Chapter Three

1827 Words
CHAPTER THREE Hindi malaman niRobert kung paano siya magrereact sa tanong ng asawa. "Ishi," he whispered her name. His hand moved to hold his wife's hand but he stopped as she flinches. "A-Ano ba ang problema mo?" Nagbawi ng kamay si Robert. "I'm sorry. Baby, you still remember me right?" "I'm sorry, what?!" Tila nakulili si Ishi nang tawagin siyang 'baby' ng lalaking kasama niya. "And no, I don't remember you. Sino ka ba at kung makatawag ka sa akin ng baby d'yan dinaig mo pa ina ko?" Masamang tumitig si Ishi kay Robert. Naiirita siya sa presensiya nito kahit pa guwapo ito sa paningin niya. Brown hair, brown eyes. Malamlam na mga mata, matangos na ilong. May kaunting facial hair din ito sa ilalim ng ilong at sa baba na malinis ang pagkakaahit. Idagdag pa na matangkad din ito at maganda ang bulto ng katawan. His handsomeness is too manly. Really manly. Overall mukhang may lahi itong Kastila o Amerikano. Kung ano ba talaga ay hindi makatiyak si Ishi. Robert's mouth went wide open. He can't believe what's happening in front of him. Is she suffering from amnesia? But that only happens in movies! Hindi puwedeng mangyari 'yon sa asawa ko. Imposible! God, please tell me that she's only making this up because she hates me! "I'm Robert Damian Montoya Alcazaren, your husband," he said. "Ishi kung kaya mo ako ginaganito ay dahil galit ka sa akin, please save it for later. Sa bahay tayo mag-usap at 'wag kang magbiro ng ganito." Lalong napakunot ang noo ni Ishi. "Pero kuya hindi ako nagbibiro. I don't know you." Totoong hindi niya kilala kung sino ang lalaki sa harapan niya. Hindi nga niya matandaan kung paano siya nasagasaan. "I think I should call my tita." "No!" bulyaw ni Robert. Nahilot niya ang sentido niya dahil sa pagkakunsumi sa asawa. Wala sanang problema kung wala silang pinag-awayan ng asawa niya, pero mayroon. Sa loob ng tatlong buwan ay hindi niya kinontact o ipinaalam man lang sa pamilya ni Ishi ang kung ano'ng nangyari dahil tiyak na ilalayo nito ang kaniyang asawa lalo na kapag nalaman nito kung ano ang nangyari sa kanila noong araw na iyon. He sat back on the couch because of frustration. "Please Ishi, baby please don't do this to me," he begged. Ishi scratched the back of her head absentmindedly. "I'm sorry. Kuya seryoso ka ba na asawa kita? Ang weird kasi, I don't know you." Napabuntong-hininga si Robert. "Look at your hand," he demanded. Tinitigan ni Ishi ang kaliwang kamay niya at naroon ay ang isang gintong singsing. Kusang dumako ang tingin niya sa singsing na suot din ni Robert. Muli ay napakunot ang noo ni Ishi, hindi dahil sa pagkairita kundi dahil sa pagtataka. Ano ba ang mga pinagsasasabi ng lalaking kasama niya? Bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok si Nike na may dalang tubig at botelya ng gamot. "Kamusta na?" nakangiti nitong tanong sa kanila. Robert quickly stood up. "She doesn't remember me!" he said out of rage as he points at his wife. Nike gaped. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa confused na Ishi at galit na Robert. "S-Saglit lang." Inilapag nito saglit ang baso ng tubig at ang gamot sa tabing mesa. "Ishi, you were hit by a car four months ago. Apat buwan kang in coma dahil nagka-fracture ang bungo mo and it needed time to heal. Can you give me a recap of things that you did before the accident?" Kinabahan doon si Robert, baka maalala nito na nagdadalang tao siya o 'di kaya'y pati ang pangyayari sa café ay maalala nito. Nagkibit balikat si Ishi. "I don't know. Ang natatandaan ko lang ay nasa Clark Spencer Memorial University ako." Luminga-linga ito sa paligid. "Teka, nasaan 'yong bag ko. Hindi ko pa naibabalik kay Matt 'yong librong hiniram ko, ipapakita pa raw niya kasi sa English teacher namin 'yon." Natutop ni Nike ang kaniyang bibig. "Oh my god, CSMU? Hindi ba high school ka pa nang doon ka mag-aral?"      * * * Nanatili si Robert sa labas ng private room kung nasaan si Ishi. Matagal-tagal na rin simula nang tumayo siya roon at nakakaramdam na rin siya ng pagkangawit pero hindi niya magawang lumayo. Kasalukuyang kinakausap ni Nike ang asawa niya at kanina pa siya naghihintay para matapos ang mga ito. Muli ay napabuntong-hininga siya. It's a good thing for him that his wife doesn't remember anything about his cheating and she will not mourn for their child's death, pero ang problema ay maski siya hindi nito maintindihan. Finally the door opened. Sinamahan siya ni Nike doon sa labas. "May amnesia nga siya Robert," malungkot na balita nito. Malutong na napamura si Robert. Kahit alam na niya ay umasa pa rin siya na sana hindi iyon nangyari sa asawa niya. "Hindi puwede 'yon Nike! Hindi niya ako matandaan!" "I know! Hindi rin niya ako matandaan! Wala siyang matandaan at wala tayong magagawa!" piyok nito. "Pasalamat na lang tayo na buhay pa siya dahil kamuntikan na siyang mamatay noon. Normal lang siguro na wala siyang matandaan dahil malala ang naging sugat sa ulo niya, alam mo 'yon. Siguro naman maaalala niya rin tayo Robert. 'Yon nga lang, it may take months or maybe even years." Robert punched the wall several times because of too much frustration. Napasandig siya sa dingding pagkatapos niyang saktan ang sariling kamay. Mainit at mahapdi ang pakiramdam ng kaniyang balat pero binalewala niya iyon dahil mas inaalala niya ang kaniyang asawa. "How is she?" he finally managed to say in a casual tone. "Sa tingin ko maayos na ang kalagayan niya. Pero bago namin siya idischarge, magra-run muna kami ng ilang test para makasigurado na okay na siya." Napatango si Robert. "Nga pala, samahan mo siya sa cafeteria sa baba. Doctor ka, alam mo ang prescribed na pagkain sa mga tulad niya. Sige na, alagaan mo siya." Binalikan na ni Robert ang kaniyang asawa sa kuwarto nito. "Hey," he greeted her. Ipinatong din niya ang palad niya sa ulo nito tulad ng ginagawa niya rati. Binigyan siya ng nagtatanong na tingin ni Ishi, pero ngitian naman siya nito kahit papaano. "Hi," ganting bati nito. "Kuya, Robert ang pangalan mo 'di ba?" Naikuwento na sa kaniya ni Nike kung sino ito. Robert daw ang pangalan, pero tinanong pa rin niya para makasigurado. Tumango si Robert. "Oo, pero 'wag mo akong tawaging kuya. Asawa mo ako." "Okay," she responded shyly. Lumapat ang paa ni Ishi sa malamig na sahig. Mabilis naman siyang inabutan ng tsinelas ni Robert. "Salamat." "You're welcome. Pero Ishi, can I hug you?" "What?" Hindi sigurado si Ishi sa narinig pero base sa hitsura ni Robert, mukhang gusto nga nito ng yakap niya. Asawa, raw... niya ito. Siguro naman ay ayos lang na yakapin siya nito. "S-Sige---" Mabilis siyang niyakap ni Robert. Ilang buwan din siyang nangulila na mayakap itong muli. Mahigpit ang paraan ng pagkakayakap nito pero hindi naman sa paraang nakakasakit. Nasasarapan pa nga si Ishi sa init na dulot ng katawan nito. Bigla ay bumaba ang mga labi ni Robert sa bibig niya. Mariin niyang hinalikan ang asawa. Alam niyang nabigla ito dahil nakita niya kung paano manlaki ang mga mata nito subalit wala na rin naman itong nagawa dahil hindi siya nito maitulak palayo. Matapos niya itong halikan sa labi ay hinalikan niya naman ito sa noo. "Namiss talaga kita ng sobra-sobra. Buti na lang at ibinalik ka pa sa akin ng diyos..." Nag-iinit ang mga pisngi ni Ishi dahil sa mga ginawa ni Robert. But she guessed that's just fine, asawa niya raw ito eh. Saka siguro mahal siya nito kaya talagang nangulila sa kaniya, baka lang naman. Namiss siguro ang mga labi niya...      * * * "So... kuya, Robert? Asawa nga kita?" tanong ulit ni Ishi habang nagtitingin sila ng pagkain sa cafeteria. Napabaling si Robert sa kaniya habang kumukuha ito ng tray. "Yeah," abot-taingang tugon nito. "Don't call me kuya, Robert na lang. Puwede ring 'babe' or 'baby', endearment kasi natin 'yon." Tumango ito. "Ilang taon ka na? Saka ano'ng trabaho mo?" Lumapad ang ngiti ni Robert. Para kasing iniinterview siya ng asawa niya, naalala tuloy niya 'yong mga panahon kung saan nasa stage pa lang sila ng 'getting-to-know-each-other'. "I'm twenty-nine, at surgeon ako rito." Napanganga si Ishi. "So twenty-nine years old na rin ako?!" Robert chuckled. "Silly, you're only twenty-six. Actually pediatrician ka rito kaya kilala ka ng mga tao." "Wow. Pediatrician pala ako," wala sa sarling usal naman niya. Umupo na sila sa isang mesa. Malungkot si Ishi dahil pulos gulay lang ang ulam niya. Gusto niya sana ng litsong manok man lang o sisig pero bawal pa raw muna iyon sa kaniya. "Eat well," he said. "Robert, 'di ba asawa kita?" Napakamot sa ulo si Robert, medyo naiirita na siya sa paulit-ulit na pagtatanong ni Ishi. "Ilang beses mo nang naitanong sa akin 'yan ah. Oo, mag-asawa nga tayo. Mrs. Ishi Alcazaren ka na for three years." "Ibig sabihin kung asawa kita, nagkikiss tayo 'di ba?"  Napatawa ng malakas si Robert sa tanong ng asawa. "Oo naman. Kanina nga lang naghalikan tayo." Ishi rolled her eyes. "Gago, ikaw lang ang humalik sa akin. Halikan your face." Medyo ilang pa rin siya sa nangyaring iyon subalit hindi naman iyon masyadong nahahalata ni Robert. "So kung nagkikiss tayo, ibig sabihin nagsesex din tayo right?" Tatawa-tawang nahampas ni Robert ang mesa nila. "Ano ba'ng klase ng mga tanong 'yan?" "Ewan ko sa'yo!" Buwisit ang tino ng tanong ko tapos tatawanan ako ng tarantado hindi ba niya alam na ang lalim ng hinugot kong tapang para maitanong 'yon? Nang medyo nakarecover na sa pagtawa si Robert ay sumagot na rin siya. "Oo naman. Madalas tayong maglamupungan, mahilig ka kasi!" tuya pa ng demonyo. "Ilang beses sa isang linggo?" Robert shrugged. "Three or four times a week. Bakit ba gan'yan ang mga tanong mo? Don't tell me, ini-imagine mo ngayon na gagawin ulit natin 'yon. Gusto mo ba?" pilyong tanong niya. He would really love to have his wife back again on his bed. Namimiss na niya ang mga pag-ungol nito tuwing magtatalik sila. Ishi shoved a spoonful on her mouth. "I don't know. I guess I'm just curious. Sige sa susunod na nga lang ako magtatanong. Ang itatanong ko na lang ay kung ano ang nangyari sa akin n'ong naaksidente ako. What happened to me?" Natahimik bigla si Robert. "Nasagasaan ka," maikling tugon nito. "Ano 'yong mga pangyayari bago ako masagasaan?" "We had a fight." This time he did not meet her eyes. Hanggang maaari sana ay ayaw niyang malaman nito ang mga ginawa niya. Napansin ni Ishi na tila ba umiiwas ito sa topic. "Bakit tayo nag-away?" "Because I was a jerk." Binitawan ni Ishi ang kutsara niya saka siya humalukipkip at pinagtaasan ng kilay si Robert. "Paano kang naging jerk?" Gustong magpaliwanag ni Robert pero hindi niya magawa. "So ayaw mong sabihin sa akin ang mga detalye at sinasamantala mo ang kawalan ko ng alaala kaya pinagmumukha mo akong tanga?" Alam niya ang ibig sabihin ng maiikling sagot nito pati na rin ang pag-iwas nito ng tingin mula sa kaniya. He's hiding something! At alam niyang hindi maganda ang itinatago nito, malakas ang kutob niya. Robert shook his head. "No." Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Hindi naman sa pinagmumukha kitang tanga Ishi." "Eh bakit nga?!" she said impatiently. He had no choice but to explain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD