CHAPTER 3:

1040 Words
CHAPTER 3: OFFER. "Grabe, ang gagaling ng drawings mo! Talaga bang pulubi ka?" Hindi makapaniwala sabi ng napakagandang babae na nasa harap ko habang binubuklat ang bawat pahina ng notebook ko. "See,  she's very good! I think we should hire her." Sabi ni Sir Karlo. Tumigil siya sa pagbuklat sa notebook at tumingala kay Sir Karlo at nag aalangang tumingin sa akin. "Marunong kang magbasa at sumulat?" Tanong ng magandang babae. "Opo. Nakapag aral po ako hanggang grade four." Sagot ko. Tumango tango siya at ibinalik sa akin ang notebook ko bago nilingon ulit si Sir Karlo. "Yes, we will hire her but..." Sabi ni Miss Maganda at saka ako nilingon. Miss maganda na lang kasi ang ganda ganda nya at ang bait bait pa. "Kailangan nyang mag aral para walang makapanloko sa kanya. Alam mo naman ang mundong ginagalawan natin Karlo." Sabi n'ya. "Yes napag isipan ko na yan. Ako na ang bahala." Sagot ni Karlo. "Ok sige." Muling ibinaling ni Miss Maganda ang tingin n'ya sa akin. "Tanggap ka na. By the way, I'm Patricia Katty Menandres. Ma'am Pinky for short." Nginitian niya ako at sobra sobra ang tuwa ko sa sinabi niya. Kasabay nun ay ang pagtunog ng aking tyan. Tumawa si Ma'am Pinky at hinampas si Sir Karlo. "Pakainin mo na ang bago mong empleyado!" Umalis sa harap namin si Ma'am Pinky at natuon na sa akin ang pansin ni Sir Karlo. "Oh, sige halika na kakain ka na." Ani Sir Karlo. Nakangiti nya akong hinila palabas ng building na iyon. "Teka wala akong pera." Nahihiyang sabi ko "Ako ang bahala." Dinala nga nya ako sa isang restaurant at pinakain. Ang dami niyang inorder at ako lang halos ang kumain samatalang sya ay isang burger lang ang kinain. Sobra sobra ang gutom ko dahil tanghali na at hindi ako nag almusal. "Parang hindi kain ng babae." Nakangiti sya habang pinagmamasdan akong lamon ng lamon. "Sobrang gutom na kasi ako sir!" Ipinagpatuloy ko ang pagkain at nakinig sa mga sinasabi niyang kailangan ko daw'ng tandaan. "Bibigyan kita ng apartment para may matirhan ka." Tumango tango ako at natigil sa pagkain. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago nag angat ng tingin sa kanya. "Sir, pwede ba akong magpatira ng kaibigan doon?" Kumunot ang noo nya at pinagsalikop ang mga daliri. "Hindi pwede. Baka magpatira ka ng sandamakmak na kaibigan doon." Umiling iling ako at naalala ko si Dodong, naku kawawa naman siya. "Isa lang po ang patutuluyin ko. Kaibigan ko siya at itinuturing ko ng kapatid simula pagkabata." Tumaas ang kilay niya. "Lalaki o babae?" Hindi ko alam kung anong isasagot. Lalaki ba o babae? "Sir, alanganin po." Mas kumunot ang noo niya. "Paanong alanganin?" "Kasi sir, lalaki ang katawan niya pero babae ang puso." Ipinagpatuloy ko na ang pagkain at nakinig ulit sa mga sinasabi pa nya. "Ok, sige. I have an offer to you." "Hmm? Anong sabi niyo sir? Pasensya na hindi po ako nakakaintindi ng english." Tumawa siya ng mahina. "Ok sige, may iooffer sana ako sa'yo." Tumango tango ako at dumighay sa sobrabg busog. "Teka lang sir, iinom muna ako ng tubig." Nginitian niya ako at uminom na ako ng tubig. Pagkatapos ay tumingin na sa kanya ulit. "Sige sir, ano po 'yon?" "Pag aaralin kita." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa man napoproseso ng utak ko ang sinabi nya ay nagpatuloy na sya sa sasabihin. "Pag aaralin kita kapalit ng pagtatrabaho mo sa amin." "Pero sir, matagal na proseso pa ang pagpapaaral." "Nowadays the government had launch a new alternative learning system." Kumunot ang noo ko at mukhang napansin naman niya kung bakit. "Ngayon kasi may Alternative Learning System na." "Ano naman yung system yun?" "Ah, mag aaral ka ng sampung buwan para sa isang exam at kapag nakapasa ka, magkakadiploma ka kaagad. Dalawang taon ang bubunuin mo para makatapos, elementary at highschool since hindi ka nakatapos pareho." Tumango lamang ako at uminom pang muli ng tubig. "Ipapatutor di kita ng english para hindi ka mahirapan umintindi sa amin." Seryoso sya sa mga sinasabi niya. Napakalaking tulong nito sa akin. Matutupad na ang akala ko dati ay fairytale lang. "Maraming salamat po, sir." Nginitian niya ako at lumabas kaagad ang dalawang dimples sa kanyang magkabilang pisngi. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala si sir Karlo. "Walang anuman. Basta, tuparin mo ang gusto ko. Kailangan makapagpasa ka sa akin ng mga design na iaasign sa'yo." "Opo sir!" Sumaludo pa ako sa kanya na parang sundalo. Pagkatapos namin sa restaurant ay lumabas kami at sinama niya ako sa Paragas St., ayun kasi ang nakasulat sa isang sign board doon sa taas. Malapit lang ito sa MNM Building, yung lugar kung saan ako magtatrabaho. "May pinaparentahan kami ditong apartment, ang isa sa'yo na lang since wala namang nag o-ocuppy." Natatawa ako sa accent ni sir, parang pinipilit niyang magtagalog kahit nahihirapan naman na talaga sya. Mabuti na lang at iniwan niya ang kotse nya sa parking lot ng building dahil makakaabala sa masikip na daanan dito kung sakaling nagkotse kami. Maraming mga bata ang naglalaro sa daan at napapatingin tingin sa amin. Marami ring mga tsismosa ng pinagbubulong bulungan kami. Ang mga daligita ay halos tumulo ang laway sa kakatingin kay sir Karlo. Gwapo kasi si sir Karlo at may magandang pangangatawan. Tumigil kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng isang gate na kulay berde. Kumatok sya doon ng ilang ulit at nagbukas naman kaagad. Pagkabukas ng pinto ng gate ay bumungad sa amin ang isang babaeng mataba na sa tansya ko ay nasa tatlumpong taon na. "Sir Karlo! Pasok po kayo." Pumasok kaming dalawa ni Karlp sa loob at sinundan ang babae. "By the way manang Silvia." "Yes, sir Karlo." "Ito nga pala si Ayame. Bago kong fashion designer. Libre syang maninirahan sa apartment." Napahinto si Manang Silvia sa paglalakad kaya naman napahinto rin kami. Nilingon niya si Sir Karlo. "Bakit sir?" Nagkibit balikat si Sir Karlo at hinawakan ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako at naglakad papunta sa hagdanan. "Well, Manang Silvia. Kasama yun sa napagkasunduan namin." Hindi na nagsalita pa ang babae at naglakad na kami paakyat sa sumunod na palapag. "Akin na ang susi." Hiningi niya kay Manang Silvia ang susi at dumukot naman si Manang Silvia sa bulsa ng kanyang besitida. Inilabas nya ang maraming apat na susi na magkakadikit at kinuha doon ang tamang susi para sa apartment. Binuksan ni Sir Karlo ang pinto ng apartment at namangha ako. Simple lang ang buong apartment pero halos maluha ako sa saya dahil sa wakas! Sa wakas hindi na ako matatakot matulog sa malamig na kalsada, sa wakas ay may masisilungan na ako sa twing umuulan. Gusto ko mang umiyak ay pinigilan ko na lamang. Sa halip ay ngumiti ako kay Sir Karlo at nagpasalamat. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD