Capítulo Dos: Caliente y Dulce

982 Words
[CHAPTER TWO: Hot and Sweet] Everything is in a rush. Gabi na ngunit mainit pa rin ang aking pakiramdam. Nasa loob pa rin ako ng sports car ko at pilit na nagpapakalma. Hindi na ako baguhan sa mga ganitong klaseng karera ngunit kahit paano ay nakakaramdam pa rin ako ng kaba. Natigilan ako nang may kumatok sa bintana ko. Kaagad ko naman yung binuksan ang tumambad ang isang magandang babae. "Good luck, cutie" ang sabi niya. Napangiti naman ako and seductively looked at her "Hindi ko na kailangan ng swerte, Missy" ang tugon ko. "I'll see you later then" ang sabi niya bago umalis. Lumingon siya sa akin at kumindat. Ngumiti ako pabalik. Lumapit sa kotse ko si Onyx. Ang bestfriend ko simula ng pagkabata. "What's up, bro?" ang tanong ko. "The ladies love you" ang tugon niya. Halatang walang interes. "Di bale, bigyan kita mamaya" ang tugon ko. "I know exactly what and who you want" ang komento niya sabay tingin sa isang banda. I followed his gaze.... Si Brent. "You've been eyeing for him for too long now, Seb" "And still so hard get" ang pagpapatuloy ko. "H, magsisimula na ang karera" ang tawag ng isang organizer. "Coming!" ang sigaw ko. "I'll see you later, Onyx" "Later" ang tugon niya bago ko isara ang bintana. Pinewesto ko ang kotse ko sa simula ng karera. Napatingin ako sa kalaban ko. Si Mike, ang best drifter ng University na pinasukan niya. Nakahanda ang babaeng nasa harap na siyang maghuhudyat ng sulimula ng karera. I watched her raise a white handkerchief. The two cars started to growl like hungry lions earning to hunt and catch their prey. She dropped the handkerchief and the race started. Matulin ang takbo ko. Everything is a blur. Sa una ay nasa likod ako ni Mike ngunit bumaliktad ang sitwasyon pagkatapos ng ilang minuto. Pinagpapawisan na ako sa adrenaline na binibigay sa akin ng pagdradrag race. Ito lang siguro ang nakasanayan ko, ang paspasan at mabilisan. Mabilis kong nakukuha ang mga gusto ko at mabilis ko ring napagsasawaan. Bakit hindi? Ako si Hugo Sebastian Ollero o H sa mga nakakakilala sa akin at Seb naman sa mga malapit sa akin tulad ni Onyx. Wala sa akin ang mga babaeng umiyak at mga lalakeng nasaktan ko. Everyone knows about my s****l orientation. Kung may problema sila tungkol doon, wala naman akong .pakialam. Dikit na dikit na ang laban. Halos magkapantay na ang mga kotse namin. Malapit na kami sa finish line. Hindi ako magpapatalo ng ganun-ganun. Tinodo ko na ang pagtapak sa accelerator. Pagkatapos ng ilang sandali ay tapos na ang karera. Halos sabay kaming bumaba ni Mike galing sa aming mga kotse. Linapitan ako ng madla. "You did it, Seb!" ang masayang anunsyo ni Onyx. "Tinalo mo si Mike! Yeah, boy!" High five doon. High five dito. Next stop. Greenbrier University versus Richmond University: Underground Drag Racing. "RU! RU! RU!" ang cheer ng mga tao sa paligid ko. "H, may house party sa malapit lang. Tara" ang sabi ni Chad. Kaagad naman akong pumayag. "Teka lang, wala tayong invitation paano tayo makakapasok?" ang tanong ni Onyx. "Loosen up, bro." ang komento ko. "Kami na ang bahala" Kaagad naman akong sumakay sa kotse ko. Sumakay naman si Onyx sa passenger's seat. Sinundan namin ang kotse ni Chad. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating kamin sa pinagdadausan ng party. Nakahilera na ang mga kotse at naririnig na namin ang music. Dingdong. Dingdong. May nagbukas ng pinto. "Yes?" ang kaagad niyang tanong. "Si Clara? Kapatid niya ako" "Clara!" ang pagtawag niya. "Hinahanap ka ng kapatid mo" Lumaoit naman si Clara. "Teka, wala naman akong.... H?" "Sis!" ang tawag ko sa kanya sabay yakap. At kaagad pumasok ng bahay. "Sis!" si Chad sabay yakap din kay Clara bago pumasok ng bahay. "Sis!" si Onyx din at tulad namin ay pumasok ng bahay. Hindi naman nagtaka ang mga tao doon sa biglaang pagpasok ng sampung lalake. "Guys, let's spice up this party" ang anunsyo ko bago kami tuluyang msghiwa-hiwalay. Nagtungo kami ni chad sa pool area at kaagad naghalo ng sandamakmak na sabon sa pool na pilit naming pinabula hanggang sa matakpan ang buong pool. Nang matapos ay nagtulak kami ng ilang tao sa pool. Biglang nag-iba ang tumutugtog na music. From a boring champagne party comes a wild one and Onyx is truly working on the music. Kaagad ko namang hinubad ang Tshirt ko sabay talon sa pool. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig na siyang pumawi sa init na kanina ko pa nararamdaman dala ng pangangarera. Hinayaan ko lang ang sarili ko sa tubig. I'm carefree. And I'm happy with my life. Umahon ako ng pool nang hindi ko na kaya ang hindi huminga sa ilalim ng tubig. Minsan nga nararamdaman ko o kaya ay naiisip na para akong ang tubig sa pool. Walang may gustong magpa-anod sa akin at kaagad umaahon sa tuwing nasasakal sila sa akin. Marami akong kaibigan ngunit iilan lang ang nagsisilbing tunay. Ganito na lang ang buhay ko? Ang hindi seryosohin at hindi magseryoso. Nakakasawa na. "How dare you ruin this party?!!!!!!" ang galit na tanong ng kung sino man. Tumigil ang magandang tugtugin. "Out! Out!" Kinuha ko naman ang shirt ko at pinunasan ang aking katawan. Nang matapos ay sinabit ko yun sa balikat ko. "Missy, relax ka lang" ang payo ko. "We'll go" "Thanks a lot!" "Anytime" ang tugon ko sabay ngiti. Naglakad na ako palayo. My friends joined me. Nagtawanan naman kami ng lumabas kami ng bahay. "H, look what we found" si Chad. Napatingin naman ako. Twelve bottles of champagne. "Nice!" ang komento ko. "I'll keep one for Kuya." Sumakay ulit kami ng aming kanya-kanyang kotse at nagpunta sa isang bakanteng lote. Sinimulan naming laklakin ang nakuha naming champagne sa party ng hindi naman namin kilala. "Let's have a toast, gentlemen" si Onyx. "For Richmond University and for our pride; H. Cheers!" "Cheers" ang tugon namin sabay angat ng tag-iisang bote ng champagne. It felt good. But it's just another day. Pagkatapos bukas ay balik ako sa buhay na walang kakwenta-kwenta. Racing makes me happy. Kung ganun lang sana ang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD