bc

Changing for Sander

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
others
drama
tragedy
comedy
sweet
humorous
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

She purposely changed to deserve him because she believes that true love makes and changes people to become a better person but at one point in time he'll wish she didn't.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lumikha ng ingay ang pagbato ni Gayle sa kawawa n’yang cellphone. Nang marealize n’yang kailangan niya pang gumalaw upang kunin ‘yon ay mas lalo s’yang nainis. Like the brat that she is, she stomped her feet in annoyance. Tahimik lang naman ang pa-minsan minsang pagsulyap sa kanya ni Mang Gener mula sa salamin, ang official driver ng kanyang Lolo. Obviously, ito rin ang naatasan maghatid sa kanila sa airport. Nang lingunin niya ang Lolo ay tila ba wala itong pakialam. Nagtitipa lang ito sa naka-kandong na laptop. Sanay na talaga ito sa kanya. Alam nito na nagta-tantrums lang siya. Napagod na rin siguro itong manaway kaya nagkikibit-balikat na lang. She let an annoyed huffed before she moved and reach for her phone. Ikaapat niya na ‘yon sa taon na ‘yon at hindi pa nangangalahati ang taon. Hindi nawala ang busangot sa kanyang mukha kahit pa nakababa na sila sa sasakyan. She’s wearing an off-shoulder navy blue top and black skater skirt. Kakulay rin ng kanyang pang-itaas ang flat n’yang sapatos. In her shoulder is a sparkly black sling bag. Nang makapasok na sila sa airport at nakaupo na sa upuan na nakatalaga para sa kanila sa eroplano ay hindi na siya nakatiis. Muli n’yang sinigurado ang pangako ng Lolo. “Lolo, ha,” nakabusangot n’yang siniko ito. “Isang linggo lang! Pagkatapos, uuwi na ako at papayagan mo na akong magpunta sa Europe ng mag-isa.” Imbis na mainis sa pinapakita n’yang attitude ay ginulo lang nito ang kanyang buhok. Nginitian siya. Her Lolo really adores her at hindi niya naman itatanggi na minsan ay naaabuso niya ito. They both have no one except each other. Maagang namatay ang mga magulang niya at ang grandparents naman niya sa ina ay malayo noon habang lumalaki siya. Wala na rin ang mga ito ngayon. Wala na rin naman ang kanyang Lola kaya siya na lang at ang mga hotel ang pinagkaka-abalahan nito. “I promise. Saka ayaw mo bang makasama ako? You’ve been busy since you entered college and I became busy because of the expansion of the hotel as well. Can’t my princess give a little time for her old man?” Saglit na natunaw ang puso niya sa sinabi ng matanda. Naiintindihan niya naman ‘yon at naisip n’yang tama rin ito. Ngayong tapos na siya sa kolehiyo ay dapat mabigyan niya na rin ng oras ang patanda ng patanda niya ng Lolo. Ngunit sa tuwing naiisip niya na dadalhin siya nito sa isang rancho kung saan pulos mga baka at kabayo lang yata ang naroroon ay naiinis siya. Saang liblib na lugar naman kaya iyon? Baka nga wala man lang signal ang cellphone doon? Paano siya makakapag-twitter? Habang ang mga batch mates niya’y nagpapakasaya sa iba’t ibang parte ng mundo, heto siya at mukhang mabuburo sa nakakabagot na buhay sa kung saan mang probinsya siya balak dalhin ng kanyang Lolo. Her Lolo said they’ll be going to his best friend that he hasn’t seen for a long time. Magiging pabor rin daw sa kanya ang epekto ng sariwang hangin sa rancho na pagmamay-ari non. Gusto n’yang kumontra. May sariwang hangin pa ba sa Pilipinas? Humigit kumulang lang ang naging duration ng flight nila mula syudad hanggang sa probinsyang iyon. Nang makalabas sila ng airport ay isang naka-ngiting matanda ang sumalubong sa kanila ngunit mas matanda pa rin ang lolo niya. Ayon sa kanyang narinig ay hindi raw nakasama ang isang Don Alessandro sa pagsundo dahil may biglaan inasikaso. Ngunit makakasalo naman daw nila ito sa pagkain. Lalo s’yang napangiwi. 2012 na, may tinatawag pa ring Don ang mga tao dito? Ano ito, teleserye? Ngumiti naman siya pabalik nang siya naman ang binati ng matandang lalaki. Sumakay sila sa SUV at nagpatuloy sa kwentuhan ang dalawa. Kunot na kunot naman ang noo niya dahil napakahina ng signal. Gusto n’yang sumigaw sa inis. Nang may madaanang simbahan ay saglit na pinahinto ng Lolo niya ang sasakyan. Sasaglit daw ito sa loob. Niyaya pa siya nito ngunit tinanggihan niya. Magkasamang pumasok ang kanyang lolo at ang driver na kumuha sa kanila. ‘Di hamak na maliit lamang ang simbahan na ‘yon kumpara sa mga napuntahan niya na. Not that she’s always at the church. May tatlong rebulto ang naka-display sa itaas ng medyo may kalakihang pinto ng simbahan. Sina Hesus, Maria, at si Sto. Nino yata ang mga ‘yon. Hindi rin nawala ang dalawang rebulto ng anghel sa magkabilang gilid nito.   Sa gitna ng bubong nito ay meron namang krus. May krus rin ang tuktok ng gilid nito kung saan nakasabit ang isang kampana. Kulay-cream ang simbahan at malinis ang paligid n’on. Itinaas niya ang kamay sa pag-asang makakahagilap siya ng signal. Palakad-lakad siya nang hindi tumitingin sa dinadaanan nang maramdaman n’yang nabunggo siya ng isang lalaki. Naramdaman niya rin ang malamig na ice cream na nagsimulang tumulo mula sa dibdib niya pababa pa sa kanyang blusa. Gayle shrieked in horror. Paborito niya ang suot at dinumihan lang ng tangang ito! Saglit s’yang natahimik pagka-angat ng tingin niya sa lalaki. Gwapo ito at maayos ang buhok pati na pananamit. Nakasuot ito ng puting button down at itim na slacks. Ngunit sanay siya sa mga ganoong klaseng gwapo kaya naman hindi niya alintana. “Sorry!” anitong nag-aalala. Itataas sana nito ang kamay upang punasan ang duming idinulot sa kanya pero parehas na nanlaki ang mga mata nila nang mapagtanto iyon. Tinampal niya ang kamay nito bago pinandilatan. “Sorry? You ruined my top!” Namula ang mukha nito, marahil dahil sa hiyang nararamdaman. Hah! Pwes, siya, hindi siya nahihiya. Galit siya ngayon kaya mas lalong wala s’yang pakealam sa paligid lalo na sa mga tao. “I’m sorry,” anitong napakamot sa batok. “Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo at nagmamadali ako.” Lalo yatang nag-init ang bunbunan niya. “Nanisi ka pa talaga!” Bumuntong hininga ‘to na para bang napapagod na agad sa kanya. He took his wallet out and got a little square-shaped paper from it. Iniabot nito iyon sa kanya. Tinignan niya lang naman ang kamay nito saka muli itong tinignan sa mukha. “This is my calling card. Call me so I can do something about your blouse some other time but for now, pasensya ka na, Miss, nagmamadali talaga ako.” Inabot nito ang kamay niya at basta na lang inilagay sa palad ang calling card saka mabilis na s’yang iniwan. Tinakasan siya! In bold letters, she read, Alexis Benitez.  Tumaas ang kilay niya at inirapan ang inosenteng card. Gusto lang yata nitong tawagan niya! Nagpupuyos, bumalik na lamang siya sa kotse at pinahiran ng wet tissue ang iniwang marka ng bwisit na ice cream. Maya-maya lang ay bumalik na ang Lolo niya at ang driver. Humigit kumulang trenta minutos bago sila nakarating sa rancho. Napa-arko ang kilay niya sa malaki at malapad na gate na sumalubong sa kanila. Kulay brown iyon at mukhang gawa sa matibay at mamahaling kahoy. Sa arko nito ay may malalaking kulay-itim na mga letra. Nakasulat r’on ang Rancho Alejandra. Asawa nang tinatawag kaninang Don Alessandro? May guard pang tumawag raw sa mansion bago sila tuluyang pinapasok. Mas tumaas pa yata ang kilay niya. Mansion? Malaki ang bahay nila ngunit hindi naman yata papasa bilang mansion. So, bigatin ang mga ito? Ipinagkibit balikat niya ‘yon. Hindi na siya dapat magulat pa. Karamihan naman talaga sa kaibigan ng Lolo niya ay may maipagmamalaki rin. Pero kahit na may mansion pa ang mga ‘to, nasa liblib pa rin sila at maaaring wala ka talagang makikita kundi puro mga baka at mga kabayo. God! Sana hindi maingay ang mga ito sa gabi. Ayaw n’yang mapuyat! Nakakapangit ‘yon. Mahaba ang itinakbo ng SUV na sinasakyan nila bago nila narating ang sinasabing mansion. Nasa malayo pa lang ay hindi niya naitago ang pagkamangha rito. Malaki nga iyon at malawak na espasyo muna ang tataluntunin bago marating. Trimmed ang bermudang nasa malawak na gilid nito. May maaliwalas at maarteng bricks naman ang nagsisilbing pathway sa gitna patungo sa ilang baitang na hagdan na kailangan akyatin para makapasok sa Spanish-styled na mansion. Kulay-off white o ‘di kaya krema ang kulay ng mansion na mayr’ong brown accent. Vintage iyon pero hindi iyong tipong pang-horror ang dating. Mas lalong hindi binigo ng mansion na ito ang mga mata ni Gayle nang makapasok sila sa loob. Nakalimutan niya yatang nasa probinsya sila na matatagpuan sa gitna ng Luzon at Visayas dahil tumambad sa kanya ang pagka-ganda-gandang foyer. Pakiramdam niya ay nakikita niya lamang ito sa mga international magazine kung saan nagfi-feature ng iba’t ibang mansion sa America. Ilang hakbang mula sa foyer ay ang grand staircase na mayr’on pang siguradong mamahaling carpet. Sa taas noon ay kitang-kita niya rin ang malaking vintage painting pag-akyat sa gitna. Natigil ang pagka-mangha niya sa lugar nang abisuhan sila ng isang kasambahay na nasa may swimming pool raw ang mag-asawang sina Don Alessandro at Donya Carmina. Ipapahatid na lang raw nito ang mga maleta nila sa kanilang silid. Iginiya sila nito paliko sa isang silid. Naglalaman ito ng apat na sofa. Dalawang malaki at ang dalawang iba pa ay maliit. Mayr’on ring piano at mga maliliit na painting na nakasabit sa silid na ‘yon. Nasilip niya rin ang maliit na fireplace doon. Dinaanan nila ‘yon saka sila lumusot sa hugis-arkong naghihiwalay rito at sa likod. Hindi rin naman papahuli ang likuran ng mansion. Ang loggia n’yon ay naglalaman ulit ng maliit na fireplace at apat na upuang gawa sa rattan na may kulay-berde at kulay-kapeng mga throw pillow. May magandang sofa cushion iyon na ka-terno ng mga unan. Sa gitna noon ay hugis-bilog na maliit na center table. May fireplace rin doon. At ang mga pader ay napapalamutian ng bricks na halos kagaya ng pathway sa labas. May mga arko rin na naghihiwalay dito at sa asul na asul na malawak ring swimming pool. Mula doon ay tanaw mo pa ang hindi maipagkakailang malawak pang parte ng lupain. Mapuno na iyon at hindi sigurado ni Gayle kung anong meron. Sinalubong sila ng dalawang matanda. Kulubot man at puti na ang buhok nang mga ito ay hindi maipagkakailang maganda at gwapo pa rin ito. Gaya ng kanyang Lolo, mukhang matikas at malakas pa rin ang sigurong si Don Alessandro na. Mayr’on namang maaliwalas na ngiti ang matandang babae. Napa-ngiti na rin si Gayle. Medyo awkward pa siya nang yakapin nito ngunit nang maramdaman ang init at pagkagiliw doon ay yumakap na rin siya pabalik. Kumpara sa ibang mga sosyal na kaibigan ng Lolo niya, pakiramdam niya ay iba ang mga ito. Halata ang rangya at kapangyarihan na taglay ng mga ito ngunit unang tingin niya pa lang ay walang ka-yabang-yabang ang mga ito sa katawan. That was the breath of fresh air for her. Well, aaminin niya na, tama nga ang Lolo niya, sariwa rin ang literal na hangin sa lugar. Lagi pang naka-ngiti ang mga tao. Maasikaso. Napangiwi nga lang si Gayle nang maghatid na ng meryenda ang isang kasambahay. Tumingin siya sa Lolo upang humingi ng saklolo. Nagkibit-balikat lang naman ito. Puro kakanin iyon at hindi niya hilig. Puto, kutsinta, at iba pa ang laman ng iba’t ibang platong may dahon ng saging. At nang alukin na siya ni Donya Carmina, na Lola Mina na lang daw ang itawag niya, hindi na siya nakatanggi. Paano? Ang tamis at ang lambing ng ngiti nito. Masikap n’yang nginuya ang kutsinta. Naaalala ‘yung mga panahon ng Buwan ng Wika noong grade school pa lang siya. Naalala n’yang nasuka siya noon at gan’on pa rin ang tila nararamdaman niya ngayon. Nang hindi niya kinaya ay mabilis s’yang tumayo at naglakad pabalik sa pinasukan kanina. Bumunggo ang ulo niya sa matigas na bagay. Nang tingalain niya… Hindi pala bagay ‘yon. Dibdib pala. Matipunong dibdib na pag-aaari ng lalaking matangkad. Agad n’yang nakilala ang lalaki. Ito ‘yung kanina! Ang ganda pala ng katawan ng mokong ngayong wala itong pang-itaas at maong na pantalon lamang ang suot. Pawisan ang lalaki at may hawak itong itim na t-shirt. Malayong-malayo sa maaliwalas na itsura kanina ngunit mas gwapo ito sa paningin niya. ‘Di niya alam kung bakit ngunit parang mas lumaki rin ang katawan nito. O marahil hindi lang ‘yon pansin kanina sa suot nitong button down? Itinaas niya pa ang mga mata sa mukha nito. Nahipnotismo yata siya. Makapal ang kilay nito at matalas kung tumitig ang dark brown na mga mata. Matapang iyon ngunit may bahid ng pagkalito at pag-aalala. Aristokrato rin ang ilong nito at maganda ang porma ng panga. Natigil lamang ang paghanga niya nang maramdaman ulit ang ‘di ka-aya-ayang lasa ng pagkain sa bibig. Lumingon-lingon si Gayle sa paligid ngunit bigo s’yang makakita nang maaring sukahan. Sakto namang lumapit ang lalaki. Nasa tono nito ang pag-aalala. “Are you alright?” Maingat pa s’yang kinabig nito upang magkaharap sila kaya hindi niya na napigilan. Isang nakakadiring tunog ang hindi niya sinasadyang nalikha nang maibuga sa dibdib nito ang suka. “What the?” Nanliit siya nang dumagundong ang malalim na boses nito. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking ang sarap pa ring tignan kahit nagagalit na. “What the,” gigil nitong ulit. Parehas nilang pinapanood ang nakakadiri n’yang suka na umaagos mula sa dibdib nito pababa sa bitak ng tiyan. “Who are you, anyway?” Hindi ‘yon agad na sinagot ni Gayle. Imbis ay kinuha niya ang kamisetang hawak nito at ipinampunas sa bibig. In fairness, mabango pa rin ‘yon. Napalingon sila nang marinig ang boses ni Lolo Sands sa likuran. “Anong nangyayari dito?” Disgusted s’yang sinulyapan ng lalaki. Kung tititigan, mukha itong trabahador sa porma nito ngunit parang masyado itong gwapo. “Who is this insane girl, Pops?” Umangat ang kilay niya. Marunong mag-english! Ngunit nag-panting ang tenga niya nang marealize ang sinabi nito. “What? Insane? Do I look like I’m insane?” Walang gana s’yang tinignan ng lalaki. “Well, who is in her right mind to vomit at someone else’s chest?” “Ikaw rin naman, ha! You ruined my dress!” Kumunot ang noo nito nang iamba niya ang dibdib na kanina rin ay tinapunan nito ng ice cream. Quits lang sila! Lalo itong sumimangot. “Now, you’re lying.” Umusok lalo ang ilong niya. “I’m not lying! Why can’t you be man enough to admit your mistake? Binigyan mo pa nga ako ng calling card!” Tumawa ito ng pagak. “You really are crazy. Bakit kita bibigyan ng calling card?” Nanggigil siya dahil parang wala lang talaga rito ang sinabi niya. Hinagilap niya ang sling bag at binuksan. Hinanap doon ang sinasabi. “You, moron! Maghintay ka lang at ipapakita ko sa’yo!” Hindi niya na nakita ang pag-irap ng lalaki dahil sa patuloy na pagkakalkal sa bag. Hinigit nito ang t-shirt sa kamay niya kaya napatingin siya rito. “Whatever,” anito at tumalikod na. Hindi siya makapaniwalang itinuro ito. It pained her ego because for the second time he did afford to turn his back on her. She shouted. “You, moron! Don’t turn your back on me! Replace my dress!” Sisitahin pa sana sila ni Lolo Sands ngunit naunahan itong magsalita nang lalaki. Mainsulto nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Bigla s’yang na-conscious. At hindi siya ang tipong naiilang dahil sa lalaki. “Stop it, little girl. That’s not how you will gain my attention.” Muntik niya na itong murahin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook