PART 2

912 Words
"Mommy, what are we doing here!?" hindi makapaniwalang tanong ng labing anim na taong gulang na si Chelle nang ihinto ng Mommy niya ang kanilang kotse sa mansyong minsan na nilang inabundana. Nakatulog kasi siya sa byahe at nagulat nang masilayan na niya ang kinaroroonan pagkagising. Alam niyang lilipat silang mag-ina ng tirahan dahil hindi na nila kaya ang mangupahan sa Maynila. Pero hindi rito ang inasahan niya. "I told you, we will stay here again," tugon ni Alma sa anak. Ito ang pamangkin ni Donya Maria Teresa Cantos na may-ari ng mansyon noon. "No!" protesta ni Chelle. Nagdalagita na kasi siya sa Maynila at sanay na siya roon. Kaya parang hindi na niya kakayanin na tumira rito sa probinsya. "Wala kang magagawa. Remember, Anak, wala na tayong pera. Kung ayaw mo rito bahala ka!" anang Mommy niya sabay labas sa kotse. Tiim-bagang na humalukipkip siya sa Mommy niya. Masama ang tinging sinundan niya ito ng tingin na papunta sa malaking gate ng masyon para buksan ito at makapasok ang kanilang kotse sa loob. Iirap-irap siya nang bumalik ang ina sa kotse. Lalo niyang hinabaan ang pagkakanguso niya. Gusto niyang iparamdam sa Mommy niya na ayaw na talaga niyang bumalik sa mansyon pa. "Chelle, pwede ba 'wag mo ako artehan!" nairitang wika ng Mommy niya sa kanya. "Kung 'di ka naman kasi lustay sa pera hindi tayo sana maghihirap ulit! This is all your fault, Mom!" panisisi niya naman sa ina. "Aba! Nagsalita ang hindi magastos! Ikaw nga riyan! Ang bata-bata mo pa pero puro ka na kaartehan sa katawan!" "At least ako pagpapaganda ang inatupag ko, ikaw sa sugal!" "Whatever! Basta dito tayo titira ulit!" "For what, Mommy?! Pwede mo naman itong ibenta, why do we need to stay pa here?" Akala mo ay dalaga nang aniya. Hinalukipkipan pa niya lalo ang Mommy nito. "Narinig mo naman ang sabi ni Atty. Balbuena, 'di ba? We need to stay here para makumbinsi pa lalo 'yung buyer! Para hindi nito isiping haunted na ang ating mansyon!" Paliwanag ni Alma habang minamaneho na ang kotse papasok na daanan ng mansyon. Umiling-iling si Chelle. Hindi na niya kumontra pa kahit malaki pa rin ang pagtutol niya sa desisyon ng ina. She can't help herself na hindi maibalik sa ala-ala ang mga nangyari, ilang taon na ang lumipas. Nayakap niya ang sarili, nagtayuan kasi ang mga balahibo niya sa katawan. Natatakot siya na hindi niya mawari. It's like there is something wrong. It's strange! "Halika na!" aya ng Mommy niya nang hindi pa rin siya kumikilos para bumaba sa sasakyan. "Ayoko," pagtanggi niya pa rin. "Come on, Chelle! Please makisama ka sa 'kin ngayon!" pakiusap ni Alma sa anak na matigas ang ulo. Ngayon ito nagsisisi kung bakit nito ini-spoiled ang anak, dahil kung maldita ito, lumaki namang demonyita ang nag-iisang unica hija nito. "I said ayoko!" singhal ni Chelle sa ina. Ayaw niya talaga. "Then go back to Manila!" napika nang sabi ng Mommy niya. "Tumira ka roon sa bangketa!" Dagdag pa nito kasabay ang pabalibag na pagsara nito sa pinto ng kotse. Hindi niya iyon pinansin sa halip ay padabog niyang sinandal ang ulo sa upuan ng kotse. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niyang binubuksan na ng ina ang malahiganteng pinto ng mansyon. At bago pumasok ay nilingon pa siya nito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang nakapasok na nang tuluyan ang ina sa loob. This is ridiculous! She can't live here! Darn it! Ilang minuto na siya sa loob ng kotse pero hindi pa rin lumalabas ang Mommy niya. Mukhang disidido na talaga ang ina sa desisyon. Kainis! Wala na siyang nagawa pa kundi ang lumabas sa kotse. 'Di baleng magtiis na lang muna siya, pasasaan at mabebenta naman nila ang mansyon. At babalk ulit silang mag-ina sa Maynila. Napapabuntong-hininga siyang inilibot ang tingin sa paligid. Wala pa ring pinagbago, puro mga puno at dahon pa rin ang nakikita. So boring! She winced a few times. How can she live in this kind of place? For sure wala pa ring malapit na starbucks dito. Urgh! Napipilitang pumihit siya para pumasok na sa mansyon nang biglang lumakas ang hangin. Halos liparin ang palda niya sa lakas ng hangin na iyon. Pati ang buhok niya na pinagtyagaan niyang i-blower at plantsahin kanina ay nagkandabuhol-buhol na. Napa-sh*t siya ng ilang ulit. Pero parang nanlaki ang ulo niya nang dumako ang tingin niya sa gate ng mansyon. Kinurap-kurap niya ang mga mata. Tama ba ang nakikita niya? Si Edna ba 'yong batang nakatayo sa labas ng malaking gate? Nanghilakbot siya sa takot "It can't be! Patay na siya!" At sigaw niya sa sarili. ••• "Steffany?!" tawag ni Hanna sa alaga. "Bakit po, Ate Hanna?" "Bakit mo iniwan 'tong manika mo sa likod ng bahay?" Napakunot-noo ang batang si Steffany nang makita ang iniaabot ng kanyang Ate Hanna. "No, Ate. That's not mine po." Napakunot-noo ang dalagang kasambahay. "Eh, kanino 'to?" Kumibit-balikat siya saka nag-I-don't-know-po look siya sa Ate Hanna niya. "Sayang naman 'to kung itatapon. Sa'yo na lang muna 'to, Steff, kapag may kukuha saka mo ibalik keysa masira lang sa labas." Kahit alinlangan ay inabot niya iyon. "Okay po," aniya ta's napatitig siya sa manika na luma. Naalala niya ang manika. Ito 'yong nakita niya rin sa likod ng bahay. Hindi na talaga binalikan ng may-ari? Bakit kaya? Ah, siguro dahil luma na at medyo may kabigatan din. Sinipat-sipat niya ang manika at saglit lang ay napangiti na siya rito tapos ay niyakap........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD