KABANATA 1

1846 Words
KABANATA 1 September 10, 1997 "Magandang balita mga kababayan! Ngayong araw nga ay inanunsiyo na mula sa Malacañang na ang panganay na anak ng Pangulong Suazon ay engaged na sa long time boyfriend nito — ang panganay na anak ni Former General Ezekiel Eleazar na si Captain Elijah Miguel Eleazar." Iyon ang usap-usapang balita buong araw sa bansa kung saan ang dalawa sa kontrobersiyal na magkasintahan – ang anak ng pangulo at ang anak ng dating heneral – ay sa wakas, nagkasundo na para sa kasal. Hindi magkamayaw ang mga tao sapagkat gustong-gusto ng bawat mamamayan na magkatuluyan ang magkasintahan na ito. Kahit saan, sila ang bukambibig at mukhang hanggang sa matapos ang buong buwan ng Setyembre ay iyon pa rin ang laman ng balita. "Dok, nakakatuwa sila ano?" sabi ng isang batang nurse na trainee sa isang general hospital. Ang kausap nitong doktor ay busy sa kaka-check ng mga reseta ng mga pasyente at ang pangalan ng mga pasyente na kailangan nang palitan ng dextrose sa ICU pagkatapos ng kaniyang break. Habang naroon at nakatanaw sa telebisyon na nakalagay sa itaas ng kanilang istasiyon ang mga trainee nila, siya ay busy pa rin sa trabaho kahit naka-break. Ni hindi nga niya pinasadahan ng tingin ang kung anuman ang naroon sa palabas. "Kaysa magkumpol-kumpol kayo riyan ay bakit hindi na lang kayo mag-obserba roon sa mga ward para mas may matutunan kayo, kaysa riyan sa mga balita na wala namang kinalaman sa inyo," diretsa niyang ani habang nakatingin pa rin sa mga papel sa kaniyang harapan. "Ang kj mo talaga lagi, Dok Isiah! Kaya hindi ka nagkakasyota eh, ang bitter mo sa buhay," sabi ng isang trainee na inilingan niya lamang. "Heh! Magsitigil nga kayo. Huwag kayong ganiyan kay Dok. Kahit ganiyan 'yan, crush ko 'yan," sambit naman ng isa, kung kaya napatingin na siya sa mga ito. "Magsitigil na kayo, ha? Umalis na nga lang kayo, mag-aral na kayo roon. Tapos na ang break ninyo." Hindi naman nagsusuplado, pero may bahid ng pangangaral ang boses niya. Nagsitawanan lang ang mga trainee dahil sanay na rin naman ang mga ito sa kaniya. Hindi naman siya naiinis sa mga pinagsasabi ng mga ito, katunayan nga eh naaliw pa siya sa mga batang ito. Tinulak-tulak pa muna ng iba ang dalaga na nagsabi na crush siya nito, kung kaya pabiro niyang kunyari ay tatapunan ang mga ito ng hawak na lalagyanan ng mga ballpen. Tatawa-tawa ang mga ito na umalis. Napangiti siya sa sarili at muling napa-iling nang mawala na ang mga ito sa kaniyang paningin. "Nadale ka na naman yata ng mga bata Dok ah," patuya na sabi ng kasamahan niyang doktor na mukhang galing lang sa pag-rescue ng isang sugatan na pasyente na nakita niya kaninang dinala na sa Non-ICU. Minor case lang naman kasi iyon at maari nang makalabas bukas ng maaga. Tinanggal nito ang suot na mask at gloves pagkatapos ay maayos iyong itinapon lahat sa trash bin sa istasiyon. Kumuha ito ng disinfectant at winisikan ang mga kamay. "Araw-araw naman akong nadadale ng mga 'yun," natatawa niyang sagot na tinawanan din ng isa. "Narinig mo na ba ang balita? Grabe, ang swerte talaga ni Capt. Eleazar ano? Anak pa ng Presidente," iiling-iling nitong sambit habang nakatanaw na rin sa telebisyon. "Swerte rin naman si Arah Suazon," wala sa sarili niyang sambit. "Captain Elijah Miguel Eleazar is a good catch too." Napa "o" ang bibig ng kaniyang kausap at namamangha na napatingin sa gawi niya. Hindi naman kasi siya mahilig makibalita sa mga usong balita lalo na ang magbigay ng mga kumento sa mga taong involve roon. Sa ingay ng mga kasamahan niya ay sapat na ang mga balita na nababalitaan niya mula sa mga bibig ng mga ito. "That's rare, Doc," tukso nito. "Captain Elijah pala ah. Huwag ganiyan, iiyak mga trainee niyan." Inikutan niya ito ng mga mata sabay alis sa istasiyon dahil tapos na ang break niya. Hindi naman kasi tago sa mga kasamahan niya that he swings both ways at hindi niya rin naman itinatago iyon. Even on his family before, they already accepted his sexuality. Kahit pa na sa totoo, lamang siyang na-a-attract sa mga lalaki. Captain Elijah Miguel Eleazar. Kahit naman sino makikilala ang taong iyon. Kahit hindi dikit ang pangalan nito sa mga Suazon, mangingibabaw pa rin ang pangalan nito. Eleazar's are known family from different fields. From soldiers to CEO's, hindi nawawalan ng Eleazar. Katunayan nga ang Director of Nursing (DON) nila rito ay isa sa magpinsan na mga Eleazar. Bilang sa kamay na niyang nakita si Capt. Elijah na dumalaw rito — on his casual ofcourse. And that's why he said the captain is a good catch dahil bilang din sa kamay na napapadapuan niya ng tingin ang binata. No feelings, he just find the man eye catching. Malakas ang presensiya nito, befitting his status on the army. Arah Suazon is a lucky one. Sambit niya sa kaniyang isipan. IT WAS A grand party that happened at the Suazon’s residence right after the announcement of the engagement of the President's daughter and a former General's son. Hindi magkahulugang taktak ang mga bigating personalidad na pumuno sa mansiyon ng mga Suazon ng gabi mismo noon. Mula sa mga sikat na celebrity hanggang sa mga kilalang tao sa senado — lahat nandoon. Hindi rin mawawala syempre ang mga taong may matataas na rango sa sangay ng pulisya at sa sangay ng Armed Force. Lahat nagsasaya, lahat bumabati sa magkasintahang ikakasal sa unang buwan sa susunod na taon. "You happy, baby?" ang tanong ni Captain Elijah Miguel Eleazar sa kasintahang anak ng Presidente. Arah Suazon is a known model. Kahit pa man hindi pa Presidente ang ama nito ay may pangalan na ito sa industriya. She and Elijah met occasionally dahil magkakilala ang pamilyang Suazon at Eleazar. 2 years ago, everything begun between them. The stunning lady wearing a black, long halter, night gown dress, happily looked at her ring finger kung saan ang isang singsing na may maliit na diamante. Ofcourse it is costly, pero barya lamang iyon sa isang kagaya ni Elijah Eleazar. "More than happy." Tumingin si Arah sa mga mata ni Elijah habang hindi mawala ang kislap sa mga mata ng dalaga. "Thank you. I love you, baby." Elijah kissed her forehead at muli ay masaya na tinutok ang kanilang mga mata sa harapan kung saan nagsasaya pa rin ang mga tao. The party started at 8 PM at mukhang aabot ito hanggang hatinggabi. It was 10 PM nang dumating ang pinakahuling myembro ng mga Eleazar na laging busy dahil isa itong DON sa pinakamalaking hospital sa bansa. He's Elijah's favorite cousin, kung kaya hindi pwede sa kaniya na wala ito. "Sorry I am late, cous!" Lumapit si Dr. Rimuel Eleazar sa magkasintahan at sabay silang binati. "Oh no, it's still early, Rim," si Arah na sinagot ito ng beso-beso. "Early na malapit na nga akong magtampo dahil akala ko hindi ka na sisipot," Elijah dramatically said na ikinatawa naman ng pinsan niya. "Pwede ba naman iyon? Sa sobrang tuwa ko nga para sa inyo ay halos dalhin ko ang lahat ng tauhan sa hospital." Tumawa ito. "Ayos lang naman,‘diba? Inimbita ko sila." "Oh! Perfect! More guests," Arah beamed na ikinahinga naman ng maluwag ni Rimuel. Tinawag nito ang mga kasamahang doktor, maging mga nurse at may iba pang trainees na sumama. Even the hospital's Director ay kasama. Kinausap naman sila ng magkasintahan at iginiya sa isang malaking table malapit sa may pool area. As Arah busied herself talking to Rimuel and his gang, Elijah's eyes caught someone familiar. Isa sa mga doktor na nakikita niya minsan sa Non-ICU ward. He doesn’t know why a small inward smile appeared on his lips. Hindi niya kilala ito, kahit pangalan nito hindi niya alam, pero alam niya na kapag bumibisita siya sa pinsan ay panaka-naka ang sulyap nito sa kaniya. Ang opisina kasi ng pinsan niya ay malapit sa Non-ICU ward, kung kaya napapansin niya rin ang mga tao sa ward na iyon at isa na nga ang doktor na ito. Eventhough mukha itong bitter sa mundo, kakatuwa at may kakaibang mangha sa mga mata nito kapag sumusulyap sa kaniya. Nahuli niya ito isang beses at para hindi mahalata, kinunutan siya nito ng noo at suplado na nag-iwas ng tingin. Elijah found that scene funny. Ito na nga ang nahuli, ito pa ang galit. Nagpaalam si Arah dahil dumating na ang mga kaibigan nitong modelo, kung kaya naiwan si Elijah sa pinsan nito. He took that opportunity to open a conversation to the man. "Hi," bati niya rito. Hawak niya sa isang kamay ang isang inumin habang sa isa ay i-ni-aabot sa tahimik lang mula pa kanina na doktor. Nakita ni Elijah na kinalabit ito ng isa pang lalaking doktor at pagkatapos ay nagtataka ito na tumingala sa kaniya. "A drink for you. Ikaw lang ang wala," muli niyang sambit dito. The doctor scowled at him, kung kaya kumunot ang noo ni Elijah habang may ngiti pa rin sa labi. "Naku, Captain! Sa amin mo na lang po ibigay iyang inumin, bigyan niyo na lang po ng ampalaya iyang si Dok," sigaw ng mga trainee nilang nursing kung kaya nakatanggap ang mga ito ng binatong ubas mula sa doktor. Elijah was more amazed, seems the people around him adores him a lot kahit may mapait itong expresiyon lagi. "C'mon, accept this as a congratulatory for me too. Okay, Doc?" pormal naman ang pagkakasabi niya, but the latter glared at him. Elijah whoahed at his mind, he's the first person who ever glared at him kahit pa man ngayon lang sila nagkausap. Natawa ang mga nakapaligid sa kanila dahil dito. He asked his cousin Ram about the doctor and said his name is Isiah Madrigal. Isiah — sounds holy. Naisip ni Elijah sa isipan habang pinagmamasdan ang doctor mula sa likod ng baso ng kaniyang inumin. Everything was merry that night kung hindi lang dahil sa isang balita na dumating. Elijah was talking with his father's former members sa Armed Force when one of his men came running unto him. The man saluted at them first bago lumapit sa kaniya at bumulong. "Capt. may emergency. May nagpasabog ng Grand Casino hindi kalayaun sa isang mall arena. Maraming casualty at halos maabo ang buong casino," hinihingal nitong saad na kina-alarma niya. "Nasabihan na rin ang ibang kapulisan at naka-alis na sila papunta roon." Hindi naglaon ay sumabog na sa paligid ang balita na nakapagpatigil sa kasiyahan. Even his cousin's medical team was alarmed dahil sa malamang mapupuno ang general hospital. Samu't-saring tawag ang nangibabaw sa paligid. Nag-ingay ang mga tao sa naturang balita. "Be prepared men! Don't hesitate to fire if needed! May mga hawak pang sibilyan ang nag-aamok sa loob, our priority is their safety," paalala ni Elijah sa kaniyang unit pagkarating nila sa site. It was said that at the night of September 10, 1997, happy news and tragic news happened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD