PART 4

805 Words
"Mommy!" Nagtatakbo si Chelle patungo sa kuwarto ng kanyang inang si Alma. Nakita niya na naglalagay ng night cream sa mukha. "Ano ba?! Gabing-gabi na'y ang ingay mo pa rin!" Reklamo ni Alma na walang kaalam-alam pa sa kinakatakutan ng anak. Sumiksik si Chelle sa kandungan ng Mommy nito. Nanginginig ito sa takot. "Chelle, ano ba?" May ginagawa ako!" angil ni Alma sa anak. "Can't you see I'm scared?!" Irap ni Chelle na tiningala ang inang napaka-insensitive. "At bakit?!" Pumanaywang ang sosyaling si Alma. Sa kabila ng edad niya ay napanatili pa rin ang kagandahan niya. Kumibot-kibot ang mga labi ni Chelle. Kanina sakuwarto nito ay parang nakita na naman nito kasi sa labas ng bintana si Edna. Pero hindi ito sure. "I saw Edna in my room, Mom!" walang kaabog-abog nitong sabi. Wala na itong pakialam kung maniniwala ang wala namang pakialam na ina. "Are you kidding me?!" awtomatiko na sambit ni Alma. Nakusot ang mukhang makinis niya. Kilala na niya ang anak. Gagawin nito ang lahat masunod lang ang gusto nito. And for sure, gumagawa ito ngayon ng kwento para umalis sila sa mansyon. Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Chelle. "Kanina nakita ko rin siya sa labas gate, Mommy!" anito nang maalala rin ang nagyari kanina. "That's imposible!" "Yeah, I know! But Mommy totoo ang sinasabi ko! I saw her!" giit ni Chelle. "No! Namalik-mata ka lang siguro!" Giit rin ni Alma na muling pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili bago matulog. "Or maybe! Tinatakot mo lang ako para umalis tayo rito!" dagdag pa nito. Tumaas ang isang kilay ni Chelle ta's humalukipkip. Wala talagang kwenta ang kanyang ina! So annoying! "Bahala ka! 'Pag ikaw ang minulto ni Edna 'wag kang tatakbo sa 'kin, ha!" She said angrily then umalis na ito na padabog. Malalaki ang hakbang nitong tinungo ulit ang sariling kuwarto. 'Pag ang Mommy nito minulto, hindi nito rin ito papansinin. Swear! Napabuntong-hininga na lamang si Alma nang wala na ang anak. Iiling-iling siyang pinagpatuloy ang paglalagay ng night cream sa mukha. Nang matapos ay sinuklay niya naman ang buhok. Tuwang-tuwa siya sa repleka ng mukha niya sa salamin. Napakaganda pa rin niya. Walang kupas ang kanyang ganda. Kung nabubuhay pa sana si Mico, ang ama ni Chelle, ay siguradog nababaliw pa rin sa kanyang alindog ang mahal na asawa. Sayang lang at binawian ng buhay sa murang edad ang kanyang asawa at 'di na naantay ang masaganang buhay na matagal nila noong pinagplanuhan. Inatake sa puso noon kasi ang kanyang asawa. At kung sana nabubuhay pa ito, sana ay 'di sila bumalik ng kanyang anak sa ganitong buhay. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa pagbabalik ala-ala sa pinakamamahal niyang asawa. Pero bigla na lang siya napaigtad nang may biglang nakita siya sa salamin. Biglang lingon siya sa likuran, ngunit wala namang bata! Sigurado siya, isang batang babae na nakaputi ang nakita niya sa salamin kanina! Nasaan na 'yon?! Napatayo sa kanyang kinauupuan si Alma. Nayakap nito ang sarili. Tumindig ang lahat ng balahibo niya sa katawan, parang lumaki ang kanyang ulo sa takot na naramdaman. Hindi kaya totoo ang lahat ng sinasabi ni Chelle kanina? Na nagmumulto nga si Edna? ••• "Oh, sleep ka na," masuyong ani Hanna sa alagang si Steffany. Ngumiti si Steffany sa Ate Hanna niya at humiga na. "Good night, Ate Hanna." "Good night din baby ko," tugon ni Hanna. Kinumutan na nito ang bata, hinalikan sa noo at iniwan. Ngunit pagkasarado ni Hanna sa pinto ng kuwarto ay biglang upo si Steffany uli sa ibabaw ng kama. Ang totoo ay hindi pa kasi siya inaatok. Bumaba siya sa kama na may pilyang ngiti sa labi at tinungo ang upuang kahoy na kinauupuan ni Raj, ang kanyang manika. Yakap-yakap niya itong bumalik sa kanyang kama. Maglalaro muna sila ni Raj bago matulog. Psst! Pssst! Mayamaya ay natigil siya sa paglalaro. Inulinigan niyang mabuti ang sitsit na naririnig. Pssst! Psssst! Napalingon siya sa bintana. Sa curious ay unti-unti siyang lumapit doon. Tinanggal ang lock at marahang binuksan ang bintana. Napapikit siya nang malakas na hangin ang sumalubong sa kanyang mukha. "Steffany!!" tawag sa kanyang pangalan mula sa labas. Napadilat siya ng mata nang wala na ang hangin. At napangiti nang masilayan ng kanyang paningin ang bago niyang kaibigan na si Edna sa ibaba. Kumaway sa kanya si Edna. Ngiting-ngiti ito. Kinayawan din niya ito. Tuwang-tuwa siya na muling makita si Edna. "Halika!" tawag ni Edna sa kanya. Napaisip siya. "Hindi pwede gabi na!" aniya na may panghihinayang. "Steffany?! Anong ginagawa mo riyan?" Bigla ay boses ng kanyang Mommy na nakasilip sa pinto ng silid. Napalingon siya sa kanyang Mommy. "Si Edna po kasi Mommy nasa labas." Kunot-noong lumapit sa kanyang kinaroroonan ang Mommy niya. Tiningnan nito ang labas na dinudungaw niya. "Wala namang tao? Sinong Edna ba 'yon?" Kamot-ulo siya. Bigla na namang nawala kasi ang kaibigan niya...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD