CHAPTER 2:

1111 Words
CHAPTER 2: SHOWER. "Halika na, dalian mo!" Hinila niya na ako papunta sa isang motel. "Huwag kang mag alala, tinawagan ko na ang mga maids sa bahay namin. Sila ang magpapaligo sa'yo. As if naman ako ang magpaligo sa'yo? No way!" Napairap na lang ako sa sinabi niya, talagang diring diri sya sa akin 'no? Ganun na ba ako kabaho? Sabagay tatlong araw na yata akong hindi naliligo eh. Hinarang kami ng guard sa motel. "Ah, sir. Hindi po pwede ang pulubi sa loob." Tumigil kami sa paglalakad at dumukot ulit sya sa kanyang bulsa. Ano? Babayaran nya na naman? Grabe sige na, siya na ang mayaman. "Karlo Ledesma. Ledesma, at itong pulubing ito ang magdadala ng swerte ko." Inabutan niya ng pera ang gwardya at sa isang iglap ay pinapasok kami sa loob. Ayaw talaga sana kaming tanggapin pero dahil siguro sa pangalan niyang ipinangangalandakan niya ay pinapasok rin kami. Ganun siguro sya kasikat? Hindi ko alam kasi wala naman kaming tv. Minsan nakikinuod kami ng tv kila Aling Kaykay pero hindi ko naman sya nakikita sa tv. "Iiwan na kita dito, ayun ang banyo. Maligo ka na darating dito mamaya ang mga maid." Tumango lang ako at lumabas na sya ng kwarto. Manghang mangha ako sa loob ng kwartong ito. Napakaganda, napakalinis at sigurado akong hindi ako bagay dito. Pumasok ako sa banyo at isinara ang pinto. Ang laki ng banyo, samatalang ang pinagliliguan namin ni Dodong masikip at wala pang bubong. Naghubad na ako ng damit at hinanap ang gripo. Nasa lababo ang gripo at walang tabo! Hala, walang tabo paano ako maliligo? Luminga linga ako sa paligid at naghanap ng pwedeng gawing tabo. Grabe naman itong banyo na 'to, ang ganda ganda kulang naman sa gamit. Lalabas sana ako ng banyo pero napatigil ako ng makita ang isang pang bilog na pihitan sa tabi ng gripo ng lababo. Bilog iyon na may tubong kumukunekta sa taas na may parang salaan? Ano ba yun? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan. Kaya sa sobrang pagiging kuryoso ko ay pinihit ko ang pihitan na iyon at laking gulat ko ng biglang umulan! "Ah, waah! Umuulan!" Napasigaw ako sa sobrang gulat, nabasa ako at pilit kong tiningala ang kisame. Nakita kong galing iyon sa nakakonektang pinihit ko kanina. Hinagilap ko ang pihitan at papatayin sana ngunit lalo lang iyong lumakas kaya pinihit ko pabaliktad at tuluyan iyong humina at namatay. Maiyak iyak ako sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mangyayari. May kumatok sa pinto ng banyo at nagsalita siya. "Anong nangyari sa'yo? Hindi ka pa ba nagsisimulang maligo?" Napabuntong hininga ako at naghanap ng pwedeng itabing sa katawan kong basang basa. Yung damit ko basa na rin kaya kailangan ko ng maghanap ng pangtakip sa katawan ko. Nakakita naman ako ng tuwalya na nakasabit sa isang sabitan kaya kinuha ko iyon at ipinulupot sa katawan ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang nakakunot na noo niya. "Hindi ka naman nalinisan eh. Bakit nagbasa ka lang? Ganyan ka ba maligo? Tsaka, bakit naiiyak ka?" "K-kasi, hindi ko alam kung paano maligo sa letseng banyo ng mga mayayaman! Walang tabo at kapag may pinihit ka pa, bigla biglang uulan." Napatitig sya sa akin at tila pinuproseso ang nangyari sa akin sa loob ng banyo. Hanggang sa bigla syang tumawa ng malakas! Tawa sya ng tawa habang ako ay hiyang hiya. Nagmumukha akong tanga sa lugar na ito. Hindi talaga ako bagay dito. Pakiramdam ko nanliliit ako sa bawat pagtawa niya. Namuo ang luha sa aking mga mata. Habang patuloy sya sa pagtawa. Bumuntong hininga ako at muling pumasok sa banyo at saka kinuha ang mga nabasa kong damit. Pagkalabas ko ng banyo ay tumigil na sya sa pagtawa ngunit kita parin ang ngiti sa kanyang mga labi. "Aalis na ako." Lumabas ako ng banyo at akmang maglalakad palayo sa kanya pero hinawakan n'ya ang braso ko. "Tutulungan ka na lang ng mga maid mamaya. Don't worry babae sila." Hindi sana ako makikinig at aalis na lang pero may kumatok sa pinto at binitawan niya ang braso ko. Dumiretso sya sa pinto at pinagbuksan ang kumakatok. May tatlong babaeng pare pareho ang suot na pumasok sa loob. "Paliguan niyo sya, tulungan niyo dahil hindi sya marunong. Bihisan niyo rin, may damit dyan ayan nasa kama." Tinuro nya ang nasa kama at tumingin ako doon, may malinis na simpleng damit at pantalon doon na siguro'y ngayon ko lang maisusuot sa tanang buhay ko. "Sige po sir." Lumabas na sya sa kwarto at tiningnan ako ng mga babae. "Mukha kang gusgusin, ano ka ba pulubi?" Sabi ng isang babae na may maiksing buhok na kulot. "Ano ka ba, magalit si Sir niyan. Pero ano nga? Bakit ka madungis?" Tanong naman 'nong mahaba ang buhok. Hinampas naman siya nung isa pa. "Wag na nga kayo magtanong tara na at paliguan na natin ito." Utos 'nong mukhang pinakamatanda sa kanila. Nung una ay nahiya pa ako ng nakahubad ako sa harap nila pero mukhang wala naman silang pakielam kaya hinayaan ko na lang. Binuksan nila ang kanina ay parang umuulan. "Ayan, magbasa ka muna dyan kasi ayaw naming mabasa." Mahinahong sabi nung isa. Habang nakayuko ako at hinahayaang dumaloy ang tubig sa aking katawan ay kinakausap nila ako. "Pulubi ka ba?" Tanong 'nong kulot. Tumango lang ako at hinayaan pa silang magtanong. "Bakit ka pinapapaliguan samin ni sir Karlo?" Tanong naman 'nong matanda. Nilingon ko sila at pinunasan ang mukha gamit ang kamay ko. "Karlo ang pangalan niya?" Balik tanong ko naman. Tumango tango lang sila at inutusan nila akong pihitin ang pihitan kanina para mawala ang tubig na bumabagsak sa akin. "Ah, pwede magtanong?" Tanong ko. Nilagyan nila ng  ang buhok ko at kinusot kusot iyon ng isa. "Sige magtanong ka lang." Sagot 'nong tuwid at mahaba ang buhok. Ang isa ay kinukuskos ang likod ko ng sabon at panghilod. Ako ang nagsasabon sa maseselang parte ng katawan ko. "Ano ang tawag dyan sa nilalabasan ng tubig na yan?" Napatigil saglit ang nagshashampoo sa akin, iyong kulot ang buhok. "Shower ang tawag dyan. Sa ating mahihirap kasi tabo ang gamit natin." Naghagikgikan ang mga babae at nagpatuloy sa ginagawa. Ah, ganun pala 'yon! pag mayaman. Hindi na kailangan ng tabo. ~ "Wow!" "Ang ganda mo pala!" "Kaso maliit at payat ka nga lang." Yan ang mga sinabi nila pagkatapos nila akong paliguan at bihisan. Inayos din nila ang buhok ko at tinali. Hinatak nila ako at pinaharap sa salamin. Natulala ako at namangha sa aking itsura. Ang huling kita ko sa salamin sa aking sarili ay yung sobrang dumi ko. Gulo gulo ang buhok at gutay gutay ang damit. "Di ba? Ang ganda mo na." Sabi 'nong matanda. Napangiti ako sa kanila at walang tigil na nagpasalamat. "Walang anuman!" Bumukas ang pinto at bumungad doon si Sir Karlo. Yan na rin dapat ang tawag ko sa kanya. "Sa wakas, natapos ka din!" Sabi n'ya. Nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha. At halos matunaw ako ng tingnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Malinis ka na. Dadalhin na kita sa kumpanya." Dagdag pa n'ya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD