CHAPTER 2

1382 Words
Zeo was so excited to see Avery again. It has been six years, he has never forgotten about her. She was the only woman he loved the most. He regretted his decision before but he would do his best to win her back into his life. He regretted everything, he regretted why he let go of his woman. Bakit niya nagawang lokohin ito? Napabaling ang atensyon niya sa harap nang magsalita na ang emcee. Nang makita niya ang dalaga na nakangiting kausap ang sekretarya nito ay gusto niyang lapitan at yakapin. Gusto niyang sabihin kung gaano niya ito kamahal. Gusto niyang sabihin na nagkamali siya sa kaniyang desisyon na kaniya namang labis na pinagsisihan. Nasa huli talaga ang pagsisisi. "Good evening, ladies and gentlemen! Are you feeling excited that Santiago's Beauty Products is having a new branch here in the Philippines!" the Emcee asked with full of energy. "Yeah!" The crowd was yelling. "Now, we don't have to wait any longer because here comes our gorgeous and famous CEO, Ms. Avery Santiago who owns the Santiago Beauty Products and top one beauty products not only, but all around the globe also." Sobra ang pagkabog ng puso niya habang pinagmamasdan ang kilos ng dalaga. He missed her so much that he wanted to hug her as much as he wanted pero hindi puwede. Wala siyang karapatan na hawakan ang dalaga. Natatakot siyang ipamukha sa kaniya ang katarantaduhan niya noon. Tumayo na ito at naglakad patungo sa maliit na stage. Umakyat na ito sa stage at tinanggap ang pakikipagkamay ng isang lalaki. Dumilim ang mukha niya nang tiningnan niya ang lalaki na may paghangang tinititigan si Avery. He gritted his teeth. "Easy, dude. Huwag mong sirain ang araw na ito." Napatingin siya kay Wayne. "Walang karapatan ang lalaking iyon para titigan at hawakan si Avery," mariin niyang sabi kay Wayne. "Paalala lang, Zeo. Wala ka na sa kaniyang karapatan simula noong pinagpalit mo siya sa kaibigan niya." Tumahimik siya sa sinabi ni Ramm. Tama naman ito sa sinabi nitong wala na siyang karapatan kay Avery simula noong pinagpalit niya ito kay Clarissa. Hindi na lang siya umimik at ibinaling na lang ang atensyon niya sa babaeng matagal na niyang hinihintay. Napangiti siya nang ngumiti ito sa lahat. Hanggang ngayon ay hanga pa rin siya sa kagandahang taglay nito. "Good evening to all of you. Thank you for accepting our invitation. I thought that some of you would not come here because some of the businessmen declined our invitation. They thought that these beauty products are for girls only but you are all wrong. Even if you are gay, lesbian or any kind of genders, they can use my products. It can help your skin to be more beautiful, glowing and it can maintain young looks.” When he heard her sweet voice, it made his heartbeat go crazy. He couldn't even recognize her, she was more beautiful right now and he was so proud of the success in her life. Napansin niyang umupo na ito sa tapat ng mga reporter, "Okay, Ms. Avery. May tanong ako. Are you having a relationship right now?" a reporter asked. Kahit na hindi siya ang kaharap ng reporter ay kinakabahan siya sa sagot ni Avery. Ngumiti ito. "Actually, no" He wanted to shout at that moment but he couldn’t. Napangiti na lang siya sa sagot nito. "Okay, Ms. Avery. So how long have you been single right now?" Ngumiti ito. "Since three years ago," Napatiim-bagang si Zeo. Akala niya ay siya lang ang lalaki sa buhay nito. May iba pa pala. Pagkatapos ng isang taong relasyon nila, after that ay mayroon na pala. "Easy ka lang, dude. Alangan namang nakapirmi lang siya sa ’yo." Tiningnan niya nang masama si Craig. Napataas ito ng kamay. "Chill, ’di ka naman mabiro." "So three years ago, ilang taon kayong magkarelasyon?" "Hindi po tumagal ng taon, half year lang po dahil pagkatapos niyon ay wala na." Tumango ang reporter sa sagot nito. "Who is your first boyfriend?" Nawala ang ngiti sa labi ni Avery sa tanong ng reporter. Nagdadalawang-isip pa ito kung sasabihin ba nito o hindi. Tumahimik lahat ng tao sa loob ng hall dahil inaabangan nila ang sagot ni Avery. Pati siya ay hindi makapaghintay sa sasabihin nito. "Zeo." Napabuga siya nang malalim na hininga. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya hindi humihinga dahil sa tensyong nararamdaman. "Sorry if I ask you this, who is Zeo? We are curious about him. We know that he was your first relationship and first heartbreak. We would like to know his complete name?" Humugot ito nang malalim na hininga bago sumagot sa tanong. "Zeo... Zeo Freud." Napasinghap silang lahat. Maraming nasorpresa sa sagot ni Avery at maraming hindi makapaniwala sa sinabi nito. Napansin niyang napatingin ang lahat ng tao sa kaniya pero wala siyang pakialam. Ang sa kaniya lang ay gusto niya itong makausap. Titig na titig siya sa dalaga, ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. "Hindi kami makapaniwala na ang unang boyfriend mo ay si Zeo Freud na kilalang matinik din sa larangan ng negosyo. Hanggang ngayon ba, mahal mo pa rin ba siya?" "Teka lang po, bakit ninyo inuungkat ang personal kong buhay? I thought this is an event? Event for the new branch of Santiago's Beauty Products. Sinagot ko ang tanong ninyo kahit hindi kasali sa event na ito," seryosong pahayag nito. May biglang lumapit kay Avery at may binulong. Tumango-tango ito. Kinuha ng naka-uniform na babae ang microphone. "Hello to all reporters, she is already done answering your questions. So excuse us and enjoy the event." Sinundan niya ito ng tingin. Naglakad ito patungong inuupuan nito kanina. Tumayo siya at hindi na pinansin kung sino ang tumatawag sa kaniya. Basta ay kailangan niya itong makausap tungkol sa relasyon nila. Gusto niyang magpaliwanag sa mga katarantaduhang ginawa niya noon. "Hi, Ave." Nanigas ang dalaga sa kinatatayuan nito. Tumingin ito sa kaniya. "Hi." Tipid na ngumiti ang dalaga sa kaniya. Halatang napipilitan lang itong makausap siya. "Wow! I couldn't believe this...that we meet again, my Avery." He put his hand inside the pocket of his slacks. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili niyang haplusin ang napakagandang mukha ng babae. "Can I talk to you privately?" "We can talk but not in a private place," diretsang sagot nito at hindi man lang siya nagulat. Alam naman kasi niyang ayaw na siya nitong makausap na silang dalawa lang. Sino naman siya para makausap ng dalaga nang pribado? Kung siya mismo ang gumawa ng paraan para layuan siya ng babaeng mahal niya noon. "Please," he begged. Puno ng pagsusumamo ang tono ng boses niya. He wanted to talk to her in private. Gusto niyang makausap ito sa mga kagaguhan niya noon at humingi ng tawad sa mga sakit na binigay niya. "No. If it is important then tell me directly. I don't wanna waste my time talking to someone who is talking nonsense." Nasapol siya sa prangkang sinabi nito. Humugot siya ng malalim na hangin para mawala ang kaba niya dahil sa kaharap niya ngayon. "Sorry for the things I've done to you a long time ago, Avery. Can you give me another chance to prove myself to you that I still love you? To prove to you that I am sincere about my feelings for you?" "I’ve forgiven you already and no, I don't want to give you another chance. You can go now and stop bothering me." Napatiim-bagang siya sa sagot ni Avery. "I won't give up on the two of us, even if you had a boyfriend before. I will not allow them to own you. What mine is mine, no one can own you, my sweet innocent Avery," mariin niyang sambit sa dalaga. Nanlilisik ang mga matang tiningnan siya ng dalaga at tinaasan siya nito ng kilay. "Wala ng tayo, Zeo!" Pagak na tumawa ito sa harapan niya. "At hindi mo ako pag-aari. Simula't-simula pa lang noong binitiwan mo ako." Tinalikuran na siya nito habang siya ay natuod sa kaniyang kinatatayuan. Napasuklay siya sa kaniyang buhok at napahinga nang malalim sa sobrang sakit na ng mga sinabi nito. Pinamukha sa kaniya nito na wala na siyang karapatan sa buhay nito. Ngayon, alam na niya na mahirap paamuhin ng dalaga dahil sa kagaguhan niyang ginawa noon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD