Chapter 3

1599 Words
MGA matang animo’y nagbubunga ng pinya ngunit hindi ito kasing hugis ng pinya. Subalit iisa lamang ang direksyon kung saan sila nakatingin. Sa akin, pinagtitinginan ako nang lahat ng mga taong madaraanan namin sa hallway ng gusaling ito. Sa tuwing madadaanan namin sila ni Uniel ay sila rin naman ang pag-iwas nila, tila may mga takot sa kanilang mukha at mata ang kanilang nararamdaman. Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam ko’y kasalanan ko iyon. Kung hindi ko lang ito naramdaman ay di mangyayari sa akin ito. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko dahilan para siya ay tignan ko habang parehas kaming naglalakad papunta sa office namin. “Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong niya sa akin. “I-i’m fine” Mahina kong sabi. Hangga’t maaari kailangan kong maging matatag at malakas upang hindi ako panghinaan ng loob. “Don’t worry, lilipas din iyan!” “Sana nga ganoon na lamang kadali, but it’s was my fault! Pakiramdam ko ay kinakatakutan ako ng lahat!” Heto na naman tayo sa drama. Nakakainis ayoko pa naman ng ganto. Bumuntong hininga ako pagkatapos ko sabihin iyon para makatakas sa mga luhang nagsisimula na namang magwala. “Basta kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako sa tabi mo. Okay?” Mahinahon niyang paalala. “Y-yes” tangong sambit ko. “Sige pasok kana sa loob. Call me if you need me. Promise I’ll coming” He said at di ko pala namalayan nasa tapat na pala ako ng office ko. He kiss me on my forehead, bagay na palagi niyang ginagawa kahit bestfriend lang ang turan namin sa isa’t-isa. “Take care!” Pahabol niyang saad. “Thank you. Sige alis kana, magkikita naman tayo mamaya eh!” Pilit na ngiting sabi ko. Natawa naman siya kaya mahinang hinampas ko siya sa kanyang dibdib. Pagkaalis niya ay pumasok na ako sa loob ng aking office at sinimulan gawin ang mga tambak na papers sa aking desk. Umupo ako sa swivel chair ko at hinilot ang aking sentido ng maramdaman ko uli ang pagkirot nito. Please.. Wag naman kahit ngayon lang! Kakabalik ko lang sa trabaho, mararamdaman ko na naman ba ulit? ~*~ MAKALIPAS ng tatlong linggo nang huli ko iyon maramdaman ang p*******t ng aking sentido ay di ko na ulit naramdaman. Marahil ay sa gamot na ibinigay sa akin ng doctor. Naalala ko pa nga yung sinabi sa akin ng doctor eh, hindi daw siya sigurado kung epektibo nga ba sakin yung ibibigay niyang gamot. Sa tingin ko ay okay naman! Mukhang epektibo nga eh kasi wala naman na akong naramdamang p*******t. Sunday ngayon at kakatapos ko lang ayusan ang sarili ko. Nang makuntento ay bumaba na ako para makaalis na o kailangan ko pa ba sila hintayin? Hmmm… Parang di naman! Pagkababa ko ay lahat sila tapos na, at ako nalang ang hinihintay. Sabi na eh! “You’re slow” Reklamo ng magaling kong kapatid. I rolled my eyes saka ko siya inis na hinampas sa braso nang makalapit ako sa kanya. “Slow pala ah! Sino kaya satin yung torpe?!” Pang-aasar ko sa kanya. Narinig ko naman na tumawa sila Mama, Papa at si Uniel dahil sa pang-aasar ko sa aking kapatid. Nahuli ko kasi siya sa phone na may kausap naisip ko nga baka mga barkada niya yung kausap niya eh! Hindi naman pala! Nililigawan niya pala iyon. Tinatanong niya don sa nililigawan niya kung kelan siya sasagutin nito kasi halos 8months na daw siyang nanliligaw sa kanya eh, hanggang ngayon di pa daw siya nito sinasagot. “Damn! Don’t mention that, ate!!” Inis na wika niya. “Bakit? Binasted kaba niya?” Di ko makapaniwalang tanong. Nakita ko naman nagulat siya kaya di ko na maiwasang tumawa. “Ewan ko sa’yo!” Galit na tugon niya saka siya lumabas ng bahay. Lah? Nagalit ko yata!? “Tama na ’yan! Aga-aga nagbabangayan na naman kayong magkapatid!” Suway ni Mama saka niya ako tinapik sa balikat. I heard the Uniel laugh at my back. Malamang sa pang-aasar ko sa kapatid ko. Pikon eh! Lumabas na kami ng bahay at tumungo sa church upang magdasal at magpasalamat kay God. Nawa’y maging masaya kami na para bang walang inaalalang problema. Na sana buo pa din hanggang ngayon ang pamilya namin. Sabay-sabay namin haharapin ang kinabukasan ng magkasama. Nang makarating sa church ay sakto rin na kakasimula pa lamang ng ikalawang misa. Agad na akong nagdasal at nanalangin na sana unti-unti na kong gumaling at kailanman ayoko nang maramdaman ito. Pagkatapos ng misa ay nagyaya ng umalis si Papa dahil nag-alok siya na kakain daw kami sa labas. Like family bonding. Hindi pa man nakakalabas ng simbahan nang maramdaman kong may kumalabit sakin sa likuran, kaya agad ko na itong nilingon. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang paningin namin, pakiramdam ko ay parang nagSlow motion lahat ng nasa paligid ko at ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa, konti na lamang ay maghahalikan na kami. Nakatitig lamang ako sa mga mata niyang kulay brown, para akong inaakit ng mga titig niyang iyon. Anytime ay parang gusto ko ng sumabog sa kaba, ay mali paru-paro sa tyan ko! Tumitig din siya sa mga mata ko at napansin kong bumaba ang tingin niya sa labi ko nang nakangiti. Agad akong nag-init kaya ako na unang umiwas ng tingin upang pakalmahin ang aking sarili at bahagyang lumayo sa kanya. “Misis Brim, You forget this!” Nakangising tugon niya at bahagyang inangat ang panyong kulay blue na may stripe na itim sa gilid. Biglang nawala yung init ng ulo ko. “Ahh.. T-thank you. Doc.” Mahinahon na sabi ko saka kinuha yung panyo. “Nakuha ko lamang ’yan nang makita kong nahulog mo ’yan ng tumayo ka!” Napapahiyang yumuko na lamang ako. “And okay lang sakin na hindi mo ako tawaging Doc. sa loob man o sa labas. Wala sakin yun! Hence na lang itawag mo sakin!” Dagdag niya pa. Nagulat na lamang ako ng iangat niya yung mukha kong nakayuko. Kaya marahan na umiwas ako. “Okay, H-hence.. S-salamat na lang ulit!” Pilit na ngiting sabi ko saka tumingin sa kanya. “B-baka kasi inaantay na nila ako.” Pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako at saka naglakad muli. Naramdaman ko naman din na sumunod siya sakin at sinabayan ako sa paglalakad palabas ng simbahan. “Always welcome!” Masiglang sambit niya nang makalabas ng simbahan. “Uy, ate sino ’yang kasama mo ha?!” Singit ng kapatid ko saka siya ngumisi nang nakakaloko na para bang inaasar ako. Aba! Bumabawi ang loko ha!! “Hi. I’m Ricky kapatid ni Ate Lesha” Nakangiting magalang na pagpapakilala ng kapatid ko. “Hello. Ako naman si Hence Jamesly Jr.” “So.. Kaano ano ka pala ng Ate ko?” Nakangising tanong niya kay Hence. Kaya siniko ko siya sa tagiliran niya dahilan ng paglingon niya sakin at pinanlakihan siya ng mata. Masyadong straight forward. Parang kasi alam ko na ’to! Pasaway talaga ’tong kapatid ko! Hindi na ituloy yung sasabihin ni Hence nang dumating si Uniel kasama sila Papa at Mama. “Oh! Nandyan lang pala kayo? kanina pa kami naghihintay sa parking lot, bakit ang tagal niy–” napahinto siya sa kanyang pagsasalita nang makita si Hence sa tabi ko. Parang gulat na gulat siya ng makita niya ito. Ngunit agad din iyon nawala ng biglang nag iba ang timpla ng itsura niya. Mukhang meron siyang gustong ipahiwatig dito. “Mukhang may bisita pala tayo ah!” Nakangiting wika ni Mama kay Hence. Ningitian naman din siya nito pabalik. “G-goodMorning po. Ako po pala si H-hence Jamesly Jr.” Nahihiyang pagpapakilala niya sa magulang ko. “Same too you iho,” nakangiting bati rin ni Papa sa kanya. “We have our family bonding. You might want to go with us?” “Ma!!” Suway ko kay Mama, pambihira talaga si Mama. Kapag may makasalubong na kakilala o maski hindi kilala samin ay iniimbitahan niya ito. “Ay naku po, h-huwag na ho! Di po kasi ako part ng pamilya niyo kaya wag nalang po!” Napapahiyang ngisi ni Hence. “Ano ka ba! Wag ka nang mahiya! Magiging part ka narin ng pamilya namin, eh kung nililigawan mo itong dalaga ko. Aba’y wala naman problema ’don! Ayos lang samin, diba?” Malambing na sabi ni Mama saka tumingin samin at kumindat pa. Pareho kaming nagkatinginan ng kapatid ko saka yumukong napapailing pa dahil sa mga pinagsasabi ni Mama. Di na lang ako kumibo. Tumingin ako kay Uniel na walang emosyon ang mukha. Hindi ko rin mabasa kung anong nasa isip niya. Bumuntong hininga ako nang balingan ko ng tingin si Hence nang nakatingin din pala sa akin na wariy nagpapaalam ito sakin. “A-ayos lang ba sa’yo?” Malambing aniyang wika na medyo nahihiya pa. “O-Oo. Okay lang!” Tangong sabi ko at ngumiti. “Oh, diba!? Family together and of course happly family!!” Masayang sigaw ni Mama at nagpapalakpak pa sa tuwa. Natawa nalang din kami sa inasta ni Mama. Minsan talaga parang teenager kung kumilos si Mama kumpara samin kalog, madaldal at masayahin talaga si Mama. Pero kung problema lang din ang pinag-uusapan ay nagseseryoso ito. Pumunta kami sa isang restaurant na malapit lang sa simbahan. Hindi naman iyon kalayaun pero pwede rin naman ito lakarin. Agad na kaming nag-order at nang makarating na samin yung order ay sinimulan na namin kumain habang kumakain ay di ko maiwasan mailang dahil katabi ko sa kanan si Hence, at nasa kaliwa ko naman ay si Uniel. Tapos kaharap namin sila Mama, Papa at kapatid ko. Tahimik lang kaming kumakain nang basagin ito ni Papa. “So.. Hence, right?” Paninigurado ni Papa sa pangalan ni Hence na tumingin pa kay Hence. Tumango naman si Hence at bahagyang ngumiti. “Are you sure to my daughter?” Seryosong tanong ni Papa. “P-po?” Gulat niyang sabi kaya napatigil naman siya sa pagkain. “Sabi ko iho, ay seryoso kaba talaga sa anak ko?” Ulit ni Papa. “Papa, can you stop that asking please?! Ang totoo niyan eh, isa po siyang–” “Really anak!? Sabi na nga ba eh, manliligaw mo siya, ano? Di mo lang talaga sinasabi samin. Tama ba?!” Singit ni Mama saka bumaling kay Hence. Ako naman ay biglang kinabahan sa kung ano man ang isasagot ni Hence. “Y-yes po!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD