Unang Kabanata: Si Rosa: Ang Unang Mangkukulam ng Dugo

1464 Words
Taong 1662, Bayan ng Munich sa Alemanya “Bitayin! Bitayin!” ang sigaw ng taong bayan sa plaza. Ngayon ang araw kung kailan bibitayin ang isang babaeng nagngangalang Rosa. Galit. Takot. Pangamba. Ito ang nararamdaman ng mga tao roon. Nagsimula ang lahat nang biglaang nagkasakit si Anna. Si Anna ang pinakamagandang dilag sa nayon. Lahat ng kalalakihan ay nabibighani sa kanyang angkin na kagandahan. Isa na rito si Baron, isang binatang tulad ni Anna ay sentro ng atensyon. ‘Tila ba tinakda ng langit ang kanilang mga tadhana. Sa unang pagkakataong sila ay nagkita ay nagkaroon sila ng isang koneksyon. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang pagmamahalan ay ang pag-usbong din ng galit at selos sa puso ni Rosa, ang babaeng lihim na may pagtingin kay Baron. Hindi niya matanggap na mawawala na lang ng ganun ang lalaking pinapangarap niya. Lingid sa alam ng karamihan, si Rosa ay mula sa isang pamilya ng mga mangkukulam. Hindi rin maitatanggi na maganda si Rosa. Tulad ng kanyang pangalan, para siyang isang bulaklak na buong namukadkad. Ngunit hindi ito naging sapat para kay Baron upang magustuhan siya pabalik. Sa isang pagkakataon ay nagkaroon ng lakas ng loob si Rosa upang aminin ang kanyang nararamdamang pag-ibig sa binata. Nadurog ang kanyang puso nang mlamang tanging pakikipagkaibigan lamang ang kayang ibigay ni Baron sa kanya at si Anna, siya lamang ang babaeng sinisinta ni Baron. Tulad ng isang bulaklak na nalalanta, ganun din ang pag-ibig sa puso ni Rosa. Dahilan upang magtanim siya ng pagkamuhi sa magkasintahan. Kung hindi mapupunta si Baron sa kanya; mas makakabuti nang hindi sila mamuhay ng masaya. Isang maitim na balak ang kanyang naisipan. Isusumpa niya ang babaeng umagaw sa tanging nagbibigay sa kanya ng kaligayahan. Upang maisagawa niya ang sumpa; kailangan niya munang makuha ang dalawang importanteng bagay; ilang hibla ng buhok ni Anna at ang kanyang litrato. Upang maisagawa ang kanyang binabalak, kailangan niya munang maging malapit sa kanyang kaaway kaya naman umarte siyang palakaibigan. Batid niyang mahilig magbasa si Anna kaya naman sinadya niya ito sa silid-aklatan sa nayong ‘yun. Umarte si Rosa na isang palakaibigang babae kaya naman nakuha niya ang loob ni Anna. Lumipas ang mga araw at Linggo ay naging mas malapit ang loob ni Anna kay Rosa samantalang si Rosa naman ay lalong binubulag ng kanyang galit. Para kay Rosa, lubos siyang nasasaktan kapag nagkakasama si Baron at Anna. Isa lang ang sigurado; hindi niya na kayang masaktan pa. Nais nitong maisagawa ang binabalak sa lalong madaling panahon. Hinikayat ni Rosa si Anna na tumuloy siya sa kanilang tirahan ng isang gabi. Dahil tuluyan na ngang naging komportable si Anna kay Rosa ay madali naman siyang pumayag. Sa gabing ‘yun ay tuluyan na ngang nakuha ni Rosa ang kanyang pakay. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang sarilling tahanan ay kaagad niyang isinagawa ang ritwal sa bahay ng mga hayop. Inilabas niya ang isang kawa pagkatapos gumawa ng apoy. Habang sinasabi ang enkantasyon, pinaghahalo niya ang mga sangkap sa kawa. Upang mas lalong umepekto ang sumpa ay nag-alay siya ng isang buhay na kambing. Hinalo nito ang dugo sa kawa. Sa pagtatapos ng kanyang enkantasyon ay ang biglaang pagtakip ng mga madidilim na ulap sa kalangitan; kasunod nito ay ang isang kidlat. Kinabukasan ay kumalat ang balitang si Anna ay hindi makatayo mula sa kanyang kama at tila ba isang lantang gulay. Kahit na sinong doktor ay hindi maipaliwanag ang kanyang karamdaman kaya naman hindi nila alam kung anong lunas ang dapat ibigay kay Anna. Tapos na ang problema ni Rosa kay Anna ngunit batid niyang hindi pa ito sapat upang mahalin siya ni Baron. Isang gayuma. Ito ang gagamitin niya upang mapasakamay ang puso ni Baron. Sa pagpunta ni Rosa sa ispiritwal na mundo upang kumuha ng ilang kasangkapan para sa gayuma, may naligaw na bata malapit sa bahay ng mga hayop. Napansin nito ang natuyong dugon na nagmula sa maliit na gusali. Dahan-dahan naman niya itong sinundan. Pagtulak niya ng pinto ay tumambad ang isang nakasabit na bangkay ng isang kambing. Sa isang banda ay may kawa at isang kakaibang bilog na iginuhit sa sahig. May mga kandila pang nakalagay sa palibot. Dahil sa takot sa kanyang nakita ay napatakbo ang bata palayo at kaagad na nagsumbong sa kanyang mga magulang patungkol sa kanyang nakita. Dahil may tenga ang mga pader, at may mga mata ang sahig; mabilis kumalat ang balita. Ilang kalalakihan ang naglakas-loob tignan ang bahay ng mga hayop na tinutukoy ng bata. Napag-alaman nil ana pagmamay-ari ito ng pamilya ni Rosa. Nang makarating nga sila sa lugar ay kaaagd nilang binuksan ang bahay ng mga hayop. Sa kanilang pagbukas ng pintuan ay ang paglabas ng mga langaw. Sinalubong din sila ng isang nakakasukang amoy mula sa loob. Kaagad nga nilang nakita ang bangkay ng kambing na inuuod na. Hindi pa rin nawawala ang kawa at ang misteryosong bilog at mga kandila. “Mga kampon ng demonyo!” ang bulalas ng isa sa kanila. Nagsitakbuhan naman sila palayo. Sa gabi ng araw ding ‘yun ay nagsagawa sila ng isang pagpupulong. Desidido silang huliin si Rosa bilang isang kampon ng demonyo. Bitbit ang mga sulo at itak, sinugod nila ang tirahan ni Rosa. Sa mga oras na ‘yun ay kababalik ni Rosa mula sa ispiritwal na mundo. Kasalakuyan siyang nasa sala siya nang mapansin ang mga papalapit na ilaw. “Magsilabasan kayo diyan!” ang sigaw ng isang tinig nang nasa tapat na sila ng pintuan. Lumabas naman si Juan, ang ama ni Rosa upang kausapin ang mag tao sa labas. “A-anong nangyayari?” ang naguguluhang tanong ni Juan. “Mga kampon kayo ng demonyo!” ang sigaw naman ng isa. “A-anong sinasabi niyo?” “Huwag ka nang magkaila pa, Juan,” ang suway ni Tom. “Nakita namin ang lahat sa bahay ng mga hayop. Naroon ang larawan ni Anna at isang patay na kambing.” “Hindi ko alam kung anong tinutukoy niyo,” ang naguguluhang saad naman ni Juan. “Dakipin ang kampon ng demonyo!” “Dakipin!” ang pagsang-ayon ng taong-bayan. “Huwag!” ang pasigaw na singit ni Rosa sabay labas ng kanilang tahanan. Namagitan naman siya sa pagitan ng kanyang ama at ng taong-bayan. “Ako! Ako ang may kagagawan! Huwag niyo na idamay ang pamilya ko!” “Rosa, paano mo ito nagawa kay Anna?” ang tanong naman ni Baron nang lumapit sa kanya. “Kaibigan mo siya.” “Kahit kailan ay hindi ko magiging kaibigan ang babaeng ‘yun!” ang bulyaw naman ni Rosa sa kanya. “Ninakaw ka niya sa akin!” “Kahit kailan hindi ako naging sa’yo, Rosa,” ang malamig na tugon ni Baron. “Baron, malapit na. Malapit nang mapasaakin ka.” Hinawakan naman ni Rosa ang kanyang braso. “Anong gagawin mo? Dedemonyohin mo rin ako? Tulad ng ginawa mo kay Anna?!” ang sigaw ni Baron sabay tulak kay Rosa papalayo. “Baron, hindi mo alam kung gaano kita kamahal,” ang saad ni Rosa. “Huwag mong gawin ‘to.” “Dakpin siya,” ang anunsyo naman ni Baron. “Dakpin din ang pamilya niya. Halughugin ang buong bahay. Sunugin ang anu mang bagay na sa tingin niyo ay may kinalaman sa demonyo.” “Baron! Paki-usap, ako na lang,” ang paki-usap naman ni Rosa. “Inisip mo sana muna ‘yan bago mo ginawa ‘yun kay Anna,” ang malamig na tugon ni Baro bago nila tuluyang dakpin si Rosa. Ikinulong nga nila si Rosa at ang kanyang pamilya. Sa paghalughog ng taong-bayan sa tirahan nila Rosa, isang kuwaderno ang kanilang nakita. Naglalaman ito ng mga pangalan ng iba pang mangkukulam. Nagkaroon nga ng malawakang pagdakip sa mga mangkukulam. Hindi lang sa nayon na ‘yun, kundi sa mga kalapit na lugar. Hinid pa doon tumigil. Hanggang sa ibang bansa ay inusig ang mga pinaghihilaang mga mangkukulam. Ngayon na nga ang araw ng pagbitay kay Rosa. Pinalakad siya sa isang mataas na bitayan. Nakatakip ang kanyang mukha. Muling nagsimulang sumigaw ang taong-bayan. “Bitayin ang kampon ng kadiliman!” ang sigaw ng boses. Hindi naman nagtagal ay tinanggal nila nag balabal sa mukha ni Rosa. Tumambad sa kanya ang mukha ng mga tao na nais siyang patayin. Mas lalo siyang nanglumo nang makita niya ang mukha ni Baron sa karagatan ng mga mukha. Taas-noo pa rin siyang naglakad patungo sa gitna. Inilagay naman ang lubid sa kanyang leeg. “Sinusumpa ko! Babalik ako at maghihiganti!” ang sigaw ni Rosa sa kanyang kinalalagyan. “Sinusumpa ko. Magbabalik kami at maghahasik ng lagim!” Napasigaw naman sa takot ang mga nakarinig at mas lalong tumindi ang pagnanais na mabura sa mundo si Rosa. Sa pagdating bukang-liwayway, ang pinaka-unang mangkukulam na nahuli ay nawalan ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD