Chapter Four

1546 Words
He sighed due to frustration. "Fine! Nahuli mo ako na may kasamang ibang babae, is that what you want to hear? Look, ayaw ko na sanang sabihin 'to sa'yo dahil alam kong magagalit ka na naman. Nagsisisi na ako, okay? Baby, I really want to make it up to you, promise I'll be good to you now." Napasinghal si Ishi. "Eh gago ka pala kuya eh. So 'yang kalandian mo palang 'yan ang dahilan kung bakit ako naaksidente?" Nanggilid ang mga luha ni Robert nang sabihin iyon ni Ishi. Oo tama ngang siya ang dahilan kung bakit ito naaksidente, siya rin ang dahilan kung bakit ito nakunan. "I know, it's all my fault," he whispered sadly. "Pero pangako, hindi na mauulit pa 'yon. Hindi na talaga..." "Malandi ka pala eh, mas malandi ka pa sa mga babae. Mas malandi ka pa sa akin alam mo 'yon?! Gusto mo bang bigyan pa kita ng panty?" Ibig nang umiyak ni Robert nang mga sandaling iyon dahil sa paninisi ng asawa pero bahagya pa siyang napangiti sa linya nito. Kahit kalian talaga, kakaiba ang mga banat nito. "Ayaw ko ng panty, masikip 'yon hindi makakahinga ang alaga ko." "So Robert, may anak ba tayo? 'Di ba kamo three years na tayong kasal saka three to four times a week naman tayong nagpapaputok sa kama?" "Oh god..." Napahawak si Robert sa kaniyang noo saka siya napahugot ng malalim na hininga. Why is she asking things too fast? Talaga bang may amnesia siya o ano? Ishi just stared at him with a questioning look. Si Robert naman ay napatingala sa kisame para pigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Iiling-iling siya nang muling bumaling kay Ishi. Then he gave her that sorry smile. "Dapat magkakaroon na tayo ng anak, pero nawala siya kasabay ng pagkawala ng alaala mo." His conscience is still killing him for what happened to their child. "Oh," tanging usal ni Ishi. Medyo nagulat siya sa sinabi nito, subalit wala siyang naramdaman ni katiting na kalungkutan. "That was quite a shock. Hindi ko inaasahan na ganiyan pala ang kuwento ko. Alam ba ng mga tao sa paligid natin ang nangyari sa akin noon?" "No," tugon ni Robert. Nagkibit-balikat lang si Ishi na tila ba wala itong kiber sa mga sinabi niya. "You seem unaffected by all of the things I've just told you," puna niya sa kawalan ng pakialam ni Ishi. "I'm sorry. Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot o ano, pasensiya ka na talaga kuya. You see, I don't even know you. Wala rin sa alaala ko na nagdalang-tao ako. I don't know how I felt before. I actually didn't mind when you said you cheated on me before. I'm sorry but..." Ishi looked away then bowed her head. "Actually, I don't feel anything special for you, hindi kita mahal." "Please don't say that..." Puno ng pagmamakaawa ang mga mata ni Robert. Kaya niyang tanggapin ang lahat ng mga matatalas na salita nito, huwag lang ang mga salitang iyon. "I-I'm sorry..." she stuttered. "I... I'm not trying to make you feel bad or what. I'm just saying the truth." A tear fell down Robert's face. Medyo naalarma tuloy siya r'on. Bihira sa lalaki ang pag-iyak lalo na't sa harap pa ng babae, may matindi itong pinagdadaanan nakatitiyak siya r'on.Sinubukan niyang intindihin ito. Siguro ay totoong nagsisisi na ito, siguro nakokonsensiya ito dahil sa aksidente niya at ipinagluluksa rin nito ang pagkatamay ng kanila raw sanang magiging anak. Mukha ngang sobrang saya pa nito nang magising siya kanina, tapos winawalanghiya pa niya ito ngayon. Naisip ni Ishi na siguro ay dapat niyang intindihin ito dahil mukhang may malalim itong dinadala. "I'm sorry, Robert. I really am. I'm sorry for what happened to your child--- I mean our child. Pasensiya na sa mga sinabi ko. It's just that... wala talaga akong matandaan. Mukha namang gago kung magdadrama ako sa isang bagay na wala akong kaalam-alam hindi ba?" Robert wiped his eyes with that back of his hand. "You don't need to say sorry. Kasalanan ko rin naman ang nangyari, it's all my fault. Ang inaasahan ko nga ay magwawala ka kaya natatakot akong sabihin sa'yo ang nangyari. But look at you, you seem to be just fine with everything." He forced a laugh to ease the tension between them but it didn't work. "Tungkol sa sinabi kong hindi kita mahal... hindi ko iyon sinasadya okay? Siguro kapag bumalik na ang alaala ko, maalala ko kung gaano kita mahal tapos magwawala na rin ako kasi gago ka at dahil sa'yo nasagasaan ako at namatay pa ang anak natin. Oh my god I'm sorry!" Natutop niya ang kaniyang bibig dahil sa mga sinasabi niya. Sa halip kasi na pagaanin ang loob ni Robert ay lalo pa niya itong kinokonsesya. Minsan talaga hindi niya mapigilan ang dila niya na may kakaibang nature. Pambihirang bibig kasi na 'yan! He smiled apologetically, his eyes were full of sorrow. "It's okay. Sanay naman ako na gan'yan ka. Sa totoo lang, isa 'yan sa mga habit mo na lubos kong kinatatakutan, pero 'yan ang pinakaminahal ko sa'yo. Ang katalasan ng dila mo." "Gago ka, ano'ng ibig mong sabihin? Balahura ako magsalita, gan'on?!" Napatawa na naman si Robert, but this time it's a real laugh. "Hindi, ang tamis mo nga magsalita," pang-uuyam pa nito. Nag-asaran pa sila ng ilang saglit at nang gumaan na ang atmospehere sa pagitan nila ay itinuloy na nila ang pagkain. Bumalik sila sa hospital room ni Ishi matapos nilang kumain. Nang malaman ni Ishi na doon ulit siya magpapalipas ng gabi dahil under observation pa siya ay labis siyang nairita. Kahit pa may aircon, television, at sariling banyo siya sa kuwartong iyon ay mas gusto pa rin niya na matulog sa sarili niyang bahay. Pero ang sarili na niyang bahay ay ang bahay nila ni Robert na hindi niya matandaan. Dahil sa kakulitan niya, wala nang nagawa pa si Nike. Idinischarge na rin siya kaagad total doktor din naman si Robert, maaaring ito na lang ang tumingin sa kaniya habang wala siya sa ospital. * * * Lulan si Ishi ng kotse ni Robert nang mapansin niya ang sariling hitsura sa salamin. Lubos na nanibago siya sa sariling hitsura, na wala namang ipinagbago sa totoo lang. Sadyang iba lang ang ayos niya noong college pa lang siya, iyon kasi ang huling hitsura niya na natatandaan niya. Para sa kaniya, mas maganda siya ngayon kumpara sa dati. "Ready?" tanong ni Robert habang pinaaandar niya ang sasakyang black Genesis. She smiled. "Yeah!" "Good," he smiled back. Pinatakbo na nito ang kotse at mula sa ospital ay nagdrive na ito sa highway. Hindi mapigilang mapangiti ni Ishi. Excited siyang makita kung anong klase ng bahay ang mayroon sila. Kung pangit ba o maganda. Pero feeling niya maganda ang bahay nila. Parehas silang doktor, ibig sabihin madatong sila. Pero paano kung akala lang niya 'yon tapos nangungupahan lang pala sila ng apartment? Kadiri kung sa apartment lang! "Kuya, maganda ba ang bahay natin?" Robert frowned. "Just call me Robert... About the house, I think you should see it for yourself." "Pabitin naman 'to! Pero may sarili tayong bahay, right? Hindi naman tayo nangungupahan sa apartment 'di ba?" He laughed. "Baby, we're rich! Of course may sarili tayong bahay. Inaalala mo na sa apartment lang tayo nakatira? You're being funny. Malapit na rin naman na tayo, kaunting hintay na lang. Mukhang masyado kang curious." Nangingiti na rin si Robert dahil kay Ishi. Para kasi itong bata na sobrang curious. Para tuloy gusto pa niya 'tong i-tour sa bahay nila pagdating nila roon. Tiyak naman kasi na hindi kilala ni Ishi ang environment niya ngayon. They sat there in silence. Pinanonood lang ni Ishi ang ibang sasakyan na nakakasalubong nila, binabasa rin niya ang ilang street signs para malibang. Mayamaya ay iniliko ni Robert ang sasakyan. Mahabang daan na naman ang tinahak nila at hindi nagtagal ay natatanaw na rin ni Ishi ang ilang kabahayanan. Nagagandahan niya ang lahat ng iyon. Malalaki at magaganda ang design. European ang tema ng karamihan, medyo nainggit tuloy siya. Ano kaya ang hitsura ng bahay namin? Abala siya sa paghanga sa ibang bahay kaya hindi niya namalayan na huminto na pala ang kotseng sinasakyan nila. Nakatingin pa rin kasi siya sa malayo kung nasaan nakatayo ang ibang bahay. Napapitlag siya nang bigla na lang siyang halikan ni Robert sa pisngi. "We're here babe." Namimilog ang mga matang tinitigan niya ito. Hindi niya napansin na kanina pa pala nakahinto ang sasakyan at nasa gawi na rin pala niya si Robert. Tinawanan muna nito ang kaniyang gulat na ekspresyon bago nito tanggalin ang seat belt niya. Hinalikan naman siya nito sa noo pagkatapos. Para bang nag-init ang katawan niya sa hindi malamang dahilan. Naalibadbaran siya pakiramdam na 'yon kaya bigla niyang nasabunutan si Robert. Saka niya ito iningusan. Tinawanan lang naman siya ito. Ibinaling na lang niya ang tuon sa labas ng bintana pero naalintana 'yon ng paulit-ulit na pagbusina ni Robert. Bigla ay umilaw ang ilang poste sa labas. Bumukas din ang gate at nagmaniobra na si Robert papasok doon. Hindi na masyadong nasipat pa ni Ishi ang hitsura ng bahay dahil masyado na silang malapit. Pumarada si Robert sa garage. Malamang sa garage, alangan namang sa swimming pool? Naunang bumaba si Robert dahil gusto niyang siya ang magbukas ng pinto para kay Ishi.Dahil walang magawa sa buhay si Ishi, napagtripan niyang pag-isipan na lang ng masama si Robert kahit wala naman itong ginagawa. Pagbaba niya ng sasakyan ay muntikan na siyang himatayin sa nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD