Harassed

1337 Words
Nang sumunod na araw ay naging tahimik na lamang ako. Si Sir Jacob naman ay nanatiling mailap at hindi pa din ako kinakausap. Nasanay na lang ako na walang sagot na natatanggap tuwing babatiin ko siya ng good morning sa umaga at magpapaalam ako tuwing mauuna na akong umuwi pagkatapos ng trabaho. Gusto ko pa sanang magsorry muli sa nangyari pero parang natatakot ako sa tuwing lalapit ako sa kanya. Hindi ko na din muna ipinilit na magpaliwanag dahil pakiramdam ko ay sa tuwing lalapit ako sa kanya ay umiinit ang ulo niya. Kaya mas pinili ko na lamang na manahimik. Less talk less mistakes. Lumipas ang dalawang buwan na naging ganito lang ang working relationship namin ng boss ko. Ang pinangangamba ko lang ay contractual pa lang ako dito. Paano kaya ako mareregular kung bad trip sa akin ang boss ko? Baka hindi niya ako irecommend para maging permanente sa trabaho. Pero sana naman ay hindi niya personalin. Kaya kahit ganito siya, pinapakita ko na pursigido ako sa trabaho. May mga nakapalagayan na din akong kliyente niya at nagamay ko na din ang trabaho ko. Hindi na ako nagkakamali at mabilis ding natatapos ang mga inuutos nito. "Hi Mr. Arevalo!" Bati ni Mam Jona sa kakapasok pa lang na isang lalaki. Naka americana ito at mukhang may edad na. Halos patapos na din ang banking hours. Late na akong makakapaglunch dahil sobranglg dami ng taong nagtatransact kanina. Hindi ko naman maiwang mag-isa si Jackie dahil mas matatagalan kaming matapos kung isa lang ang maiiwang teller sa counter. Hindi pa din naman ako ganun kagutom dahil madami akong nakain na almusal kaninang umaga. Kaya nang humupa na ang tao ay sinabihan na ako ni Jackie na maaari na akong umakyat para makakain na. "Hi Jona! Nasan si Jacob?" Tanong nito. Sakto na papunta na ako sa pantry para maglunch break kaya napadaan ako sa harapan ng bagong dating na lalaki. Nakita ko kung paano niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "May pinuntahan po siyang kliyente sir eh. Alam po ba niya na papasyal kayo ngayon.?" "Ah hindi. Napadaan lang talaga ako dahil may inasikaso ako malapit dito." Sagot nito sa tanong ni Mam Jona na hindi nag-aalis ng tingin sa akin. "Sir  siya po si Andeng bago naming teller. Nagresign na po kasi si Alice." Pakilala ni Mam Jona nang mapansin din niya ang pagsuri sa akin nito. "Good afternoon po sir. Mam lunch na po ako mam." "Sige Andeng." Tumango na lamang ako sa matandang lalaki bilang pasintabi na aalis na ako. "Hindi ko pa nakakalahati ang baon kong kanin at adobo nang napansin ko ang matandang lalaki kanina na nasa pinto ng pantry. " May hinahanap po kayo sir?" Tanong ko dito nang makita kong nakatingin siya sa akin. "San yung CR? May tao kasi sa cr sa baba eh." Hindi ko sigurado kung malabo na ba ang mata niya dahil nauna naman ang cr bago ang pantry at meron namang signage iyon. Pero para ma-assist na lang siya ay tumayo ako at iginaya siya papunta sa CR. "This way..Sir!" Napasigaw ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng matandang ito sa aking pang-upo. Pag lingon ko ay nakangisi ito at napatunayan ko na sinadya niya na hipuan ako. "Alam mo Miss ang ganda at ang sexy mo. Baka kailangan mo ng dagdag na allowance..hindi mo naitatanong e valued client ako dito. Ibig sabihin madami akong pera." Kinikilabutan ako sa sinasabi ng matandang ito. "Sorry po pero hindi po ako ganun!" Matapang na sagot ko sakanya. "Sus pakipot ka pa!" Akmang lalapit pa ito sa akin nang hindi na ako makapagpigil. Pak! Sobrang lakas siguro ng pagkakasampal ko kaya maging ang kamay ko ay nanakit at namula nang mailapat ko ang palad ko sa makapal na mukha ng lalaking ito. "Aba't! Makakarating ito sa boss mo!" Dali daling bumaba ang lalaki. Narinig ko pang bumulyaw ito kay Mam Jona. Malamang ay isusumbong ako niyo kay sir Jacob pero siguro naman ay maiintindihan ako nito kapag nalaman niya ang kabastusa ng matanda.  Ayoko na din munang isipin. Mas nangingibabaw sa akin ang takot sa ginawa ng matanda akin. Maya-maya pa ay umakyat na si Mam Jona at ang iba ko pang kasamahan para alamin ang nangyari. Ipinaliwanag ko sa kanila at naniwala naman sila sa akin. May pagka maniac daw talaga ang matandang iyon. Kaya kapag dumarating iyo ay umiiwas sila hangga't maaari dahil sa ugali nito. Nagkataon nga lang na isa ito sa mga malalaking kliyente kaya kahit papaano ay  pinakikibagayan na lang nila ito basta huwag lang silang babastusin. Natiyempuhan pa talaga ako. "Jona! Anong nangyari?! Bakit galit na galit si Mr. Arevalo?!. Ang sabi niya binastos daw siya dito. Ipupull out na nila lahat ng account!" Galit na galit si Sir Jacob nang dumating siya sa branch. Malamang ano pa ba ang ineexpect ko. "Sir kasi po..." Hindi ko na pinatapos si Mam Jona. Alam kong ako dapat ang magpaliwanag ng nangyari. "Sir..ako po ang magpapaliwanag. Nasampal ko po siya dahil.." "What?! You slapped him?! Huh...alam mo ba kung sino yun? Importanteng kliyente yun Andrea! Isang account lang ang tanggalin nun ay babagsak ang deposit level ng branch natin! How could you?! Wala ka bang ibang alam gawin kundi mabigay ng sakit ng ulo sa akin?!" Parang sinaksak naman ako sa mga sinabi ni Sir Jacob. Hindi oa nga niya alam ang buong pangyayari eh ako na agad ang sinisisi niya. "Sir! Bakit po ba galit na galit kayo sa akin? Sana man lang po pakinggan ninyo ang paliwanag ko! Bastos po ang matandnag yun!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga sinasbai niya. "Pasensya na po sir..pero pagod na po ako. Pwede na po ba akong umuwi? Tapos na po ang office hours. Mukhang hindi niyo rin naman po pakikinggan ang side ko!" "Mabuti pa nga Andrea. Umuwi ka na muna." Itinuro pa niya ang pintuan. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nasigawan ng ganun. Bakit ba sakin siya galit na galit.l? Alam ba niya ang buong nangyari? Dali dali na akong umalis at pinunas ang mga luhang pumatak habang pinapagalitan ako ng boss ko. Habang naglalakad ay saka ko nag-isip-isip. Mukhang hindi na ako magtatagal na trabahong ito. Bukod sa malamang ay hindi na ako ipermanent ni Sir Jacob dahil sa pagsagot ko at samga problemang ibinibigay ko daw sa kanya, e baka hindi ko na din matagalan ang ugali niya. Hindi ko makita ang mabait na boss na pilit sinasabi sa akin nila Mam Jona. Sayang at nag-eenjoy pa naman ako sa trabaho ko. Jacob' POV "Siya pa ang may ganang sumagot sa akin, siya na nga itong may kasalanan.." nagpupuyos pa din ako sa galit. Napakalaking account ang hawak ni Mr. Arevalo. Kapag tinuloy nito ang banta niyang magpull out ay siguradong babagsak ang deposit level ng branch ko. Kalahatian na ng taon at mahihirapan akong bunuin ito bago mag year end. "Sir Jake..sorry po ha..pero sana man lang pinakinggan niyo si Andeng..hindi naman niya kasalanan ang nangyari." Ani Jona. "Jona..alam mo naman kung gaano kaimportante ang account na yun.." "I know Sir..kaso po...kasi... Binastos po ni Mr. Arevalo si Andeng. Hinipuan po siya sa pantry sa taas. Mabuti na nga lang po at hindi nagpasindak si Andeng eh. Kaya po niya nasampal yung matandang manyak na yun. Kung gusto niyo sir ireview nyo pa po sa cctv. Makikita niyo po dun ang nangyari." Nakuyom ko ang palad ko nang makita ko sa cctv ang buong pangyayari. Tila kinain din ako ng guilt sa ginawa kong pagbulyaw kay Andrea. Hindi ko man lang pinakinggan ang side niya. Actually hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ko sa kanya. Hindi naman ako ganito. Sa ilang taon ko dito sa bangko ay naging maayos ang samahan namin ng mga staff ko. Lagi kaming masaya at walang naging issue tungkol sa ugali ng isa't isa. Siguro dahil sa stress ko at sobrang kalungkutan sa kinahinatnan namin ni Mikee ay naibubuntong ko kay Andrea ang frustration ko. Ang tanga tanga ko. Wala akong kwentang boss na hindi ko na nga naipagtanggol ang tao ko ay pinagalitan ko pa ng wala sa lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD