bc

Magkabilang Mundo

book_age16+
377
FOLLOW
1.6K
READ
fated
friends to lovers
drama
sweet
bxb
mxb
bisexual
lighthearted
coming of age
mxm
like
intro-logo
Blurb

Hesiod is an ordinary guy who studies and lives in a normal city. Seb, a half-Spanish elite from a big city. What happens if fate let them meet. Will their social status be a hindrance or a way for them to be in love?

chap-preview
Free preview
Capítulo Uno: Frío y Amargo
[CHAPTER ONE: Cold and Bitter] Baguio City... kilala bilang Summer Capital of the Philippines at City of Pines. Night market sa Harrison Road tuwing gabi. Walang sawang paglalakad sa Session Road at pamamasyal sa Burnham Park. Ilang beses ko na ring nalakad ang mga lugar na to. At bakit hindi? Dito ako tumira at nagka-isip. Isa lang akong simpleng tao, sa sobrang kasimplehan ay hindi ako napapansin. Yung tipong hindi pinag-uusapan bagkus ay nasa isang gilid lang. Kung nasa kolehiyo ka. Tatlo lang ang posibleng Unibersidad na mababanggit ng mga tao kung huhulaan nila kung saan ka nag-aaral. 1. Saint Louis University. 2. University of the Cordilleras. 3. University of Baguio. Tatlong unibersidad na tawag nila ay Big Three. Ngunit napakarami pang unibersidad sa Baguio tulad ng Baguio Central University, National University Baguio, University of the Philippines Baguio, Philippine Women's University Baguio Campus at iba pa. Kung tatanungin kung saan ako nag-aaral. Wala sa nabanggit. Dahil anim na kilometro ang layo mula sa Puso ng Baguio ang unibersidad kung saan ako nag-aaral. Kailangan mo munang pumunta ng paradahan ng jeep patungong La Trinidad, Benguet para makarating dun. Kung gagamitin mo ang google map, makikita mo ang Benguet State University. Bakit dito ka napiling mag-aral? Dahil praktikal lang ang buhay. Per sem ay limang libo lang ang aking binabayaran. Given na yan sa mga iskolar ng bayan. Sa mga ganitong klaseng Unibersidad. Hindi ibang institusyon ang iyong kalaban, kundi ang sarili mo sa pilit na pagkuha ng mataas na marka. Simple lang ang mga tao. Laid back lang ang buhay. Kung ang mga estudyante ng mga nasa mismong Baguio ay nabubuhay sa pag-akyat ng hagdan patungo sa kani-kanilang lec room; kami naman ay nabubuhay sa paglalakad ng malayo. Yung tipong nasa Kilometer 5 yung College mo pagkatapos yung susunod mong lecture room ay nasa Kilometer six. Lalakarin namin yun sa loob ng labing-limang minuto. Kung medyo mayaman ka, magjeep ka at naroon ka na ng tatlong minuto. Umaabot ba kami sa oras? Oo kung hindi pa kami manghuhuli ng mga tutubi sa daan o parang mamasyal na nasa park. Sa una, nakakapagod pero nasanay na ako. Ako nga pala si Hesiod Cruz, Junior ng College of Arts and Sciences. Naniniwala sa true love at sa wagas na pag-ibig. No lover since birth. Discreet dahil minsan pag nalaman ng iba... Tatapunan ka at tatapunan ka ng lecture tungkol sa heaven and hell at "according to the book of ......" Naalala ko pa nga nung high school ako, pumunta kami sa Baguio Convention Center at nanood ng isang palabas tungkol sa pagpunta sa Heaven. May isang parte na tungkol sa Third s*x. Merong isa na "nagpakalalake" dahil hindi raw naaayon sa mata ng Dyos. Nagpakalalake raw yung isa at yung hindi.. You guessed right. Hinatak ng demonyo sa impyerno ang piniling maging bakla, bading, gay o kung ano pa man... Wala pa yung so-called judgement day, nahusgahan na ako at ang mga kalahi ko. Tsk, tsk, tsk. Ano nga bang mas masama? Ang maging kabilang sa LGBT Community o ang turuan ang ibang tao at mga anak mo to judge and curse people who in fact, are not doing anything. Ayon nga kay Pope Francis, "If a man is gay and seeks the will of God, who am I to judge him?" Kasalukuyan akong nakaupo sa Shimumura Park; ang park sa harap ng College namin kabilang ang ilang estudyante na may sari-sariling mundo. Katabi ko si Jared Laxamana ang aking bespren at kablockmate. Nakaugalian na naming tignan ang mga tao sa paligid at bigyan ng rate ayon sa porma at mukha kahit na halos lahat ng estudyante ay pare-pareho ang fashion sense. "Hay naku bespren. Kailangan mo nang lumablayf" ang komento ni Jared habang nakatingin sa isang estudyante. "7" "Bakit naman?" ang tanong ko sabay tingin din sa estudyanteng tinititigan niya. "7" "Ang stiff mo kasi at tsaka napakaKillJoy mo pa" ang tugon niya lumipat ang tingin niya sa ibang estudyante. "Shocks! 9 lang, masyadong singkit" Sumunod naman ako ng tingin at nakita ang mukhang hapon na estudyante and he's hot. "10" "Sa itsura kong to? May papatol pa kaya sa akin?" ang tanong ko sabay bigay ng rate sa isa pang estudyante. "Ano ka ba naman bespren? Siyempre meron" si Jared. "Pag pumikit sila" "Grabe, nakaka-inspire" ang pagiging sarcastic ko. "Ikaw na ang may lablayf at ako pinapakealaman mo." "Di ba nga, dream mo ang maglakad ng Session Road kasama ang taong espesyal sa buhay mo?" ang tanong niya. "Naroon lang ang Session Road. I'm not rushing" ang paliwanag ko. "Oo nga, malay mo mag-iba ng pangalan, maging Hesiod Road. Wasak ang pangarap." "Magbago man ng pangalan, ganun pa rin ang pangarap ko." ang pagtatama ko. "Ikaw bahala" ang sabi niya bago simulang basahin ang librong hineram niya sa fiction area ng University Library. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang lecture notes ko na pinaphotocopy ko sa labas. Medyo malabo dahil liquid xerox machine pa ang gamit ng nag-iisang photocopy shop na bukas na nang alasais ng umaga. "Pero sana naman, maranasan kong maging espesyal kahit na ganito lang ako" ang sabi ko habang nakatitig lang sa isang salita sa notes ko; RELATIONSHIP. "I'm not rushing pero nakakatakot maghintay na may madapa sa buhay pag-ibig ko" "Bespren, special ka naman eh" ang pagtatama niya sa akin. Napatingin ako sa book cover ng binabasa niya. The Alchemist ni Paulo Coellho. "Kaya nga inaalagaan kita" "Jared Laxamana, tigil-tigilan mo ako sa pangangalaska mo. Anong akala mo sa akin? Special child?" "Relax ka lang, bespren. Wag mong ipasa sa akina ng kawalan mo ng love life" ang komento niya. "Alam mo, I'm starting to hate you" ang tugon ko. "I love you, bespren" ang huli niyang sinabi bago kami tuluyang nanahimik. Nang mapagod ang aking mga mata ay napatingin ako sa paligid. Nasa silong ako ng kung ano mang puno kaya naman hindi ako tinatamaan ng sikat ng araw. Sa kaliwa ay ang gazebo samantalang sa kanan ay angil isang monumento ng isang logo isang association. Sa harap ay hilera ng mga kotse ng mga Professor at ilang estudyante. Nakakapresko ang damuhang kinauupan namin. Napatingin ako sa grupo ng makahiya sa tabi ko. I reached for them and the leaves gently closed their leaves.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.2K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

My Favorite Subject

read
218.6K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook