MAIN COVENANTS OF THE WITCHES

596 Words
1.      Tipan ng Gabi (Covenant of the Dark Night): Tubig at Apoy ang pangunahing elementong ginagamit ng mga miyembro ng tipan na ito. Ang mga uri ng mangkukulam  na kasapi ay mga sumusunod:  ·         Mangkukulam ng Kugon (Hearth/Kitchen/ Home Witches) -          Linilikha nila ang halos lahat ng kanilang mahika sa bahay o kusina. -          Hilig nila ang magluto at gumamit ng sari-saring halaman sa paggawa ng gayuma. -          Kapag ine-ensayo nila nag kanilang kakayahan, madalas nilang ipaghalo ang kanilang personal at indibidwal na enerhiyang mahikal gamit ang mga langis, d**o, halaman, and iba pang pang-araw-araw na bagay upang makagawa ng mga sumpa, ritwal, at mahika.  ·         Mangkukulam ng Karagatan (Sea Witches) -          Ang kanilang mga kakayahan ay may malalim na koneksyon sa ano mang anyo ng tubig at ang karagatan.  -          Sa kanilang pag-eensayo ng kanilang mga abilidad, madalas silang gumagamit ng buhangin, mga kabibe, o ano mang bagay na may kinalamaan sa tubig.  -          Konektado rin sila sa mga sinaunang alamat patungkol sa mga nilalang ng tubig tulad ng mga sirena atbp. ·         Mangkukulam ng mga Seremonyas (Ceremonial Witches) -          Ang uri ng mga mangkukulam na ito ay tumatawag ng partikular na ispiritwal na nilalang upang tulungan sila sa kanilang mga orasyon o ritwal na ginagawa. (This kind of witches summons partilar spiritual itentities to aid them in their spells or rituals.)   2.      Tipan ng Nalimutang Oras (Covenant of the Forgotten Time): Hangin ang pangunahing elementong ginagamit ng mga miyembro ng tipan na ito. Ang mga uri ng mangkukulam na kasapi ay mga sumusunod:  ·         Mangkukulam ng Oras (Time Witches) -          Mga mangkukulan na may kakayahang kontrolin ang oras. Madali nilang patigilin, pabagalin, pabilisin o maglakabay sa ano mang panahon.  ·         Mangkukulam ng Dimensyon (Dimentional Witches) -          Mga mangkukulam na kayang makipag-usap sa ispiritwal na mundo at kayang magpadala ng mga mensahe sa pagitan ng mga mundo. Madalas ay gumagamit sila ng hayop. Gumagamit din sila ng Astral Projection upang tumawid ng iba’t-ibang mundo.  3.      Tipan ng Sikretong Hardin (Covenant of the Secret Garden): Lupa ang pangunahing elementong ginagamit ng mga miyembro ng tipan na ito. Ang mga uri ng mangkukulam na kasapi ay mga sumusunod:  ·         Mangkukulam ng Kakahuyan (Garden/ Forest/ Green Witches) -          Mga mangkukulan na malalim nag konekyon sa enerhiya ng lupa.  -          Gumagamit sila ng mga halaman sa kanilang sumpa at mahika.  -          Gustong-gusto nila ang kalikasan at ano mang halaman.     4.      Tipan ng Sagradong Buwan (Covenant of the Holy Moon): Liwanag ang pangunahing elementong ginagamit ng mga miyembro ng tipan na ito. Ang mga uri ng mangkukulam na kasapi ay mga sumusunod:  ·         Mangkukulam ng mga Tala (Cosmic/ Star Witches) -          Mga mangkukulam na tumitingin sa kosmos, astrolohiya, at astronomiya. Sa mga elementong ‘yun at sa enerhiyang selestial umiikot ang kanilang mga mahika. -          Kadalasang sinusundan nila ang mga planeta at ang mga posisyon ng mga tala sa kanilang mga sumpa at ritwal.  ·         Mangkukulam ng Buwan (Moon Witches) -          Mga mangkukulam na grupo ng mga kababaihan lamang.  -          Sila ay nakapiring sapagkat ang kanilang mga mata ay purong puti lamang. Hindi sila nakakita ng pisikal na anyo. Bagkus ay ang mga ispiritwal lang ang kanilang nasisilayan. Sila nag may abilidad na kayang makakita ng nakaraan, kalasakuyan at hinaharap.    5.      Tipan ng Pulang Bungo (Covenant of the Scarlet Skull): Isang nalimutan at sinirang tipan na binubuo ng:  ·         Mangkukulam ng Dugo (Blood Witches) -          Mga mangkukulam na gumagamit ng hayop at taong sakripisyo sa kanilang mga ritwal.  ·         Mangkukulam ng Sakuna (Plague Witches/ Mambabarang) -          Mga mangkukulam na gumagamit ng insekto upang mapanakit ng kanilang mga kaaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD