bc

One Night Ride

book_age18+
717
FOLLOW
3.0K
READ
revenge
sex
drama
tragedy
twisted
bxg
mystery
affair
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

In one mysterious, dark vertical transport, with different perspectives in life, met two souls. Confided moments without knowing how they look like. Trusted each other to the point that they touched and kissed. Will they still accept who they are when the lights are turned on? What lies behind that mystical place that will change their lives? What happened between them was the start of a new love affair or it will be the end of their tragic one-night ride?

Tagalog/English novel

Contains s*x and violence

#Steamy

#Mystery

#Thriller

chap-preview
Free preview
Prologue
LOOKING BACK Mia "TRESE anyos pa lamang si Mia. Si Ron ay magsasampung taon. Samantalang si Jen ay napakaliit pa sa pitong taon na edad niya. Kawawa naman sila para maagang maulila sa ina."  Naulinigan ko ang sinabi ni Kapitan na nakikiramay nang gabing iyon. Yakap ko ang dalawa kong kapatid habang sabay-sabay kaming umiiyak. Sa murang edad naming tatlo, naiintindihan na namin ang ibig niyang sabihin. Wala na si Inay. At mag-isa na lamang si Itay para itaguyod kami. Biglaan ang nangyari. Ayon sa narinig ko, may aksidenteng naganap sa isang gusali kung saan pumunta si Inay. Sa pagnanais niya na makahanap ng maayos-ayos na hanapbuhay, tinungo niya ang Maynila para makipagsapalaran. Hindi maiwan ni Itay ang sakahan dahil siya lamang ang nakakaalam kung paano iyon patakbuhin. Kung may pagpipilian lamang, hindi niya hahayaan ang ilaw ng aming tahanan na mawala at umalis para pandagdag ng aming ikabubuhay. Pero ngayon ay huli na. Wala nang kuwenta kahit magsisi kaming lahat. "Ate, makikita pa ba natin si Inay?" nag-aalala ang tinig ni Ron. Napaluha ako nang hagurin niya ang buhok ng aming bunsong kapatid. Hindi ko alam ang isasagot. Ang dinig ko ay nagkalasog-lasog ang katawan ni Inay dahil sa pagbagsak ng gusali. Naroon siya noong araw na bigla na lamang gumuho ang inakala niyang mag-aahon sa amin mula sa kahirapan.  "Hindi ko alam, Ron. Pero kailangan nating tulungan si Itay. Nakita n’yo ba kung paano siya umiyak? Hindi tayo dapat ganito. Dapat ay alagaan din natin si Itay. Baka pati siya ay mawala sa atin."  Lalong umiyak si Ron. Nang makita ang kanyang kuya na umiiyak ay nagpalahaw na rin si Jen.  Marami ring mga kabaryo namin ang nakidalo sa araw ng libing. Tinulungan kami ng ilang mga kaanak at kaibigan upang mairaos ang pagpapalibing sa sementeryo 'di kalayuan sa aming gawa sa kawayang bahay. Ilang araw na hindi makausap si Itay. Naantala ang pagpasok namin sa eskuwela. Sa totoo lang, ayoko na ring mag-aral. Gusto ko na lang tumulong sa bukid. Gusto kong makatulong kay Itay at alagaan ang mga kapatid ko. Nagdaan ang mga araw at unti-unti na naming natatanggap ang pagiging ulila sa ina. Nagsisimula na si Itay sa panibagong pagsasaka sa bukid. Dumalo siya sa maraming pagpupulong upang mas matuto sa pagtatanim. Nakatapos ako ng high school. Iginapang kami ni Itay. Kaya masisisi ba ako ng kahit sino dahil sa pagtanaw ko sa kanya ng utang na loob? Nakatapos ako ng simpleng kurso sa Office Administration. Sa bayan lang ako ng Palayan nagtapos. Iginagapang din ni Itay ang pag-aaral nina Ron at Jen.  Lumuwas ako pa-Maynila. Sumubok maghanap ng kahit na anong mapapasukan. Sa simula ay mahirap. I didn't know about the descrimination between graduates from provinces compared to those prestigious schools in Manila. Kahit pa matataas ang mga grado ko, iba ang pagtingin ng marami dahil galing ako ng probinsiya. Kaya nanilbihan muna ako bilang serbidora sa isang canteen. Doon ko nakilala si Atty. Lumida Magno nang minsan mapadaan siya at natapunan ako ng tingin habang nagpupunas ng mesa. Kinuha niya ako bilang isang clerk sa opisina niya. Atty. Magno was indeed generous. Pero kapalit naman ay ang panlalait niya sa pagkatao ko. Tatlong taon na pahirap. Tatlong taon na pagtitiis. I endured everything for my family. Yes, she's a good lawyer. Pero magaling din siyang mambaluktot ng batas. Isa siyang matandang dalaga na kahit sa magandang anyo ay tuso at mabangis sa kapwa. Hanggang sa hindi ko na natiis ang marinig pa ang masasakit na salita mula sa kanyang bibig. "Wala ka rito kung hindi dahil sa akin. You're nothing when I found you from that dirty food stall. If not with my kindness, you'll end up as a prostitute. You'll be f*cking every men that walk into you for money. Nakakadiri ka na sana ngayon dahil kung sino-sinong lalaki na ang kumalantari sa ‘yo! Nagdidildil na siguro ng asin ang mga kapatid pati na ang ama mo!" Naubos ang lahat ng pagtitimpi ko. I fought and answered her back. I thought she could be my good samaritan. But I thought it wrong. Kahit wala siya, kahit hindi dumating si Atty. Magno sa buhay ko, makakaraos kami dahil mabuti at masipag na tao ang aking ama. "Hindi kami aabot sa sinasabi mo, Attorney. Dahil hindi kami katulad mo na walang puso at walang respeto sa damdamin ng ibang tao. Abogado ka nga pero para kang walang pinag-aralan!" That was the trigger. That’s all she’s been waiting to hear from a lower class clerk like me. And so I was terminated. Immediately.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.4K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook