bc

INSIDE THE DOLL

book_age18+
1.7K
FOLLOW
6.0K
READ
murder
revenge
goodgirl
badgirl
heir/heiress
drama
tragedy
no-couple
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Isang bata na ilang taon nang patay ang hindi maiwanan ang kanyang manika dahil sa pagnanais niyang ito'y makukuha ng taong may mabuting kalooban at mapaghigantian ang mga pumatay sa kanya.

There is something INSIDE THE DOLL. Ano kaya iyon?

chap-preview
Free preview
PART 1
"Oh, andito na tayo!" ngiting-ngiti na pahayag ni Daniel nang iparada sa tabi ang van na inupahan nila para makalipat ng bahay. Pupungas-pungas ang mag-inang Lena at Steffany na pinasadahan ng tingin ang kinaroroonan. "Papa, is that our house po?" inosenteng tanong ng ten-year-old na si Steffany. Tinuturo nito ang napakalaking gate ng mansyon ng angkang Cantos. "No baby. Magiging kapitbahay lang natin ang mga nakatira sa bahay na 'yan," masuyong sagot ni Daniel sa pinakamamahal na anak saka binalingan ang asawang si Lena. Nagngitian silang mag-asawa. "Ay ganoon po ba." Lumabi ang bata. Muling sinulyapan nito ang mansyon na may panghihinayang. "Sige na baba na tayo, Anak," sabi ng ina nitong si Lena. "Ate, ibababa ko na rin ba 'tong mga gamit?" tanong sa kanila ni Hanna. Ang mabait nilang kasambahay. Na kahit hindi na ganoong kaalwan ang buhay nila ngayon ay mas pinili pa rin nitong sumama sa kanila keysa mamasukan sa iba. "Huwag muna, Hanna. Tingnan muna natin ang loob ng bahay," sagot ni Daniel sa dalaga. Nagbabaan sila sa van at nilinga-linga ang paligid. Probinsyang-probinsya ang lugar. Napakaraming puno sa paligid at hiwa-hiwalay ang mga bahay. Napahawak si Steffany sa kamay ng Mama nito. "Mama, ang creepy po rito." Lumuhod si Lena sa anak. "Don't worry, Baby, pansamantala lang tayo rito," pilit ngiting paliwanag ni Lena sa anak. Napatingin si Daniel sa mag-ina nito. Guilting-guilty ito. Kung sana kasi pinahalagahan nito ang trabaho sa Maynila ay 'di sana sila umuwi rito sa probinsya. Nawalan si Daniel ng trabaho kasi gawa ng pagpapabaya nito at ng pride kaya naman kapos na sila sa financial ngayon para piliting manirahan pa sa Maynila. "Ako muna ang papasok. I-che-check ko muna ang bahay," ani Daniel. Mabilis itong pumasok sa bonggalong bahay na katapat ng malaking mansyon. Bahay iyon ng pinsan nito at pinakiusapan lamang nilang mag-asawa na doon muna sila titira pansamantala dahil nasa abroad naman ito. Sa mga sandaling iyon napalingon ang batang si Edna na naglalaro sa likod ng bahay na iyon. Unti-unting sumilay sa mga labi niya ang matamis na ngiti. "Sige pasok na kayo." Narinig niyang sigaw ng isang lalaki. "Mama, dito ako, ha?" Boses naman ng bata. Siguro ay kaedad lang niya. "Sige anak, pero mag-iingat ka," pagpayag na tinig naman ng babae. Bumukas ang pintuan ng likod ng bahay. Agad nagtago si Edna sa likod ng malaking puno ng mangga. Hindi niya namalayan na nabitawan na pala niya ang laruang manika niya. Huli na para kunin niya ito dahil nasilip niyang lumabas na sa may pintuan ang isang batang babae na kasin'laki lang niya. Tama siya ka-edad nga niya ang bata. Takang-taka naman si Stefanny na nilibot ng tingin ang buong paligid pagkalabas niya sa likod ng bahay. Ngayon lang siya nakakita ng napakaraming damo at malalaking puno. May butterfly pa at sa 'di kalayuan may mga kambing at kalabaw sa bukid. Wala sa Maynila ang lahat ng nakikita niya ngayon kaya unti-unti na niyang nagugustuhan ang kanyang paligid. Pinikit niya ang mga mata. "Ang fresh naman ng hangin." Inhale at exhale niya. Ninamnam niya ang sariwang hangin sa paligid. Pagmulat niya ng mga mata ay pinasya pa niyang maglibot sa likod ng kanilang magiging bagong bahay. "Steffany, 'wag ka magpapakalayo," ani Ate Hanna niya na sumilip sa kanya. "Yes po, Ate." Naglakad-lakad siya. Hanggang mapansin niya ang isang manika na muntik pa niyang maapakan. Kunot-noo niya itong dinampot. Napakaluma ng manika. Pinampag niya ito kasi an'daming alikabok at putik. "Kanino kaya ito?" tanong niya sa sarili. Tumingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita niya ang nagmamay-ari ng manika. Ang hindi alam ni Steffany ay inigian ni Edna ang pagtatago sa likod ng malaking puno ng mangga. "Steffany, halika na rito sa loob!" Narinig ni Stefanny na tawag na sa kanya ng Papa niya. Tinitigan ni Stefanny ang manikang hawak. "Baka balikan ka ng nagmamay-ari sa 'yo," wika niya saka maingat niyang inilapag ang manika sa dating posisyon nito. Saka tumalikod na at naglakad pabalik sa bagong bahay nila pero bago pumasok ay isang sulyap muna ang ginawa niya sa manika. Saglit pa'y isinira na niya ang pinto. Dahan-dahang lumabas si Edna sa pinagtaguan. Malungkot ang mukha niyang nilapitan ang kanyang manika. Pinulot at niyakap............

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Payment of Debt

read
87.6K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook