bc

Sana Maulit Muli

book_age18+
581
FOLLOW
2.1K
READ
love-triangle
inspirational
dare to love and hate
doctor
drama
bisexual
soldier
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Sana Maulit Muli

Yuna Hime (BxB)

BLURB:

Taong ika-labing siyam at siyam napu't pito; nagsimulang sumibol ang pagmamahalan na hindi tama sa mata ng kanilang mga kadugo, sa lipunan, at maging daw sa mata ng Diyos.

Siya ay isang doktor, samantalang ang kaniyang napusuan ay isang kapitan ng hukbo ng mga sundalo. Trahedya, ingkwentro, at misyon — iyan ang mga kaganapan na maglalapit sa kanilang dalawa. Hindi lang isa, kung hindi ilang beses silang paglalapitin ng init at tukso. Subukan man niyang pigilan, unti-unti na siyang nahuhulog sa kumunoy ng pag-ibig. Kahit pa man alam niya ang katayuan nito at ang nalalapit nitong paki-iisang dibdib.

Mula sa kilala at may mataas na antas sa lipunan ang pamilya ng sundalo. Bagama't hindi niya ginusto ang matukso, nandoon ang katotohanan na malapit na siyang ikasal sa anak pa mismo ng Presidente ng bansa. Sigurado siya noong una na ang doktor ay katuwaan lamang sa kaniya, hindi niya napaghandaan ang bagsik ng temptar na unti-unti ay gumagapang sa kaniya. Hanggang sa kalaunan, hindi na niya mapigilan pa.

Sa pagmamahalan ay isang singsing ang patunay na handa ka nang makasama ang taong iyon magpakailanman, pero sapat nga ba iyon para hindi magloko ang isang tao? Kung ang ang init ng temptasiyon ay bubulagin lahat ng iyong mga pangako? Bawal na pag-ibig, maling relasiyon, kung pagbibigyan ng pagkakataon, nais mo bang maulit muli?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Hindi pa rin niya makalimutan ang nakaraang matagal nang kinuha ng panahon sa kaniya. That was year 1997, and today, it is already at year 2002. Limang taon — limang taon na ang nakalipas pero sa isipan niya, sariwa pa rin ang lahat. Kumusta na kaya ito? Masaya kaya ito ngayon? Kasama ang asawa at mga anak? Kasama ang binuo nitong pamilya? Ang pamilyang pinili niya na makabubuti para rito? Napatingin siya sa kaniyang mga kamay at mapait na ngumiti. Iyon naman talaga ang makabubuti para sa taong iyon. Kaysa sa piling niya — kaysa sa piling ng isa't-isa. Mas pinili niyang bitawan ito kaysa sumaya kasama siya. It was a heartbreaking decision, pero sa sitwasiyon nila noon, baka hindi pa rin sila masaya ngayon. Sinara niya ang mga kamay at tumingin sa kaniyang harapan kung saan tanging mga taong kagaya niya na may parehong sitwasiyon ang kaniyang nakikita. It's okay for me to suffer, huwag lang ikaw. Huwag lang ikaw, Elijah. "Hello po! Nakita mo po ba ang Mommy ko?" Nawala siya sa pag-iisip sa nakaraan ng may humila-hila sa suot niyang puting hospital gown at doon ay nakita ang isang cute na cute na bata. Babae ito at naka-pigtails ang buhok. Sobrang puti at mamula-mula ang matambok na pisngi. Sa tantiya niya ay mukhang nasa tatlo o apat na taon na ang bata. Pero habang tumatagal siyang nakatingin sa mga mata nito, namuo ang mumunting kaba sa kaniyang dibdib. Tila ba sa mga mata nito ay nakita niya ang kaparehong mga mata na paborito niyang titigan noon. Hindi naman siguro? Kumbinsi niya sa kaniyang sarili. Nginitian niya ang bata at marahan na sinapo ang pisngi nito. "Ano ang pangalan mo?" tanong niya rito. Ngumiti ang magandang bata sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. Nahirapan pa ito sa pag-akyat sa bench kung kaya ay natatawa niya itong kinandong. "Ariah po," sagot nito sa katanungan niya. "Ariah Eleazar." Eleazar. Ang kaninang mumunting kaba sa kaniyang dibdib ay napalitan ng sunod-sunod at mabibigat na kabog. Naramdaman niya ang pagsakit ng kaniyang ulo at hindi maganda iyon. Ang batang nasa kandungan niya ngayon — he's very sure now that she’s that person's child. "Ariah!" sigaw ng isang babae sa kalayuan. Sabay nilang nilingon ito ng bata. "Mommy!" Kumaway-kaway ang bata rito. Tama nga siya. Hindi na iyon hinala, totoo na. Ngayon, naalala na niya ang babaeng kamukha ng bata bukod sa mga mata nito na panigurado ay nakuha nito sa ama. "Isiah?" gulat na sambit ng ina ng bata sa kaniyang pangalan pagkalapit nito sa kanila. His smile fades away and he started to feel dizzy. "Arah."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
365.1K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.0K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

OSCAR

read
227.8K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook