Eavesdrop

2124 Words
Sobrang naguilty ako sa nagawa kong pagkakamali sa transaction. Halos hindi ako nakatulog sa kakaisip kung paano ako magso-sorry kay Sir Jacob. Nakarating kaya siya sa dapat niyang puntahan? Nagalit kaya ang girlfriend nito dahil na late siya? Kailangan ko talagang magsorry. Sobra sobrang abala ang ginawa ko. Kinabukasan ay inagahan ko ang pasok upang makausap ko si Sir Jacob at makahingi ako ng dispensa. "Good Morning Mam Andeng!" Bati sa akin ni Kuya Samuel, ang guard ng bangko. "Good Morning din kuya! Good Morning Mam Jona!" Bati ko sa kanila. "Good Morning! Aba ang aga mo andeng ah!" Sagot naman nito. "Ah Mam..nandiyan na ba si...Sir Jacob?" Tanong ko dito. Wala kasi siya sa table niya at hindi ko din sigurado kung anong oras siya usual na dumadating. "Ah si Boss...Nako tinawagan ako kanina. Hindi daw siya papasok at masama ang pakiramdam. Bakit?" Napasimangot ako. "Ah..wala po. Magso-sorry sana ko sa nagawa kong error kahapon." "Ah..pagpasok na lang siguro niya. Tska huwag ka nang masyadong mag-alala. Mabait yun si Boss Jake! Malamang wala na yun sa kanya.!" Umasa akong bukas ay makakausao ko na siya per  kinabukasan ay hindi pa din pumasok si Sir Jake. Nag-aalala na din si Mam Jona dahil bibihira daw na magkasakit si Sir Jake at hindi yun pala- absent. Pero marahil ay may sakit nga talaga ito kung napilitan siyang hindi magreport sa trabaho. "Good Morning Kuya!" Masayang bati kong muli kay Kuya Sam. Ito ang ikapaat na araw ko sa bago kong trabaho. Medyo nakasanayan at nagamay ko na ang mga basic transactions. Salamat sa tulong ng mga kasamahan ko. Lagi nila akong inaassist sa mga tanong ko. Napatigil ko nang makita ko ang isang pigura na nakaupo sa gawing kanan ng kwarto. Ilang araw nabakante ang opisina na iyon pero ngayon ay nakabalik na ang nagmamay-ari nito. Kinabahan ako pero naglakas loob akong lapitan ito. After all, ilang araw ko na din naman siyang inaabangan upang makausap. "Good Morning po Sir Jacob." Malumanay na bati ko dito. Nag-angat lang ito ng bahagyang tingin sa akin at napataas ang kilay. "Good Morning." Malamig na sagot niya at muling bumalik sa binabasang reports sa table niya. "Uhm..Sir..gusto ko lang po sanang humingi ng dispensa sa nagawa kong pagkakamali nung nakaraang araw..." Nag-aalangan pa ako kung uupo ba ako sa bakanteng silya sa harapan ng table niya o mananatiling nakatayo. Saglit niya ulit akong tinapunan ng tingin at masungit na inalis din ito agad. "Just make sure na hindi na yun mauulit. Hindi ako nagpapakahirap na makakuha ng malalaking kliyente para mawala ng ganun ganun lang." Aray ko naman! Bulong ko sa sarili ko. Ang aga-aga sungit sungit agad. "Opo Sir. Pasensya na po ulit." Tumayo na ako dahil mukhang wala naman na siyang balak pa na kausapin akong muli. Papunta na ako sa aking station nang tawagin ako ni Mam Jona. "Andeng..alam mo na yung supplies room natin diba?" Tanong nito. "Opo Mam..may ipapakuha po ba kayo?" "Oo sana eh..may inaabangan kasi akong tawag mula sa kliyente e baka masalisihan ako. Maaari mo ba akong ikuha ng mga cash transfer slips sa itaas? Mga apat na pads." Nakangiti nitong sabi. "Sige po Mam ako na po ang bahala." Magiliw akong sumagot at agad na umakyat sa itaas. Ngunit bago pa ako makaisang hakbang paakyat sa hagdan ay nabaling ang tingin ko sa babaeng kapapasok lang. "Good Morning Mam!" Malaki ang ngiti samukha ni Kuya Sam ng bumati dito. "Good Morning Kuya! Si Jake ba nakapasok na? " Si Sir Jacob pala ang hinahanap niya. Ang ganda naman niya. Parang angel yung mukha ang amo. Pero devilish yung kaseksihan. Sana all! Tumuloy na ako sa pag-akyat upang kunin ang supplies na ipinapakuha ni mam Jona. Palabas na ako ng pinto nang marinig ko na may nag-uusap sa labas. Matatagpuan kasi ang Supplies Room namin sa Employees pantry dito sa second floor ng branch. "I have something to tell you." Sambit ng babae. Ang lambing ng boses. "Oliver's back. And he..." "He proposed to you right? At tinanggap mo na yun." Putol ng kausap. At sigurado ako na boses yun ni Sir Jacob. Hindi kaya ang kausap niya ay ang babaeng dumating kanina? "H-how did you know?" Tanong ng babae. "I saw you. Nakita ko nung umalis ka sa apartment mo kaya sinundan kita. And to my surprise..nakipagkita ka sa kanya. And you accepted his proposal. Right Mikee?" Ah..siya pala yung  manager ng kabilang branch na sinasabi ni Sir Art na Chix. Yung type ni Sir Jacob. Tama nga sila..maganda at sexy nga siya. Kahit siguro ako kung lalaki, magkakagusto ako dito. "I'm sorry Jake.." may lungkot sa boses ni Mam Mikee. "Ang bilis naman Mikee...nagpropose ako sayo that night. But you rejected me. Tapos siya, two years...he was gone for Two F*ckin years, pero agad agad tinanggap mo siya ulit?!" Hindi ko alam kung anong meron, Pero ramdam ko sa boses ni Sir yung halong sakit at galit. "Jake..I didn't mean to hurt you. But I've been honest to you. You know It's him that I love." Kahit si Mam Mikee ay bakas sa boses na nasasaktan siya. Yung sakit dahil nasasaktan niya ang isang tao. "Mikee..iniwan ka niya!" Unti unti lumalakas ang boses ni Sir Jacob. "Jake..alam mong hindi totoo yan. I pushed him away." Si Mam Mikee ay nananatiling kalmado. "At bumalik siya kay Jenna..he could've stayed here and waited for you. Pero binitiwan mo lang siya, there he goes running back to her." Lumakas ang boses lalo ni Sir. Alam kong hindi tamang makinig ako sa pag-uusap nila. Pero hindi naman ako makalabas dahil ang intense na ng pinag-uusapan nila tapos biglang akong eeksena. Pero mas makakabuti siguro kung lalabas na lang ako para wala na din akong marinig pa. Masyadong personal ang pinag-uusapan nila. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang makarinig ako ng kalabog kasabay ng masamang salita galing kay sir. "Damn it!" Sa sobrang gulat ay natabig ko ang mga kahon sa gilid ko at nagbagsakan yun na gumawa ng malakas na ingay. "sinong nandyan?" Galit na singhal ni Sir Jake nang buksan niya ang pinto. "Si-sir ako po.." "Kanina ka pa ba dyan? Nakikinig ka ba sa amin?" Nakakatakot ang boses ni Sir. Hindi ako nakakibo sa sobrang nerbiyos. "Sumagot ka!"sigaw pa niyang muli. "Ma-may pinakuha po kasing supplies si Mam Jona. Lalabas na sana po ako k-kaso masinsinan po  yung usapan niyo kaya baka magulo ko po kayo kung lumabas pa ako dito." Paliwanag ko. Medyo nanginginig pa din ako satakot. "Nag-aalangan o nakikichismis ka?!" Agad kong iniling ang ulo ko dahil hindi naman totoo ang binibintang niya sa akin. "Jake..calm down." Hinawakan ni Mam Mikee ang braso nito upang huminahon. May effect pa din ang babae sa kanya dahil isang haplos lang nito ay agad na nanghina ang depensa niya. " Bumaba ka na Andrea!" Dali dali akong umalis. Jake's POV. Ilang araw akong nawalan ng ganang magtrabaho dahil sa nakita ko ng gabing iyon. Kakastart ko pa lang ng makina ng sasakyan ko nang makita ko ang kotse ni Mikee na tila nagmamadaling umalis. Saan kaya siya pupunta? Sinundan ko ito dahil nag-alala ako. Pero hindi ko alam na labis labis na sakit pala ang mararamdaman ko sa ginawa kong pagsunod sa kanya. Oliver's back. At sa takbo ng kaganapan ay mukhang nagpropose ito kay Mikee. Napatunayan ko yun when they kissed. Nadurog ang puso ko kaya wala akong ibang nagawa kundi umalis na lamang. Nagpakalasing ako ng gabing yun. Maging ng mga sumunod na dalawang araw. Hindi ako pumasok dahil wala sa isip ko at katawan ko ang trabaho. Nagdahilan na lang ako kay boss Mildred na may sakit ako at kailangang magpahinga. Pinagbigyan naman niya ako dahil kahit kailan ay hindi pa ako nag leave simula nung magstart akong magtrabaho dito. Maliban sa mga mandatory leave ay never pa akong nag avail ng vacation leave maging ng sick leave kahit pa may sakit naman talaga ako. Pero tignan mo nga naman. Kung anong iwas ko ay siya pang pagpunta niya sa akin. Ilang araw kong hindi sinagot ang mga tawag at texts niya. Gustong gusto ko siyang makita at yakapin pero  ngayon na nandito na siya sa harapan ko ay tripleng sakit pa pala ang idudulot nito. "Jake..can we talk?" Para saan? Alam ko naman na ang sasabihin mo. Ipapamukha mo pa ba sakin na isa akong talunan? "Ok. Dun tayo sa pantry sa taas." Tumayo ako at tinalikuran siya. Katulad ng inaasahan ay ang pagbabalikan nila ng Oliver na yun ang sadya niya sa akin. Alam ko na naman yun. Kaya nga miserable ako ngayon di ba. Napuno ako ng galit kaya hindi ko sinasadyang isuntok ang kamao ko sa lamesa kapag naaalala kong binalikan niya ang taong nanakit sa kanya. Oo nga't pinagtabuyan niya si Oliver dati. Pero anong ginawa ng lalaking yun? Binalikan niya si Jenna. Kung ako yun...hindi ko susukuan si Mikee. I will stay and do everything to win her back. Pero bakit si Mikee ang bilis niyang tinanggap ito? I stayed by her side for two f*ckin years. Pero si Oliver pa din ang pinili niya. At ang masakit..hindi naman talaga ako galit sa kanya. Galit ako sa sarili ko dahil sinabi ko sa sarili ko noon na anuman ang maging desisyon niya ay tatanggapin ko. Pero bakit ngayon ay nasasaktan ako. Biglang may ingay na nanggagaling sa supplies room. Pero paano? Imposibleng may makapasok na pusa doon at gumawa ng ingay. Nang buksan ko ito at si Andrea ang nakita ko. Siya na naman?! Hindi pa humuhupa ang inis ko sa kanya. Nalate ako sa date namin ng Mikee nung araw na yun dahil sa kapalpakn niya. Hindi ako usual na nagagalit sa mga tao ko pero I was so fed up for the whole situation that day. Nagkamali siya sa transaction, nalate ako sa date namin, at nareject ako! Kamalas na araw! Naisip ko na nagsimula ang kamalasan ko dahil sa kapalpakan niya. Sinigawan ko siya dahil mukhang nakikinig siya sa pinag-uusapan namin. Ayoko sa mga babaeng chismosa.  Pero isang haplos lang ni Mikee sa braso ko ay agad nanghina ang depensa ko. Pinilit kong magpakahinahon. Pinababa ko na si Andrea dahil baka ano pa ang masai ko nang hindi ko naman intensyon. Sobra lang talaga ang galit ko. "Jake.." "Pinili mo na siya Mikee. Ano pa ba ang gusto mong marinig sa akin?" Nakatakikod pa din ako sa kanya. "Jake..alam mo kung gaano ka kaimportante sa akin..we can still be friends right?" Friends? Hindi ko yun kaya. Makita nga lang kita gusto na kitang hagkan eh. Papayag ba ang magiging asawa mo dun? Napailing ako sa naisip ko. " Hindi na kita maihahatid. May kotse kang dala diba?o kaya magpasundo ka na lang  kanya." Tinalikuran ko na si Mikee at umalis. Naabutan ko sa first floor si Andrea na parang takot na takot pa din. Damn! Naiinis ako lalo. "Next time, don't eavesdrop on someone else's conversation. " Masungit na saad ko dito at lumabas na ng opisina. Narinig ko pang humikbi ang batang eto pero ayokong aluin siya. Andeng's POV "Ano bang nangyari?" Tanong ng mga kasamahan ko sa akin. Hindi ko napigilang maiyak sa sinabi ni Sir Jacob. "Hindi ko naman po talaga sinasadyang marinig yung usapan nila eh. Nagkataon lang na nandun ako at hindi makalabas.." tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinunasan nang bumaba mula sa second floor si Mam Mikee. "Uhm..hey..sorry about what happened earlier.. hindi galit si Jake sayo.." it's my fault. Nadamay ka lang. Nakakahiya dahil binigyan niya oa ako ng tissue oara punasan ang luha ko. Pagpapatahan niya sa akin. "Andrea right? So you're the new teller?" Tanong nito. Ang ganda niya lalo pag nakangiti "Andeng na lang po.." sagot ko naman. "I'm Mikee..Pagpasensyahan niyo na muna si Sir Jake niyo ha!  He's just...mad now. Pero kilala niyo naman yun. Natural na mabait ang boss niyo." paliwanag nito. Tumango lamang kami.  "I have to go back to my branch. It was nice meeting you Andeng. Bye guys!"  muli niya akong nginitian at nagpaalam na paalis. "Bye po Boss Mikee!" Paalam din namin. Maganda na mabait pa. Kaya pala ganun na lang ang tama sa kanya ng boss namin. Sabi ko sa isip ko. "OMG! Kaya naman pala warfreak si Sir Jake ngayon eh. tignan niyo to dali! " Bulalas ni Mam Lina. Ipinakita niya sa amin ang social media account ni mam Mikee at ayon dito engaged na siya at ikakasal na. Kitang kita ang saya sa mukha niya. Pero kung anong daya niya ay ganun din sigurong kalungkitan ang nararamdaman ng boss ko kaya ganun na lang siya kasungit ngayon. Pero tama naman si Mam Mikee. Hindi mo naman matuturuan ang puso. ++++++++++++++++++++++++++++++++++++ Now Playing: I Can't Make You Love Me by Dave Thomas Jr. "..Cause I can't make you love me if you don't You can't make your heart feel Somethin' that it won't And here in the dark, in these final hours I will lay down my heart And I will feel the power but you won't No you won't 'Cause I can't make you love me.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD