Chapter 2

1856 Words
Nagpupuyos ang kalooban ni Gayle habang naliligo. Nand'yan 'yung bigla s'yang magpapa-padyak sa tubig o 'di kaya ay titili na parang nawawala na sa sarili. Nawawala na nga yata siya sa sarili dahil gusto n'yang lunurin ang lalaki sa bathtub na pinaliliguan tapos mag-iinit rin ang pisngi niya sa parehas na dahilan. Kahit kailan ay wala pang lalaking tumanggi sa kanya. Sa syudad, palaging siya ang pinipili ng mga ito. Kaya anong karapatan ng lalaking 'yon para tanggihan at talikuran siya? Tinawag pa s'yang... ano daw? Little girl?! Nakaka-insulto! Busangot ang mukha niya nang lumabas sa silid. Nagsuot siya ng yellow floral dress na hanggang bago mag-tuhod ang haba. Spaghetti strap iyon at medyo mababa ang sweetheart neckline sapat para maaninag ang cleavage niya. Hindi naman kalakihan ang dibdib niya pero meron pa rin. Gusto n'yang paniwalain ang sarili na para lang makita ng lalaki na 'yon na hindi siya little girl pero ang isang bahagi ng utak niya ay isinisigaw na nagpapapansin lang siya sa lalaki. Iginala niya ang paningin sa hallway ng parte ng mansion na 'yon. Ilang kwarto kaya meron ito? Narinig niya pa kanina na may home theater daw. Maging sa parte nito ay may nakasabit na iilang maliliit na painting. Titignan niya sana ang pirma sa isa d'un nang biglang bumukas ang kabilang kwarto. Nanlaki ang mga bilugan n'yang mata sa nakita. Lumabas mula doon 'yung antipatikong lalaki! Mukhang bagong ligo na rin ito. Puting t-shirt na ang suot nito at itim na pantalon. Nang dumako ang paningin nito sa kanya ay automatic na kumunot ang noo nito saka pinasadahan na naman ang kabuuan niya. Mukhang mas lalo itong nasura dahil lalo itong sumimangot. Mabilis rin s'yang tinalikuran. Hindi agad siya nakagalaw sa kinatatayuan. Parang asar na asar ito sa presensya niya, ah! Ito pa ang may ganang maaasar, eh, ito naman ang naunang magkar'on ng atraso sa kanya? Mas doble pa! Naka-dalawang insulto na nga agad ito, eh! Nang makabawi ay agad niya itong sinundan. Ang bilis ng lakad nito na tila ba ayaw na makasama man lang siya isang lugar. Hindi pa nakatulong na ang haba ng mga biyas nito. Tumikhim siya. Pilit na sumasabay rito ng lakad. "Alam mo, mag-sorry ka na lang sa'kin. Maiintindihan ko kung wala kang maibabayad sa top ko." Ni hindi man lang siya nito sinulyapan. Kuyom ang panga nitong sumagot. "Oh, please." Hihirit pa sana siya pero mabilis na itong nawala sa paningin niya. Nanggigigil na siya. Ang sungit! Sa laki ng mansion ay medyo nawala pa siya bago nakarating sa dining room nito. Namangha siya sa twelve-seater table na may chandelier pa sa itaas. Akala mo dito nagsisikain ang mga hari't reyna. Ngunit, sa bagay, sa yaman ba naman ng may-ari, bakit pa siya nagtataka? Nginitian siya ni Lola Mina at pinaupo na. Saglit lang daw ay kakain na sila. Hihintayin lang ang apo na may kausap sa telepono. Si Lolo Sands ang nasa kabisera at nasa magkabilang-gilid nito ang Lolo niya at ang matandang babae. Siya naman ay katabi ng kanyang Lolo. Abala siya sa pagsipat sa mga pagkain na patuloy pa ring inihahain upang tignan kung alin ang angkop sa diet niya. Pero, bakit naman puro baka yata ang ulam? At, may fiesta ba? Ang dami naman ng niluto. Nawala ang atensyon niya sa mga 'yon nang may umupo sa tapat niya. Nang mag-angat siya rito ng tingin, nasusuklam na agad ang titig nito sa kanya. Suplado siya nitong inarkuhan ng kilay. Talaga naman! Tumikhim si Lola Mina. D'un napabaling ang atensyon nilang dalawa. "Is there any problem?" Nagkibit-balikat lang ang lalaki pero hindi siya nakatiis. Isinumbong niya ang kalokohan nito sa kanya. "Sander," sita ng matandang babae rito. "You should apologize. Hindi gan'on ang tamang pag-trato sa babae." "Hindi rin naman gan'on ang tamang attitude ng babae. She keeps on nagging. It's irritating." Nanlaki ang mata niya at tinignan ang sariling Lolo para humingi ng saklolo. Naabutan n'yang naka-ngisi lang ito. Siya na lang ang magtatanggol sa sarili. "Well, you're no man at all, pumapatol ka sa babae!" Patay-mali itong uminom ng tubig. "Sometimes children should know that they won't have everything their way." "I'm not a child!" "Sure." Hindi na siya muli pang tinignan nito at nagyaya na lamang kumain. Umikot ang usapan tungkol sa negosyo ng kanyang Lolo at negosyo ng mga ito. Nabanggit rin ang tungkol sa gaganaping rodeo festival ilang araw mula noon. Ilang beses rin silang nagtanong tungkol sa plano ni Gayle ngayong graduate na siya. At hindi nakaligtas sa paningin niya ang disappointed na pag-iling ng bwisit na katapat nang sinabi niya ang plano munang mag-bakasyon. Sarap tusukin ng tinidor! Masama bang magsaya muna? Maayos na natapos ang hapunan. Sinabihan siya ng mag-asawa na magpahinga naman o 'di kaya ay pwede siya sa home theater. Mas pinili niya ang swimming pool. Dala ang cellphone ay pumunta siya sa likod ng mansion. Binati siya ng malamig na simoy nang pang-gabing hangin. Hinagkan niya ang sarili at tiningala ang libo-libong bituin sa kalangitan. It looks majestic and it didn't fail to take her breath away. Gayle wants the world to think that she is a worldly and superficial woman. Wala s'yang ibang hilig kung hindi ang mag-shopping, makipag-party, at kung ano-ano pang pwedeng pagkagastusan ng pera upang maging masaya. But, deep down, she knew, she wanted something else. She didn't know what it is yet ngunit sa pagtitig niya sa makinang na kalangitan ay parang natanto niya 'yon. Deep inside her, she wanted something money and power can't buy. She wanted something as beautiful and as magical as the starry night. Bumuntong hininga siya saka na naglakad papunta sa swimming pool. Tinanggal niya ang sandals saka naupo doon. Inilawit niya ang mga paa sapat para mabasa ito nang malamig ring tubig. She shivered for a while but she liked the cold. Nagsisimula na s'yang kumanta para todong-todo na ang pag-eemote niya nang maramdaman n'yang may tao sa likod. Nasa may bandang arko ito at nang mapansin rin siya ay agad na tumalikod. Mabilis naman s'yang umahon at pinuntahan ito. Ni hindi na siya nag-abala pang magsuot ng sandals. "Hey! Saan ka pupunta?" Isinampay nito ang kulay puting tuwalya sa balikat. Wala na namang suot na pang-itaas ang lalaki at naka-short na lang. Hindi siya pinansin nito. Tuloy-tuloy lang ito sa paglakad. "We can share the pool!" "No, thanks." Doon na siya huminto sa harapan nito. Pumamewang siya at tiningala ito. Nababagot naman s'yang tinignan ng lalaki. Hanggang dibdib lang siya nito pero hindi siya magpapa-intimidate! "Why are you so grumpy?" "Why are you so annoying?" Gayle was taken aback for a while. She knew a lot of people don't like her even though when she was still a student. Mainly because she's rich, she's spoiled, and most of all because a lot of guys like her. Ngunit wala ni isa sa mga iyon ang harap-harapan s'yang pinagsabihan ng ganito. "Ano pa bang kinagagalit mo? Hindi na nga kita sinisingil sa top ko!" Nilampasan siya nito. "Kahit naman singilin mo ako ay wala akong pakealam. Wala akong ginawa sa'yo kaya wala akong pagbabayaran." "Gan'on ba kahirap umamin sa kasalanan? N'ung una naman ay willing ka ayusin ang pagkakamali mo, ha!" Umiling na lang 'to. Paakyat na sana sila sa enggrandeng hagdan nang may tumawag sa lalaki. Parehas silang napalingon. Nalaglag ang panga niya sa nakita. Ibinalik niya ang nanlalaking mga mata sa kausap saka sa bagong dating ulit. Holy s**t! Is this a joke? Nang mapansin siya ng lalaking suot pa rin ang damit kanina ay naningkit ang mga mata nito. Tila ba kinikilala siya. Napaturo pa ito sa kanya nang tila ba napagtanto ang napagtanto niya na rin. "Hey, Miss! Why are you here? Hinahanap mo ako? I told you to just call me." Sasagot na sana siya ngunit natabunan 'yon ng malalim na boses ng katabi. "You know this kid?" Nilingon niya 'to. "I'm not a kid!" Napakamot sa batok ang bagong dating. "Well, may atraso ako sa kanya. Natapunan ko ng ice cream ang damit niya." Napahilamos siya sa mukha. s**t. Iniwan sila ng masungit na lalaki matapos nitong magpaalam sa obviously kapatid nito. Hindi lang kapatid. Kakambal pa pala! Napansin yata ni Alexis, ang lalaking una n'yang nakilala pala talagana para s'yang pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit hindi niya agad naisip na iba ang tawag ni Lola Mina dito kumpara sa nakalagay calling card na naibigay sa kanya? Nang magtanong ito ay hindi niya napigilan ang mag-kwento. Natatawang-napapangiwi ang lalaki. 'Di hamak na halatang mukhang mas mabait ito kesa sa kakambal. Lagi pang naka-ngiti. "Well, sorry. Hindi ko naman alam na dito pala sa'min ang tulak mo at na makikita mo pa ang kambal ko. Lalo na ang mapagkakamalan mo pang siya ay ako." Wala na s'yang magagawa doon. Hihingi na lang siya ng sorry. Kahit naman pagbali-baligtarin ay dapat s'yang humingi ng tawad. Baka sakaling maging dahilan na rin 'yon para bumait sa kanya ang lalaki? Matapos ang kaunti pang pakikipagkilala kay Alexis ay nagpaalam na s'yang aakyat. Ilang sandali rin s'yang tumitig sa pintuan ng silid ng lalaki. Itaas ngunit mabilis ring ibaba ang kamao. Dinadaga ang puso niya. Paano kung singhalan na naman siya nito? Sa huli, ipinagsawalang-bahala niya na lang 'yon. Ano naman kung sungitan na naman siya nito? Magso-sorry lang naman siya. Kung magalit ito sa pagsosorry niya, eh, clearly, dito talaga may problema! Muli n'yang itinaas ang kamao sa ere. Gayle knocked more than she should. Ano naman kayang ginagawa n'un at ang tagal magbukas? Tulog agad? She readied her most radiant smile when the door started to open. Tila ba walang epekto 'yun nang magisnan siya nang lalaking magkasalubong ang kilay. Parehas nilang pinasadahan ng tingin ang isa't isa. Napalunok siya. Saan ba naggi-gym ang taong 'to at ang ganda ng porma ng katawan? Bawat bitak ay tila nililok ng isang magaling na iskultor. At ang mukha! Maraming artista ang pwedeng mawalan ng trabaho sakaling madiskubre ito. Ngunit higit pa sa gan'ong uri ng ganda ang taglay nito. This male specie looks raw and lethal. Tila ba walang puwang rito ang mga kababawan. Ang tayo at tikas nito ay kababakasan mo ng lakas at tibay. Ibang-iba 'to sa mga lalaking nakakasalamuha at naka-relasyon niya sa syudad. Hindi pa nakatulong na grey sweatpants lang ang suot nito. Itinaas niya ulit sa mukha nito ang paningin para lang mapasimangot rin. "Quit staring. You'll never have a piece of me." Sisitahin niya pa sana ito ngunit mabilis n'yang naiharang ang kamay sa pintong isasara na. Mabuti na lang may konsensya pa pala ang masungit at hindi siya inipit! "Seriously, Miss, you're annoying. Kung tungkol na naman ito sa damit mo ay nasa kabilang kwarto si Alexis." Ngumuso siya. Muling bumalik ang kaba. Gusto n'yang isipin na dahil iyon sa paghingi ng tawad at hindi dahil sa matiim na titig ng madilim nitong mga mata. "Magso-sorry lang naman ako." Tumayo ito ng tuwid saka sumandal sa hamba ng pintuan. Pinag-krus rin ang mga braso sa dibdib. Nakagat niya ang ibabang labi sa paggalawan ng muscles nito. Eyes up, Gayle! "Really," he mocked. "Hindi ba makakapag-antay ang sorry mo hanggang bukas?" "Masama kayang natutulog nang may kagalit!" Nagtaas ito ng kilay. Pakiramdam niya, guni-guni lang rin niya na tumaas ang isang sulok ng bibig nito. "Very well," anito, humawak na sa seradura ng pintuan. "Sorry na kasi!" pilit niya pa. "Okay." Unti-unti s'yang napa-ngisi. Gan'on kabilis? "Just don't bother me then we're good," sabi pa nito at hindi niya na napigil pa nang tuluyan nitong maisara ang pintuan. Ang sarap sapakin! Akala niya pa naman ay ayos na! Pwes, hah, lalo niya itong guguluhin!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD