Chapter 1

1034 Words
CHAPTER 1 - THE ENCOUNTER Mia MAGSASARA na ang natatanaw kong elevator. Kaya't nagmadali akong napatakbo upang makapasok. I don't care kung mukha na akong basahan dahil sa hitsura ko. Napakalakas ng ulan na sinugod ko pagbaba ng taxi papasok sa building na ito. It was one of the toughest day of my life. Kung puwede ko lang baguhin ang araw na ito, ginawa ko na sana pagmulat pa lamang ng aking mga mata. Basang-basa ako dahil sa ulan. Alam kong masama ang panahon ngayon pero kailangan kong pumarito. Hahanapin ko si Mr. Tyago upang kunin ang huling tseke ko. Yesterday was my last day of work. I was terminated pagkatapos kong sagutin ang walang hiyang boss ko na wala nang ginawa kundi murahin ako. I recalled all of my responsibilities. I'm staying with a friend in a small flat and we shared paying the house rentals, utility bills at nagpapadala pa ako ng pera sa probinsiya para sa mga kapatid kong nagsisipag-aral. Nagtiis ako ng tatlong taon at nagsilbi sa matandang dalagang iyon na kung makaalipusta sa kapwa niya ay abot hanggang langit. And yesterday, I quit. Nakita ko ang matangkad at nakayukong lalaki sa loob ng elevator na may pinindot upang makapasok ako. Nakatagilid siya kaya kalahati lang ng mukha niya ang nakita ko. I noticed him wearing a silver, circular earring. Mayroon din sa ilong pati na sa labi. And his hair was coloured cyan, purple and bright blue. Kumunot ang noo ko. I always hated men wearing accessories na parang sa mga babae. Tingin ko sa mga lalaking may kakaibang kulay ng buhok ay mga addict. Mga walang magawa sa sarili at nagpapapansin. Siguro nga, masyadong konserbatibo ang utak ko. Kakamadaling makapasok ay natisod ako sa hangganan ng elevator. Muntik pang mahulog ang cellphone na hawak ko. "Easy miss," ani ng lalaking may mababang boses at agad akong nasalo. Naamoy ko ang cologne na panlalaki. His arm was firm. Dahil nakasabog sa buong mukha ang buhok ko ay hindi ko man lang siya napagmasdan. "Thanks," may halong inis sa sabi ko. Alam kong wala naman siyang ginagawa at tinulungan pa nga niya ako. Pero naiinis talaga ako sa mga lalaking kagaya niya kahit pa mabango siya. Nagsara ang pintuan. Naramdaman ko ang aming pag-angat. "What floor, miss?" tanong niya. "Eighteenth," sagot ko. Hindi ko siya tiningnan dahil busy ako sa pagpunas ng bag na basang-basa. Kukunin ko sana ang panyo sa loob ng aking bag nang biglang huminto ang elevator. Nakarinig din ako ng malakas na ugong at saka biglang tumigil. Kasabay ng pagkawala ng liwanag. "s**t!" bulalas ko. "Damn! Seems the power got lost!" aniya. Now, this is the real pitch black. I couldn't see anything. Nakakabingi ang katahimikan. Ipinikit ko ang aking mga mata trying to get used of the darkness. But when I opened my eyes, it's still black. Huminga ako ng malalim. Siguro naman magkakakuryente rin ulit. Siguro naman, may power generator ang building na ito. And any moment, this elevator will move and open for me to get out from here. May mga kaluskos akong narinig. "Tss!" I heard. "I tried to press all the buttons but nothing seems to be working." Bahagya akong umatras. Paano nga pala kung addict itong kasabay ko? Paano kung naka-high siya ngayon at gawan ako ng masama? Oh s**t! s**t! Why all of these bad luck! Hindi na ba ako tatantanan ng kamalasan? The cold wall behind encompassed me. Nagmadali akong kinapa ang cellphone sa loob ng bag. Pinindot ko iyon at naglikha ng munting liwanag. Ngunit bago ko pa mahagilap ang number ni Suzy -my flatmate- ay agad namang namatay ang phone. The s**t! Lowbat ako? In a time like this? Napapikit ako. Ano ba ang nagawa ko sa aking past life? Bakit ako minamalas ng ganito? Hindi ko na nga alam kung paano ang gagawin ko dahil sa pagkatanggal ko sa trabaho. I couldn't even tell my family or my friend Suzy what had happened kasi mag-aalala lang sila at nahihiya ako. It was my fault I got fired. Mali nga yata na sinagot ko si Atty. Magno. Baka may lahing mangkukulam iyon at nagkakabisa na ang orasyon niya laban sa akin. Kaya mula pagbangon ko kaninang umaga, naligo sa ulan, tinamaan ng black out sa loob ng madilim na elevator katabi ng isang addict at ngayon wala pang baterya ang cellphone ko! "I left my phone upstairs. Sorry, miss." Tinig na naman ng lalaki. Bakit? Tinatanong ko ba siya? Sana hindi na lang siya nagsalita. Wala rin naman siyang pakinabang 'di ba? Ahhh! Ano ba, Mia? Wala namang ginagawa sa ‘yo ‘yong tao. You're not only stereotyping, you're also getting paranoid and foolish. "Y-Yeah, sorry too." The hell? Bakit ako nagso-sorry? "Guess we're stuck together, miss." May halong panunudyo ang boses niya. "Hindi mo ba kayang buksan ang pinto?" hindi ko napigilang itanong. I know I also sounded sarcastic. Natawa siya ng bahagya. "Even if I try, there's no sense. Walang liwanag at hindi natin alam kung nasaang palapag na tayo. We might be in the middle of nowhere or in no proper place at all. Sayang lang ang pagod ko." Hindi man lang niya susubukan? Ano pa ang silbi niya? He has no balls, Mia! "Alam ko’ng iniisip mo, miss. That I have no guts to even try. This building has been standing probably more than a decade. We might as well wait than forcing it to open. Baka mas lalo lamang tayong mapahamak." Umikot ang mga mata ko sa hangin. Excuses. Wait? Hanggang ilang oras? Basang-basa pa ako. Kasama ang isang may pagkahambog na addict. "Yeah. Wait." Iyon na lang ang nasabi ko. Silence. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Nakasandal pa rin ako sa pader. Yakap ko na ang aking sarili. Kumakapit ang basa kong damit sa aking katawan. But then, umiinit ang pakiramdam ko. The fact na namatay ang exhaust fan, siguradong walang hangin na pumapasok ngayon dito. There's an urge for me to remove my clothes. Hindi rin naman ako makikita ng katabi ko. Pero paano kung bumukas bigla ang pintuan ng elevator na ito? "Mukhang matatagalan pa tayo rito. Kaya hubarin mo muna ang damit mo, miss." ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD