Chapter 2

1794 Words
NANG matapos tumambay sa cafe ay napagpasyahan ko ng umuwi sa bahay dahil mag-uusap pa kami ni Uniel pagkauwi niya. Oo nga pala nakatira kami sa iisang bubong, buhat nang mawala ang mga magulang niya sa isang aksidente nung mga bata pa kami ay inampon siya ng mga magulang ko. Pinalaki siya ng mga magulang ko ng maayos at may galang sa diyos. Nakakadalawang baitang na ako ng tawagin ako ni Mama. “Lesha,” Malumanay niyang tugon. Ngunit bakas na makikita sa kanyang mukha ang pag-aalala. “Y-yes, Mom” Mahinang sabi ko nang lingunin ko si Mama. “What’s the result?” Paano ko ba ito sasabihin kung may taning na ako? Hindi ko kaya. “Mom, later I’m tired” malamig na tugon ko at tinalikuran si Mama. Hahakbang na sana ako ng pinigilan niya ako at hawakan sa kamay kaya natigilan ako’t humarap uli sa kanya. Alam ko naman nag-aalala siya sa akin pero hindi ko kayang sabihin. Sorry, Mama I know it’s important for you. I understand how you feel and everything have you done to me. But this is not the right time to know it. Just trust me. ’Yan yung katagang gusto kong sabihin sa kanya ngunit di ko talaga kaya. “If you have a problem. Don’t be shy to tell us. Just trust us.” pakiusap na sabi niya. Tinanguan ko lang siya at umakyat na saka pumasok sa kwarto. Bagsak napahiga ako sa kama. I feel tired but I did nothing. Ewan ko ba pumunta lang naman ako sa hospital para malaman ang resulta ng test ko non. At pagkatapos ay tumabay lang naman ako sa cafe para mag-isip. Pero bakit ganon? Ang bilis kong mapagod? ~*~ NAGISING na lamang ako ng may kumatok. Ughh.. Nakatulog pala ako, antok napabangon ako at inayos ko muna ang aking sarili bago siya pagbuksan ng pinto. Pagkabukas ay mukha ni Uniel ang bumungad sakin. So nakauwi na pala siya. Makikita mo sa kanyang mukha ang seryoso niya ngunit sa loob niyon ay may nakakubling pag-aalala sa kanyang sarili. Kilalang-kilala ko na ito si Uniel. “What’s up?” Bungad na tanong niya, awtoridad ngunit seryosong sinabi niya iyon. “Pasok” tipid na sagot ko, at di pinansin ang tanong niya. Sinunod naman niya ako at pumasok siya pagkatapos ay isinara ko na ang pinto. “Ano? Sasabihin mo ba o ililihim mo sa amin iyan?” Nakahalukipkip na sabi niya. Di agad ako nakasagot, bagkus ay umiling lang ako. Bigla naman nanumbalik sa isipan ko ang sinabi sa akin ng doctor kanina, tila nagFlashback ang conversation namin ng doctor na iyon. Ang sakit. Sobrang sakit, mabigat sa loob ko at masikip sa dibdib. Di ko alam kung saan ba ako magsisimula? Kung saan ba ako kukuha ng lakas ng loob para sabihin ang lahat. Pakiramdam ko ay gusto nang makawala ng mga luha ko, subalit pinipilit ko iyon labanan na huwag niya akong tatraydorin. I want to be strong to front of them. Ayokong panghinaan sila ng loob nang dahil sa akin. Sa sakit ko na di maipaliwanag. Imbis na sagutin siya ay naglakad ako papunta sa may bintana. Madilim na pala, tumingala ako sa kalangitan at tinignan ang buwan na hugis bilog at kulay puti, kasama ang mga bituin na nagniningning sa buong kalangitan. Tila napatulala ako sa aking naisip. “Uniel,” Banggit ko sa pangalan nito habang nakatingin padin sa labas ng bintana. “I’m waiting,” Sagot niya. “Maaari mo bang wag muna natin ito sabihin kala Mama at Papa?” Pakiusap na sabi ko sabay harap sa kanya. Napalunok ako at naghihintay na lamang ng sagot niya. Kumunot ang noo niya tila ba’y nag-iisip ng kung anong tamang isasagot. “O-okay lang. Kung gusto mong sabihin. H-handa naman na ako sa–” “Fine” pagsang-ayon niya sa kagustuhan ko, at tumabi sa kanya na nakaupo sa kama ko. Sinabi ko na sakanya lahat-lahat ng pinag-usapan namin ng doctor mula sa umpisa hanggang sa pinakadulo at pati narin yung nangyari sa akin 5days ago. Halos di siya makapaniwala ng ikwento ko sa kanya lahat ng iyon. “Kakaumpisa pa lang ng sakit mo may taning ka na agad? Gaano ba iyan kalala?” Inis na reklamo niya. Maging ako’y wala rin magawa kahit anong pag-iisip na itanong sa aking sarili kung bakit? Ay di rin sapat iyon upang bigyan ng kasagutan. Hanggang sa utak lang! “Please…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Ang luhang gusto na makawala nito kanina ay di ko napigilan. Para bang gripo na kapag binuksan mo ay tuloy-tuloy lamang ito sa pagtulo. Naramdaman kong niyakap niya ako at hinamas-himas niya ang likod ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib, habang ako naman ay wala ring tigil sa pag-iyak. “Ssshhh…” Rinig kong pagtatahan niya sa akin. Habang ganoon parin ang aming posisyon, “Magpakatatag ka, tulad nga ng sabi sa’yo ng doctor. May paraan pa magamot natin iyan! Alam kong nakakatakot pero sana.. Wag kang malawan ng pag-asa.” Kalmado niyang sambit. Kumalas ako sa pagkayakap niya sakin at saka pinunasan ang luha ko na kanina pa walang sawang tumulo. “T-thank you.. F-for everything.. Everyone understands my situation.. I-i don’t know what to do.. You know that? Thank you so much.” Mangiyak-iyak na sabi ko. Ngumiti siya sakin “Syempre, para saan pa kung naging bestfriend mo ko?” Pagmamayabang niya. Kaya mahinang hinampas ko siya sa dibdib niya. “Oh, ano ngingiti na yan,” Panunukso niya pa. Napatangong ngumiti ako sa kanya, kasabay nun ang pag-ipit niya ng buhok ko sa aking tenga. Saka niya pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisnge. Napapikit naman ako ng halikan niya ko sa noo at pagkatapos ay dumilat na ako. “Hihintayin na lang kita sa baba para sabay na tayo kumain” tumayo naman siya at tumayo narin ako. “Sige, aayusin ko lang muna sarili ko” mahinahon kong tugon. “Kaya mo yan,” Tumatango na sabi niya. Nagpapasalamat ako dahil buti na lamang mayroon akong kaibigan na laging nandyan sa akin. Yung handang tulungan ako sa lahat ng problema. Nang makuntento na sa sarili ay ilang segundo ako humarap sa salamin. Huminga ako ng malalim, kaya mo yan Lesha! Sabi ko sa aking sarili. Pagkababa dumiretso na ako sa kusina at nadatnan ko silang lahat nagsisimula ng kumain. Masayang-masaya silang lahat na nag-uusap at nagkukwentuhan na para bang mga walang iniisip na problema. Bigla naman ako nakaramdam ng guilt sa aking sarili dahil sa pagpasya ko na itago ko muna sa kanila ang nararamdaman kong sakit. Sh*t! I felt like I was crying again, I hate this feeling anymore. Huminga ako ng malalim, then umupo ako sa tabi ni Uniel na abala sa kanyang pagkain. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin nang makaupo ako na siya rin ang pinagtaka ko kung bakit sila tumigil. Hinarap ko sila ng aking tingin. Nakikita ko sa kanilang mga mukha ang kaninang masaya nilang expression ay napalitan ng pag-aalala. Si Mama, alam kong kanina pa niya ito gustong maiyak pero pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili. Si Papa, naman ay alam kong gusto niyang magsalita ngunit inunahan siya ng kanyang kaba kaya mas pinili na lamang niyang manahimik at maghintay na lang. Yung kapatid ko naman na lalaki, 18 years old alam ko kung ano nasa isip niya at alam kong nag-aalala rin ito sa akin. Huli kong tinignan si Uniel na tinignan din ako, his expression was blank because he was the first to know me. But I can not read what he is thinking. Nangako siya sa akin na hindi niya muna sasabihin ang tungkol sa kalagayan ko. “Anak,” Mahinang pagtawag sa akin ni Mama. Bigla naman akong kinabahan. “M-mom,” Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot kasi ko na kapag nalaman nilang lahat baka kung ano na iisipin nila at baka di sila makatulog sa akin sa sobrang pag-aalala. Hinawakan ako ni Mama sa aking kamay at ningitian ako. “Sige anak, kumain kana!” Masayang wika aniya. Nakahinga naman ako ng maluwag don. Nagtaka man tanging tango lamang ang naisagot ko, kung kaya’t muling pinagpatuloy na lamang nila ulit kumain. Weird pero napapangiti na lamang ako na wala sa sarili. Kahit may pagkukulang pa rin ako sa aking pamilya at marami man akong ginawang kasalanan. Hindi ko pa din maiwasang ma-guilty sa ginawa ko, pakiramdam ko hindi pamilya ang turing ko sa kanila. Sometimes you need to pretend, you’re okay? Even if not, para hindi ka magmukhang mahina sa harap nila. But I’m still thinking, I’m afraid na kapag nalaman nilang lahat baka kamuhian lang ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Ang dami kong naiisip na maaari kong ikatakot sa panahon na kapag wala na ako. Nang matapos kumain ay dumeretso na ako sa kwarto. Saka muli kong ginawa ang mga papers na hindi ko pa natapos na dapat ay tapos ko na siya at naipasa ko na siya ngayon. Kung hindi lang ako nakaramdam ng sakit. ~*~ “PAPASOK ka na?” Si Uniel, habang kumakain kami ng breakfast. “Hmm..” Tango na sabi ko. “Kaya mo na ba?” Alalang wika niya. Hangga’t buhay pa ko, at meron pa ako lakas. Kaya ko pang magtrabaho alang-ala lamang sa inyo. “Oo” tipid na sagot ko. “Uniel parang di mo kilala si ate ah! Malaki na yan, at kaya niya ang sarili niya.” Singit ng magaling kong kapatid na lalaki. "I know but.." bigla siyang natigilan na para bang may naalala ito. Bumuntong hininga siya bago magsalita uli, “Fine. Pero sakin ka parin sasabay!” “As always,” Ngiting sambit ko. Humalakhak naman ng tawa yung kapatid ko habang sila mama at papa ay napangisi na lamang at nagpipigil din naman ako ng tawa dahil sa itsura ni Uniel. Pano sa sobrang pagkahiya sinubo na niya lahat ng pagkain sa bibig niya. Nakakatuwa lang na kahit gantong simpleng bonding with family. Parang nakakamiss din, di ko mawari kung ano iyon. At tila gusto kong bumalik sa dati na puro kasiyahan lamang at walang mabigat na dinadalang problema. Gusto ko bago ko mamatay. Kahit ganito pa kami araw-araw kasaya hindi ako mapapagod na lumaban. Basta makasama ko lamang sila habang ako’y nabubuhay pa. Hindi kasi natin masabi kung hanggang saan tayo tatagal sa mundong ito. Alam ko hawak natin ang sariling pag-iisip at pagkilos. Pero ang kamatayan, hindi natin malalaman iyon dahil diyos lamang ang nakakaalam. Lagi siyang nakasubaybay sa atin, maski ang pag galaw. Lahat ng kasalanan at mabuting gawain ay siya lang din ang may alam. Nagpapasalamat padin ako kay God kahit alam kong hiram lamang ang buhay na ibinigay niya sa akin. Alam kong di niya ako pababayaan kahit mawala man ako. Kasi alam ko din na makakasama ko siya. Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto upang maligo at mag-ayos dahil babalik na ako sa trabaho. Mas gusto ko pang magtrabaho kaysa tumanganga na lang sa bahay habang naghihintay ng kamatayan. Bumuntong hininga ako nang matapos ko ayusan ang aking sarili dahil naghihintay sa akin sa baba si Uniel. “Tagal mo naman!” Reklamo niya ng makababa ako. “Sorry,” Nakangiting sabi ko na parang inaasar siya. “Okay lang. let’s go, baka maabutan pa tayo ng traffic eh!” Tumayo na siya sa kinauupuan niya at saka na kami parehong nagpaalam bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD