bc

The Twins' Father

book_age18+
3.5K
FOLLOW
32.2K
READ
possessive
scandal
submissive
drama
twisted
bxg
others
cheating
surrender
passionate
like
intro-logo
Blurb

Matapos ang anim na taong nakalipas ay muling nagkrus ang landas ni Angelu at Jin, na dating nobyo niya. Pinangakuan na pakakasalan at bubuo ng pamilya subalit nakuha lang ang katawan ni Angelu ay bigla na lang siyang iniwan at pinagpalit sa ibang babae.

Jin became a different person. He is now an international business tycoon and has also changed his name to Jung Timothy Kim.

Wala naman na sanang pakialam si Angelu sa lalaking iyon subalit ang malaking problema ay may naging kambal siyang anak kay Timothy at nang malaman nito ay gusto nitong kunin na lang basta ang mga anak niya.

Angelu knew she had no power to go against Timothy. That's why she agreed to what he wanted, which was that she could go with the twins to Timothy's side, but only if she was going to be her children's nanny.

She has no right to complain about whatever Timothy wants, even if he intends to use and own her body.

chap-preview
Free preview
Prologue
KUMAKABOG ang dibdib ni Angelu at malakas ang tunog na iyon na halos marinig niya habang inaantay ang pagdating ng nobyong si Jin sa waiting shed. May date sila ngayon dahil isang taong anibersaryo na ng kanilang relasyon at may naisip siyang regalo sa nobyo na alam niyang hinding-hindi nila parehas malilimutan. Mas nakadama si Angelu ng kaba nang dumating na ang naka-motor na nobyo na may ngiti sa labi at saya sa mukha na huminto sa harapan niya. “Happy anniversary, mahal ko,” masayang bati ni Jin sa kaniya at inabot ang isang bungkos sa pulang rosas na ikinangiti niya. Nilapitan niya kaagad ang nobyo saka niyakap at gumanti rin naman ito nang mainit at mahigpit na yakap sa kaniya saka hinalikan siya sa pisngi, noo, tungki ng ilong at sa labi na mabilis lang. “Sakay ka na at alas-singko ang reservation ko sa restaurant kung saan tayo kakain at mag-celebrate ng anniversary natin,” aya ni Jin sa kaniya. Inabot ni Jin ang helmet na tinanggap naman niya saka sinuot at sumakay na siya sa motor nito. Mamahaling restaurant ang pinasukan nilang magnobyo na ikinagulat ni Angelu at sa isang mesa sila itinuro ng waitress kung saan nagpa-reserve ang nobyo. “Hindi ba mahal dito, Jin? Baka naman masiyado kang mapagasto ka masiyado rito?” nag-aalalang tanong niya rito. “May naipon naman ako at talagang pinaghandaan ko ang anniversary nating ito,” nakangiting tugon sa kaniya ni Jin. Mas lalo tuloy naging guwapo sa paningin niya ang nobyo at lumabas ang dalawang biloy nito sa pisngi. Guwapo naman talaga si Jin dahil na rin sa nahalong dugong Koreano nito, matangkad at may makinis na balat na hindi naman ganoon kaputi. Ang sabi ni Jin ay nagmana ito sa balat ng Nanay, na hindi kaputian pero mas nagmukha namang lalake ang nobyo dahil sa balat nito at hindi man kalakihan ang katawan at walang abs ay maganda pa rin naman ang pangangatawan niya. Matangkad din si Jin at nagmumukha tuloy siyang maliit kapag kasama ito sa taas niyang five-feet and five inches. Nang nagbakasyon si Jin sa Tita nito malapit sa bahay nila at nakita niya ang binata ay humanga kaagad siya rito. Nagulat pa siya nang lapitan siya ni Jin na magpakilala noong nakipaglamay siya kasama ang mga kaibigan at nakisali na sa grupo nila. Marunong makisama si Jin at mabilis na nakapalagayan nila ng loob lalo pa at kasama nito ang pinsan na lalake na kakilala rin nilang magkakaibigan kaya hindi lang nila isang beses na nakasama si Jin kundi palagi na hanggang sa nagtapat ito sa kaniya at nagpaalam na manliligaw. Noong una ay hindi pa naniwala si Angelu na seryoso sa kaniya si Jin dahil sa dami ng nagkakagusto nito na mas maganda sa kaniya kaya hindi niya sinagot ang tanong nito sa kaniya at inakala na biro lang nito ang pagtatapat subalit nangulit ito nang nangulit sa kaniya hanggang sa pumayag na siyang ligawan nito. Ang nakakatandang kapatid niya lang na may asawa na nasa ibang bansa ang kasama sa bahay dahil ang mga magulang ay nasa Cavite kung saan talaga siya nakatira. Pinag-aral kasi siya ng Ate niya ng Kolehiyo sa Rizal kung saan naman nakatira ang kapatid habang inaalagaan niya ang dalawang pamangkin. Pumayag naman ang Ate ni Angelu na ligawan siya sa bahay at natutuwa rin ito kay Jin dahil sa pakikisama nito at pagiging galanti hindi lang sa kaniya kundi pati sa Tita at mga pamangkin niya. Limang buwan din na nanligaw sa kaniya si Jin hanggang sa sinagot niya dahil kahit din naman siya ay may pagtingin sa binata. Nagkaroon sila ng relasyon pero umalis ang nobyo dahil bumalik ito sa Maynila kung nasaan ang tirahan nito kasama ang ina at naging long distance ang relasyon nila at simula noon ay unti-unting nawalan ito ng oras sa kaniya na inakala niyang mauuwi na sa hiwalayan subalit bumalik ang nobyo niya at mas naging matatag ang relasyon nila dahil bumawi ito sa pagkawala ng dalawang buwan at mas naging malambing at mapagmahal sa kaniya si Jin. Sa tingin nga niya mas minahal niya si Jin sa muling pagbabalik nito at lalo na nang nagtagal na ito at halos doon na tumira sa pinsan para lang makasama siya. Aalis para dalawin ang ina at mawawala ng isang linggo o higit pa pero hindi naman nawawala ang komyunikasyon nila hindi katulad noong unang naging long distant ang relasyon nito na parang bigla na lang nawalan ito ng komyunikasyo nila at hindi sumasagot sa text o tawag niya. Napansin niya na talagang mabait ang nobyo niya sa tagal nilang pagsasama dahil mahilig itong tumulong sa mga matatandang nangangailangan ng tulong at magalang pa kaya kinagigiliwan ng mga kapit-bahay nila. Sinasabi nga ng mga kapit-bahay na ibang-iba raw ito sa una nilang Jin na nakilala dahil mukhang mayabang daw noon ang binata at ni hindi lumilingon sa mga kapit-bahay kapag nadadaanan sila. Kahit naman si Angelu ay nagtaka sa pagbabago ng nobyo pero naisip niya na hindi pa niya talaga lubusan na kilala ang nobyo noon dahil talagang mabait at magalang ito sa mga nakakatanda at sa kanila. “Masarap ba ang pagkain?” tanong ni Jin sa kaniya na dahilan nang ikinabalik niya sa reyalidad. “O-oo,” tugon niya. “May ibibigay pala ako sa’yo,” nakangiting sabi ni Jin saka inabot ang maliit na box. Tinanggap iyon ni Angelu saka binuksan at nanlaki ang mga mata niya nang makitang isang singsing iyon. “Hindi pa wedding ring iyan saka na kapag naka-graduate ka na. Sa ngayon ay couple ring na lang muna ibibigay ko,” anito. “A-ang ganda!” masayang bulalas niya. Kinuha ni Jin ang singsing saka isinuot sa kaniya at napansin din niyang may singsing nang suot ang nobyo na kaparehas ng desenyo ng kaniya. “Sa susunod bibigyan kita ng cell phone para hindi ka nakikihiram sa Ate mo sa tuwing magka-text tayo. Hindi mo naman kasi sinabi na nasira na pala ang cell phone mo, binilhan na rin sana kita,” sabi ni Jin. “H-hindi,” tanggi niya. “Huwag mo na akong bilhan ng cell phone kasi may ipon naman na ako para sa bagong cell phone saka ang dami mo na ngayong nagastos pati ba naman cell phone ko ay ikaw pa ang bibili,” aniya. Ngumiti naman si Jin. “Gusto ko naman ang ginagawa ko saka magiging asawa naman kita kaya ayos lang na gastusan kita nang gastusan,” tugon nito. “Tama na ito saka mo na lang ako gastusan kapag mag-asawa na tayo,” aniya. Ngiti lang ang ganti ni Jin saka ito muling kumain habang siya ay nakatitig sa singsing niya na binigay ng nobyo. “Jin, naalala mo iyong pinangako ko sa’yo noong first monthsary natin?” tanong ni Angelu sa nobyo. Nagulat namang napatingin si Jin sa kaniya na ipinagtaka niya at mukhang nakalimutan nito ang naging pangako niyang iyon sa nobyo. “Ang sabi mo noong nag-monthsary tayo na ang gusto mong regalo mula sa akin ay ang sarili ko pero hindi ako pumayag noon kasi bago pa lang tayo,” sabi niya. Napakunot ang noo ni Jin at parang nakita niya ang inis sa mga mata nito pero nawala naman kaagad. “B-baka lasing lang ako noon kaya ko nasabi iyon,” tugon ni Jin. “Hindi ko alam kasi sa text lang tayo nag-usap noon pero ayos lang naman saka sabi mo, natural lang naman na pag-usapan natin iyon dahil may relasyon tayo—“ “Sorry. Naging bastos ako—“ “Hindi. Ayos lang talaga sa akin,” kaagad niyang tugon. Seryoso nang tumingin sa kaniya si Jin at napahinto ito sa maganang pagkain kanina. “Tumanggi akong gawin natin noon iyon kasi hindi pa ako masiyadong tiwala sa nararamdaman mo sa akin pero ang sabi ko sa’yo kapag umabot ng isang taon ang relasyon natin ay ibibigay ko na sa’yo ang sarili ko, na gagawin na natin iyon,” aniya. “Hindi naman kita pinipilit na gawin iyon, Gelu, saka kaya kong mag-antay kahit na gusto mo pa ay sa kasal na natin gawin,” tugon ni Jin. Napangiti si Angelu at hinawakan ang isang kamay ng nobyo. “Hindi ko ibibigay ang sarili ko dahil sa pangako ko sa’yo noon kundi dahil mahal na mahal kita at malaki ang tiwala ko sa’yo na pakakasalan mo ako,” tugon niya. “Seryoso ka ba talaga sa plano mo?” naniniguradong tanong sa kaniya ni Jin. Tumango siya. “Gusto ko rin maramdaman ko sa pagmamahal mo ang pagsasalo ng katawan natin. Natural naman na ginagawa ng may relasyon iyon saka hindi ba nagpaplano na rin tayong mag-live-in kaya ayos lang sa akin na iregalo ko sa’yo ang sarili ko,” nakangiting tugon niya. Napangiti naman si Jin saka hinawakan din ang kamay niya. “Kung gusto mo magpakasal na tayo kaagad kahit sa huwes na lang muna bago tayo magsama,” suhestiyon nito sa kaniya. “Magtatapos na lang muna ako, Jay, pagtapos saka tayo magpakasal. Iyon naman kasi ang hiling nila Mama, Papa at Ate sa akin, na kahit magsama na tayo ay tapusin ko na muna ang pag-aaral ko,” tugon niya. “Sige. Makakapag-antay naman ako at ipapakilala na rin kita sa Papa at kapatid ko na hindi mo pa nakikilala,” tugon nito na may saya sa mukha. “Excited na akong makilala sila,” masayang tugon niya. “Ipagpatuloy na natin ang pagkain at mamaya sa inuupahan ko na tayo tutuloy at doon ka na rin magpapalipas ng gabi,” anito. Nakadama ng kaba si Angelu sa gagawin nila ngayong gabi subalit desidido na siyang ibigay ng buong-buo ang sarili at wala na iyong bawian. Tiwala naman siya sa nobyo dahil mabuti itong tao at hindi pagsasamantalahan ang pagmamahal at tiwala niya rito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook