Chapter Two

1388 Words
Mabilis na rumesponde ang ambulansiya. Hindi malaman ni Robert kung ano ang gagawin niya lalo na nang mawalan ng malay si Ishi. Nang makarating sila sa ospital na pinagtatrabahuan nilang dalawa ay sinalubong kaagad sila ng mga kaibigang doktor. In-assist sila ng ilang nurse para dalhin ang stretcher ni Ishi tungo sa ER. Gulat na gulat ang mga ito lalo na nang malaman na si Ishi ang pasiyente. Puno ng pagtatanong ang mga titig ng mga ito. Nike's eyes were wide when he faced Robert. "Robert, ano'ng nangyari?" tanong nito habang tinatakbo nila ang daan papunta sa emergency room. "Nasagasaan siya Nike. Please help my wife, please," pagmamakaawa niya sa kaibigang surgeon. "Parang awa mo na Nike, gawin mo ang lahat ng kaya mo para iligtas si Ishi." "I'll do my best!" Nike answered before going inside the emergency room together with some nurses. Naiwang mag-isa si Robert sa labas ng emergency room. Naiumpog niya ang noo niya sa pader dahil sa labis na pag-aalala. What if she doesnt't make it? Oh god, please... I don't want to lose her. Tears are falling down on his handsome face. Hindi niya maiwasan na sisihin ang kaniyang sarili. Kung hindi sana siya nakipagkita ngayon kay Ella, eh 'di sana hindi nangyari ang lahat ng 'to. Kung hindi siya sana nagkaroon ng affair sa simula pa lang, none of this would have happened! "Robert!" Kilala niya ang boses na 'yon, si Jennifer Mendez, isa pang kapwa doktor. "Ano'ng nangyari kay Ishi?! Totoo bang siya ang nasa ER ngayon?" she asked. She really wished that Robert would say no. "Yes," he answered in a low voice but he did not turn to face Jennifer. Ayaw niyang ipakita rito kung gaano siya nasasaktan sa loob. "I think I should get myself cleaned and help. Tutal surgeon din naman ako," dagdag pa niya. Sobra-sobra ang pag-aalala niya para sa asawa, at kulang ang salita para ihayag iyon. Malaki ang sugat sa ulo ni Ishi, at marami ring dugo ang nawala rito. Apparently, her skull was fractured. Robert's insides were shaking, he is really nervous and scared for what will happen. Natutop ni Jennifer ang kaniyang bibig. "No!" she cried. Bumaha na rin ng luha ang mga mata nito. "Kakagaling lang niya rito kani-kanina lang. Malala ba siya Robert? Oh my god. Nasabi na ba niya sa'yong buntis siya?" Robert quickly turned to Jennifer for what she said. Napanganga siya sa kaniyang narinig. "What?" "Buntis siya Robert. She's seven weeks pregnant!" Tila ba tumigil ang mundo ni Robert sa narinig niya. She's seven weeks pregnant? 'Yon ba ang rason kung bakit niya ako tinawagan kanina para pauwin ng maaga? Dahil sasabihin niya sa akin na buntis siya. 'T-ng-ina! I'm such an asshole! "I need to help in the operation Jenny." "No, you will not! Baka makaabala ka lang at makasama sa operasyon. You are not emotionally stable, Robert. Ipaubaya na lang natin kay Nike ang lahat. You know his credibility as a surgeon, kaya niyang iligtas ang asawa mo. Just believe..." Jennifer squeezed Robert's shoulder to assure him that everything will go fine. Pero sa loob niya ay wala rin siyang kasiguraduhan. She cannot offer him anything but consolation. May punto si Jennifer at naiintindihan naman 'yon ni Robert kaya ipinaubaya na lang niya ang lahat kay Nike. Sa kabila ng matinding pag-aalala ay pilit pa rin siyang umaasa na maliligtas ang kaniyang asawa at anak. * * * Sampung oras na ang lumipas bago matapos ang operasyon. Halos gabi na pero hindi pa rin umaalis si Robert sa tabi ng ER, tahimik lang siyang naghihintay na nakaupo sa hanay ng silya sa gilid n'on. Finally, lumabas na rin si Nike. Awtomatikong napatayo si Robert nang makita ito. "Your wife is alive," sagot kaagad ni Nike bago pa man ito makapagtanong. Awang-awa siya sa hitsura nito ngayon, his eyes are swollen because of too much crying. "But she's in a coma, pero ayos lang 'yon dahil gigising din naman siya matapos ang ilang linggo." He had to explain that to Robert. He's not emotionally stable, baka kasi magpanic ito kahit pa alam niyang temporary coma lang ang case ng kaniyang asawa. Malala ang pagdudugo sa utak ni Ishi, kaya masuwerteng naging matagumpay ang craniotomy na isinagawa niya rito. "Alam mo ba kung kalian siya magigising, Nike?" Iiling-iling si Nike habang tinatanggal niya ang kaniyang mga guwantes. "I am not exactly sure when, pero gigising siya okay? And I also have a bad news for you." He paused and waited for Robert to speak but he didn't so he just continued. "About the child, pasensiya na Robert pero ginawa na namin ang lahat kaso..." Robert shut his eyes tight then nodded. He knows what Nike means. "I understand Nike, thank you for doing your best." Pilit niyang pinakakalma ang loob niya pero sa totoo lang ay gusto na niyang magwala. Gusto niyang patayin ang sarili niya, because all of this happened because of him! I killed my child... I f-cking killed my child! * * * Ang sabi ni Nike ay ilang araw lamang na comatose si Ishi. But days turned to weeks, and weeks turned to months. Four months nang comatosed si Ishi. Nagka-brain tumor ito dahil sa aksidente at kailangang gumaling muna ang sugat nito sa ulo bago siya magising. It would be really painful if she wakes up immediately. Hindi man maka-diyos si Robert noon ay natutunan na niyang lumapit sa diyos. He prayed every day for his wife. Ipinagluluksa rin niya ang pagkawala ng kanilang anghel. Sana lang ay mapatawad siya ng diyos, lalo na ni Ishi kapag nagising na ito. Dahil sa ilang buwan na pagkawala ni Ishi sa kanilang bahay, doon lang niya naisip kung gaano kalungkot kapag wala ito. Walang nag-e-effort na gumising ng maaga para ipagluto siya. Wala siyang nakakausap tuwing manunuod siya ng telebisyon. Wala ring nagmamasahe ng kaniyang likod kapag sumasakit ang katawan niya. It was those simple things that he missed so much, it was those simple things that Ishi always do for him that he always fail to appreciate. Labis na siyang nangungulila sa mga bagay na iyon. Kung mabibigyan siya ng pangalawang pagkakataon, hindi na siya magloloko pa ulit. Nasa harap na nga niya ang babaeng lubos na nagmamahal sa kaniya subalit nakuha pa niyang mangaliwa! Hindi naman niya ninais na lokohin si Ishi. Sadya lang na may natitira pa siyang pagtingin kay Ella kaya nagkanoon siya. Ngayon ay ang kaniyang ika-dalawampu't walong kaarawan. Ang birthday wish niya ay sana magising na ang kaniyang asawa. 'Yon ang tanging laman ng palagi niyang pagdarasal sa diyos. Subalit natutulog pa rin si Ishi. Sa tabi nito ginugol ni Robert ang buong oras niya para sa araw na iyon. Yumuko siya para halikan ito sa noo. He really misses his wife. "Please wake up. I want to apologize and explain, also I can't wait to say how much I love you," he whispered softly in her ears. A soft moan came out from Ishi's mouth. Robert quickly backed away. Did god grant me my birthday wish?! He studied his wife for a moment, then finally she opened her eyes. Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa dahil sa pagkagalak. Tinawag niya kaagad si Nike para suriin si Ishi. "Where am I?" tanong kaagad ni Ishi nang makita ang doktor. "Hey," masayang bati ni Nike. She was happy to see her friend awake, hindi niya mapigilang mapangiti. "You're in the hospital. You were hit by a car that's why you are here," paliwanag niya. Inasahan na ni Nike na magiging ganito ang eksena dahil hindi ito ang unang beses na may na-comatose siyang pasiyente na inalagaan. Madalas ay nakakalimutan ng mga pasiyente ang huling nangyari sa kanila dahil sa tagal ng kanilang pagkakatulog. Napasimangot si Ishi. "Masakit po ang ulo ko." Napatawa ng malakas si Nike. "Ano ba 'yan Ishi, naaksidente ka lang naging magalang ka na. Gaga, kung makapagbigay galang ka parang ang layo ng agwat ng edad natin. Saglit lang, ikukuha kita ng gamot para sa sakit ng ulo mo. 'Wag kang mag-alala normal lang 'yan." Iniwan muna ni Nike ang mag-asawa. Nakasimangot pa rin si Ishi nang dumako ang tingin niya kay Robert. Abot-tainga ang ngiti nito na hindi niya maintindihan. Namamanyak ba 'to sa akin? "I'm glad you're awake," he said warmly. "I've missed you." Bumabaha sa tuwa ang puso ni Robert dahil nagising na rin ang kaniyang asawa. Nilapitan niya ito para yakapin sana nang mahigpit pero umusod ito papalayo at tumitig sa kaniya na tila ba isa siyang masamang tao. "T-Teka, s-sino ka ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD