Chapter 02

1143 Words
Napadaan ako sa isang gotohan, gabi na at marami rami ng tao ang pumapasok sa paborito kong gotohan. Sakto naman na tumunog ang tiyan ko, ibig sabihin. gutom na naman ang mga alaga ko! Overtime na naman ako dahil sa dami ng kelangang tapusin. Pumasok ako sa gotohan at omorder ng isang goto at softdrinks. Di naman ako pinaghintay ng matagal ni kuya. Kaya pabalik balik ako rito, bukod kasi sa masarap amg goto rito, ang bilis la ng service hindi ka mamamatay sa gutom sa kakahintay ng order mo. Busy ako sa pagkain ng may isang lalaking biglang pumasok. Pag angat ko ng tingin si sir. Si sir Ryland. Di ko alam na pumapasok pala siya sa ganitong klase ng lugar. Like hello? Tingnan mo naman ang outfit niya. Yayamanin. Nakapang opisina pa siya. Dinaanan nya lang ako. Pake ko din ba. Nagpatuloy ako sa pagkain dahil mukhang hindi naman niya ako napansin. Kibit balikat kong itinuloy ang pagkain. Maya-maya lang, nahinto ako sa pagsubo ng goto dahil may huminto mismo sa gilid ko. Mula sa mamahalin niyang sapatos umangat ang tingin ko hanggang sa nagtagpo ang mga mata naming dalawa. "Pwede bang makishare miss Gonzales?" imbis na kumontra eh hinayaan ko nalang syang umopo sa katapat kong upuan. Bakante naman kasi talaga, isa pa, mukhang ako lang ang nakikilala niya rito. "So tell me, Ms. Gonzales Kumakain ka pala ng ganito?!" he asked me out of the blue. Siya pa talaga ang nagtanong sakin ng ganun? "Sir, sa 'ting dalawa ikaw 'tong mayaman, ako dapat ang magtanong sayo nyan kumakain po pala kayo ng goto?" pabalik na tanong ko sa kanya. Hinintay ko ang sagot niya, pero nakaramdam lang ako ng inis ng sumubo siya ng goto. Wala rin sa itsura niya ang magkainteres sa tanong ko. "Well lagi ako dito pag late ako umuuwi, pero di ko alam na dito ka rin kumakain," sabi niya saka sumubo ulit. "Ginutom ako sa amoy sir eh" saad ko lang at sumubo ulit."Minsan lang din ako mapadpad dito sir, ngayon nga lang din ako nakabalik," "Don't call me sir, wala tayo sa opisina we're in a public place so you can call me Ry" he said. Ang humble ni sir. Napakabaritono din pala ng boses ni Sir kung di lang ako broken ngayon malamang inakit ko na 'to echoss.. "Nasanay lang po." nahihiya kong ani. Muli kaming sinakop ng katahimikan. Wala na kasi akong maisip na topic na pwede naming pag usapan. "Anyway may tanong ako sayu, I've seen your co-workers are talking something behind you alam mo ba 'yun?" he said without looking at me. Sandali akong tumigil sa pagkain at tiningnan siya ng maigi. hindi siya 'yung tipo ng taong inetresado sa mga walang kwentang bagay. "Yes sir. Alam ko naman yun. I dont actually waste my time, wala naman kasi akong mapapala sa kanila," "And I heard that Drew broke up with you?" napatingin ako sa kanya ng itanong nya yun. pati 'yung issue na 'yon alam niya? "Pano nyu po nalaman?" takang tanong ko sa kanya. "I'm the CEO remember? I have ears and eyes sa saan mang sulok ng kompanya ko." napalunok ako. oo nga naman. "Sir I think we're talking personal life sa akin na po yun" naiilang kong saad kay Sir. "We're outside of the company so pwede akong magtanong." "Sir, di ko alam na chismoso pala kayo" sabi ko sa kanya saka sumobo ng goto. Napahinto ako ng bigla na lang siyang tumawa ng mahina. Oh s**t! Ang gwapo ni sir ngumiti. "Why are you staring at me Ms. Gonzales?" tanong niya at nahinto sa pagsubo sana ng goto "Sir ang gwapo n'yo pala ngumiti?" sabi ko at ngayun ko lang narealize yung sinabi ko! shook ang daldal eh. Biglang nag bago ang ekspresyon nya. Kanina lang ngumiti sya pero ngayun ba't parang galit sya? "Dont look back" mautoridad nyang saad sakin. Pero dahil sabi niya wag ako lumingon sa likod, napalingon ako sa likod ko ang there! I saw Drew and his current girlfriend Yvette. Agad naman akong lumingon kay sir ngayun naman walang ekpresyon ang mukha nya. Ang bilis niyang magbago ng emosyon ah, robot ba 'tong si sir? "Ms. Gonzales I think we're done here I want you to move on , di mo deserve ang kagaya niya" he said without looking at me at naglagay lang ng tip sa mesa. "Come with me" saad niya sakto namang natapos kong isubo yung huling kutsara ng goto. Agad akong tumayo at sumunod sa kanya. Nagkasalubong kami nina Drew Hindi ako tumingin sa kanya I mean sa kanilang dalaw. "Good evening sir, ano po ginagawa nyo rito?" tanong ni Drew kay sir Ry. Napansin kong tumingin sya sakin. "At kasama nyo pa si Driana. Are you two dating?" sabi niya saka nagsmirk napairap nalang ako sa tinuran niya. He smirk kala mo naman kung sino. Tsk! Pero ang sakit ha! sa inaasta nya akala mo eh ikinagwapo na niya. "Yes I'm with her, may problema ba tayo dun Mr. Alonzo?" he said . "Nothing, I just want to warn you about her, manloloko yan" he said pagtingin ko sa kanya bakas yung galit sa mga mata nya. Pinaniwalaan nga nya ang iba kesa sakin. tss... "Mr. Alonzo I wish you happiness with the one you choose but telling me negative about Ms. Gonzales ay wala akong pakialam and I believe her" pagkasabing yun ni sir halos maluwa ang mata ko. Like seriously? Hinila ako ni sir saka niya ako pinapasok sa kotse nya, pero pano naman yung kotse ko! "Leave your car, ipapakuha ko yan sa driver ko, ako na ang maghahatid sayo pauwi. And I want to talk to you" utos niya wala na akong nagawa di na ako nagprotesta. Wala rin naman akong mahanap na dahilan para magprotesta pa. Pagkapasok ni sir ay agad niyang pinaandar ang kotse. Lumingon muna ako sa gotohan. Kitang kita ko yung saya ni Drew sa iba. Naniwala nga sya sa sinabi nina Yvette. Ang gago niya talaga. Ang bilis niyang maniwala ni hindi man lang niya sinubukang pakinggan ang side ko. Agad agad siyang nagdesisyon. O baka naman kasi matagal na sila ni Yvette at naghanap lang siya ng rason para maghiwalay kami. In all fairness ang bobo niya. Hindi niya ba alam ang salitang 'There are two sides of story?' O baka naman wala talaga siyang utak at di niya alam yun. Ewan pero wala akong maramdaman kundi Galit dahil di niya ako pinakinggan at awa dahil di niya alam ang ginagawa niya. Basta ano man ang mangyari sa kanya o sa kanilang dalawa labas na ako. Masyado nang masakit sa mata sa tuwing naglalampungan sila sa harap ko araw araw. Dagdagan pa niya ng mga pang iinsultong wala namang basehan. Ang babaw niya! At naiinis ako sa kanya! --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD