Chapter 03

1083 Words
Dinala ako ni Sir sa isang bar kagabi pero nasa isang private room kami, kami lang dalawa. Pero hala! Wag kayong dirty minded ha? Di ko pa naisuko ang bataan no! Wala pa akong plano. Nag usap lang kami, to ease up all the things gusto nya raw maging relax ang utak ko. Hindi ko alam kung bakit naisip niya ang bagay na iyon. Pero natutuwa ako sa ginawa niya. Kahit pa wala naman akong makitang dahilan para gawin niya ang bagay na ito. Kwentuhan lang ng kwentuhan ang ginawa namin. Wala namang hard drinks na inorder si Sir, ladies drink na hindi nakakalasing yung kinuha ni sir Ry para sakin kagabi. Kung malandi lang ako, malamang kinilig na ako sa gesture niya'ng 'yun. At akalain n'yo yon may nakatagong ugali pala si sir na matagal ng nakabaon. Knowing na nasanay ako na parang lagi siyang wala sa mood araw araw. Ang seryuso niya kasi. Ni hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti sa loob ng opisina e. Three years na akong nagtatrabaho sa kompanya ni sir pero ni minsan hindi ko sya nakitang ngumiti kahit success o umabot kami sa mga deadlines. Kagabi panay ang tawa naming dalawa parang walang bukas, we both make random conversations, may kanya kanya kaming tanong tapos masaya naming sinasagot. Natuwa pa nga si mama ng makita n'yang hinatid ako ni sir kagabi. Di bale na daw na wala yung kotse basta makauwi raw ako ng buhay. Hindi niya rin inasahan na boss ko pa ang maghahatid sa akin pauwi. Tuwang tuwa siya, kaya naman imbes na makauwi agad ay inimbitahan pa ni Mama na pumasok, pero tinanggihan ni Sir. Malalim na kasi ang gabi at mahaba pa ang byahe pauwi. Kaya no choice si Mama kundi ang hayaan na lang si Sir. -- Kinabukasan maaga akong nagising. Hindi naman ako nalasing kagabi kaya hindi sumasakit ang ulo ko ng magising ako. Ang lawak pa nga ng ngiti ko habang naghahanda sa pagpasok e. Pumasok ako sa pinagtatrabahuan ko. Uupo pa lang sana ako ng bigla akong hilahin ni Yvette "Aray! Ano bang problema mo!?" Tanong ko sa kanya. Manghila ba naman. Ano bang problema ng babaeng 'to sakin? Di pa ba sapat sa kanyang naghiwalay na kami ni Drew, at dahil din yun sa kanya bwesit s'ya ah! Konti nalang talaga't ipapalapa ko sya sa tigre ng manila zoo! "Tell me what did you do to get the promotion? Nilandi mo si sir no?! Knowing you, isa kang malaking higad!" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at parang diring diri pa. Dahil sa inis ko, di ako nakapagtimpi at talagang biglang dumapo yung suntok ko sa pagmumukha nya. At kaya naman ayun nakahandusay sa sahig. Promotion?! Paano naman ako ma popromote bwesit! "Bwesit! Bago mo ko husgahan siguraduhin mo munang malinis ka kung ayaw mong pati sipa eh lumanding dyan sa pagmumukha mo!" Ke aga aga nambubwesit eh . Makapanghusga kala mo naman sobrang linis tsk! Biglang dumating si Drew at inalalayan si Yvette para makatayo ito. Tsk bagay nga sila mga bwesit! "Anong nangyari?" tanong ni Drew at sinamaan ako ng tingin "Ayusin mo yan tingin mo, wala akong utang sayo Mr. Alonzo!" sabi ko, yung ibang ka trabaho namin pinagtitinginan na kami. Si ata nila alam na nag aral ako ng Judo nung highschool pero syempre charot lang. "Anong walang utang tandaan mo ikaw ang unang nagloko!" galit nyang saad sakin. Bobo talaga paniwalang paniwala naman ang hinayupak "Labas ka sa away namin n'yang girlfriend mong pinaglihi sa isda sa tindi ng lansa. Umayos kayo nanahimik ako dito! Isa pa ang bobo alam mo 'yun? naniwala ka agad sa sinasabi nila." sabi ko lang at tinalikuran sila, umopo ulit ako sa pwesto ko. Mga bwesit panira ng araw eh. Landiin daw eh sya naman tung maraming lalaki. Pinapahid pa niya sakin lahat ng kababuyan nya sa katawan. Kadiri! ---- After lunch, Pinatawag ako sa opisina ni sir. nasa akin lahat ng mata habang binabaybay ko ang daan patungo sa opisina ni Sir. Pero napahinto rin ng mapansin ko ang mga nakaipong gamit sa ibabaw ng lamesa ni Mrs. Rosario. Ang Secretary ni Sir na matagal ng naninilbihan sa kanya. "Bakit nyo po iniipon lahat ng gamit nyo maam magreresign po ba kayo?" Tanong ko sa kanya tumango lang sya bilang sagot habang abala siya sa pagkuha ng mga gamit na nasa ilalim ng kanyang mesa. "Ms. Gonzales ikaw na ang papalit sa kin simula bukas, tatapusin ko lang ngayun yung duty ko, nililigpit ko na 'to ng sa ganun pag uwi mamaya di na ako mahirapan pa" nginitian niya ako. "Hala ba't ho kayu magreresign?" tanong ko sa kanya. Pero di niya sinagot ang tanong ko, imbes ay nginitian lang ako. "Pumasok ka na dun , tawag ka ni sir" yun lang ang sinabi niya di niya sinagot yung tanong ko. Di ko nalang pinilit si Mrs. Rosario. Si Mrs. Rosario ang pinakamatagal na naninilbihan sa kompanyang ito at siya din ang nagmistulang second mother ko. Sa kanya ako humihinge ng mga advice nung bago palang ako dito. Sayang at di ko na siya makikita dito simula bukas. Pumasok na ako sa opisina ni sir. Nakaharap sya sa bintana. Mukhang malalim pa ang iniisip niya. "Sir pinatawag nyu raw po ako?" tanong ko kay sir kahit nakatalikod sya sakin "Ah yes, I would like to tell you that your going to be Mrs. Rosario's replacement , gusto na raw magpahinga ni Mrs. Rosario and she refer you as her replacement, good record ka daw kasi so, after I scanned all your record Mrs. Rosario is right" walang prenong saad ni sir di ba sya hinihingal nun? "A-ah po?" yun lang tanging sagot ko . Ako magiging secretary? 'siguro ito yung dahilan ng pagputok ng butsi ni yvette' Kaya pala. "In short Ms.Gonzales you are promoted to be my secretary, at simulan muna bukas you can leave" yun lang at wala man lang preno preno . Ako na man di parin mag sink in sakin. Walang anu ay lumabas ako ng opisina ni Sir na loading ang utak. Bumalik pa rin ako sa table ko na lutang. Ako?! Secretary!? Talaga!? Nang mag sink in na sakin yung sinabi ni sir. Bigla akong sumigaw. At ng marealize kong nasa trabaho pala ako , nakatingin silang lahat sakin. Kaya umakto nalang akong umiinat saka nag peace sign at muling umupo. gosh! promoted ako! ililibre ko si Cris mamaya pag uwi! --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD