PART 3

988 Words
"Mommy, where po ang banyo?" tanong ni Steffany sa kanyang ina. Kumakain na sila ng dinner sa kanilang bagong tahanan. Hinayaan muna nila ang magulo pa nilang gamit. Bukas na sila mag-aayos dahil napagod sila sa byahe. Tumingin si Lena sa asawa. Pati kasi ito ay hindi pa rin alam kasi kung nasaan ang banyo ng bahay na titirhan nila. "Nasa likod ng bahay, Anak." Kaya si Daniel ang sumagot sa bata. Bumakas sa mukha ni Steffany ang pagkadisgusto sa narinig. Bahagya siyang napangiwi. Nasanay kasi siya sa Maynila na nasa loob ng bahay ang kanilang palikuran. Isa pa padilim na, natural lang na ang isang batang tulad niya ay takot sa gabi. Kaya lang, gustuhin man niyang pigilan pa ang kanyang nararamdaman sa kanyang pantog ay 'di na niya kaya. Ihing-ihi na talaga siya. "Baby, 'wag kang matakot kung tapos ka nang kumain sige na magbanyo ka na." Hinawakan ng Daddy niya ang kamay niya. Nahihiyang tumayo na siya sa kanyang upuan. Dahil likas siyang masunurin na bata ay tumango siya sa kanyang Daddy. Gusto sana niyang magpasama pero kumakain pa ang kanyang Mommy at Daddy. Pati ang kanyang Ate Hanna na kasalo rin nila 'pag kumain. Kamot-ulo siya na tinungo ang pinto na labasan ng kanilang kusina palabas sa likod-bahay. Nakangiti naman ang mag-asawang Daniel at Lena. Noon pa man kasi ay sinasanay na nila ang kanilang nag-iisang anak na maging independent sa kahit na ano mang bagay basta alam nilang kaya itong gawin ng bata. Pero nagulat ang mga ito pati na si Hanna nang biglang tumakbo si Steffany pabalik, papunta sa sala. Nagtataka ang tatlo na napasunod ng tingin sa bata at nang bumalik ay may dala na itong manika na hindi pamilyar sa mag-asawa. "Isasama ko po si Raj para hindi ako matakot magwiwi," nakatawang ani Steffany na ang tinutukoy ay 'yong manika. Pinangalanan niya agad ito ng Raj tulad ng iba niyang manika na may mga pangalan. At dahil ito ang kakaiba ay ito na ngayon ang pinakapaborito niya. Mabilis na nakalabas si Steffany. Kibit-balikat na lamang ang mag -sawa sa bibo nilang anak. Ngunit hindi nakawala sa pansin ni Lena ang bagong manika ni Steffany. Kabisado nito lahat kasi ang gamit ng anak. "Hanna, saan galing 'yong manika ni Steff?" 'di nito natiis na tanong sa kanilang kasambahay. "Ay 'yon ba, Ate? Napulot ko po sa labas," sagot ni Hanna na parang wala lang dito ang tinanong. Patuloy pa rin ito sa pagkain. Napatanga si Lena. Napatingin ito sa asawa pero tulad ni Hanna ay wala man lang reaksyon si Daniel. Sarap na sarap ulit ito sa pagkain. Ngunit ito ay biglang kinutoban. Parang nakaramdam ito ng takot na hindi nito mawari. Magtatanong pa sana ito pero hinawakan na ng asawa ang kamay nito. "Wha'ts wrong? Kain na, Hon," ani Daniel kaya kumain na nga si Lena. Binalewala na ang masamang kutob. Sa labas, dahan-dahan ang paglakad ni Steffany. Nagtataka talaga siya kung bakit nasa labas ang kanilang banyo. Sa murang isip niya ay hindi pa niya batid na karaniwan o karamihan sa probinsya na ang mga bahay roon ay talagang nasa labas ang palikuran. Maliban na lang sa mga bahay ng mga mayayaman. At dahil maliwanag pa naman, agaw dilim palang, ay malinaw pang nakita niya ang parang maliit na bahay sa 'di kalayuan. Ilang hakbang lang 'yon mula sa nilabasan niyang pinto. "'Yon siguro 'yung cr," natuwang sabi niya sa sarili. Yakap niya sa dibdib ang kanyang manika na tinungo iyon. "Hindi naman pala nakakatakot," usal pa niya nang marating ang palikuran. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintong gawa sa lumang yero. Malinis naman ang bowl. Siguro ay nilinis na kanina ng kanyang Daddy o Ate Hanna niya. Wala na siyang alinlangan pa, umihi na siya. Ngunit nang itaas na niya ang short pagkatapos ay may narinig siyang umiiyak. Napakunot-noo siya. Parang iyak kasi iyon ng batang tulad niya. "Sino 'yong umiiyak?" inosenteng tanong niya sa sarili. Mas binilisan niya ang pagsuot ng kanyang short. Lumabas at dahan-dahan ding sinara ang pinto ng palikuran saka hinanap ang kanina'y panaghoy ng isang batang babae. Sa malaking puno ng mangga niya nakita ang batang babae na umiiyak. Nakaupo ito sa malaking ugat ng mangga. Yakap ng bata ang mga tuhod at ang ulo'y nakasubsob. Sa tantya niya ay kaedad lang niya ang hindi kilalang bata. Kaya walang alinlangan niya itong nilapitan. "B-bata, why are you crying?" tanong niya agad dito. Mas hinigpitan niya ang pagkakaakap sa dala-dala pa ring manika. Saglit siyang naghintay. Nang sa wakas ay kumilos na rin ang batang babaeng nakaputi ng bestida. Sisinghot-singhot itong tumingin sa kanya. Nakaramdam siya ng awa sa kapwa bata nang makita niyang tigmak ng luha ang mga mata nito. "Bakit ka umiiyak?" ulit niyang tanong. Matagal na tumititig sa kanya ang bata. "Nalulungkot kasi ako," at sa wakas ay tugon na ng bata. Pinunas ng mga palad nito ang mga luha sa mga mata at sa pisngi. Ngumiti siya. Nakaramdam siya ng saya. Nakahanap kasi siya agad ng kaibigan. "Why you sad?" usisa niya sa kapwa bata. Subalit hindi ito sumagot sa kanya. Bagkus napatitig ito sa hawak na manika niya. Napansin naman niya iyon kaya napatingin din siya sa hawak niyang manika. "Gusto mo ng ganito? Gusto mo ng manika?" ngiting tanong niya. Pero umiling ang bata. "Anong pangalan mo?" pagkuwa'y tanong nito sa kanya. "Steffany! Ako si Steffany," bibong pakilala naman niya. "Ako naman si Edna." Ngumiti na rin ang bata. "Masaya na ako dahil mahilig ka rin pala sa manika," sabi pa nito. "Oo naman mada—" "Steff, tapos ka na ba riyan?" Boses ng kanyang Ate Hanna na nagpalingon sa kanya gawi ng bahay kaya 'di na niya naituloy ang sinasabi. "Opo, Ate," sagot niya pero laking pagtataka niya nang lingunin niya ulit si Edna dahil wala na ito sa kinauupuan nito. "Edna?" Sinubukan niyang hinanap ito sa tingin pero wala na talaga ang kanyang kausap na kapwa bata...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD