na at tanging puting mata na may kulay itim sa gitna lamang ang nakikita mula sa kanya. Napalunok ako na umiiyak ng matapos ko siya titigan, kaya tumayo na ako saka muling inilibot ulit ang paningin sa mga iba pang mga nilalang na nasa paligid. Yung iba walang ulo ngunit ang mga suot nila ay walang nagbago tanging mga mukha lamang nila ang nabago. May mga itsurang puti ang buong mukha subalit ang mga matang nangingitim sa gilid at labing kulay itim din. Yung iba, skeleton na bungo, may mga insekto rin ang mukha, at puro duguan na sugat-sugat na buong mukha. Nakakapangilabot, malamig sa pakiramdam at nakakatakot silang lahat. Takot na takot ako na baka kung ano man ang pwedeng gawin nila sila sa akin. Yinakap ko ang aking sarili at pinakiramdaman silang lahat habang ako’y nanginginig sa takot na umiiyak. Muli akong nilapitan ng nilalang na tinulak ko kanina, lumunok at tinititigan siyang nanliliksing mata habang siya ay papalapit sa akin. Akmang hahawakan niya na dapat ako ng walang lakas na tinabig ko ang kanyang kamay sabay takbo habang yakap yakap ang aking sarili na takot na takot sa kanila. Subalit di pa man ako nakakalayo ng masyado sa kanila ng maramdaman kong bumagsak ako at nagdilim na aking piningin. End of flashback… Pagkatapos nun ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nagising na lamang ako na sa hospital na ako nun, 2days akong nagstay dun dahil may ginagawa silang test sa akin nun. “I think you should take care of yourself.” panimula niya. “Ha? A-ano po sabi niyo?” Gulat na sabi ko pagkatapos ko ikwento sa kanya iyon at bigla akong kinabahan ng marinig ang sinabi niya. “Hindi naging maganda ang resulta ng iyong test. Base sa kwento mo at sa resulta, maaari mo ito ikamatay” seryosong wika niya. Hindi agad ako nakasagot nang sabihin niya iyon. Bagkus ay natulala na lamang ako at parang binuhusan ng malamig na tubig na parang wala na akong pag-asang mabuhay pang muli. Di ko namalayan sa sobrang pag-iisip may likidong tumutulo na pala galing sa mga mata ko. Gaano ba kalala iyon? Masakit para sa akin at hirap tanggapin na maaga pala ako mamamatay ng ganong kadali lang. Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon at nang magprocess na sa utak ko iyon lahat. Dun lang ulit ako nakapagsalita. “W-wala na bang.. P-pag asa d-doc.?” Mangiyak-ngiyak na sabi ko. “Meron. Kaso di pa tayo makakasiguro na tatalab sa iyon yun?! Ngayon lang kasi ko nagkaroon ng pasyenteng.. M-may gantong sakit na di maipaliwanag. Ikaw pa lang Miss Brim” alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo. Ang hirap lang talaga tanggapin yung katotohanan na ganon ba talaga kalala ang sakit ko para magkaroon ng taning. Higit sa lahat wala pa silang alam tungkol sa sakit ko ni hindi nga nila matukoy kung anong tawag sa sakit na iyon at saan nagmula. Pagkatapos niya sabihin lahat ng mga gamot na kinakailangan ko nagpasalamat na muna ko bago umalis. Pero bago pa man na makalabas sa silid ay pinigilan na ako ni Doc. Hence kaya humarap ako sa kanya na wala manlang kareak-reaksyon. “M-miss Brim. May pag-asa pa,” sincere na sabi niya habang nakatingin siya sa mga mata ko. “Magagawan pa natin ng paraan ’yan upang mabuhay ka pa ng matagal. Hahanapin ko kung saan nagmula iyang sakit mo!” Tila sinasabi pa niyang huwag ako mawalan ng pag-asa. “S-salamat ulit. Aalis na ako” walang buhay na sambit ko. Tumango naman siya sa akin at pagkatapos nun ay umalis na ako. Habang naglalakad sa hallway palabas ng hospital na ito nang maramdaman kong nagVibrate ang cellphone ko sa bag at agad ko itong kinuha habang naglalakad. Bumungad sa screen ng cellphone ang name ni Uniel. Ang kababata ko noong mga bata pa kami ay siya na palagi ang kalaro at kasama ko hanggang sa kami ay lumaki na’t may mga sarili ng trabaho. Kaso di ko rin inaakalang parehas pala kami ng kompanyang pinagtatrabuhan kaya magkasama na naman ulit kami. Sinagot ko na iyong tawag. “Kamusta yung resulta ng test mo?” Bungad na tanong niya. Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya, “Hindi ko pa alam” tipid na sagot ko, nang makalabas sa hospital at naghihintay na lamang ako ng taxi. “What? You do not know?” Naguguluhan na sabi niya malamang ko ba naiinis na siguro ’to ngayon. “Mag-usap na lang tayo mamaya,” narinig kong bumuntong hininga siya. “O-okay sige, tumawag lang ako para alamin kung anong resulta ng test mo” wika niya na animo’y nadisappoint siya dahil di ko agad nasabi sa kanya kung ano man kalagayan ko ngayon. “Hmm.. Pasakay na ako ng taxi eh. Mamaya na lang talaga, need ko na din kasi magpahinga. Sige bye!” I lie. Di ko na hinintay pang sumagot siya. Pinatay ko na agad ang tawag niya at saka sumakay na ng taxi. Nang makarating sa paroonan ay bumaba na ko at pumasok sa loob ng cafe. Pumunta agad ako ng counter para umorder pagkatapos ay nagbayad na. Habang naghihintay ng order ay naghahanap narin ako ng mauupuan. Nang matanggap ko na yung order dumeretso na ko sa bakanteng table na nahanap ng aking mata kanina. Umupo na ako’t humigop ng kape kahit mainit pa ito. Dito muna ako tatambay pansamantala lang para makapag isip-isip kahit papano. Kaso gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang maranasan magkaroon ng sariling pamilya at magkaroon ng mga anak. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Pero bakit ganoon? Bakit kailangan ko pang maranasan ito? Bakit ako pa ang makakaranas ng gantong sakit? Gaano ba ito kalala upang ito ay maaari kong ikamatay? Tatanggapin ko pa sana kung ito ay simpleng sakit lamang. Kaso di ko na maiwasang panghinaan ng loob, nararamdaman kong nangingilid na ang aking luha kaya pinunasan ko na ito agad at muling humigop ng kape para di ko na isipin iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
572.6K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook