CHAPTER 1

1420 Words
Lumipas man ang anim na taon, hindi pa rin nakalilimutan ni Avery ang lahat na masasakit na ginawa ng lalaking minahal niya. But life must go on, sabi nga nila. Naniniwala siyang patuloy pa rin ang buhay kahit na masakit ang pinagdaanan niya noon. Mawawala na lang ito bigla na parang dinaanan o nilipasan lang ng panahon. Mawawala ang sakit na ginawa ng taong pinahalagahan ng bawat isa. Madali lang magpatawad pero hindi madaling makalimot. Mahirap kasi mahal niya iyong taong nanakit sa kaniya. Pinilit niya ang kaniyang sariling makalimot sa mga memoryang nakasama niya ang taong iyon. Ngunit hindi niya namalayan, nawawala rin pala ang sakit ng kahapon. Kahit papaano ay nakatulong sa kaniya ang mga taong malapit sa kaniya at nagpapasalamat siya sa mga ito. "Miss Avery, ngayong gabi na po pala gaganapin ang opening ng bago nating branch ng Santiago's Beauty Products." Napabalik siya sa huwisyo at napabaling ang atensyon niya sa kaniyang sekretarya na tumatayo na ring personal assistant na si Willaine. Hindi niya napansin na kinakausap na pala siya nito. "Ang sabi ko po ay ngayong gabi na po pala gaganapin ang opening ng panibagong branch ng Santiago's Beauty Products." Natatawang napailing ito sa reaksyon niya. Hindi niya kasi narinig ang mga sinasabi nito kanina dahil sa kaniyang malalim na iniisip. Nawala na tuloy sa isip niya na may event pa pala silang dapat asikasuhin. Bakit ba kasi niya nakalimutan iyon? Dahil ba sa dami niyang iniisip o baka kaya dahil bumabalik sa kaniya ang mga ala-alang kinalimutan na niya? Napailing siya sa kaniyang naiisip. Dapat hindi na niya iniisip iyon. Kailangan niyang maghanda para sa opening nila mamaya. Halo-halo na ang kaniyang emosyon ngayon. Sobrang tuwa, kaba at galak ang naramdaman niya dahil sa gaganapin mamaya. "Okay." Iyon lang ang tugon niya sa sinabi ng kaniyang sekretarya. "Is there something bothering you, Ms. Avery?" biglang tanong ni Willaine sa kaniya. Nahalata kasi ng kaniyang sekretarya na natulala siya. "None. Don't mind me," umiiling niyang sabi na nakangiti para hindi ito makahalata. "Okay, Miss Avery." Napansin niya na parang hindi naniniwala sa sagot niya ito at tumahimik na lang. "The event will start at ..what time is it again?" tanong niya at pag-iiba na lang niya sa usapan. "Exactly eight o'clock in the evening po, Miss Avery." Naglakad sila patungong sasakyan nila. Hindi nila inaasahang maraming mga reporters sa labas ng NAIA. "Why are they all here, Willaine? I told you to keep my arrival a secret so no one would know that I am here in the Philippines." She didn't expect na mayroong mga reporters ang sasalubong sa kaniya dahil inilihim nila ito. Akala ng lahat next month pa siya dadating. Ayaw kasi niya na may reporters pa na sasalubong sa kaniya pero heto siya, narito sa sitwasyon na sinasalubong na ng mga reporters. "Hindi ko alam, Ms. Avery. Wala naman po akong sinabihan," paliwanag nito. Napapikit na lang siya at huminga siya nang malalim "Okay. Nangyayari na." Ano pa ba ang magagawa niya? Nangyayari na nga. Hindi naman maiiwasan na magkaganito talaga. Exactly eight in the evening, they arrived at the venue. She expected a few reporters but to her surprise, there was a lot of reporters outside the hotel! "Miss Avery, we didn't expect that you will come here in the Philippines earlier than we expected." "Yeah but I’ve already changed my mind. I decided to reschedule my flight the reason why I'm here now." "Totoo bang lumayo kayo sa Pilipinas dahil sa mahal mong si Zeo?" Hindi siya nakaimik sa tanong ng reporter. "Please excuse us," sabi ni Willaine na nasa tabi lang niya. Hindi kasi niya inaasahan ang tanong na iyon at buti na lang dahil nandiyan ang kaniyang sekretarya. Nakatakas naman sila sa mga reporters. "Okay lang ka lang ba, Avery?" nag-alalang tanong nito. "I'm fine. Don't worry about me." Hindi niya inakala na wala na siyang mararamdamang sakit sa dibdib niya nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon. Hindi na siya galit sa lalaki. Oo, noong una ay nakaramdam siya ng galit ngunit nang lumipas ang anim na taon, natutunan niyang tanggapin na hindi na siya nito mahal. She was content with her life right now. Naglakad na sila patungo sa loob ng hotel. "Miss Avery, dito iyong upuan mo kasama ng mga board of directors." Napatingin siya kung saan tinuro ng kaniyang sekretarya ang magiging upuan niya. "Okay, thank you," pagpapasalamat niya sa sekretarya at umupo na. "Good evening, Miss Santiago," bati ng mga board of directors sa kaniya. Nginitian niya ang mga ito at bumati sa kanila. Napabaling ang atensyon nila nang magsalita na ang emcee sa stage. "Good evening, ladies and gentlemen! Are you excited that Santiago's Beauty Products is having a new branch here in the Philippines!" the emcee asked. "Yeah!" The people were all yelling. She smiled at what she heard, she felt how excited they were. "So, we don't need to wait any longer because here comes our gorgeous and famous CEO! Ms. Avery Santiago. She owns the Santiago Beauty Products, the top one beauty products not only in Asia but all around the globe!" Tumayo na siya at naglakad patungo sa kung saan ang stage. Maraming mga nag-flash na camera sa kaniya. Ngumiti lang siya sa mga ito at patuloy na naglakad patungong stage. Nang makatungtong na siya sa stage ay mabilis na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya, lalo na nang makita kung gaano kasaya ang mga mukha ng mga dumalo sa opening branch nila. Kita niya ang kasiyahan ng mga ito dahil lang sa nandito na sila sa Pilipinas para magbukas ng bagong branch. Matagal na niyang balak na magbukas dito sa Pilipinas na kaniyang kinalakihan. Kaya lang, may mga kailangan pa siyang dapat asikasuhin para hindi magkaproblema magkataon. Umupo siya katapat ng mga naghihintay na mga reporters. Alam niyang hindi lang beauty products ang tatanungin ng mga ito kung ‘di pati na ang nakaraan niya. "Good evening to all of you. Thank you for accepting our invitation. I thought that some of you would not come here because some of the businessmen declined our invitation. They thought that these beauty products are for girls only but you are all wrong. Even if you are gay, lesbian or any kind of genders, they can use my products. It can help your skin to be more beautiful, glowing and it can maintain young looks. So may we start our question and answer portion?" Nilibot niya ang kaniyang paningin. Tiningnan kung sinu-sino ang mga pumunta. Nakita niyang may ilang mga sikat na artista, modelo at pati na ang mga ambassador niya na nagsipuntahan. Ngumiti siya sa mga ito at tumango. Nagsisimula nang magtanong ang mga ito kung ilang taon na siyang namamahala sa kompanya. Kung paano niya pinalago lalo ang kompanya at kung sino ang nagbigay inspirasyon sa buhay niya para lumago ito. Sinabi niya sa lahat kung paano lalong lumago ang kompanya. Puno ng galak at kasiyahan bawat ang salitang lumalabas sa bibig niya. Sinabi niya kung gaano kahirap magpatakbo ng kompanya at kung paano siya nagpursige para mas makilala ang kanilang produkto sa ibang bansa. Nagpapasalamat din siya sa mga staff niyang tumutulong sa kanila para mas lalong lumago ang kanilang negosyo. "Okay, Ms. Avery. May tanong ako. Are you having a relationship right now?" a reporter asked. Nabigla siya sa klase ng tanong ng reporter. Hindi niya inaasahan na ganoon agad ang pambungad sa kaniya. Ngumiti siya sa reporter. "Actually, I am single." "Okay, Ms. Avery. So how long have you been single right now?" This was it. Mauungkat ang hindi dapat maungkat. Wala siyang magawa kung ‘di sumagot na lang. "Since three years ago." "So three years ago, ilang taon kayong magkarelasyon?" "Hindi po tumagal ng taon, half year lang po then pagkatapos wala na." Hindi labag sa kalooban niyang sagutin ang mga katanungan ng mga reporter pero hindi niya inaasahan na ganito ang kahihinatnan nang tanungin siya tungkol sa nakaraan niya. "Who is your first boyfriend?" Nawala ang ngiti sa labi ni Avery sa tanong ng reporter. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa tanong nito. Nagdadalawang-isip siya kung dapat ba niyang sagutin ang katanungan nito. Dapat ba niyang sagutin o hindi? Baka magkagulo pa ang lahat. Kung sasabihin niya ay baka uusisain pa siya lalo. Alam niyang kilalang tao ang minahal niya noon. Palagi itong nasa magazine o ‘di kaya nasa television talking about his successful career. Bakit niya nalaman? Kasi kilala rin ang lalaki sa ibang bansa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD